Will you be his BABY . . .MAK...

By Khira1112

24.5M 250K 26.7K

UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks. More

PROLOGUE
WYBHBM~~ Chapter 1
WYBHBM ~~Chapter 2
WYBHBM ~~ Chapter 3
WYBHBM ~~ Chapter 4
WYBHBM ~~ Chapter 5
WYBHBM ~~ Chapter 6
WYBHBM ~~ Chapter 7
WYBHBM ~~ Chapter 8
WYBHBM ~~ Chapter 9
WYBHBM ~~ Chapter 10
WYBHBM ~~ Chapter 11
WYBHBM ~~ Chapter 12
WYBHBM ~~ Chapter 13
WYBHBM ~~ Chapter 14
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 15 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 16
WYBHBM ~~ Chapter 17
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 18 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 19
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 20 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 21
WYBHBM ~~ Chapter 22
WYBHBM ~~ Chapter 23
WYBHBM ~~ Chapter 24
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 2
WYBHBM ~~Chapter 25 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 4
WYBHBM ~~ Chapter 25 part 5
WYBHBM ~~ Chapter 26
WYBHBM ~~ Chapter 27
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 28 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 29
WYBHBM ~~ Chapter 30
WYBHBM ~~ Chapter 31
WYBHBM ~~ Chapter 32
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 33 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 34 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 35
WYBHBM ~~ Chapter 36
WYBHBM ~~ Chapter 37
WYBHBM ~~ Chapter 38
WYBHBM ~~ Chapter 39
WYBHBM ~~ Chapter 40
WYBHBM ~~ Chapter41
WYBHBM ~~ Chapter 42
WYBHBM ~~ Chapter 43
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 44 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 45 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 46
WYBHBM ~~ Chapter 47
WYBHBM ~~ Chapter 48
WYBHBM ~~ Chapter 49
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 50 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 51
WYBHBM ~~ Chapter 52
WYBHBM ~~ Chapter 53
WYBHBM ~~ Chapter 54
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 55 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 57 part 1
WYBHBMM ~~ Chapter 57 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 2
WYBHBM ~~ Chapter 58 part 3
WYBHBM ~~ Chapter 59
WYBHBM ~~ Chapter 60
WYBHBM ~~ Chapter 61
WYBHBM ~~ Chapter 62
WYBHBM ~~ Chapter 63
WYBHBM ~~ Chapter 64
WYBHBM ~~ Chapter 65
WYBHBM ~~ Chapter 66
WYBHBM ~~ Chapter 67
WYBHBM ~~ Chapter 68
WYBHBM ~~ Chapter 69
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 1
WYBHBM ~~ Chapter 70 part 2
WYBHBMM ~~ The Last Chapter
WYBHBM ~~ EPILOGUE
"Will You Be His Baby. . .Maker?!" is published under Life Is Beautiful (LIB)

WYBHBM ~~ Chapter 56

182K 1.8K 398
By Khira1112

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE :))

-

RHEA POV

Agad akong napasugod sa clinic ng tawagan ako ni Ren. Nahimatay daw si Heira.

Pero bago pa ako makarating sa clinic ,nakita kong may dalawang lalaking nagsusuntukan sa hallway. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino sila.

"Ren! Cyfer!" hindi ko alam kung paano ko sila aawatin. Start na ang first subject at wala ng tao sa hallway.

"stop it!" sigaw ko. Pero parang wala silang naririnig.

"damn you! You should have shut your mouth!" sigaw ni Cyfer sabay hawak sa kwelyo ni Ren at sinuntok ito sa mukha.

"tama na,Cyfer!" hinawakan ko ang braso nya para pigilan ang muling pagsuntok nya kay Ren.

"shut up?! Gusto mo akong manahimik na lang at hayaan syang naloloko?" si Ren naman ang sumugod at tinadyakan si Cyfer. Muli akong napasigaw.

"Ren,tama na ! Ano ba!"

"stay out of this Rhea. I'm gonna break this bastard's neck. They're hurting Heira." muli sana syang susugod ng humarang ako sa gitna.

"anong ibig mong sabihin,Ren?" bumaling ako kay Cyfer na tumayo mula sa pagkakalugmok sa sahig. "sinasaktan mo si Heira?"

"I'm not-" akmang sasagot si Cyfer pero muli syang inabot ni Ren at sinuntok .

"Ren,stop it now!"

"no! He deserve it,Rhea. He deserve to be punished." hindi ko nagawang pigilan pa si Ren at kinwelyuhan ulit si Cyfer."alam kong gago ka pero hindi ko alam na ganto ka kagago! May alam ka na pala,tinatago mo pa din sa kanya!" tinabig ni Cyfer ang kamay ni Ren at tinulak ito.

"I have no right to interfere! Kung may karapatan lang ako, matagal ko na sanang sinabi. Pero ikaw,likas kang pakielamero! Wala kang karapatang makialam sa bagay na yon!"

"at ano? Hayaang may masaktan? Hayaang may magmukhang tanga? Hayaan si Heira na umasa sa kapatid mong masgago pa sayo?"

"what's going on?" gulong-gulo na ang isip ko kung ano ba ang pinagaawayan nilang dalawa.

"you shouldn't have told her that. You just make the situation worst,Delgado." pinunasan ni Cyfer ang dugong umaagos sa gilid ng labi nya. "and I could kill you for that." may banta pa din sa boses nito.

Napatingin ako kay Ren na mukhang hindi naman natatakot sa banta ni Cyfer.

"Had I known this earlier, I would have done something for Heira." nag-walk out si Ren at kasama nya akong hinila.

"What was that,Ren? Bakit kayo nag-aaway ni Cyfer?"

Huminto sya sa paglalakad at lumingon saken. Nakita ko ang mga pasa sa mukha nya na nagsisimula ng mangitim. Meron sa kanang pisngi, sa gilid ng kaliwang mata at sa gilid ng bibig.

"you look like hell."

"I'm sorry. Hindi mo dapat nakita yon."

"nag-aaway ba kayo dahil kay Heira?"

Hindi sinagot ni Ren ang tanong ko.Nakatiim lang ang mukha at galit pa din.I've never seen him like this.

"Tell me what happened."

"wag mo ng alamin,Rhea. Ayokong madamay ka dito."

"Heira's my friend! Gusto kong malaman kung anong nangyari-"

"please,Rhea. Please.Wag mo na ipilit."

-

Bumalik kami ng clinic.Akala pa nga namin andoon si Cyfer. Hindi pa din nagigising si Heira.Lumabas naman sandali ang nurse.Pinagmasdan ko ng maigi si Heira.

She's getting skinny.Hindi ba sya kumakain? Umiimpis na ang mukha nya.

Napansin ko din na balisa sya nitong mga nakaraang araw. It's obvious that she is not fine but she keep on saying she is. She can't fool me with those fake assuring smiles. I'm not buying her excuses also. Hinahayaan ko lang dahil wala akong karapatang makialam.

Does she have any problems?

Lumingon ako kay Ren. He's also staring at Heira.

"hindi mo talaga sasabihin saken?"

Umiwas sya ng tingin. Hindi ko sya mapipilit kung ayaw nya.

"let me nurse you."

REN POV

Wala akong kibo habang ginagamot ako ni Rhea. Napapadaing lang ako kapag masyadong madiin ang paglapat nya ng bulak sa mga pasang natamo ko.

Nakailang buntong hininga na ba ako? Hindi ko na mabilang.

Napatingin ulit ako sa clinic bed kung saan nakahiga si Heira.

Guilt,pity,remorse and anger. Those feelings, I felt it rising in me.

Guilt. Hindi ko alam kung tama ba o mali ang ginawa ko. Tama dahil nagsabi ako ng totoo. Mali dahil nakialam ako at masyado akong naging pakielamero katulad nga ng sabi ni Cyfer saken kanina.

Pity.Awang-awa ako.

Magagalit kaya si Heira kapag binansagan ko syang pinakakawawang babae sa mundo?

Remorse. Eto ang pinakaayaw kong maramdaman pero sa tingin ko ito ang masnangingibabaw saken ngayon.

Anger. Pinipilit kong pigilan ang galìt na nararamdaman ko. Pinipilit kong kumalma. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng ganto kahabang pasensya. Nagagalit ako sa taong natuklasan kong manggagamit. Nagagalit ako sa taong madaming alam pero nagkukunwaring walang alam. Magkapatid nga sila. Gusto ko silang banatan dahil sa mga dinulot nila kay Heira.

I don't have feelings for her. It just happened that I care for her because she's important to Rhea too.

Totoong nagulat ako ng umamin sya saken kahapon. Kung hindi pa sa kanya nanggaling, nunca akong maniwala sa nakalagay sa mga papel na nakapaskil sa bulletin board.

Pero masnagulat ako ng makilala kung sino ang nag-alok sa kanya na maging baby maker.

Cyfer said it was his half brother who offered a deal to Heira. The hint was too obvious. Hindi ko na kailangan pang magtanong ng isa pang beses para lang malaman kung sino.

It is Alexandrei de Vera.

Not that I knew everything about Cyfer. It just happened that the de Vera family lawyer is my father. My father,he used to talk a lot about their family. I never thought that I could used it in purpose or in other situation. In this situation.

Parang puzzle at unti-unti ng nabubuo ang larawan.

FLASHBACK

"pa." dahil sa natuklasan ko, naisipan kong magtanong kay papa tungkol sa mga de Vera. Naikwento na nya saken ang iba pero hindi ko yun pinagtuunan ng pansin.

"yes?" ibinaling nya ang tingin nya saken at ibinaba ang librong binabasa.

"May itatanong lang sana ako."

"tungkol saan."

Hindi ko alam kung paano ko i-o-open up ang topic sa kanya ng hindi ako magmumukhang intregero.Huminga ako ng malalim at muling tumingin kay papa.Nakakunot ang noo nya at wari'y inaalam na kung ano ang itatanong ko.

"ano yon,hijo? May problema ka ba?" muling tanong nya.

"wala,Pa.May gusto lang talaga akong alamin."

"about what?"

"de Veras."

Lalong nangunot ang noo ni papa.Bago pa ito magsalita ay inunahan ko na sya.

"Kliyente mo ang pamilyang iyon,di ba?"

"anong gusto mong malaman tungkol sa mga de Vera?"

"naikwento mo na saken noon ang tungkol sa iniwang testamento ni Mr.de Vera sa mga anak nya.Gusto kong malaman ang buong kwento."

"bakit naging interesado ka sa bagay na yon,hijo? Hindi ka naman nagtatanong

dati tung sa mga hawak kong kaso especially sa mga de Vera."

"I do now."

Sumandal si papa sa swivel chair at matiim akong tinitigan.

"It's an old but on-going case."

"old?"

"8months ko nang hawak ang kasong iyon pero sa tingin ko medyo matagal pa bago ko iyon matapos."

"bakit? Ano bang klaseng testament ang iniwan ni Mr.de Vera sa mga anak nya?"

"at first I thought it was just an ordinary will before death testament. Some part of it was nothing but ordinary, paghahati-hatian ng tatlong magkakapatid ang kayamanang naiwan ng ama nila at dahil babae ang panganay, hindi sa kanya mapupunta ang kumpanya kundi sa kapatid nyang lalaki. You know Xandrei,right? Naikwento ko sya ng ilang beses sa iyo noon."

Marahan akong tumango. Pinagpatuloy ni papa ang pagsasalita.

"majority stocks ng DVI ay kay Xandrei mapupunta. Pati na din ang iba pang properties kagaya ng lupa, kotse at iba pang ari-arian nila at perang nakatago sa iba't-ibang banko na hindi nagagalaw kaya lumalaki ang interest.Kung susumahin, isa ang ama

nila Xandrei sa lista ng pinaka mayayamang tao sa buong Asya."

"malinaw sa akin noong una kung ano ang binabalak ng kanilang ama. Kahit pa hindi inaasahan ang pagkamatay nya, hindi naging mahirap sakin na hawakan ang kaso pero naalala kong ipinaubaya nya saken ang pagbabasa ng testamento. Noong unang araw ng kanyang burol, pinag-aralan ko na ulit ang mga iniwan nyang testamento, hindi ko namalayang may idinagdag syang will na ginawa nya nung mismong araw na namatay sya, witness nya ang mga doctor nya. Legal yon dahil may lagda at nauna na nyang ipinaalam sa tatlong membro ng boards."

"ganon kabilis ang proseso? Hindi ba idinaan sa ibang paraan? Sa korte?"

"it is a family matter,Ren. It's a will. Wala namang ilegal na gawain ang mga de Vera para idaan sa korte ang bagay na yon.Ang mariing bilin lang ng nakatatandang de Vera ay kailangang may anak na si Xandrei sa loob ng labing-walong buwan para makuha ang mana nya."

"ganoon kabilis?"

"hindi matanggap ni Xandrei ang kalagayan nya noon.Hindi pa sya handang

maging ama. Nakaramdam ng galit sa amang wala na pero naglagay sa kanya sa hindi magandang sitwasyon. Kung ako man ang nasa kalagayan nya siguro'y ganon din ang mararamdaman ko."

"pumayag sya agad? Hindi na sya nagreklamo or what?"

"ilang beses nya akong pinuntahan at kinausap tungkol don pero kahit pa tulungan ko syang ikontesta ang bagay na yon sigurado akong ibabasura din yon ng korte. Sa huli wala na din syang nagawa kundi mag-isip ng paraan para makuha ang mana nya."

"sinabi nya ba sayo ang gagawin nya?"

"hindi pero alam kong nagkaroon sya ng girlfriend at kasalukuyang nakatira sa kanila ngayon."

"do you know her?"

"not personally. I don't remember her name but I've seen her profiles when Xandrei enrolled her to AAA."

"wait. . .you were the one who approved her? Hindi na sya dumaan sa exams at sa admin?"

Tumango si papa.

"sa pagkakaalam ko nga ,kaklase mo sya."

"really. . ." nagkunwari akong walang alam.Hindi ko gustong maghinala si papa na may ideya na ako.

"pero sandaling nagkaroon ng aberya ang tungkol don. Hindi ko alam kung anong estado nila ng girlfriend nya pero muntik na syang ipakasal sa iba."

"what?!"

"Nagulat din kami ng malaman namin. Hindi nya talaga gustong magpakasal. Pumunta pa sya ng Canada para maayos ang bagay na yon. Ilang linggo din syang nanatili doon."

"and then?"

"nagawan nya ng paraan. Hindi na itinuloy ni Mr.Tamaki ang pagpapakasal ng anak nya kay Xandrei. Hindi na din nabanggit ni Xandrei kung paano nya nagawang mapapayag si Mr.Tamaki na huwag na ituloy ang kasal. Bilib din ako sa tatag ng batang iyon. Isang buwan at mahigit na ang nakalipas ng umuwi sya ng Pilipinas mula Canada."

Alam kaya ni Heira yon? Hindi na din siguro mahalaga kung malalaman nya o hindi dahil nagawan na pala ng paraan ni Xandrei ang bagay na yon. Iniisip ko kasing front lang ang pagpapakasal ng lalaki kay Heira para makuha ni Xandrei ang gusto nya. Kahit pa deal nila yon,kahit pa mayaman si Xandrei at kaya nyang i-provide ng mga kinakailangan ni Heira ng bata ,hindi pa din yon ang punto. Hindi mababayaran ng pera ni Xandrei ang mawawala kay Heira. Especially youth. Damn it. She's too young to marry at napakabata pa nya para maging ina.

"but I have another problem. I mean another problem for Xandrei. . ."

Naghintay ako ng isasagot ni papa. Para ngang nagaalangan sya kung sasabihin nya saken o hindi.

"Mr.Tamaki called me again. Gusto nyang buhayin muli ang addendum."

At doon ipinaliwanag saken ni papa ang sirkumstansya. Ang sitwasyon na kahit henyo pa ang nasa kinalalagyan nila ay mahihirapang makagawa ng paraan para malutas ang problema.May pumukpok din sa konsensya ko. Ano na lang ang magiging kalalabasan ng lahat? Paano na si Heira? Paano na si Xandrei?

"hindi nya pa 'to alam at hindi ko din alam kung paano ko ipapaalam. . ." yun ang huling sinabi ni papa at hindi na sya nagsalita pa wari ay nagiisip ng malalim.

Sa oras na yon ay nagdesisyon akong mangialam. Kailangan ni Heira na malaman ang lahat. Hindi nakakabuti sa sitwasyon ang pagtatago ng kasalanan at maslalo kasuklam-suklam ang mga gawa-gawang dahilan na nauuwi sa mga kasinungalingan.

Kailangan nyang lumayo kaagad kung hindi nya gustong masaktan. . .

Ibinalik ko ang sisi kay Xandrei. Kung di sana sya nagsinungaling kay Heira, hindi lalala ng ganto ang sitwasyon.

Nag-aalala ako. Sa mga sinabi ni Heira saken kahapon, halata namang mahal na mahal nya ang lalaking yon.

Wala saken ang desisyon pero hindi ko hahayaang maging tanga si Heira hanggang sa huli.

END OF FLASHBACK

"Ren?"

"may sinasabi ka ba?"

"nasapak ka lang ni Cyfer lumipad na sa ibang planeta yang isip mo. Nakatulala ka lang jan na parang na-stroke." tapos na pala nya akong gamutin.

Aasarin ko rin sana sya pero nahinto lahat ng sasabihin ko ng makita naming bumangon si Heira. Napahawak sya sa ulo nya. Agad kaming lumapit ni Rhea.

"Heira,are you okay? Masakit ba ulo mo? Teka lang ha, tatawagin ko yung nurse." mukhang nataranta si Rhea sa ginawi ni Heira.Ako naman nakatingin lang sa kanya.

"wag na,Rhea." umayos si Heira. Tumuwid sya ng upo at pinakiramdaman ang sarili.

"hindi. Tatawagin ko si nurse para sigurado. Jan ka lang. Wag kang babangon." lumingon saken si Rhea. "bantayan mo sya. Hwag mong papalabasin ng kwarto. Sasapakin kita pag nakatakas si Heira." pinanlakihan pa ako ng mata bago lumabas ng clinic. Napabuntong hininga na lang ako. Wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya.

Tumingin ulit ako kay Heira. Nakayuko lang sya.

"kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"ayos lang." sagot nya. Mahina lang ang boses nya at paos.

"Heira. . ."

"Ren. . ."

Magkasabay kaming nagsalita at napalingon ulit sya saken.

"ikaw muna." sabi nya. Muling syang yumuko.

"No. Ikaw muna." sabi ko.

Akala ko hindi nya na ako papansinin. After a minute, nakita kong mahipit nyang hinawakan ang kumot .

"totoo ba yung. . .yung. . ." hindi nya maituloy ang sinasabi nya.

"Heira,totoo yon."

"kanino?" her voice is shaky. Umiiyak na ba sya?

This is my weakness. Seeing girls cry.

"wala akong karapatan na sabihin sayo ang bagay na 'to pero ayokong umasa ka sa isang taong iiwan ka din pala."

hinawakan ko ang kamay nya. "Heira, layuan mo na sya."

"Mahal ko sya,Ren."

"masasaktan ka lang."

"wala akong pakialam. Matagal na akong nasasaktan. Hanggang ngayon. . .kahit ngayon." naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha nya sa kamay ko.

"Heira, hindi ko alam kung ipaglalaban ka pa nya. . ."

Hindi sya sumagot. Ang tanging maririnig sa clinic ay ang hikbi nya at pagbuntong hininga ko.

"If. . .if he made you feel you're important,siguro may chance na ipaglaban ka nya. Kung ikaw ang priority nya, ikaw ang pipiliin nya. At kung mahal ka nya talaga, hindi na nya iisipin ang mana nya. Ikaw lang. . ."

Dahan-dahan syang lumingon saken.

"anong ibig. . . mong sabihin?"

Sinabi ko sa kanya lahat ng nalalaman ko. Lahat ng sinabi saken ni papa. Ang mga posibilidad na mangyari kapag sya ang pinili ni Xandrei. Ang sakit na mararanasan nya kapag hindi sya lalayo. Ang mga konsenkwensya.

She stared at me. Her eyes is wide na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"I'm sorry,Heira. I didn't mean to make you cry.I just want you to know the truth."

Biglang bumukas ang pinto. Si Cyfer. Napahinto sya sa paghakbang ng makita nyang umiiyak si Heira. Kasunod nyang dumating si Rhea na humihingal pa. Nagliliyab na mga mata ni Cyfer ng tumingin sya saken. Sumugod sya.

"Cyfer wag!" humarang na sa gitna si Rhea para pigilan si Cyfer.

"tumabi ka,Rhea. Wag mong idamay ang sarili mo dito."

"Rhea,stay out of this."

"damn you both! Anong tingin nyo saken? Referee? Mahiya nga kayo kay Heira- hey! Bakit ka umiiyak?" doon lang nakita ni Rhea na namumugto na ang mga mata ni Heira. "Ren, anong ginawa mo?" tanong nya saken.

"you asshole! Look what you did! Pinaiyak mo sya!" kinwelyuhan ako ni Cyfer. Tinabig ko ang kamay nya.

"She needs to know the truth.Hindi ko sya hahayaang maging tanga.Hindi ako tulad mo na may alam na pero pinili mong manahimik para hindi sya masaktan.Ang hindi mo alam,sa bawat segundo na tinatago mo sa kanya ang lahat,lalo mo syang masasaktan." hindi sya nakagalaw sa kinatatayuan nya.Natamaan sa mga sinabi ko.

"what's that all about?" inis na asik ni Rhea. Mababakas sa mukha nya ang pagkalito.

"you knew?" lahat kami napalingon kay Heira. Kay Cyfer sya nakatingin. Bakas sa mukha ang pagdaradam.

"Heira, I can explain-" biglang tumayo si Heira at tumakbo palabas ng clinic.

"Heira!" hinabol sya ni Cyfer pero bago yon ay isang nakakamatay ng tingin ang ibinigay nya saken.

Nahahapo akong umupo sa gilid ng kama. I don't know why did I involved myself to their problem. Maybe because I want to play hero. Ang pinaka ayoko sa lahat ay pinagmumukhang tanga ang isang mabuting tao.

Napatingin ako kay Rhea. Nakatitig lang din sya saken. Ilang segundo ang lumipas,lumabas sya ng clinic at naiwan akong nag-iisa.

What now? Did I make a good choice or did I only made their situation worst kagaya ng sinabi ni Cyfer?

CYFER POV

"Heira!" tumakbo sya papuntang school garden. Nakapasok na sya doon bago ko pa sya maabutan.

"Heira!" hinawakan ko ang braso nya pero tinabig nya ang kamay ko at umatras.

"Heira, magpapaliwanag ako. . ."

"paliwanag? Anong magagawa ng paliwanag mo? Do you know what I'm feeling right now? I feel nothing,Cy. . .I like feel I'm just a nobody to you, to Xan. . ." humakbang ako palapit pero umatras sya muli.

"no! Wag kang lalapit saken! Wag kang lalapit." sunud-sunod na hikbi ang kumawala sa kanya.

"bakit hindi mo sinabi agad? Bakit di man lang pinaalam? Akala ko ba kaibigan kita?"

"Heira. . ." pinipiga ang puso ko sa nakikita kong pag-iyak nya. Ang bawat salitang sinasabi nya ay parang bala ng baril at ako ang natatamaan.

"ayaw kang kitang saktan."

"ayaw saktan?! Hindi ba isang malaking kalokohan yan? Matagal na kong nasasaktan,alam mo yan! Ikaw ang lagi kong nakakasama, napagsabihan kita ng problema nung wala sya. Umaasa ako na naiintindihan mo. Pero mukhang hindi e! Hindi mo naiintindihan. I've been too honest with you but you choose to keep silent and hide the truth! Is that the kind of friendship you can give?!"

"Hindi ko gustong maging dahilan ng pag-iyak mo.I always hate Xandrei for hurting you and you don't know how much I hate myself right now. Hindi ko sinabi dahil wala akong karapatang makialam." nahihirapan akong iparating ang gusto kong ipaliwanag sa kanya.

"you have the right as my friend,Cy. Wala din ba akong karapatang malaman yon?" punung-puno ng hinanakit na sabi nya.

"I'm sorry. I thought keeping my mouth shut would make the situation good. . ."

Isinubsub nya ang mukha sa kanyang mga palad at umiyak ng umiyak. Nagsisi akong wala akong nagawa. Ngayon ,may parte ako sa sakit nararamdaman nya. Hindi ko man inaasahang mauuwi sa ganto kabilis na pagbubunyag, umaasa akong kakayanin nya.

We stay like that for a moment then I step closer. Niyakap ko agad sya ng mahigpit. Kinakain ako ng guilt.Alam kong sa pagkakataong 'to hindi na si Xandrei ang may kasalanan ng lahat. . .kasama na ako sa mga taong nakasakit kay Heira dahil tinago ko ang katotohanan sa kanya.

"I'm sorry,Heira. I'm really sorry." I whispered.

"the pain is unbearable,Cy. Hindi ko alam kung anong gagawin.If Xan left me. . ."

"hush."

now, alam ko na ang gagawin ko. Hindi ko na dapat hayaang indahin ni Heira lahat ng sakit. Hindi ko hahayaang sya lang ang masasaktan sa huli. Hindi ako papayag na umasa sya ng umasa.

Inilayo ko sya at pinunasan ang mga luhang nag-uunahang dumaloy sa kanyang pisngi.

"I won't let your heart fall and break it into pieces. . ." I cupped her face, place my forhead in hers.

Sigurado na ako sa gagawin ko. Poprotektahan ko ang babaeng 'to.

"If Xan lets you go, I'll catch you. . ." I said sincerely.

Unti-unting bumaba ang labi ko palapat sa labi nya. I didn't meet any resistance. My heart beats rapidly. Huli ko 'tong naramdaman kay Anne, ngayon nararamdaman ko na naman.

Seconds later,I found myself lost in our kiss as I feel her kissing me back.

We kiss for all wrong reasons but it feels so right for me. I won't regret this.

. . .I won't let you face this trial alone. I promise. . .

To be CONTINUED. . .

A/N : Huhuhu. Sorry Heira. Napaka-sadista ni author. Grabe ang pagpapahirap nya sayo. T.T

Yes! I made an update for you,guys! Rush nga lang. Buti natapos ko. Libre lait. Hahaha. Di ako confident. Feeling ko ampanget ng update ko dahil madalian. Kung napangitan kayo,pasensya na po. Masyado kasi akong natuwa sa feedback sa last chap. XD

May exams pa din ako this week kaya no updates po muna. Sa weekend na lang po.

PREDICTION FOR A DEDICATION GAME WINNER IS - no one :(

Actually nahirapan akong mamili ng winner. Ang gagaling manghula ng iba ,parang masmaganda yung mga naiisip nilang ideas kesa yung twist na nasa isip ko. Nyahaha! Pero wala talaga akong nakitang nakahula ng tama e. Correct me if I'm wrong ha :D

Request for book 2 - I'm still thinking.

Readers, I just want you to know na malapit na matapos ang WYBHBM. Hindi ko pa natatantsa kung ilang chaps na lang pero konting kembot na lang tapos na. But still, I won't give you an idea how this story will end. Lalala~

Pagpatuloy lang po ang hula, nakakapick-up ako ng ideas e. Hehe. At ilang beses kong binasa ang mga comments. Napapangiting wagas ako sa mahahabang comments ng iba. Hahahaha!

Godbless and lovelots,readers! Sa next week ulit!

KHIRA1112♥

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 49.9K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...
1.7M 44.1K 51
(COMPLETED) Published under RISINGSTAR Printing Enterprise (149.oo only) Available in all leading bookstores Nationwide- you can also order the book...
704K 19.9K 68
Mataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa...
11.1M 160K 41
Tigers #3 Adrian Buenavista