CHAPTER 26- SLEEPLESS TONIGHT

844K 9.8K 2.3K
                                    

CHAPTER 26- SLEEPLESS TONIGHT

KATIE's POV

Pagkatapos ng ilang minuto rin siguro yun na pagkakayakap sakin ni Tommy kanina, bigla na lang siyang bumitaw sakin. Lumakad sya papalayo ng hindi man lang tumitingin sakin. Siguro dahil ayaw niyang ipahalatang umiiyak siya. Tapos bigla siyang tumigil paglalakad..

Humarap siya bigla sakin ng siguro ay mapahidan na niya yung luha niya, tsaka sya ngumiti ng medyo pilit. Nagpasalamat siya sakin tapos nagpaalam na uuwi na daw siya.

Gusto ko man na mas matagal ko pa syang samahan kaso, mukhang hindi ko talaga siya mapipigilan umalis eh. Isa pa mukhang kailangan niya rin mapag isa. Nag-aalala nga ako sa kanya eh.

Buong araw lumilipad ang isip ko. Hindi ko mapigilang isipin kung kamusta na kaya si Tommy. Ako ang nasasaktan para sa kanya eh.

Bakit hindi na langkasi ako eh?! Edi sana hindi siya nasasaktan.. pati ako.. edi sana pareho kaming masaya.. kaso..wala eh..  Si Nash talaga ang ma--

"Hey you! Patingin ako ng schedule mo!" aray, patay ako neto.. eto lang naman yung president ng disciplinary committee.. >__<

"Ah..a-ako po?!"

"Sino pa ba?! May katabi ka ba diyan?!" 

Lumingon ako sa magkabilang tabi ko.. mag isa lang akong nakaupo dito sa bench. Cutting ako eh.. patay!

"Sa-sabi ko nga po eh."

"Akin na yung schedule mo.."

"Po?!"

"Bingi ka ba?!"

"Ah hindi po.. eto na nga po oh.." tapos inabot ko na sa kanya yung copy ng sched ko

At pagtingin niya..

Eto na nga ba eh..

"Cutting classes huh?! 5 hours in detention. NOW!" aray.. nadetention pa nga oh! Ang lupet naman kasi ng school na to eh--wait ito lang palang disciplinary president na to. Ako lang ang natimingan niya ngayon! Eh ang dame ngang nagcucutting bukod sakin no! Tsk! Malas ko naman oh TT__TT

.

.

Kaya eto  nga po ako ngayon.. Tsk.. Mag-isa lang dito sa room na walang t.v. or anything, plain white room with chairs and a whiteboard. Nakakamatay ang katahimikan dito! Sana naman kasi may kasama man lang ako diba?! Wala na bang ibang pasaway pa dito bukod sakin?!

.

.

Maya-maya biglang may pinasok pang isang studyante sa room.

At pag tingin ko..

>___________________<

Pag ka nga naman minamalas ka! Sobra na to huh!

"Oooh.. Look who's here.. *smirk.." sabi nya

Nakakainis naman oh! Mas gusto ko pang mamatay nlng sa katahimikan kesa naman makasama tong lalaking to!

Umupo siya sa upuan katabi nung upuan ko. At dahil sa malapit sya sakin, ngayon ko lang napansin..may pasa siya sa mukha, sa may labi niya.. tapos may cut din sa may kilay niya.

"Third anung nangyari sayo?!" sabay hawak ko dun sa pasa niya.. ewan ko ba, bigla na lang akong nakaramdam ng pag-aalala out of nowhere

"Like you care. Wala ka namang pakialam sakin diba?!"  tinabig niya yung kamay ko

Peste to ah! Siya na nga tong! hay!

"Bahala ka nga sa buhay mo kung ayaw mo!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumipat ng ibang upuan.. Naalibadbaran ako sa kanya! Sya pa ang may ganang magsungit ngayon?! Bahala siya!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon