Vampire's Pet

Von FinnLoveVenn

3.2M 105K 11.3K

[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila a... Mehr

N O T I C E
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
SPEACIAL CHAPTER
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
OTHER STORIES
| NOTICE ! MUST READ |

CHAPTER 14

57.7K 1.8K 142
Von FinnLoveVenn

Dedicated to: Ashley_mo10

KAELYNN's POV

❦❦❦

Anong gagawin ko? Bakit sila matutulog sa kwarto ko at ang mas nakakatakot pa dito ay kasama si Sir Daryl!

Actually hindi pala nakakatakot eh, nakakatense na kasi naman sa isang kwarto kami matutulog, oo alam kong kasama 'yung kambal pero kasi parang itsyepwera lang silang dalawa pag and'yan na si Sir Daryl. Jusko! Hindi pwede ito kailangan kong kumampante.

"Okay ayos na," sabi ni Daniel na tinutulungan akong mag-ayos ng hihigaan nila.

"Salamat sa pagtulong." at nginitian ko siya, nagblush siya at bigla akong niyakap.

"Aww Kaelynn ang cute-cute mo talaga tatabihan na lang kita matulog hahaha,"

*BLAG*

Biglang hinitak ni Danrious ang kakambal at na hulog ito sa kama.

"Tayong tatlo ang magtatabi, nakita mo 'yung unan hindi ba? Tatlo." bwisit na bwisit na sabi ni Danrious at pinagsasasakal ang kakambal.

Natatawa na lang ako kung pano sila maglambingan eh.

"Kaelynn." biglang bumilis ang tibok ng puso ko, boses niya pa lang iyon nagbibigay kakaibang sensation na sa utak ko.

"Po?" Kinampante ko maigi ang sarili ko kahit gusto ko nang tumili sa kilig.

"Goodnight," Jusco! Ang sexy nagpagkakasabi niya parang inaakit ako kaso hindi pwede! Runo Kaelynn maghulistili kang babae ka.

Huminga ako nang malalim at ngumiti rin sa kaniya.

"Goodnight po Sir," at pinatay ko na ang ilaw, pero mga ilang minuto ko pa lang pinipikit ang mga mata ko ay na rinig kong bumangon si Daniel.

"Hindi talaga ako makatulog," sabi niya na hinihimas ang likod niya.

"Masakit ang likod mo?" Umiling siya at tinuro ang ilalim ng kama ko.

"Hindi ako mapakali baka may humila sa'kin sa ilalim," napatawa na naman ako, ngayon ko lang na laman na takot pala sila sa mga ganung kwento at palabas.

"Tara tabi tayo," sabi ko sa kaniya at para siyang tutang tuwang tuwa sa amo niya. okay bawiin ko na lang kaya?

"Wag na pala hahaha," sabi ko at bigla siyang na lungkot.

"Kaelynn maawa ka sa'kin." natawa ako at umurong para bigyan siya ng space, tuwang tuwa siyang humiga sa kama at binelatan ang inis na inis n'yang kambal na yakap-yakap ni Sir Daryl.

"Nakakatuwa lang isipin." biglang nagsalita si Sir Daryl na hindi pa rin pala natutulog.

"Kung sino pa ang amo sa mansion na ito sila pa ang na tutulog sa sahig," bigla akong na hiya, tama siya ang kapal talaga ng mukha ko.

"Ay sige Sir dito na po kayo matulog," sabi ko at nagmaktol na si Daniel.   

"Pang dalawahan lang 'yang kama mo kaya magpaparaya na ko, Danrious samahan mo ang kambal mo sa kama at Kaelynn tabihan mo ko dito." utos niya na nagpadagundong sa puso ko at nagpahina sa buong sistema ko.

Jusko, anong gagawin ko?

"Hoy, anong pinagsasabi mo diyan kuya?" sabay na sabay na bulyaw ng dalawa, sinipa niya si Danrious at hinitak ako sa tabi niya kaya na bigla ako.

"Se-se-sir?" Halos mautal na ko at kumindat pa siya sa'kin sabay bulong na
"Makisakay ka na lang," at hindi ko alam bakit parang na nalo ako sa loto sa binabalak n'yang gawin.

"Tsk, makikisiksik ako dito," sabi ni Danrious na niyakap ang kapatid niya sa likuran at dinaganan.

"Awww mag-isa lang ako dito! Kaelynn! Huhu," drama naman ng isa doon sa kama, hay buhay makakatulog ba ko ng ayos sa magkakapatid na 'to?

"Kay Sir Darenn na lang po ako makikitulog tas papahiramin ko muna sa inyo 'tong kwarto ko deal?" Tanong ko pero sinamaan ako ng tingin ni Sir Daryl.

Ay may plano nga pala siya, pero pag nagtagal pa ko sa tabi niya malilintikan talaga ako kay Danrious na para nang lion kung makatitig sa'kin! galit na galit.

"Ah ha ha ha pero Sir Daryl kasi," bigla n'yang sinipa si Danrious at hinagis sa kama. Na bigla ako sa lakas niya at na tameme saglit.

"Ang kulit mo eh, sabi kong matulog kayong dalawa diyan at ako naman ang tatabihan ni Kaelynn, akala niyo hindi ko alam na dalawang beses niyo na siyang tinabihan sa pagtulog!" Hala! Alam ni Sir Daryl 'yon? Ano na lang iisipin niya sa'kin? Na isa akong pariwalang babae? Oh hindi ito maaari!

"Pero si Daniel iyon hindi ako!" Sabi ni Danrious at niyakap siya ng kakambal at pinigilan magsalita.

"Okay-okay dito na kami matutulog," sabi ni Daniel at panay ang pagawat sa kakambal.

Kinalbit ako ni Sir Daryl at binulungan, "Wag kang maingay, sigurado ako gusto ka ng kambal." nanlaki ang mata ko sa gulat at ngumiti pa siya sa'kin.

"Wala kong gagawin sayo matutulog lang tayo," sabi niya pa at tumango ako, inaasar niya lang ba ang kambal? Bakit ganoon? Hindi ba siya masayang katabi ako?

Wait teka! Kaelynn! Ano na naman pinag-iisip ko napakamakasalanan kong babae hindi ito tinuro samin sa bahay ampunan! Magagalit talaga sa'kin si sister pag nalaman n'yang dumudumi na ang isip ko!

Hindi na ko mapakali mang bigla na nagsalita ulit si Sir Daryl.

"May tanong ako sa inyo, ano ang love?" Natameme kaming tatlo sa seryosong tanong niya. napabangon 'yung kambal at sinilip kami.

"Kuya Daryl dahil ba iyan sa horror movie na pinanood na'tin?" Ngumiti siya samin, 'yung ngiti n'yang pamatay hindi sa kilig ah, kundi sa takot this time.

"Seryoso ako, ano ang love." hindi ko alam ba't bumibilis ang tibok ng puso ko doble sa nararamdaman ko kanina, bakit niya na itanong? Hindi niya pa ba nararamdaman ang umibig?

"Para sa'kin ang love hindi mo iyon inaasahan, kusang dumadating ng walang paalam." Sagot ni Daniel at bigla siyang humiga ulit, tahimik kaming tatlo at iniintay ang kasunod n'yang sasabihin.

"Bigla ka na lang magugulat na bukas pag-gising mo inlove ka na pala sa kaniya," seryoso n'yang sabi at bigla niya kong tinapik.

"Pass! ikaw naman Kaelynn, ano para sayo ang love?" Na bigla ako pero lahat sila nakatingin na sa'kin.

Nagbuntong hininga ako at na pagpasyahang sabihin kung anong tingin ko sa love.

"Hmm, para sa'kin?" Tinignan ko silang lahat at seryosong seryoso sila. Medyo kinakabahan ako pero sinagot ko pa rin.

"Ang love, parang sakit iyan." bigla silang na dismaya sa sagot ko.

"Teka lang hinihingi niyo opinyon ko hindi ba pakinggan niyo," at umubo-ubo ako kaunti at natawa naman si Daniel.

"Ang love parang sakit iyan, hindi mo alam infected ka na pala. Malalaman mo lang paglumabas na ang mga sintomas katulad na lang ng pagbilis ng tibok ng puso mo, pag-iisip mo lagi sa kaniya, minsan hindi ka pa makatulog o makakain iyon pala inlove kana," sabi ko at bumangon sabay tapik kay Sir Danrious na kinagulat niya.

"Pass," sabi ko at umurong siya.

"Teka wala akong alam d'yan, hindi ko alam kung ano 'yan," sabi niya at sumimangot, nagbikit balikat na lang kaming dalawa ni Daniel at tumingin kay Sir Daryl.

"Ah alam ko na ngayon," sabi niya at biglang pinat ang ulo ko.

"Lahat ng sagot niyo tama, so bali ang love depende iyan sa taong na kakaramdam nito, kung anong meaning nito sa inyo," tumungo siya at bumulong pero na rinig ko pa rin ang sinabi niya.

"Ang love? Ay si Ashley para sa'kin," parang sinuntok ang puso ko, ha? Ano daw? ba't parang sumasakit na 'yung dibdib ko, bumibilis din ang tibok nito pero hindi katulad kanina masakit sa pakiramdam.

'Yung tipong hindi ka makahinga, parang iniipit ito at gusto kong umiyak pero pinipilit kong hindi mangyari, baka maiyak ako sa harap nila hindi ko kayang mangyari iyon.

Humiga ako at tumalikod sa kaniya.
"Tulog na kayo?" Tanong niya samin at hindi ko na kaya pang magsalita kasi masakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng iyak.

"Oo kuya matutulog na kami." biglang sabi ni Daniel at nang tingalain ko siya ngumiti lang siya sa'kin at binato ang mukha ko ng unan.

Hindi ko alam bakit pagbato n'yang iyon na iyak na ko ng tuluyan, pero salamat sa unan na iyon hindi nila na rinig ang paghikbi ko at tahimik na pagtulo ng luha ko.

May utang na loob na naman ako kay Daniel.

❦❦❦

Maaga akong bumangon at maga ang mata, pagtingin ko kay Sir Daryl wala na siya at bumangon na rin ko.

Nakita ko si Daniel na gising na at nakatulala sa kisame, kaya kinalbit ko siya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya at ngumiti siya.

"Ikaw okay ka lang?" Napangiti ako nang mapait at tumango sa kaniya.

"Okay  lang, salamat sa unan kagabi haha," bumangon siya at bumalik muli sa seryoso n'yang mood papunta sa makulit na naman n'yang sarili sabay yakap sa'kin.

"Aww Kaelynn wag ka nang iiyak," sabi niya sa'kin na medyo mahina para hindi marinig ng kakambal n'yang natutulog.

"Haha hindi ko alam," sabi ko at hindi ko rin alam ba't ko rin siya niyakap, nilean niya ang ulo niya sa balikat ko at bumulong.

"Kung iiyak ka, iiyak din ako." na bigla ako sa sinabi niya sabay bigla na naman siyang tumawa.

"Syempre kawawa naman ang Kaelynn ko." tumawa siya at humiwalay na sa yakap namin dalawa sabay takbo sa CR.

"Naiihi ako haha," sabi niya at sinara na ang pinto.

Bakit ganun? ba't parang na saktan ako sa sinabi niya? ba't parang apektado siya? "Manhid ka kasi," bigla bangon ni Danrious at binato ako ng unan sa mukha.

"Aray! Para saan 'yun!" Sabi ko at binigyan niya lang ako ng bored na expression niya gamit ang mapupungay n'yang mata.

"Para kay Niel," at lumabas na siya ng kwarto, na bato ako sa kinauupuan ko at na rinig kong lumabas na ng CR si Daniel, Inayos ko ang sarili ko at tumayo para ayusin ang higaan namin.

"Tulungan na kitang ligpitin 'to," sabi niya at napatango na lang sa kaniya.

"Sige salamat," sabi ko at sabay namin niligpit ang higaan.

Naligo ako at agad na ginising si Sir Darenn, kumain kami at naglaro pero hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Sir Daryl kagabi at 'yung inakto ng kambal kanina.

Sino si Ashley? Girlfriend ni Sir Daryl?

Pero bakit? Teka-teka Runo Kaelynn anong paki-alam mo kung may Girlfriend si Sir Daryl? At isa pa hindi imposible iyon dahil pogi naman talaga si Sir Daryl, kaso hindi ko man lang alam, hindi man lang tumatak sa utak ko na bawal na pala siyang mahalin kasi may nagmamay-
ari na pala sa kaniya.

Siya ba 'yung kausap ni Sir Daryl sa phone kahapon? Kaya ba siya masaya at parang hindi siya pagkausap niya ang babae na 'yon?

Nakakainis sino ba ang babaeng 'yon?

Bigla ako napahawak sa bibig ko at sinampal ang sarili ko nang malakas, nagulat si Sir Darenn at niyakap ako.

Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko, bakit ganun? ba't ko na sabi'yon? Anong karapatan ko at isa pa nagiging impokrita na ko dahil sa selos na meron ako.

Tama katulad ng sinabi ko isang sakit 'tong pag-ibig at ngayon mukhang nasa pinakamalalang stage na ko.

Kumakalat na ito na pati hanggang sa ulo ko apektado, nakakapag-isip na ko ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip, wala naman akong papel sa buhay niya para sabihin iyon at isa pa napakasama ko para sabihin iyon.

Hindi ko kilala si Ashley pero dahil sa selos ito ako nagsasalita ng masama sa kaniya.

Niyakap ko si Darenn at pinatahan ko siya dahil umiiyak na rin siya.

"Atong problema ate?" Umiling ako at hinalikan lang ang ulo niya.

"Okay lang si ate," huminga ako ng malalimat nag-isip nang maayos.

Kung hahayaan kong lamunin ako ng emosyon ko hinding hindi ko na magagawa ang dapat kong gawin.

Kailangan ko pang maging matatag para pag iniwan ko na sila dito maayos sila at hindi na katulad ng dati.

Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti na siya sa'kin, 'yung ngiting nagbibigay lakas sa'kin araw-araw sa mansion ito.

TO BE CONTINUED 

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

166K 4.8K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
The Vampire Goddess Von Ace

Vampirgeschichten

703K 14.2K 36
"Vampires believe in soulmate. It's like finding your new life. Being born again and having a new life in this world where vampires can't die. Your n...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
The Devil's Trap Von April

Vampirgeschichten

13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...