LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Risk

3.6K 148 31
By freespiritdamsel



**

"MAV!"

Nilingon ko si Mira kahit ang totoo, ayoko talaga siyang makausap. Alam ko'ng ibi-bring up at ib-bring up parin niya 'yong samin ni Prim. At ayoko ng mag-explain. Tapos na kong litanyahan ng mga kaibigan ko kagabi. Dadagdagan niya pa.

"Ano," walang gana ko'ng tanong.

"Can we talk?"

"Mira, if this is about her...No. Tigilan mo nalang kami." Kasi masaya na ako kahit sa ganoong paraan.

Tumalikod na 'ko pero hinawakan niya ang braso ko. Stopping me from walking away. Damn.

"You don't understand." Pagdidiinan niya noong nakaharap na 'ko sakanya. "She's Prim! Sasaktan ka lang niya!"

"I know."

"Kaya nga you should stop what you are about to do! Aki told me about it last night! My God, Mav!"

Tinitigan ko siya. Napabuga pa nga ako ng hangin sa mga pinagsasabi niya. "Unang-una sa lahat, 'wag na 'wag mo ako'ng papakealaman. Kayo. Ikaw ang isa sa mga nagtulak sakanya para mangyare 'to, diba? Kaya pwede ba? Tantanan mo 'ko."

Totoo naman eh. Ano bang pinaglalaban niya eh isa naman siya sa mga dahilan. Kaya dapat hayaan niya ako kung anong gusto ko. Wag nalang siya makealam.

"MAV! Hindi mo kasi naiintindihan!"

"HINDI TALAGA! At kahit subokan ko hindi ko maiintindihan! Problema ko na 'to, pwede ba?!"

Tatalikod na naman sana ako pero pumaharap na siya sakin. Punyeta.

"Mira—"

"Gagamitin ka lang niya!"

"Ako nga walang pakealam! Ikaw pa kaya!"

Hindi na siya nakapagsalita. Kaya naman umalis na 'ko. Dali-daling pumunta ako sa kabilang building. Doon kasi next class namin. Habang naglalakad, sinusubokan ko'ng iwala si Mira sa isip ko. I mean, yung mga sinasabi niya at yung inis ko sakanya. Psh. Mga kaibigan ko nga di nakapalag eh. Siya pa kaya?

Pagpasok ko ng classroom, naroon na sila. Andoon na rin si Aki. Tumabi ako sakanya. Habang di pa nags-start, nags-sketch muna siya. Hindi ko nalang siya pinansin  at nanahimik nalang.

Hanggang sa dumating na ang Prof namin. Nagklase lang siya pero hindi ako mapakali. Hindi ko din alam kung bakit. Hindi ko rin alam bakit si Prim ang naiisip ko. At dahil di ko na kaya.. tinext ko nalang siya.

Mavis: Asan ka? Okay ka lang ba?

Noong araw na 'yon. Pumayag siya sa sinabi ko kahit na alam ko at kitang-kita ko'ng natatawa siya at nagulat sa sinabi ko. But knowing her now, mas kinatuwa niya 'yon. I'm a willing victim. Noong araw rin na iyon hinatid ko talaga siya sa bahay. Tapos nung nasa harap na kami ng bahay nila, sabi niya ngayon nalang daw kami mag-usap kasi pagod siya. Tapos baba agad at pasok. Noong gabi rin na 'yon, aaminin ko'ng.... umiyak ako ng napakatindi. Umiyak ako pagkatapos akong kausapin ng mga kaibigan ko. Kaya nga medyo maga mata ko ngayon kasi mga alas 4 na 'ko natulog.

"Paki pass." Nilingon ako ni Shane at ipinaabot yung notes. Kinuha ko 'yon at ibinigay sa tao sa tabi ko. Hindi kasi nakikinig.

Chineck ko ang cellphone ko pero wala parin. Wala paring text galing sakanya. Bumuntong hininga ako at napahilamos nalang. Psh. Tagal naman matapos neto. Habang kung ano pinagsasabi ni Prof.... wala akong naintindihan. Wala dito isip ko. Nasa kanya. Bakit kasi 'di ako mapakali? Tangina naman.

Chineck ko ulit pero wala parin. Baka naman kasi may klase. Pero sa pagkakaalam ko, wala eh.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Wala naman kasi akong pinakinggan. Pagka dismiss samin, naglakad kami ni Aki palabas kahit the whole time di kami nag-usap. Hindi ko alam ba't nakasunod parin siya sakin. Siguro dahil nakasanayan naman na. Ngayon kasi parang hindi kami nagkakaintindihan. Muntik pa nga kaming magaway-away kagabi.

Sa huli.... "Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali."
"Hindi parin kita suportado. Ayokong masaktan ka lang  Mav."
"Mav, pagisipan mo'ng nabuti." Sabay umalis sina Aki, Cady at Miro. Pero wala. Buo parin ang desisyon ko sa gagawin ko. Sa kanilang tatlo, si Aki at Miro yung baka pwede pa 'kong suportahan parin. Si Cady ang imposible dahil ayaw niya talaga. At wala na akong pake sakanya kung ayaw niya.

Habang naglalakad kami ni Aki, nagsalita siya.

"Nagbayad ka na ng tuition?"

"Di pa. I forgot to ask Mom." Sagot ko habang hindi nakatingin sakanya.

Naglakad kami pababa at nabangga kami ng dalawang babae. Pababa rin sila.

"Sh-t, Mav! Sorry ho! Nagmamadali kasi kami."

Hindi ko nalang sila pinansin.

Kaso, marami ring nagbaba-baan eh. Hindi naman sobrang dami pero mga nasa count of 10 na girls at mga bakla ang bumababa.

Na curious din si Aki kaya niya tinanong. "Wait, miss?"

"Po?"

"Bakit kayo nagmamadali? Anong meron?" Kasi kung may post naman sa bulletin board hindi naman ganito eh.

"Nag-aaway daw po kasi si Mira tsaka si Prim sa may hallway!"

F-ck.

Dali-dali kaming tumakbo ni Aki papuntang hallway. Habang nasa daan kami nakakabunggo pa kami ng ibang mga estudyante. Sh-t na yan! Ano bang problema ni Mira!

Pagdating namin roon, may mga nakapalibot na estudyante. Agad ko silang hinawi para makapunta sa gitna. Hawak ni Leigh at isa pang estudyante si Mira habang hawak naman ni Vivian si Prim.

Parehong may pagka gulo ang buhok. Pumunta ako sa side ni Prim at ganoon rin si Aki.

"What are you guys doing!?" Aki.

Tinignan ko si Prim at nagulat ako ng may dugo sa gilid ng labi niya. Ano to?! Nagsuntokan sila?

"Anong nangyare sayo?" Imbis na sumagot, sinamaan niya lang ng tingin si Mira.

"Ibinato ni Mira yung bag niya kay Prim tapos nasugatan siya kasi may part don na matulis at matigas." Si Vivian ang sumagot pero nakatingin parin ako kay Prim. F-ck.

Tinignan ko si Mira. "Mira, ano bang problema mo? Nag-usap na tayo diba!?"

"Mavis gumising ka nga! Layuan mo na siya!"

Imbis na sumagot napalingon agad ako kay Prim na umalis na sa lugar na 'yon. Susundan sana siya ni Vivian but I stopped her. Ako nalang. Madali siyang naglakad papuntang parking lot pero nakasunod parin ako. Hanggang sa maabutan ko siya.

"Prim!" Nilingon niya 'ko. "Ano?!"

"Sa kotse ko nalang tayo. Gamutin natin 'yang sugat mo." Hahawakan ko na sana siya sa braso pero umiwas siya.

"Narinig mo naman sabi sayo ng pinsan mo diba?! Layuan mo na 'ko!"

Pati ba ikaw?

"Hindi ko kaya."

"Tangina layuan mo nga ako! Ayaw ako nila para sayo kasi alam nila andar ng utak ko! Tignan mo nga! Can't you see? Napaaway pa kami because she hates what I'm doing!" Tumalikod na siya para buksan ang car niya pero pinigilan ko na naman.

"I don't care whatever she thinks! I don't care what they would think!" Napalingon siya sakin. "Prim, this is what I would love to do! Be with you. And love you."

She looked down. "Mav, pwede ba—"

"You will always be the risk that I would take."

Tumingala siya sakin. Hindi kasi kami magkasingtaas. Sa totoo lang, maliit talaga si Prim kumpara sakin pero gustong-gusto ko 'yon. Gustong-gusto ko siya.

"Sigurado ka?"

"Sure."

"Then we already warned you."

Then we already warned you. Nakakatawa ba? Parang may nakaabang saking di ka nais-nais pero eto parin ako. Nagpapakatanga sayo.

Hinawakan ko siya sa palapulsohan at dinala sa kotse ko. Dinrive ko siya papuntang condo. Tahimik lang kaming pareho. Pagdating namin, umupo siya sa chair dito sa counter habang ako, kumukuha ng makakain niya sa ref. And then after that, kumuha ako ng first aid kit. Nilagyan ako dito ni Mama eh.

Hinila ko siya papuntang sala nung hindi siya kumain.

Hindi ako marunong sa ganito pero gagawin ko kasi si Prim 'to eh. Gagawin ko lahat sakanya. Pero siyempre, hindi ako nagpahalatang hindi marunong. Haha. Tanga-tanga ko talaga. Nasasaktan siya kasi may pagka hapdi pero tinitiis niya.
Alam ko naman mga ilalagay di lang magaling.

Sumandal kaming pareho pagkatapos. Pareho pa kaming naka uniform.

Umusog ako sakanya nung hindi siya nagsalita. With that move, napatingin siya sakin.

"Prim, gawa tayo ng tula." Sabi ko sakanya. 'Di ko alam bakit 'yon ang pumasok sa isip ko eh. Siguro kasi gusto kong gawan rin siya.

"I don't like."

"Hindi naman ngayon. At the end of the school year natin sasabihin sa isa't-isa."

Medyo napaisip siya pero umirap lang din. "I don't like nga."

"Geh na. Kahit isang stanza lang yung saiyo." Lul. Tapos sakin mga bente.

"Hay, sige na nga." Punye—isang stanza lang din talaga? Hindi nalang ako umimik.

Ilang minuto kaming tahimik lang. Iniisip niya rin ba yung tungkol samin? O ako lang talaga nag-iisip. Hay.

"Prim?"

Tumingin na naman siya sakin.

"Sino 'yong... 'yong boyfriend mo?"

Oo. Naglakas loob talaga akong itanong 'yon sakanya. Ayoko rin naman na wala akong alam eh. Kahit na masakit gusto ko'ng malaman.

"Jared."

Jared? Yung... first na naka-sex niya?

Hindi ako nakapagsalita. Nagsilayasan yung mga salita sa utak ko eh. F-ck. Ang swerte nung Jared. Mahal niya ba? Seryoso kaya siya? Napabuntong hininga ako.

"I told you he's my ex kasi diba, I'm on the process of making you fall for me." She added.

Kaya pala.... napa tango ako.

"Nasa ibang bansa siya eh. But he'll be here soon."

"Mahal mo?" Nakayuko ako habang tinatanong 'yon. I'm always the kind of person who wouldn't ask questions because I'm afraid of the answer.

Rinig ko'ng bumuntong hininga siya....

"Sobra"

Tangina. Tinry ko'ng huminga kasi parang sa puntong 'yon nakalimutan ko na.

Dati-rati para akong K9 kung makapagselos pero ngayon para akong bagong panganak na aso. Hirap man lang makatayo.

"Prim, yung tungkol satin."

"What about it?"

"Liligawan parin kita."

"If you say so."

"Wag mo sana akong pigilan."

"Sure,"

After that, hinatid ko na siya sa bahay nila. Wala rin naman. Diretsong pasok na siya habang ako nakatayo lang sa gate noong pinagbuksan ko siya ng pinto. Tinext ko na nga lang siya ng "Sleep ka na. Mahal kita." At wala namang reply kahit tuldok lang.

Nasasaktan ako pero kaya lang naman. Kakasimula pa lang.

Mahal na mahal ko si Prim. Sobra. Sobrang-sobra.

Mahal na mahal ko si Prim gaya ng sobrang pagmamahal niya kay Jared.

Sakit ah.








THE next day. Nasa room kami ni Prof. May practice ngayon ang varsity. Pero hindi ako pumunta kasi tumigil na 'ko. Kakapagod na. Tsaka kailangan ko'ng bigyang oras talaga si Prim. Baka sakaling mahalin niya na ako. Yung hindi kunwari yung totoo talaga.

Sila yata ngayon ang may practice.  Pupuntahan ko nga after this.



Noong umalis na kami ng room ni Prof, pumunta agad ako sa gym. Kasama si Aki. Nang makapunta kami doon, nagpa-practice parin sila. Umupo kami sa di kalayuan at from there, I can see her. Pawis na pawis siya and she looks very tired.

Nung nag break sila, kinuha niya ang bag niya at pumunta siya sa may gawi namin. Nakatayo siya habang nagpu-punas.

Tumayo ako at kinuha 'yon. Ako nalang ang nagpunas sa pawis niya. Hinayaan niya lang naman ako. Ramdam ko'ng pinagtitinginan nila kami but like what I've said. I won't give a f-ck.

"Nauuhaw ka na?"

"Oo eh. Naubosan ako ng water."

"Bili nalang ako." Tapos ay tumango siya at umupo sa tabi ni Aki.

Lakad-takbo ako papuntang canteen. Bumili na ako ng malaki para di agad siya maubosan. Pagdating ko'ng gym, nakaupo parin siya.

"Here," Abot ko sakanya at umupo na rin sa tabi niya. Si Aki naman, tahimik lang.

Pinunasan ko ang noo niya dahil may pawis na naman. Tapos, parang may card dito sa kilid kaya ginawa kong pang-paypay sakanya 'yon. Hindi siya nakatingin sakin pero sumandal siya.

Kahit ganito lang ang saya-saya ko na. Kahit ganito lang. At kahit di na umusad dahil alam ko hanggang dito lang.

Prim is the one inside my heart. If I won't take her out of my chest, I can't breathe easily.

But I rather have trouble-breathings.

**

Thank you guys for the good reviews. :) Do comment okay? :) Godbless! xx

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 139 46
Continuation.... "If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny rea...
4.5K 237 42
_ ito na ang huli, salamat pa rin kahit di mo pinili. 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐘𝐀 | 𝑀𝑔𝑎 𝑇𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑖 𝑆𝑎𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎 ✍︎ /𝑠𝑎𝑤𝑖𝑛𝑔...
18.7K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
28.6K 508 50
"By his eyes, I saw the horrible truth." - Angela Linn Bierneza As Angela Linn's life takes a sudden turn, she finds herself in a place she never exp...