Pretending with the Snob (Pyx...

By swaegmonster

142K 5.8K 2.2K

(Completed) Even in her wildest dreams, Alisson never thought na mangyayari sa kanya ang nangyayari lamang sa... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
15.1
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
20.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
28.3
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Alisson Moretta
Self-Publishing!

Chapter 6

3K 129 81
By swaegmonster


Chapter 6 - Pretend Thing


"Naka-drugs ka ba?" I say as I stare at him dead in the eyes. I stand in tiptoe and lean forward to smell him. Takte, ang bango niya talaga. Amoy gwapo na amoy mayaman. "Hindi ka naman din lasing. May sakit ka ba?" Hinawi ko ang buhok na tumatakip na buhok sa noo niya para salatin ito. "Hindi ka naman din mainit."

Tinapik niya ang kamay ko. "I'm in perfect condition."

"'Yun naman pala. E bakit kung ano-ano ang sinasabi mo?"

"I don't mean as a real girlfriend stupid, you're just gonna pretend." Paglilinaw niya.

"Sana nilinaw mo agad! Teka—ano? Pretend? Pretend ba kamo? Baliw ka na ba?"

"It's the only way we could think of para layuan ako ni Aubree."

"We? Sino pang nakaisip ng kahibangan na 'to?" naningkit ang mga mata ko. "Si Miles ba? Ito ba 'yung kanina n'yo pa pinag-uusapan?" Kaya pala ganoon na lang ang mga ngiti ng Milya na 'yon!

Tumango siya.

"I can't believe you two! Sa tingin n'yo ba papayag ako? Hah!" napailing ako ng matindi at nagpamaywang, "Ang dami-daming babae diyan, bakit ako na naman? Ano bang mga trip n'yo sa buhay? Masyado ba kong utu-uto sa paningin n'yo?"

"You're brave, you can fight her."

"Now you want me to fight her? Ibang klase."

"Only if necessary. She's a spoiled brat and can be violent at times. It has to be someone who can fight."

"Bat di ka humanap ng babaeng boxer o kaya ng marunong mag-karate? Bakit ako na naman? Sa ganda niyang 'yon? At sa gwapo mong 'yan? Tingin mo maniniwala 'yon na ako ang girlfriend mo? Nahihibang ka na ba talaga?"

"Tch. Maganda ka naman." Parang labag pa sa loob na sabi niya. "Pwede na."

Takte. Hindi ko alam kung bakit ako natigilan sa sinabi niya. Para sinabihan lang naman ako ng maganda. Alam ko naman na 'yon, araw-araw kong nakikita ang sarili ko sa salamin. Bwisit, pero bakit noong siya 'yung nagsabi may ibang dating? King ina. Labag pa sa loob niya 'yon ha.

Tumikhim ako dahil baka mabulol ako. Hindi ko mapapayagan 'yon. "Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya na hindi mo siya gusto para tigilan ka na niya?"

"I've tried, countless of fucking times but she won't fucking believe me."

"No'ng una, gusto n'yo kong maging isa sa Pyxis, ngayon naman ito? Tigil-tigilan n'yo ko ako ha. Hindi kayo nakakatuwa." Tumalikod ako at sinigurado na tatamaan siya ng mahabang buhok ko. Pero sa tangkad niya, sa dibdib niya lang tumama. Tsk.

"You love my car, don't you?" habol niya na agad nakapagpahinto sa'kin.

Naningkit ang matang humarap ulit ako sa kanya. "Ano ngayon kung mahal ko nga ang kotse mo?"

"I'll let you drive her kung papayag ka."

Kahit na may ideya na ko sa bitag niya, muntik pa rin akong masamid. I clear my throat bago tumawa ng malakas. "Tingin mo mapapapayag mo ko dahil lang d'yan?" tumawa ulit ako ng malakas.

"If Aubree believes us and stays away for good, I might even let you have Cayenne."

Lumagok ako ng laway. "I-ibibigay mo si baby sa'kin?"

Kaswal siyang tumango na para bang candy lang ibibigay niya sakin.

"Only if Aubree stays away for good, then Cayenne's yours."

Para siyang ahas na inaalok ako ng mansanas. What a tempting offer.

But it should be easy right? It's only a pretend, it's not real. And I'll get to drive baby! Kung gagalingan ko ang pag-arte, mapapasakin siya! Kailan pa ba ko makakabili ng sarili kong Cayenne? Baka kapag uugod-ugod na ko.

Humugot ako ng hininga, "Sabihin na nating pumayag ako. Pagkatapos non ano? Magkakadevelop-an tayo? Tapos magkakagustuhan tayo? Tapos magiging tayo? Tapos sasaktan mo ko? Tapos maghihiwalay tayo? Tapos iiwan mo kong sugatan? Gano'n ba, Orange?!" Napanuod ko na sa mga anime ang ganitong eksena, e!

Tumalim na naman ang tingin nya, "What the fuck? Ang drama mo. That'll never happen. You hate me, and that's part of the reason why it should be you. You're not gonna fall for me, you're not the type to easily fall..." his eyes are suspicious. "Or are you?"

"Mukha mo! Hindi ako marupok, 'no."

"Good. I assure you that I'll never fall for you too."

I hear a chuckle from behind me. Si Miles, kasama ang lima pang miyembro ng Pyxis. Kakapasok lang nila sa greenhouse.

"Pumayag na ba si Ali?" tanong pa niya. Kung hindi lang siya cute, kanina ko pa siya nakutusan.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Are you all part of this scheme?"

"Nope." sagot ni Aiden, "Nalaman lang namin just a while ago after Aubree left."

Noah nods, "And we don't really disagree with it."

"Kasi kung magpapanggap kang girlfriend ni Tyler, makakasama ka pa rin namin even after the free trial." Hunter says smiling.

"Ayaw n'yo talaga akong malayo sa inyo ano?" sarkastikong sabi ko.

"Of course." says Jacin. "That's how much we like you."

"Tch. Ano, payag ka ba?" balik sungit mode na naman si Orange.

Sinulyapan ko ang kotseng nakaparada ilang metro lang mula sa harap ko.

Baby, I'm doing this all for you.


~ * ~


Nakangiti kong ibinagsak ang sarili ko sa aking malambot na kama. Para akong nasa langit sa sobrang saya. Nakasakay ako kay Baby Cayenne! Hindi ko pa siya na-drive, ayaw pa ni Sungit. Kapag nakapag-umpisa na raw kami sa pagpapanggap namin, at nasiyahan siya sa acting ko, doon ko pa lang daw pwedeng i-drive si Baby. Bwisit siya, bandang huli ako pa ang kailangang sumunod sa kanya.

Si Orange ang naghatid sa'kin dito sa bahay kahit pa labag sa loob niya. Gusto niyang magpanggap kami, edi magtiis siya sa paghatid sa'kin! Kasunod namin ang Pyxis kanina dahil gusto daw nilang malaman kung saan ako nakatira. Sinabi ko sa kanila ang full address ko pero hindi sila kuntento roon, talagang sumama sila.

Ang dami tuloy nakaparada na magagarang sasakyan sa tapat kanina. Hindi ko na sila pinapasok dahil siguradong lalatiguhin ako ni Mama kapag nalaman niyang nagpapasok ako ng pitong lalaki sa bahay habang wala siya.

Tumambay na lang kami sa labas at nagkwentuhan ng mga bagay-bagay. Only then do they realize that they haven't really introduced themselves to me. Nalaman ko lang ang mga pangalan nila through fansite. They're really fun to be with, masaya din silang kausap kahit pa si Noah lang talagang nakakausap ko ng matino.

Pinauwi ko sila kalahating oras bago ang uwi ni Mama, patay kaming lahat kapag naabutan sila ni Mama.

Bumangon ako ng maalala ko 'yung rose sa bag ko. Sari-sari ang kulay ng roses sa greenhouse kanina, bakit Lavender pa ang binigay niya? Alam niya bang may iba't ibang meaning ang kulay ng mga roses? May ideya kaya siya ibig sabihin ng kulay na napili niya? I bet wala.

Inalis ko 'yung mga ballpen sa vase na nasa study table ko. Pagkatapos kong hugasan at bigyan ng tubig, doon ko nilagay ang rose. Kapag nalanta na siya, doon ko ibabalik ang mga ballpen.

Nakasabit naman sa wall sa likod ng vase, nakasabit ang frame kung saan may nakaipit na tuyong lavender rose.

Last year, unang beses akong nakatanggap ng bulaklak sa buong buhay ko. Tigang ako palagi kapag valentine's dahil ilag ang mga lalaki sakin mula elementary, middle school, at kahit ngayong high school. Hindi naman big deal sakin, pero napangiti ako ng bulaklak na 'yon.

Sobrang lamig that day, kakatapos lang namin makipag-away sa grupo nila Yumi. Pauwi kami ng makaramdam si Charlie ng tawag ng kalikasan, hindi ko na siya sinamahan dahil grabe ang pagod ko ng araw na 'yon. Umupo ako sa pinakamalapit na bench na natanawan ko at doon naghintay.

Niyakap ko ang sarili ko. Charlie's taking too long. Ilang minutes matapos akong pumikit, nanaginip ako na nalaglag ako sa building. Bago pa tuluyang humampas ang mukha ko sa semento, nagmulat ako ng mga mata. And then I saw it, on my lap, resting the lavender rose.

Akala ko pa nga si Charlie ang nagbigay, pero wala naman siya sa paligid. Isang taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin alam kung sino ang nagbigay noon. I decided to preserve it, kasi nga unang beses ever 'yon, na akala ko nga last na rin. Pero hayun, at may panibagong lavender rose sa vase.

So yes, binili ko 'yung vase last year para doon. Noong malanta ito, inipit ang rose sa picture frame. Na-inspire ako sa nakita ko sa science room ng Langston, sa halip na picture, iba't ibang bulaklak ang nakalagay sa frame. Nakasabit sila sa walls ng room, kasama ang mga preserved na mga butiki, paru-paro at iba pang insekto.

Noon ko nalaman na iba't iba pa lang ibig sabihin ng rose, and the one I received means, enchantment, majesty at love at first sight.


~ * ~


Tinanghali ako ng gising. Hindi ako halos makatulog dahil sa pagpa-pantasya kay Cayenne. Hindi na ako makapaghintay na mapasakin siya, kailangan ko lang galingan ang pag-arte ko. And then she's mine! Gah. Excitement is an understatement if I were to describe what I feel right now.

Kahit nasermonan ako ni Mama, hindi nawala ang ngiti ko. "Hindi ka pa nakaka-isang linggo sa Luxford nagpapa-late ka na?"

Ano kayang magiging reaksyon niya kung isang araw inuwi ko na lang si Baby dito? She'll be surprised... and outrageous. Baka isipin niya pang ninakaw ko sa Baby kung kanino.

Binilisan ko ang kilos ko, para matigil na ang shotgun ni Mama.

"Bye, Ma! See you later! Love you!" sigaw ko bago lumabas ng bahay. Nagmamadali ang mga hakbang ko.

I check my watch. Takte, late na ako! Pero parte ng buhay 'yan. Tuloy lang. Napakasaya pa ring mabuhay.

"You're late."

"Alam ko!" naiinis na sabi ko kay Orange. Nakalampas na ko sa kanya ng mapagtanto kong nasa harap siya ng bahay namin, habang kaswal na nakasandal kay Baby. "Orange?! Anong ginagawa mo dito?!"

"Stupid, edi sinusundo ka." Kay aga-aga, nagsusungit agad 'tong Orange na buhok na 'to.

Right. Ito na ang umpisa. "Sana man lang ni-inform mo ako kahapon 'di ba? Pareho tuloy tayong late ngayon."

"Daldal. Sumakay ka na."

"Baka naman pagbuksan mo pa ko ng pinto?" I tease, dahil siguradong bubusangot na naman ang mukha niya.

He rolled his gorgeous eyes before climbing into his seat. "May paa't kamay ka."

"Linya ko 'yan ah! Gaya-gaya 'to!"

Nakarating kami sa school, swabeng-swabe siyang nag-park sa tapat ulit ng greenhouse, probably his spot. Naka-park na rin ang magagarang sasakyan no'ng anim, complete attendance na sila.

Naunang bumaba sa'kin si Orange, pababa na rin sana ako nang pagbuksan niya ako ng pinto! Malawak ang ngiting bumaba ako. "Sweet naman ng Orange ko." pinisil ko pa ang makinis na pisngi niya.

"Don't you dare call me that when she's around."

"Bakit naman? Endearment ko nga sa'yo 'yon e." tinuro ko ang gwapong mukha niya, "You better not call me stupid when she's around, baka hindi niya tayo paniwalaan. Hindi ko na kasalanan 'yon."

"But you are stupid."

I copy his tone. "And you are Orange."

Hinawakan niya ang kamay ko.

Parehas kaming natigilan.

Ang awkward king ina.

Puno nang pagmamahal akong tumingin sa kotse sa gilid ko. See the things I'd do for you baby?

Naglakad kami papunta sa classroom. Kung titingnan, mukha kaming bagong couple na first time mag-holding hands. We're still both shy. Syet, kailangang mag-mukha akong kinikilig.

Tinginan na may kasamang bulungan sa'min ang mga estudyante. Ang iba ang sama pa ng tingin sa'kin! Hawak lang naman kasi ng precious Tyler nila ang kamay ko. Inggit siguro sila. How to be me po?

We say sorry to our teacher bago kami pumasok sa classroom. Na-sermonan kami ng konti dahil thirty minutes kaming late. Syempre tinginan at bulungan din ang classmates namin, bakit sabay kaming pumasok at magkahawak pa ng kamay?

Binitawan lang ako ni Orange nang maka-upo kami.

Si Miles naman, ngiting-ngiti. "Bat kayo late? Anong ginawa n'yo kagabi?"

Orange glares at him.

Ngumiti ako pabalik kay Miles. "Secret, sa'min na lang 'yon."

Nag-singhapan ang mga nakarinig ng sagot ko.

I'm sure Orange wants to glare at me, but he's trying not to.

Gah, this pretend thing is gonna be fun.


Continue Reading

You'll Also Like

28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
627K 9.3K 52
FYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
4.5M 67.4K 60
When Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved