My Happy Ending

By nimbus_2000

60.1K 1.3K 475

I just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
S.C.
Thirty One
Thirty Two

Eleven

1.7K 41 21
By nimbus_2000

11.

Speaking of sweets, nagpa-project yung teacher namin sa TLE na si Mrs. Galvez. Kailangan daw naming gumawa ng any pastries for practical exams. Ang may pinakamasarap daw na gawa ay exempted na sa 1st quarter exams sa subject niya. Sino ba namang hindi gustong ma-exempt di'ba?

Kaya naman pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay agad akong na-search ng madaling pero masarap i-bake. Agad naman akong nakakita ng ingredients ng chocolate chip brownies. Who doesn't like chocolates nga naman. Agad kong prinint ang ingredients, sakto namang Sabado bukas, makakapunta ako sa grocery store para mabili ang mga nakasulat dito.

Maaga akong gumising para makapunta ako ng mall. Tinext ko narin kagabi sina Mitchie at Jan-Jan kung gusto ba nilang sumama sa akin, pero si Jan-Jan lang daw ang makakapunta dahil may lakad daw si Mitchie kasama ang buong family nila.

Pababa na sana ako ng mapansin kong may kinakausap si kuya sa receiving area. Saka ko lang napansin na si Jan-Jan pala iyon. Ang aga niya ah? Saka ang usapan namin ay magkikita nalang kami sa mall kaya di ko inaasahan na dadaanan pa niya ako dito sa bahay.

"Are you courting my sister?" Dinig ko nang makalapit ako sa kanila.

"Haha, hindi po. Bestfriends po kami ni Van." Ngiti naman dito ni Jan-Jan. Parehas silang nakatalikod sa akin kaya naman nung umubo ako ay sabay pa silang napatayo sa pagkakaupo.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong bigla ni kuya.

"Nope.." Pagsisinungaling ko.

"Ah, I'm just asking him kung anong team ang bet niya sa NBA, di'ba dude?" Saka nito parang pabirang tinapik ang likod ni Jan-Jan.

Wala naman akong tinatanong ah.

Umiling iling nalang akong nagpaalam at saka ako umakyat ulit para makaligo na, buti at nakahanda narin ang breakfast nung bumaba ako. Dito narin sa bahay kumain sa bahay si Jan-Jan dahil sa invitation narin nina mama, last time daw kasi nung pumunta sila dito ay wala naman ang parents ko.

Ayun puro school activities lang naman ang pinag-usapan namin habang kumakain.

Nagwindow shopping narin kami ni Jan-Jan bago talaga kami bumili ng ingredients para sa TLE class namin. Pauwi na kami noon ng madaan kami sa isang pastry shop ata. Puro magboyfriend at girlfriend ang laman, ang sweet sweet naman nila.

AH!

ALAM KO NA!

"Hmm, may nakalimutan ka bang bilhin?" Tanong sa akin ni Jan-Jan, bigla kasi akong napatingin sa hawak kong paperbag eh.

"Chine-check ko lang kung sosobra ba yung gagawin ko eh."

"Bakit naman?"

"Balak kong bigyan si kuya Basti." Di'ba..di'ba sweet..hehe, ngayon palang naeeksayt na akong dumating ang Lunes. Napakamot nalang ito sa ulo saka kami patuloy na naglakad.

Nakasakay na kami sa train nang maisipan kong padalhan ng message si Mitchie.

To: Pres.Mitchie

Mitchie, alam mo ba kung ano ang no. ni kuya Basti? :)

Wala pang dalawang minuto nang magreply ito..

From: Pres.Mitchie

Bakit?

To: Pres.Mitchie

May itatanong lang ako. :D

From: Pres.Mitchie

Akala ko manliligaw ka na. XD

Manliligaw? Ako? Pwede ba yun? Sabi ni mama ang babae daw ang nililigawan, nakakahiya kung mauna ako.

After lang ng ilang sandali ay natanggap ko narin ang number ni kuya Basti..wahahaha!! Teka, teka ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Hmm, bukas nalang kaya?

"Ano sa tingin mo dapat kong sabihin kay kuya Basti?"

"Ewan." Sagot naman ni Jan-Jan sa akin sabay lagay ng earphones sa tenga niya at talagang hindi na ako pinansin. Hmmp, daig pa nito ang babae sa mood swings eh? Kanina ang saya saya niya, tapos biglang ang grumpy nanaman niya..yung totoo?

Akala ko babae lang ang mahirap i-spell, count Janus Tantoco in. Hihi.

"Bakit ka tumatawa dyan?" Sita nito sa akin.

"Ang cute mo kasi." Saka ko sya pinisil sa pisngi.

Biglang namula ang pisngi niya! Ang cute..haha

"T-talaga..?" Para pa syang nahihiyang ngumiti sa akin. Haha, parang bata.

"Oo, kaya halika na..di'ba dito tayo bababa?" Saka ako tumayo..haha. Hinawakan niya ang kamay ko paglabas namin ng train, wala lang naman sa akin iyon, bestfriends kami di'ba? Saka iba parin yung mararamdaman mong safety pag alam mong lalaki yung may hawak sa kamay mo.

Try mong hawakan ang kamay ng bestfriend mo, ang saya di'ba.

Pagkasimba ay agad kong inayos ang mga gamit na dadalhin ko bukas. Medyo eksaytment no? Saka ko naman naalala na itetext ko nga pala dapat si kuya Basti.

Hmm..

Teka lang..teka..

Ano naman kayang sasabihin ko sa kanya?

Hello, si Van nga pala ito friend ni Mitchie at--wag iyon..wag iyon..

Eh kung, hi Basti..--di rin okay eh..masyadong feeling close ang dating, saka first time ko palang sya na itetext..ayoko namang ireply niya sa akin ay ang generic na who's this, o hu u.

Saka..haist! Babae ako pero ako ang unang magtetext. A.YO.KO. Binato ko ang cellphone ko sa kama saka ako lumabas sa terrace.

Parang nanligaw na nga ako nun di'ba?

Pag nagtext, nanliligaw agad di ba pwedeng may sasabihin lang?

Ano ba namang problema ito, nakakainis di ko alam ang gagawin ko eh.

Bumalik ulit ako sa kwarto at saka ko kinuha ang cellphone ko. Bahala na.

To: Kuya Basti <3

Hi kuya Basti, si Van po ito. Remember? Yung friend po ni Mitchie. Gusto ko lang pong itanong kung mahilig po kayo nina Charlie sa chocolate brownies. :)

Agad kong hinagis ang cellphone ko pagkasend. Kailangan talaga kasama pangalan ni Charlie, baka kasi isipin niya na patay na patay ako sa kanya..teka ambilis ah? Patay na patay agad? Saka alam ba niyang kras ko sya..di naman.

MAGREPLY KA..MAGREPLY KA..

Halos mapatalon ako nang biglang umilaw ang cellphone ko, kaso--

From: Jan.squared

Van, ano mas okay, muffins o cookies?

ENEBE..Bakit si Jan-Jan ito? Kuya Basti wala ka bang load?

To: Jan.squared

chocolate cookies!! :)

From: Jan.squared

Sige yun nalang gagawin ko bukas. :D

Matagal na bago yung huling message ni Jan-Jan pero nakatitig parin ako sa screen ng iPhone ko..GAHHHHH! AYOKO NA! Baka hindi nagrereply sa unknown number si ku-----

From: Kuya Basti <3

Yeah! Yung laging ngumingiti pag dumadaan ng office.

Hmmm… kung bibigyan mo ako. Oo. Haha. (^_^)V

Basta pagkain gusto ni Charlie. -_-

WAAAAAAAHHHH! NAGREPLY SI KUYA BASTI! NAGREPLY SYA! Tumayo pa ako sa kama saka nagtatalon..grabe, akala ko di sya magrereply eh..ahhhhhh!

Binasa ko ulit yung message, medyo hindi kasi nagsink in sa akin yung unang beses eh..

Yung laging ngumingiti pag dumadaan ng office.

WAAAAAH! Hindi niya ako kilala bilang friend ni Mitchie! Nice, pero napapansin pala niyang ngumingiti ako pag nadadaan sa office nila, medyo nakakahiya..pero..ehhhh..ano ba, pagtingin ko sa salamin tama ang aking hinala, namumula ang mukha ko.

Kung bibigyan mo ako. Oo. Haha.

Ehh bakit kinikilig ako?!

Oo naman kuya Basti..bibigyan kita, malakas ka sa'kin eh.

Teka, ano ba..nakalimutan ko nang magreply, masyadong masaya lang..haha!

To: Kuya Basti <3

Bibigyan ko po kayo bukas. ^_^v

From: Kuya Basti <3

Really? Salamat. ^_^

Pagkatapos ng reply niya na iyon ay agad akong tumakbo sa kusina at hinanap si yaya. Kailangan kong mag-practice..aba kailangang perfect ang kalabasan ng chocolate chip brownies na gagawin ko bukas. Pati sina yaya hindi maintindihan kung bakit sobrang excited ko, buti na nga lang at dumating si kuya kasama ang mga ka-grupo niya sa isang project eh, sila ang taste tester ko..

Result ba?

MASARAP DAW!

Handa na ako para bukas!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 84.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
633K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
50.7K 2.4K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...