Destiny's Game (Revising-- Ch...

By notesfromthequeen

22.3K 187 40

You have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's y... More

Destiny's Game
Chapter 1: Meet Xander
Chapter 2: Getting to know him better
Chapter 3: Am I Inlove?
Chapter 4: Is this the Happy Ending?
Chapter 5: Heartbreaks
Chapter 6: Realization
Chapter 7: Flashback
Chapter 8: Letting Go
Chapter 9: Life
Chapter 10: A Brand new Day
Chapter 11: The Chikboys
Chapter 12: Cat and Dog
Chapter 13: Sossy Girls
Chapter 14: Hater's Thingy
Chapter 14: Part II
Chapter 15: Hater's Move
Chapter 16: Know the Enemy
Chapter.17: Secret
Chapter.18*Love Moves*
Chapter.19*Evil Plan*
Chapter.20*Confrontation Part II*
Chapter.21*The Rescue*
Chapter.22*The Come Back*
Chapter.23*The Conversation*
Chapter.24*huwaaat???*
Chapter.25*Playing Cupid*
Chapter.26 *Happy Hearts*
Chapter.27*Who's that BOY???*
Chapter.28*Emotions*
Chapter.29*First Day High*
Chapter.30*Unforgettable*
Chapter.31*New Friend*
*Chapter.32*Jealousy
Chapter.33*Simply I LOVE YOU*
Chapter.34*New Found Love*
Chapter.35*Reminiscing*
Chapter.36*Sunset Moment*
Chapter.37*It's a Date*
Chapter.38*No more Barriers*
Chapter.39*Barkada Outing*
Chapter.40*Acceptance*
Chapter.41*Totally Free*
Chapter.42*Barkada Moments*
Chapter.43*Burdens*
Chapter.44*Catch Me*
Chapter.45*Perfectly Inlove*
Chapter.47*First Fight*
Chapter.48*Never Say Sorry Again*
Chapter.49*Christmas Love*
Chapter.50*High School Valentine*
Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*
Chapter.52*Game Over*

Chapter.46*When Jealousy Attacks*

146 0 0
By notesfromthequeen

[Mish POV]

Nandito kami ngayon sa school canteen at nag memerienda. Tumawag sakin kanina si lolo at kinakamusta ako. Di tuloy maiwasang may maalala ako, kanina ko pa nga tinitignan si spade. Pano na lang siya pag wala na ko. Baka di niya kayanin.

“misis! Ang lalim ng iniisip mo” untag niya sakin. Natauhan naman ako.

“ha? Ah eh hehe wala. Pagod lang ako. Ang hirap nung test kanina di ba” palusot ko.

“sabagay. Tama ka. Pahinga ka nalang agad pag kauwi natin” sabi niya. Ngumiti nalang ako.

--

Kinabukasan nauna akong pumasok kay spade. Sinadya ko talaga yun kasi ayoko muna siyang kausapin. Kailangan kong mag-isip. Ito ung kinatatakutan ko noon kaya ayaw ko sana siyang sagutin. Ang plano ko nun, hihintayin ko nalang siyang magsawa sa panliligaw sakin. Kaso sa dami ng nagawa niya para sakin, unti unti akong nahulog sa kanya. At nagyon, natatakot akong baka masaktan ko siya.

Hindi ako dumeretso sa room, mamaya na ko pupunta dun kapag time na, para hindi niya na ko matanong. Hindi ako tumambay sa science garden kasi alam niya na lagi ako don, kaya ngayon para di niya ko mahanap dumeretso ako sa maliit na fish pond ng school dito sa likod ng building ng mga 4th year.

Mag isa lang ako dun na nakaupo nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Pag lingon ko

“xander? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko

“tambayan ko kaya to’ mish. Ikaw ang bakit nandito?” tanong niya

“wala lang. nagpapahangin” sagot ko.

“may problema ka ba? Tungkol ba sainyo ni spade? Inaway ka ba niya?” tanong niya. Akala ko mind reader na si xander. Tama kasi siya, may problema ako at tungkol samin ung ni spade. Pero mali siya, hindi naman ako inaway ni spade eh.

“hindi. Basta sekreto” sagot ko

“sige, okay lang na hindi mo sabihin basta nandito lang ako para sayo. Kaibigan mo na ko db” sabi niya

“salamat, pwede bang sumandal?” sabi ko.

“oo naman” sagot niya at sumandal nga ko sa balikat niya. Ang sarap ng haingin dun at ang tahimik

“xander, pwede bang pag alis natin kalimutan mo na din lahat ng gagawin ko nagyon? Tulad ng pagsandal ko sa balikat mo” tanong ko

“oo naman. Ano bang gagawin mo?” tanong niya

“gusto kong umiyak. Iiyak ako sa’yo pero wag mo sasabihin kahit kanino. Gusto ko lang irelax yung sarili ko” sabi ko

“ano ba talagang problema mo mish?” tanong niya.

“wag mo nang alamin. Sabihin nalang natin na kahit kanino wala pa kong pinagsasabihan nito at malalaman niyo din naman sa tamang panahon, hindi lang ngayon” sagot ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at pinapanatag ako.

“sige iyak ka lang. wag mong isipin na nandito ako, iiyak mo lang lahat ng bigat na nararamdaman mo. Basta pag alis natin dito, promise mo na nakangiti ka na ah” sabi niya

“promise” sagot ko at di ko na napigilang bumuhos ang luha ko. Iyak lang ako ng iyak habang inaalo niya ko sa pagtapik sakin ng mahina sa likod.

Nang pakiramdam ko wala na kong mailuha, nagpaalam na k okay xander. Pero nang tumayo kami niyakap niya ko.

“ayokong nakikita kang umiiyak. Kahit na di ko alam yung problema mo, salamat. Salamat kasi ako ung taong napili mong iyakan. It simply means that you trust me again. Thank you, mish”. Pagkasabi niya nun humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan yung mukha ko

“smile ka na ha. Wag mong isipin ang problema, dadating ang solusyon jan. hintayin mo lang” sabi niya kaya ngumiti ako bago umalis. Pinauna na ko umalis ni xander. Magpapahangin pa daw siya kaya mamaya na siya pupuntang class room.

--

[Xander’s POV]

Nasasaktan pa din ako. Bakit kaya umiyak si mish? Anong dinadamdam niya.

Hay! Mahal ko pa nga talaga siya.

Tumingin ako sa relo ko. 10 minutes nalang magbe-bell na. tumayo na ko pero ilang hakbng palang ako nakita ko na agad si elise na papunta sakin

“bakit?” tanong ko. Ang sama kasi ng tingin niya.

“nakita ko lahat” sabi niya. Kumunot noo naman ako.

“alin?” tanong ko

“nakita kong mag kasama kayo ni mish. Ano ba yan xander! Ang tanga mo naman eh! Sinasaktan mo lang yung sarili mo. Alam mo naming Masaya na siya kay spade di ba?” sabi ni elise

Nakaramdam ako ng konting inis kaya lumakad na ko at nilampasan ko siya. Sumunod naman siya sakin

“hoy xander! Ano bang gusto mo? Masokista ka na ngayon? Yan na trip mo? Saktan ang sarili mo? Masaya na siya kay spade. Tigilan mo na siya” sabi naman ni elise. Nilingon ko na siya.

“ano bang paki elam mo? Buhay ko toh. Hindi kita ka ano ano kaya wag mo kong pangunahan sa mga ginagawa ko. Tsaka isa pa wag ka ngang umasta na parang girlfriend kita. Kung magalit ka akala mo may relasyon tayo. Ipapaalala ko lang sayo elise, Oo alam kong may gusto ka sakin. Pero nilinaw ko naman sayo di ba na kaibigan lang ang tingin ko sayo at hanggang dun lang yun” sabi ko. Tumalikod na ko. Alam kong nasaktan ko siya pero nasasaktan din ako sa mga sinasabi niya eh.

“mahal mo pa din ba siya?” tanong niya

“Oo. Mahal ko pa din siya, at hindi pa din nagbabago ung pagmamahal ko sakanya. Nananahimik lang ako kasi alam kong Masaya na siya, at Masaya ako para sakanya. Pero kanina, kanina alam ko may dinaramdam siya at gusto kong maramdaman niyang lagi lang ako sa tabi niya. Dahil mahal ko siya” yun lang at umalis na ko.

Pag pasok ko sa classroom naka ngiti na si mish. Nginitian niya ko kaya ngumiti din siya sakin. Pero pansin ko na nakayuko lang si spade. Si elise naman hindi ako pinansin kaya hinayaan ko lang.

Mabilis na lumipas ang maghapon. Uwian na at nauna si mish kay spade. Lumapit sakin si spade. Ganun pa din ung aura niya. Madilim ang mukha niya.

“xander pwede ba tayong mag usap” sabi niya

“oo naman” nakangiti pa ko. Sumama ako sakanya sa sasakyan niya. Huminto kami dun sa part na wala masyadong tao. Iniwan kami nung driver niya. Nagtaka na ko kung tungkol ba san talaga yung pag uusapan naming

“spade, bakit dito tayo mag uusap?” tanong ko. Pero isang malakas na suntok ang sinagot niya sakin. Naramdaman kong mahapdi ung gilid ng labi ko kaya ng pinahid ko un, nakita kong may dugo

“ano bang problema mo?” hinawakan ko na siya sa kwelyo ng uniform namin

“problema ko?” ngumisi siya at sinuntok ulit ako “IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! Akala ko ba malinaw na sa’tin lahat. Nung pinag ayos ko kayo ni mish malinaw na satin na kakalimutan mo na ung nararamdaman mo sakanya. Bakit ngayon sinusulot mo siya?” sigaw niya

“anong sinusulot? Ano bang alam mo ha?” sagot ko.

“narinig ko yung sinabi mo kay elise kanina na mahal mo pa si mish. Na hindi pa din nagbabago yung nararamdaman mo sakanya” sabi niya

“hanggang san lang ba ang narinig mo?” tanong ko at pilit kinakalma ang sarili ko bago ko pa mapatulan ung galit ni spade

“hindi ko na kailangan pang pakinggan lahat. Sapat na ung narinig ko at nakita ko na kasama mo si mish at nakayakap ka pa sakanya. Tingin mo talaga maagaw mo siya sakin?” gigil na tanong niya. Nainis na din ako. Ang yabang, so anong gusto niyang palabasin?

“tingin mo hindi ko kaya? Eh kanina lang sakin umiyak si mish. may problema siya” sagot ko. Halatang hindi niya alam yung sinasabi ko kaya napangisi ako

“hindi mo alam? Di ba ikaw ang boyfriend? Dapat alam mo ang pinag dadaanan ng gir;lfriend mo” sabi ko. Ngumisi ako. “hindi mo kasi inaalagaan, sa iba tuloy sumasandal. Tingin mo hindi ko siya maagaw sayo?” pang aasar ko. Sa inis niya sinuntok niya ulit ako. Hanggang sanapahiga ako sa lupa at tsaka niya ko tinadyakan ng pa ulit ulit.

Hindi na din ako nakapagtimpi kaya pinatulan ko na siya.

Sinuntok niya ko ng pa ulit ulit sa mukha. Ganun din ang ginawa ko sakanya. Nagagalit ako dahil pinag isipan niya kami ng masama dahil lang sa nakita niya at narinig. Kung pinakinggan niya lahat ng sinabi ko kay elise na narinig niya edi hindi sana siya ganyan ngayon. Masyado kasing nagpapadala sa galit.

Sinipa ko siya sa sikmura niya at napahiga siya sa semento. Wala na sana akong balak patulan pa siya Pero agad siyang bumangon para sipain din ako. Napahiga ako sa semento at umibabaw siya sakin para tadtadin ako ng suntok sa mukha.

Sa inis ko hinawakan ko ang damit niya at gumulong kami, ako ngayon ang nasa ibabaw at gigil na pinapaulanan siya ng suntok.

May dugo ng tumutulo sa mukha niya galing sa pumutok na kilay ko pero sige pa din ako hanggang sa…

“xander/spade!” sabay na sigaw ng dalawang tao.

Napahinto kami ni spade sa pag aaway at nakita ang palapit na si pinky at dion.

“ANONG GINAGAWA NIYO? UMALIS KA NGA JAN XANDER” sigaw ni pinky. Si dion naman inalalayan si spade na tumayo.

“ano bang problema niyong dalawa? Bakit kailangan niyo pang magsakitan? Para kayong mga bata” sabi naman ni dion

“ihahatid ko na kayo” dagdag pa niya

“may sasakyan ako. Tatawagan ko nalang yung driver” sagot naman ni spade

Nauna na kami nila pinky at dion. Wala akong sinabi sakanila buong byahe. Kahit na pinapagalitan pa ko ni pinky

“ano ba naman yan xander. Wala ka ba talagang balak magsalita? Bakit ba kasi kayo nag away? Tignan mo itsura mo? Yung mukha mo puro pasa tapos may sugat ka pa sa kilay. Ang dumi mo pa at… ay nakuu! Kahit anong galit ko dito mukhang wala kang balak magsalita jan. bahala ka nga” sabi ni pinky tsaka sinabihan si dion na sa ospital kami dumeretso. Hindi na ko kumontra dahil alam kong napuruhan talaga ko ni spade.

Continue Reading

You'll Also Like

16.6K 923 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
20.9M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...