MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

268K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

TRUST ISSUE

6K 209 34
By ajldlkbv20

CHAPTER 30



*THE NEXT DAY*


Nagising ako nang maramdaman kong may dahan-dahang humahawi sa buhok ko. Naramdaman ko din ang kamay na hinahaplos ang aking brasong nakayakap sa katawan ng katabi ko. I opened my eyes and I saw Althea sweetly staring at me.

"Good morning, mahal ko." Masayang bati nito na halata namang kanina pa siya gising. She was slightly in a sitting position.

"Good morning din, lab. Anong oras na?" Tanong ko habang umupo rin ako at isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang balikat.

"8:24 am, lab." Simpleng sagot niya na parang nakalimutan nito na may pasok pa kami sa opisina. Nataranta naman ako bigla.

"Lab, late na tayo! Bakit hindi mo ako ginising?" Pababa na sana ako ng kama pero mabilis ako nitong pinigilan. She wrapped her arms around my waist and quickly kissed me on the cheek.

"Sorry, masyado akong nag-enjoy." She said looking like she wasn't really sorry at all. Nakangiti ito na parang nagpipigil ng kilig.

"Nag-enjoy saan?" Pagtataka ko.

"Na pagmasdan ka. I love watching you sleep." Corny na banat nito.

"Lab, tigilan mo 'ko ha. Umagang-umaga." Natatawang saway ko.

"I love you." Sabi nito habang patuloy parin na nakatitig sakin.

"Kailangan na nating pumasok, lab. Late na tayo. May meeting pa tayo." Aya ko sa kanya. Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niyang nakayakap sakin pero mas hinigpitan niya lang ito.

"Lab!" Suway niya. Tinignan ko lang ito.

"I love you." Seryosong ulit nito.


Talaga naman 'tong mahal ko oh. Kapag nasimulan ang panlalambing. Kacute eh! Hahaha.


"I love you too." I finally said it back before I gave her a quick morning kiss.

Ngumiti ulit siya na parang un lang talaga ang hinihintay niyang sabihin ko kanina pa. Napailing nalang ako sa pagkapilyo nito. Apparently, someone didn't wake up on the wrong side of the bed. Hahaha.




//




SA OFFICE


Buti nalang ay nakaabot kami ni Althea sa 10 am naming meeting with the client. Puro discussions and inspections ang nangyari ngayong araw. May maliliit na details pa kasing ipinabago ang kliyente, kaya may iba pa kaming inihabol na trabaho sa site. Halos mag-aalas-kwatro na nang matapos kami ni Althea at makabalik ng opisina.

"Lab, kumain ka na please. Kanina ka pa nalipasan ng gutom. Ito na ung ipinaorder kong pagkain kay Julia oh." Malambing na sabi ni Althea sakin pagkatapos naming magpahinga saglit.

"Ikaw rin kaya, hindi pa kumakain. Sabayan mo na ako, lab." Aya ko sa kanya habang inihanda ko ang pagkain.




"Lab..." Tawag niya sakin makalipas ng ilang minuto. Tinignan ako nito at nakita ko namang parang nag-aalala ito sa sasabihin.

"Yes, lab? What is it? May problema ba?" I asked as I slightly combed her hair with my fingers.

"Wala naman, lab. Gusto ko lang sana sabihin na pupunta ako sa condo ni Cathleen after work. I just need to talk to her. Okay lang ba, lab?" Nag-aalangan niyang tanong. Then I slightly panicked.


So, seryoso si Althea sa sinabi niya kagabi? Na she'll end things with Cathleen today? Shoot!


"Okay lang, lab." I truthfully said anyway.

"Sure ka? Walang kaso sayo un?"

"Why lab, should I be worried? May kailangan ba akong katakutan sa mangyayari?" I asked while looking straight into her eyes.

"Hindi naman sa ganun, lab. I just wanna make sure na wala tayong magiging problema after." She assured, which actually made me smile.

"I trust you." Sagot ko, at siya naman ang napangiti.


Honestly though, I think I need to talk to someone later. Feeling ko hindi ako mapapakali nito, knowing what Althea's about to do. Not that I'm worried na baka may mangyaring iba sa kanila or anything. I know Althea was being honest when she told me that she doesn't want me to get hurt anymore. Pero hindi ko alam kung bakit bumabalik ang isip ko sa nangyari noon; the first time Althea said that she'll stop whatever it is between her and Cathleen, yet she made it official instead.

Nararamdaman ko namang mahal ako ni Althea, pero alam ko rin kasi kung gaano siya kadaling bumigay minsan. Baka bigla na namang daanin ni Cathleen sa panunumbat at pananakit ang lahat para balikan siya ni Althea.


I decided to text the person I know would help me think straight about the situation; ung taong alam kung ano ang dapat na sabihin sakin – the person who can be honest enough to tell me what I should really hear.


*JADE*
Batch, may gagawin ka later after work?

*BATCHI*
Wala naman. Bakit, anong meron?

*JADE*
Pwede ba tayong magkita? I need to talk to you.

*BATCHI*
Bakit, Jade? May problema ba kayo ni Tsong?

*JADE*
Wala, Batch. Don't worry, okay kami. Kailangan lang kitang makausap. Please don't tell Althea.

*BATCHI*
Kinakabahan ako sayo, Jade. Pero sige, kita tayo pagka-out ko. Saan tayo?

*JADE*
Dun sa coffee shop kung saan mo ako dinala dito. Trip ko dun eh. Haha.

*BATCHI*
Okidoks! See ya. Text mo nalang ako mamaya kapag papunta ka na.

*JADE*
Sige. Thanks, Batch. Ingat.




"Sino ung katext mo, lab?" Tanong ni Althea pagkalapag ko ng telepono ko sa lamesa. Nataranta ako saglit sa tanong nito, pero bigla rin akong nakaisip ng pantrip dito para hindi niya mahalata ang balak ko mamaya.

"Si Lauren." Biro ko sa kanya na may kasamang nakakalokong ngiti.

"Ahh okay." Simpleng sagot nito at ipinagpatuloy nalang ang pagkain. Hindi man niya ipinahalata, pero alam kong nagseselos na naman siya.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako nagsalita ulit.

"Joke lang, lab. Si Sally katext ko. May tinanong lang siya tungkol sa ikinwento ni Lauren." Simpleng sagot ko para wag mag-isip ito ng kung ano.

"Wala namang kaso kung si Lauren ang katext mo. Go lang." Mahinahon niyang sabi pero hindi parin maipinta ang mukha nito. Hindi ko na napigilang matawa dahil sa sobrang cute ni Althea.

"Lab, wag ako. I love you, but you really suck at lying." Natatawa kong sabi, then I kissed her cheek once again. Tinignan niya ako at natawa nalang rin siya.




//




SA COFFEE SHOP


"So kamusta kayo ni Tsong, Jade?" Tanong ni Batchi pagkatapos naming umorder at umupo.

"Ayos lang. Napakaselosa pala nung kaibigan mong un?" Biro ko, dahilan para matawa kaming dalawa nang malakas.

"Let me guess.. pinagselosan na naman niya si Lauren no?" Natatawa niyang tanong.

"Mismo!" Tawa ulit namin sabay apir.

"But seriously, anong meron? Bakit bigla kang nag-aya?" Naging seryoso bigla ang tono ng boses nito. She somehow had a worried look on her face.

Yumuko ako saglit at nanatiling tahimik. Hindi ko malaman kung paano sisimulan ang mga sasabihin ko kay Batchi.

"Kasi Batch..." Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang aking sasabihin.

"Althea told me she'll end things with Cathleen tonight." Nag-aalangan kong pag-amin sa kanya.

"Wait, what?!" Halata namang nagulat ito sa narinig.

"That's what she told me last night. Pumunta siya sa condo ni Cathleen ngayon para magkausap sila. Makikipagbreak na daw siya." Paliwanag ko sa kanya. Halata rin naman ang pag-aalala sa boses ko.

Natahimik saglit si Batchi pero nanatili itong nakatitig sakin. Alam kong binabasa niya ulit ako just like how she always does.

"You're worried, Jade." She said. It was more of a statement, not a question. She knew. She always does.

Hindi ulit ako nagsalita.

"Anong gumugulo sa isip mo, Jade? Sabihin mo sakin." Her voice was trying to calm me down. I tried to gather my thoughts for a while before saying something.

"Kinakabahan lang ako, Batch. Not that I don't trust Althea or what, pero kasi, what if mangyari na naman ung dati? We both know that the first time Althea tried, it didn't go too well." I worriedly explained.

"Pero Jade, dati un eh. Nung time na un, medyo naguguluhan pa si Tsong. Feeling ko naman ngayon, talagang desidido na siya." Pagpapakalma ulit sakin ni Batchi.

"Sana nga, Batch." Tanging sagot ko nalang dahil hindi parin ako mapakali.

Tinitigan ako ng kasama ko na parang hindi nakuntento sa mga sinabi ko.

"Jade." She warned.


I knew she wanted me to let everything out. She wanted me to be completely honest.


"Iniisip ko lang rin kasi... what will happen after? I mean, anong mangyayari samin? What will be our next step? Ilang taon rin ung pinagsamahan nila ni Cathleen, Batch. I know it'll still be hard for her."

"Magiging maayos din yan, Jade. Pag-usapan niyo lang ni Tsong. Alam ko namang mahal ka nun." She tried to assure me.

"Batch, hindi naman un eh. I know she loves me, but that doesn't automatically mean na magiging kami kagad after she breaks up with Cathleen. She can't just jump from one relationship to another. Malamang kailangan niya rin ng time to recover and everything." Paliwanag ko sa kanya.

"Then give her the time she needs, Jade. Wag mong madaliin si Tsong. You trust her, right?" She asked and I immediately nodded.

"Alam ko namang gagawa ng paraan si Tsong para finally, magawa niyo na ung mga bagay na gusto niyo, na wala nang pinoproblema pang iba. You'll get there, Jade. Konting tiis pa kay Althea." Pakiusap niya.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano-ano pa ang mga gumugulo sa isip ko. May part sakin na nag-aalala na baka hindi ko na makayang magtiis at maghintay pa ulit kay Althea; pero may part din na nagsasabing, "ngayon pa ba ako susuko?"


Dapat nga ay mas makaya kong maghintay ngayon, because if Althea will really break up with Cathleen, at least that's a huge step forward for us. We can actually start working on what we have. Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi parin ako mapakali.


"Jade, wag mong susukuan ang bestfriend ko. Please. Alam kong dati, ilang beses niyang pinili na iwan at layuan ka. Pero maniwala ka sakin Jade, hindi niya kakayanin kapag tuluyan kang nawala sa buhay niya. She never loved Cathleen the same way that she loves you." She assured me once again.

"Kahit siguro sabihin ko sa sarili kong sumuko na, hindi ko rin naman kakayanin." Simpleng sagot ko kay Batchi.

She smiled and looked at me like she appreciates everything I do for Althea, but remained silent.

"Batch..." I sighed heavily as I played with the straw in my coffee drink. Napasandal nalang rin ako sa upuan ko.

"I don't think I'd be able to love anyone else. I don't know what I would do if things don't go well with us. Baka hindi ko na kayanin. Feeling ko naibigay ko na sa kanya ang lahat nang kaya kong ibigay." Malungkot kong pag-amin.

"Nagsisisi ka ba, Jade? Nagsisisi ka bang ibinigay mo ang lahat kay Althea?" She asked.

"No." Mabilis kong sagot na may kasama pang iling.

"But that's the thing, Batch. I'd gladly do it over and over again. Paulit-ulit man akong masaktan, paulit-ulit ko parin siyang pipiliin. Sa kanya ko parin gugustuhing ibigay ang lahat ng meron ako." I added with all honesty.

Batchi stayed silent once again. Matagal ako nitong tinitigan. I saw in her eyes that she wasn't worried. She was more like... surprised.

"Mahal na mahal mo talaga siya no?" She asked with a bit of smug on her face. Natawa nalang ako at napayuko ng bahagya.


Honestly, minsan, nagugulat rin ako sa mga nagagawa ko para kay Althea. May mga bagay na hindi ko akalaing kaya ko palang ibigay sa isang tao. Akala ko sagad na ung kay Lauren dati, pero may mas maisasagad pa pala ako.

The things love can do to us, the things love can make us do... you'll be surprised. A lot can be very unexpected. And sometimes... they're scary.


"You know what I think, Jade?" Tanong ni Batchi pagkatapos niyang sumubo ng pagkain niya. Hindi ako nagsalita at patuloy ko lang siyang tinignan.

"Kailangan mong magtiwala. Hindi lang kay Althea, pero pati sa sarili mo. Un ang sabi kong gawin mo diba? Hindi mo parin ba nagagawa?" She reminded.

"Batch—"

"Jade, I know you trust Althea. You're not really worried about her. Nag-aalala ka kasi iniisip mo paring hindi enough ung mga ginawa mo para ipaglaban ka niya. Kaya mo sinasagad ang sarili mo. Kaya mo ibinibigay ang lahat, kasi gusto mong patunayan na mas karapat-dapat ka kaysa kay Cathleen. Tama ba?" And she started the real talk.

Nagulat ako sa sinabi niya at ilang segundo akong parang hindi makahinga. It suddenly hit me. THIS is the reason I wanted to talk to her.


Maloko at palabiro si Batchi, pero maaasahan mo siya pagdating sa mga seryosong bagay. She'll never sugarcoat anything.


"Jade, tama ba 'ko?" Ulit niya habang nakatitig sakin.

Hindi ako sumagot at umiwas nalang ako ng tingin. Tsaka ko lang narealize na may mga luha pala sa aking mga mata na konti nalang ay tutulo na.

"Paano kung sabihin ko sayong wala ka naman nang kailangan patunayan? Jade, ikaw ang mahal ni Althea. Parehas nating alam un. This is just between her and Cathleen. Hayaan mong ayusin nila 'to. You did your part, at tama na un. Konting tiis nalang sa paghihintay, Jade. Un nalang. But you've already proven enough." Paliwanag niya sakin.

"Pero Batch, paano kung hindi dumating ung araw na hinihintay ko?" I asked. My voice was becoming a bit shaky.

Natigilan siya at napatitig sakin. Ilang segundo itong nanatiling tahimik na parang hindi alam ang isasagot. But then after a few moments, she looked at me like she was about to hit me with reality.




"Then it's time to walk away." She admitted.




//



SA CONDO


Hindi na nagparamdam si Althea sakin buong gabi. Huling text niya sakin ay nung nakarating na siya sa condo ni Cathleen. Hindi ko alam kung itinuloy niya ang plano niyang kausapin ito tungkol sa relasyon nila. Ayoko namang i-text ito kung ano na ang nangyari dahil baka kung ano ang isipin niya.


Honestly though, pinipigilan kong mainis kay Althea. Lagi kasi siyang ganito kapag si Cathleen ang kasama niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero iniisip ko kasi na baka nga marami lang silang kailangan pag-usapan, kaya hindi siya nagpaparamdam. I'm sure she'll tell me what happened. Hindi naman ako lolokohin ni Althea.

I guess Batchi was right. I just have to trust Althea, and myself.






Naalipungatan ako nung madaling araw at pagkatingin ko sa telepono ko, nakita kong 3:57 am palang. Nakita ko rin namang may text si Althea, na sinend niya kaninang 2:11 am. Hindi ko masyadong mabasa ang text niya dahil medyo madilim ang screen at medyo antok pa ang mga mata ko. I unlocked my phone as I sat up a bit.




*ALTHEA*
Jade, hindi na ako umuwi. Nandito parin ako sa condo ni Cathleen. Nagkausap na kami. Goodnight. See you nalang sa office.




Please tell me what to feel. I'm effin' confused right now. Maiksi lang ung text niya, pero napakaraming gumugulo sa utak ko dahil sa mga sinabi niya.

She called me Jade, that's one thing to worry about. Second, bakit nasa condo parin siya ni Cathleen? I mean, kung totoong nakipagbreak na siya... hindi ba dapat hindi na sila magkasama? Not that I don't want them to be in good terms or what, but... I don't really know. Things are just not adding up.

Okay. Jade, chill. Relax. Just talk to Althea later, and ask her. Linawin mo lahat. Stop worrying so much. Trust, right? Trust Althea. That's all you need to do.

































So, nakipagbreak na ba talaga si Althea or what? Malalaman natin sa next chapter!































Nung sinimulan kong gawin 'tong chapter na 'to nung Monday, sabi ko sa sarili ko, pipilitin kong tapusin kagad para maipost ko ng Friday. Eh kaso wala po talaga akong mapanghugutan dahil may malupit na naganap sa RaStro nung Thursday. Dibaaaa??? Hindi mawala-wala ung kilig ko eh. Hahaha. Naisip ko nga nun, "gawin ko nalang kayang light moments ulit?" Kasi super nawala talaga sa isip ko ung mga pinlano kong approach para sa chapter na 'to. Nawindang ako eh. Haha. Sorry na. Babawi nalang po ako. Pramis. Depende nalang kung may maganap ulit this week. Hahaha. Anyway, thanks for reading pips!  ✌️

Happy 11th monthsary, Rebels! ❤️



Continue Reading

You'll Also Like

564K 19.7K 56
Terror, Hitler, Miss Sungit, Godzila... at kung ano ano pang pwede mong itawag sa Kontrabida Girl ng Galura Engineering Corporation Meet Ms. Rhian...
71.8K 2.8K 32
True love is selfless. It is prepared to sacrifice.
84.4K 3.3K 41
People that are meant to be together, always find each other in the end.
110K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.