Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 61 (October 19, 2011)

902K 11.4K 1.2K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: October 19, 2011


Chapter 61


Masakit na ang kamay ni Harley dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng kotse niya habang nakaharap pa rin kay Kent na halatang gulat na gulat. Stoned sa kinatatayuan.

"How... H-how did you know about it??! How come you knew??!!" sabi ni Kent ng makabawi ito sa pagkagulat.

"Do I have to answer that?!!!" gustong-gusto nang ibato ni Harley ang susi kay Kent "Mas uunahin mo pala ang pagtatanong na yan kesa sa pagsunod kay Isabelle!?"

Nagtama ang mga paningin nila.

"Bullshit..." mahinang saad ni Kent.

Naiwang nakabukas ang pintuan. Sinundan lang ng tingin ni Harley si Kent na patakbong pumasok sa loob ng bahay. Tska niya lang napansin na nasa may pintuan ang isang matandang babae.

"Eto susi Kent." Salubong ng matanda kay Kent habang ibinibigay ang isang susi. Nagulat pa si Kent. Kinuha nito ang susi, hinagkan ang manang at tumakbo na sa itaas. Ngayon naman ay napatingin na si manang kay Harley.

"Ahm... ah... pumasok ka muna.." lumabas si manang Lourdes. Hindi alam ni Harley kung naulinigan ng manang ang sigawan nila ni Kent, pero ang hula niya'y narinig nito.

"Magandang hapon po." Pinilit ni Harley na ngumiti sa harap ng matanda. "Hindi na po... It's okay. Paalis na rin po ako eh. Salamat po."

Naiilang na tumango tango na lamang si Manang Lourdes kay Harley.

Inabot na lang ng tanaw ni manang Lourdes si Harley, na palabas na ng gate at pabalik na ng sasakyan nito. Pumasok na rin si manang Lourdes sa loob.

Isasara na sana ni manang Lourdes ang pinto nang marinig nang hindi siya makatiis, nilabas niya ulit ito. Tamang tamang hindi pa ito nakakasakay ng sasakyan.

"Ahhhh Hijo?!!" habol ni manang

"Po??" nagtatakang tanong ni Harley

"Yung... yung sinabi mo... yung sinabi mo kay Kent kanina?? Yung tungkol kay Phoebe--"

"Opo."

Tumango si Harley.

Tinutop ni manang ang dibdib niya.

"Paano mo nalaman??" Lumabas na lang sa bibig ni manang Lourdes. Itinanong din niya ang kaninang nais malaman ni Kent.

 "Kayo na lang po siguro ang magtanong sa kanya... sa kanila. Nagkataon lang po kasi na nalaman ko... Gusto ko nga po sana, na si Isabelle na mismo ang magsabi kay Kent, wala naman akong balak pangunahan si Isabelle... pero kasi... hindi ko na po napigilan kanina."

"Naiintidihan ko naman... Harley" sagot ni manang.

"I'll go ahead na po... Salamat po."

"Salamat din... Mag-iingat ka magdrive. Salamat hijo. Ha?? Pasensya ka na rin... Salamat talaga."

Tumango si Harley at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Sinundan na lang ng tingin ni manang ang papaliit na imahe ng sasakyan na palabas na ng village.

"Oh Diyos ko. Sana po maging maayos ang lahat. Hwag niyo pong hayaang may masaktan pa ng tuluyan..." dalangin ni manang habang papasok ng bahay.

*

Pagkaakyat pa lang ni Phoebe, naiiyak na talaga siya. Hindi niya alam na sa ganoong pagsalubong pa ang aabutin niya kay Kent.

Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang hagkan. Miss na miss ko na siya sobrah. Nadapa dapa na nga ako matakbo ko lang ang bahay para makita siya. Bakit ba lagi siyang ganun? Nakasigaw at hindi marunong makinig?

Ni-lock niya agad ang pintuan. Away na naman sila. Sobrang sakit ng dibdib niya dahil ayaw niyang umiyak. Pero hindi niya na napigilan.

"Sorry baby ahh... Namimiss ko lang kasi yung daddy mo..." Kinakausap ni Phoebe ang baby niya. Kahit di pa kalakihan, at hindi pa talaga gaanong halata ang umbok sa tyan niya. Hinaplos-haplos niya ito.

"...Kaso parang hindi niya naman ako namimiss. Puro na lang siya galit. Hindi man lang niya ako pinapakinggan. Lagi na lang siya masungit at nakasigaw. Ni hindi niya pa nga alam nga alam na nandiyan ka na... Magustuhan ka kaya niya? Paano pag hindi? Pano pag nagalit siya?!" tuluyan nang napaiyak si Phoebe.

"... Baby sorry, naiiyak talaga si mommy eh... Di ko alam gagawin ko eh."

Humiga na lang siya at yumakap sa isang malaking unan.

"Di ko na nga alam kung paano ko sasabihin kina manang, at kina papa. Paano ba toh baby? Sobra kasi yung utak ng daddy mo eh... Kung anu-ano na lang lagi ang iniisip. Lagi na lang kailangang mag-explain. Paano kung... itanong niya pa kung sinong tatay mo baby???" naiiyak at kung anu-ano nang naiisip ni Phoebe ng bumkas ang pintuan.

"PHOEBE!!!" sigaw ni Kent.

Tsk... Nasa kanya na naman yung susi. Ayan na naman siya baby, mangaaway na naman siya. Wag kang matatakot sa kanya. Ganyan lang siya talaga. Tatahimik na lang tayo dito.

Nanatiling nakahiga at nakayakap sa unan si Phoebe.

"Phoebe... Let's talk!"

Di gumagalaw si Phoebe. Niyakap niya pa ng mahigpit ang unan. Magpapanggap sana siyang natutulog na lang ng may kumawalang hikbi. Narinig ito ni Kent.

"PHOEBE! Hwag ka nang umiyak diyan! I know you're not sleeping. And you know we really need to talk!!" punung-puno ng urgency ang boses ni Kent.

"Wag ka nang sumigaw..." nagsalita na rin si Phoebe pero nanatiling nakatalikod sa panig ni Kent. "Sige na lahat na ng naisip mo tama na, lahat na ng akala mo paniwalaan mo na. Kung iyon ang gusto mo sige na... Umalis ka na lang dito sa kwarto k—"

Nagulat si  Phoebe ng biglang humiga ito sa kamat niya niyakap siya ni Kent mula sa likod.

"Namiss kita... Miss na miss na kita..."

Napapaiyak pa rin si Phoebe. Naapektuhan kasi siya sa mga sinasabi ni Kent, pero nagtatampo pa rin siya dito.

"Eh bakit kung namimiss mo ako kung sigawan mo naman ako, parang katulong ako na inuutusan..."

"Hindi ko naman kasi alam... Wala kasi akong alam na---"

"Yun nga eh... Di mo nga alam, kung makapagconclude at makagalit ka diyan..." Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ni Kent sa pagkakayakap, pero lalo lang nitong hinawakan

"Di mo kasi sinabi sa akin... Na ikaw si Buttercup... na si Westley si Harley..."

"Busy ka! Busy ka kamo! At hindi ka makakatawag nitong huling linggo! Paano ko masasabi sayo? You're even mocking my audition. Wala kang tiwala sa akin."

"Hindi lang naman yun..." pinilit ni Kent humarap si Phoebe sa kanya. Hinila niya ito ng marahan, para umikot at mapaharap ito sa kanya.

"I'm sorry..." pinunasan niya ang mga luha na nasa pisngi ni Phoebe.  Umiiwas ito ng tingin. Alam niyang masama pa rin ang loob nito. "I don't know... that you are having my baby..."

"Sinabi sayo ni..."

"Tama ba siya?? Paano niya nalaman? Sinabi mo kay Harley pero sa akin ni hindi?" pinipilit ni Kent maging mahinahon. Halu-halong emosyon din ang nararamdaman niya ng mga panahong iyon. "Nagpregnancy test ka ba? Nagpunta kang ospital?? Pano niyo nasigurado?"

"B-bakit??" napapaiyak na naman si Phoebe "Hindi ka sigurado na sayo toh?!!" pinilit na naman ni Phoebe na tumalikod.

"Shhh. .. Shhh!! Baby ko naman. Hindi yun ang tinatanong ko. Ano ka ba, alam ko anak ko yan... Syempre atin yan. Pero, tinatanong ko lang kung bakit alam ni Harley... How come na alam niya at hindi ko alam?" Hawak-hawak ni Kent ang dalawang kamay ni  Phoebe na pilit kumakawala.

"Paano ko nga sasabihin eh, wala ka nga? Iniwan mo ako! Sabi ko sayo sasama na lang ako sa Paris! Sabi ko sayo, isama mo na lang ako diba? Pero hindi mo naman ako isinama! Hirap hirap sa school, lagi na lang akong nahihilo, nagsusuka, hanggang sa mahimatay ako. Si Harley lang yung laging nandiyan eh! Wala ka naman eh!" umiiyak pa rin si Phoebe.

"Phoebe try to be reasonable! Wala ako, Hindi ko naman alam!"

"Reasonable? Bakit ikaw reasonable ka ba? Kung makasigaw ka diyan ayaw mo nga ng reasons eh!"

"Sorry na po oh... Nagagalit lang ako.. Nagseselos... Kasi, umuwi ako ng maaga para sunduin ka, tapos makikita ko yung play na ikaw at si Harley ang nasa stage... Tapos hinatid ka pa niya..."

"Nadapa kasi ako kanina... Kaya niya ako hinatid kasi...."

"NADAPA KA?!! Okay ka lang ba?!!"

"Okay lang ako... Tignan mo... Nagaalala lang rin yung tao kay ako inihatid... Pinilit niya pa yung guard ng village makapasok lang dito sa loob... Wala ka kasi... Ginagawa niya lang yun kahit alam kong nasasaktan siya... Wala ka kasi, kaya ginagawa niya yung mga dapat ginagawa mo..."

Nasasaktan din at nakokonsyensya si Kent sa mga sinasabi ni Phoebe. Pero niyakap niya na lang ito. Marami siyang kasalanan... at pagkukulang nitong nakaraang dalawang linggo.

"Sorry na Phoebe ko... Hwag ka nang umiyak diyan please... Gusto mo bang nalulungkot din yung baby natin?"

"Ayoko... Ikaw kasi eh..."

"Sorry na... Ngayong dalawa na ang baby ko... Babawi ako... Babawi ako promise. Bati na tayo Phoebe... Sige na... Namiss mo ako diba? I love you..."

"Love you too." Wala sa loob na sagot ni Phoebe. "Ay..."

"Tssss. Tignan mo... Miss na kita... Miss mo na rin ako diba? Hug mo na ako bilis..." tanong ni Kent.

"Ayoko..." sagot ni Phoebe... tska tumalikod. Masama pa rin ang loob nito

"Aish... Nagtatampo pa rin... Sige na nga ako na lang maghug sayo..."

Balik na naman sila sa kaninang posisyon. Yakap ni Kent si Phoebe mula sa likod. Pero this time, ipinasok ni Kent ang kamay niya sa loob ng t-shirt ni Phoebe.

"ANO BA!!!" angal ni Phoebe.

"Baby... Sabihin mo kay mommy hwag na siyang pakipot at tanggapin na ang sorry ni daddy pogi... ha" sabi ni Kent iyon habang hinihimas ang tyan ni Phoebe.

"Tumigil ka nga... Ialis mo na yung kamay mo diyan. Hindi pa naman malaki tyan ko eh..."

"Tska baby... Sabihin mo kay Mommy... Hwag na siyang umiyak kasi ampanget niya na..--"

"Ewan ko sayo!!!"' sabat ni Phoebe

"...tska Mahal na mahal na mahal ko kayo, kayong dalawa..."

"Tska pag di pa siya humarap..." unti-unting tumataas ang kamay ni Kent mula sa tyan ni Phoebe "...Huhubaran ko siya nang damit kasi, nakapangako siya ng honeymoon sa akin at—"

"OO NA!" biglang humarap si Phoebe. "Honeymoon ka diyan! Hindi na pwede yun!"

"Hwag ka nang magtampo, hwag ka nang magalit, sorry na baby... Sorry sa dalawang baby ko... Honeymoon na..."

"Baliw!!! Di nga pwedee!!!"

"O siya.... Basta hwag ka na lang magalit ah!"

"Mag-sorry ka kay Harley!"

"Okay." Concede ni Kent

"Hwag mo na din ako sisigawan okay??"

"Sorry na nga po eh... Please.... Hug na... And kiss... Miss na miss na kita eh.. Sige na naman Phoebe ko..."

Sumuko na si Phoebe... Yumakap na rin siya.

Unti-unting lumalapit ang muka ni Kent sa asawa...

... ng biglang kumunot ang noo ni Phoebe.

"Amoy...."

"Amoy alak ba ako??? Nakainom kasi ako ng kaunti eh... bago ako umu---"

"Oo pero... hindi eh... Amoy... amoy BABAE ka!!!"

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 127 5
In a family of Lawyers, Zephyr took his own path and found himself studying Medicine in Southwestern University. He studied so hard to maintain being...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
131K 3.4K 12
"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance Status: Completed | Unedited Cover: Uno...
211K 13.7K 68
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...