CHAPTER 59- THE MESS I MADE

712K 8.8K 2.7K
                                    

CHAPTER 59- THE MESS I MADE

THIRD's POV

Natapos narin ang Foundation Week kaya balik klase na kami ..

Ang daming nangyari. Hayy.. Anu ba namang nangyayari sa mundo? Halos isang Linggo ring hindi pumasok si Bryle pagtapos nung nangyari sa kanilang tatlo nila Tommy at Nash. Buti nga ngayong Monday eh pumasok na ulit sya kaso..

Nababano ako sa mga tao sa paligid ko ngayon, eh pano..

Free time namin ngayon tapos..

Ang babaerong si Steve na walang alam kung hindi mambabae, aba! tingnan mo ang ginagawa ngayon..

"Hoy Steve anu bang nakaen mo huh?! may lagnat ka ba o anu?!" pang aasar ko sa kanya.. eh kasi ba naman, kanina pa nagbabasa yan ng libro! Yeah! libro namin dun sa Business Management subject! Naknang pupu! eh sa tanang buhay niyan ngayon ko lang ata nakitang may hawak ng libro yan eh! madalas FHM lang binabasa niyan tas ngayon--waaah!

"Shhh.. Third wag ka ngang maingay! Nag-aaral yung tao eh!" -Steve na hindi man lang tumitingin sakin at nakatingin lang sa libro.. wat the?! O_____O

"MAgpapamisa tlga ako mamaya.. MAy nangyaring milagro! " sabay nag sign of the cross pa ako

"HAynako Third, imbis na sinasalaw mo ako bakit ayaw mo nlng din magbasa?!" -Steve.. wat da?

"Utot mo Steve! shet pare hindi tlga bagay sayo! "

"Tch.. bahala ka nga jan Third.." tapos tumalikod sya sa direksyon ko.. naknang pot@.. snob bigla?! wat the hell?!

"Third, samahan mo nga ako sa cafeteria, gusto ko ng matamis.." -Bryle

mukhang depress to.. Pag ganyang gusto niyang kumaen ng matamis either badtrip or malungkot yan.. Well kasalanan niya yan eh..gago sya eh..

"BAkit sasamahan pa kita?! Ikaw nlng Bry--"

"Huh?? anung sabi mo?! tara na?! sige tara na Third!!" -Bryle sabay higit sakin.. potek naman oh! >___<

.

.

PAg dating namin sa Cafeteria..

aw.. Free time rin pala ngayon nila Nash?! aw di ko naitanong kay KAtie ah.. amps.. sa dame naman ng makikita..

Pano, pag pasok namin sa cafeteria.. nakita ko kaagad sila KAtie, NAsh at take note andun si Tommy PSH! eh kasama ko pa namn si Bryle! KAya pala napansin kong nag iba bigla yung expression ni Bryle! yun pala ang dahilan!

"Third bakit ka nakatigil jan?! tara na!" -Bryle na nauna ng lumakad kesa sakin..

Hinabol ko naman sya..

"Hubby!" -tinawag ako ni Katie pagtapat namin sa table kung nasaan sila kaya naman napatigil ako..at ganun din si Bryle

"Oh Wifey, break time niyo pala? hehe.. sinamahan ko lang si Bryle bumili eh.." mejo awkward ang situation kaya as much as possible kahit gusto ko man na samahan si Katie eh kasi ayoko ng gulo kaya..

"Sige huh Wifey, kita nlng tayo mamaya.. bibili pa kami ni Bryle eh.." sabay hinigit ko na si Bryle.. ansama na kasi ng tingin niya dun sa dalawa ni Nash at Tommy.. nyemas naman oh..

.

.

Pagkabili namin..

"Hubby!" -Katie

shet! hindi ba sya makahalata sa sitwasyon?! Iniiiwas ko na nga si Bryle eh!

"O-oh bakit wifey?!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon