Let's do this!

By IfIWasYourGirl

39.2K 1.2K 55

Iba ibang kwento ng paghihirap para makamit ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi madali a... More

Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
XX
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 7

774 24 0
By IfIWasYourGirl

Ashton and Sami on the picture


----


[Ashton's POV]



Naka-earphones ako habang naglalakad papasok ng school ngayon. It's almost 2 weeks na pala simula ng pumasok kami rito. And so far, okay naman maliban sa nakakapagod siya.



Tahimik lang akong naglalakad at nakikinig sa kanta na tumutugtog ngayon sa earphones ko.



"UY!" napabalikwas naman ako dahil sa gulat. Tinanggal ko ang earphones atsaka hinarap yung nanggulat sakin.



"Bakit ka nanggugulat?"



"HEHE. Cute mo pala magulat!" tumatawa niya pang sabi. Well, si Sami lang naman ang nanggulat sakin.



"Tara na nga." pagyaya ko naman sakanya. Kaya nag-umpisa na kaming maglakad ulit.



"Mukang busy ka sa pinapakinggan mo eh, kaya ginulat kita. Saktong pagbaba ko ng bus dumaan ka eh." pagkekwento niya naman habang naglalakad kami.



Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sakin. Napatingin ako sa lalaking nakablack na naglalakad na papunta samin.



"Sir Ashton!"



"Shit. Let's go." hinila ko na si Sami palayo sa lugar na yun. Hindi talaga tumitigil si Dad.



"Ash, a-ano yun?" hinihingal na tanong niya pagkadating namin sa loob ng school. Hinila ko kasi siya habang tumatakbo. 



"Nevermind, tara na." sabi ko naman sakanya



"Pero."



Tinignan ko naman siya atsaka ngumiti na parang sinasabing hayaan mo na. Hindi na rin naman siya nagtanong ulit at tahimik lang na naglakad papunta sa loob ng room.



Pinasundan niya pa ako. Akala ko hindi siya seryoso dun. Kinausap ko siya kagabi through skype and ayun nalaman niya nga na pumapasok ako as trainee sa Woollim Academy and sabi niya, hindi raw tama yun. I should take Business course raw kaya ito at sinabi niyang ipapahabol niya ako. And tinotoo niya nga.



"Uy pre, may problema ka ba?" tanong ni Pau sakin



"Sabi ni Sami, may humahabol daw sayo. Sino?" tanong naman ni Brent sakin



"It's my father's body guards."



"Tae. Mayaman ka?" tanong ni Chloe sakin. Nanlalaki pa ang mga mata niya.



"Hindi halata ah, naglalakad ka pauwi tapos hindi mo rin naman nabanggit samin." sabi naman ni Iya



"Hindi naman masaya eh. Pinipilit niya ako na umalis na rito. Ayaw niya na ako magtraining kasi wala raw akong pupuntahan dito. Mag-business course raw ako so I could take over his business. Yan ang lagi niya sinasabi. Pero ito ang gusto ko. May magagawa ba sila ni Mommy?" pagkekwento ko naman sakanila.



"I really understand how you feel. Umm, actually pinalayas ako last last week samin. Hindi ko pa naikwento kasi nakakahiya. Pero ayun, nakatira ako kela Brent ngayon. Nakakahiya na nga eh. Pero thankful pa rin ako kela tita kasi pinatira nila ako sakanya. Well, pinalayas ako for the same reason." pagkekwento naman ni Iya samin. So, hindi lang pala ako. Ang pagkakaiba lang, pinalayas na siya.



"So, mayaman ka rin?" tanong naman ni Pau



"Hindi kami mayaman. Okay lang."



"May kaya sila." sagot naman ni Brent



"Pero grabe naman, hindi ba parang sobra naman yung palayasin ka?" tanong naman ni Sami



"Well, ganun sila Papa eh. Ayoko ng pag-usapan yun." sabi niya naman tsaka ngumiti



Naputol nalang ang pagkekwentuhan namin ng dumating na si Mr. Basti at pinaupo na kami sa respective places namin. Nagsimula na rin naman siya na magturo samin ng mga notes and kung pano ang pitch.



***


[Chloe's POV]



Latang lata ako ngayon. Napagod ako sa pinaggawa samin. Hindi man nakakapagod yung ginawa kay sir basti pero yung sa drama class namin kanina nakakapagod. Pano ba naman nag-role play kami on the spot. Pinaggawa lang kami ng story line for 30 mins then perform again. Buti nga at naging okay naman ang performance namin kanina.



Tahimik lang akong naglalakad. Nakasunod naman sakin si Pau. Syempre iisa lang naman ang way namin pauwi eh.



"Gusto mo muna pumasok sa loob?" tanong ko sakanya ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko.



"Wag na." nakangiting tanggi niya naman



"Iniintay ka na siguro ng mama mo noh? Sorry. Hahaha." nakangiti kong sabi sakanya



"Walang nag-iintay sakin."



Napatigil naman ako sa sinabi niya. Naguguluhan ako, anong ibig niyang sabihin?



"Wala ng nag-iintay sakin. My mom is gone. Patay na siya."



"Ay. Sorry." nakakahiya naman. Hala! Baka nalungkot siya.



"Baliw, wag ka magsorry okay lang, tsaka matagal na yun."



Imbes na pumasok ako sa loob ay umupo ako sa bench na nasa labas ng bahay namin. Tinapik ko naman ang side na walang nakaupo. It means pinapaupo ko siya.



"Pano ka na? May kakainin ka ba mamaya?" tanong ko naman sakanya. Kawawa naman kasi siya diba? Walang nag-aasikaso sakanya. Mag-isa lang siya sa buhay.



"Matutulog ako pagdating sa bahay then gigising ako ng 2 para magready sa trabaho ko."



"Hindi ko alam na nagtatrabaho ka pala. Baka naman magkasakit ka ah?"



"Hindi yan. Kaya ko. Tsaka matagal ko na rin namang ginagawa to." nakangiting sabi niya sakin



[Pau's POV]



Napatingin ako ng bigla siyang tumayo sa upuan niya.



"Teka lang ah." sabi niya naman tsaka ako nginitian. Pumasok siya sa loob ng bahay. Narinig ko naman na parang kinakausap niya yung mama niya. Pero hindi masyadong malinaw kasi mahina lang yung pagsasalita niya.



Maya maya pa ay lumabas siya may dalang plastic at may lamang tupperware. Inabot niya ito sakin kaya tinanggap ko rin naman.



"Sorry, ito lang meron kami sa loob na ulam eh. Kumain ka bago ka matulog ah? Sige na, pag may kailangan ka tumawag ka lang, meron ka namang number ko diba? Sige na, magpahinga ka na." sabi niya naman sakin tsaka ako nginitian



Pumasok na siya sa loob at sinarado ang pintuan. Nanatili pa rin akong nakatayo sa labas ng pinto nila habang hawak hawak ang binigay niya sakin. Napatingin ako dun sa plastic na hawak ko.



Ngayon nalang siguro ako makakakain ulit ng lutong bahay pagkatapos ng maraming taon. Hindi ko na matandaan kung nakapagluto ba ako ng pagkain para sa sarili ko eh. Simula kasi nung mamatay ang nanay ko last year wala na akong oras para alagaan pa ang sarili ko.



Napangiti nalang ako tsaka nag-umpisang naglakad papunta sa bahay.



---


End of Chapter 7 :)

Continue Reading

You'll Also Like

421K 6.5K 22
Ang storyang ito ay gawa lang ng malawak na imahinasyon ng inyung napakagandang author (Charot) First Horror story ko po so yeah !
2.7K 52 30
Nagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagka...
143K 4K 53
Lucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...