LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
I'll think about it
What's your name?
Selfie
Irresistable
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

Cut!

4.8K 213 21
By freespiritdamsel




**


"SON, ilang clips na ba mayroon kayo?" Inilapag ni Mama ang cake sa mesa. Pagkatapos, sinundan naman ni Yaya ng 1 pitcher ng juice.


"May tatlo na diba?" Tanong ko kay Aki. Doon kasi kami sa Japanese Garden nagtake. Yung view pa lang yung mga pinagkukuha namin. Pagkatapos naman nun, si Prim na at si Cady. Oo si Cady talaga. Punyeta. Walang ibang mahanap 'tong si Aki! Psh.


"Actually we already have five."


"Hmm, kain muna kayo. I know you're already hungry." Totoo naman. Pumunta kami kay Mama kasi pinatawag niya rin ako. Sinama ko nalang 'to. Wala kaming pasok ngayon so we decided na magtake nalang para kahit papano masimulan na.


"The duration of the video is?" Tanong ko kay Aki. Hindi ko kasi matandaan.


"2 minutes lang naman. Buti nga naawa pa si Sir. Hahaha!"


Huminga ako ng malalim at kumain nalang. "Ma, ba't mo nga pala ako pinatawag?"


"Ah, I'm going to ask about your birthday anak."


"What about it?" Tanong ko habang kumakain.


"What do you want? Gusto mo ba kayo-kayo lang ng friends mo? Dinner kayo? Party? Out of town?"


Bumaling na naman ako kay Aki. "May activity ba tayo sa 4?"


"Wala naman ata. Pwede lang absentan."


"Dinner nalang," Tinatamad ako. "Sure ka? Why?"


"Yeah, wala. Gusto ko lang. Dito nalang sa bahay niyo." Sabi ko sakanya.


"Good! Aagahan namin uwi. Then after that, you can stay naman sa condo niyo like kung anong trip niyong gawin.. maginuman,"





"That's a good idea, Tita." Oh edi sana siya nalang nag-birthday.


"Aki, I have a question!" Kumain lang ako habang busy sila.


"Yeah?"


"May girlfriend naba 'tong si Mavis? Tell me, be honest!" Wtf ma. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinamaan niya rin ako ng tingin. Tinignan ko muna si Aki pero tumatawa lang naman ang loko.


"Wala, Tita. Totoo 'yan. BUT," He smiled to me. "May ka-something siya ngayon."


"The f?" Maypa something-something pa siyang nalalaman eh wala ngang something!


"Sino?" Interesado namang tanong ni Mama. Siyempre chismosa 'yan eh.


"Prim. Prim Zamora."


"WHAAAAT???" Nagulat naman kami pareho sa reaksyon ng nanay ko. Ayaw niya ba kay Prim?

Pero yung mukha naman niya mukhang nagulat na natuwa. "That's perfect!" See, tuwa nga.


"Ma, wala 'yon. Kaibigan ko lang 'yon." Sabi ko sakanya bago pa siya ma heart-attack. Napatayo pa kasi tapos humawak pa sa dibdib niya. Shabu pa.


"Tita, sobrang indenial ng anak mo. Hindi namin kinakaya." Oh, nakalimutan ko'ng andito pala si Aki. Great. Mapagtutulongan ako nito.


"Nak, it is okay naman to admit." At ayun, inakala naman ng nanay ko'ng totoo yung sinasabi ni Aki. Mukhang seryoso na nga siya eh. Hay.


"Ma, hindi nga. I swear."


"Mamatay ka man?"


"What are you? A kid?"


"Nak naman! I'm just sooo excited na magka-girlfriend ka! Yung tipong dadalhin mo dito sa bahay tapos you'll introduce her to your parents! And then sa condo mo ang bagsak niyo. Hehehehe."


"MA," Lumapit pa ko sakanya. "HINDI KO SIYA GUSTO, OKAY?"

Tinaasan niya ako ng kilay. It's like she's not convinced with what I said.


"She's popular and beautiful but I don't like her. I like her just a friend."


"Ohkaaaaay, I won't ask na. Basta if you have a girlfriend na, you tell me immediately."


"Sure, whatever."











AFTER that, nagpunta na kaming bahay nila Cady. He asked if we could fetch him since along the way naman bahay nila. Ako ang nagda-drive since car ko naman 'to. Dadaanan rin namin si Prim ngayon. Wala kasi yung car niya--kinuha ng Dad niya. Tapos she told me na magta-taxi nalang daw siya eh ayokong pumayag. Baka mapano pa siya. Marami namang maayos na taxi drivers pero baka mamaya dun pa siya sumakay sa hindi. Mabuti na yung sigurado.

Si Mira, Leigh at Vivian naroon nasa Japanese Garden. They insisted na sila ang mag-aayos kay Prim. May dala-dala narin silang mag damit. Hindi ko pa nga nache-check 'yon, e. Baka kasi maiksi or ano ba.


"Wasssuppp! Ngayon ba yung pre-nup shoot? Ngayon diba? Oo nga pala,"


"Ewan ko sayo Cades." Sabi ni Aki. Sumakay siya sa likod.


"Excited na 'ko para sa kasal namin ni Prim.."


Bumuntong hininga ako. "G-go,"


"G-go agad? Ikaw talaga, direk! Bawal bang maging masaya? Hahaha!"


"Hahaha, mainit ulo niyan. Wag kang magulo."


Pagkadating namin kina Prim, lumabas na ko at nag-doorbell. Pinagstay ko nalang sila dun since naka-ready naman na yun.


"Ah, pababa na ho si Ma'am."


Naghintay nalang ako sa gate. Katamad pumasok eh. Nakatayo lang ako habang naghihintay...


Halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko. Putangina??? Bakit ganito suot niya?! Bakit napakaikli?!

Nakangiti siya habang papalapit sakin. "Hi,"


"Naglolokohan ba tayo dito?" Tanong ko agad habang naka kunot ang noo. "Magpalit ka dun."

Tinaasan niya ko ng kilay. "What's your problem??"


"Ikaw. Ikaw yung problema ko. 'Yang suot mo. Umayos ka nga."


Tinignan niya ang suot niya and rolled her eyes over me. "Are you crazy? There's nothing wrong with my clothes."


"Nothing wrong? Eh naka high waist shorts ka. Lagi ka nalang naka-ganyan, tapos ngayon alam mo namang may mga lalaking kasama, ganyan pa din? Tapos ano 'yan?" Turo ko sa crop top niya. "You're showing too much skin."


"Excuse me, this is fashion."


"Wala akong pake sa fashion na 'yan. Ayaw mo magbihis? Tara, ako magbibihis sayo." Hihilahin ko na sana siya ng nagpumiglas siya.


"Ano ba! Ito pinasuot sakin kasi pag magche-change na edi mas madali!"


"Kailangan talaga ganyan? Kung pwede lang pagpajamahin ka ginawa ko na, e!"


"Ang OA mo, first time? At lagi ko na 'tong sinusuot no. Pag nasa bar or beach ako. Kaya puhleasee?" Bumuntong hininga ako at bumalik nalang sa sasakyan. Nakasunod naman siya sakin. Binuksan ko 'yong sa driver's seat at naalalang nasa likod si Cady.


"Ah, Cades?"


"Yeah?"


"Ikaw mag-drive."


Weird na tumingin siya sakin. "Sigurado ka?"


"Oo nga, bro, are you serious?" Tinignan ko rin si Aki. Si Prim naman, nasa labas pa ng kotse at naka-crossed arms. "Bilisan mo na naaarawan na yung isa!" Sabi ko. Pareho pa kasing nakatingin lang saakin, e.


"Sabi mo 'yan, ah." Bumaba si Cady at pumasok naman si Prim. Sumunod ako sakanya.


"Oh yaaah, mada-drive ko na rin." Nag-stretching pa siya. "Bakit, first time?" Tanong ni Prim.


"Oo, hindi 'to pina-padrive ni Mavis sa iba, e."


Hindi nga. Ayoko kasing magkatabi si Prim at Cady. Kaya bahala na. I-drive niya na 'to, 'wag lang sila magtabi.


Habang nasa sasakyan... nakita kong nagi-instagram siya. Sina Aki at Cady naman, nakikinig lang sa music.


Tinitigan ko si Prim at ang suot niya. Psh. Nakakabadtrip.


Oo, marami akong nakikitang ganyan. Lalo na sa mga babaeng nakikilala ko sa bars at kahit saan nalang, pero hindi ko naman alam kung bakit ayoko ng siya yung nakikita ko'ng nakaganyan. Tapos the thought pa na pumupunta siyang bar tapos sexy pa yung suot... aahhh! Sh-t talaga. Bakit ba ganito.


Pansin ko namang medyo nilalamig siya. Sa iksi ba naman niya, hindi siya lalamigin?


"Aki,"


Nilingon niya ako.


"Yung jacket ko nandiyan sa shotgun."


"Kunin ko?"


"Hindi, inumin mo."


"Psh, san ba dito? Itong akin na lang!"


"HINDI, yung akin lang." Asa pa siyang ipapa-suot ko yung jacket niya kay Prim. Nasa taas niya kasi mukhang tanga to! Sa baba naghahanap eh.


"Ah, eto na, eto na." Iniabot niya sakin 'yon. Kinurot ko ang gilid ni Prim kaya sinamaan niya ko ng tingin. "Ano ba!"


"Wear this,"

She just stared at me kaya ako nalang ang gumawa. Isinuot ko sakanya yung jacket ko. "Paka iksi kasi ng suot." Sabi ko habang inaayos sakanya 'yon. Siya naman, nakatitig lang sakin.


"Nilalamig ka pa?" Tanong ko after.


"Not really," Tapos ay ipinasok na niya ang cellphone sa crossbody niya. Umusog naman siya sakin at sumandal.


I don't know but feeling her body next to me is just... unusual. Parang pakiramdam ko okay lahat. Parang magaan lahat ng bagay. Parang walang problema. There's this certain feeling of... happiness.

Dati rati naiinis ako kapag may dumidikit sakin, naalibadbaran ako. But with her. It's different. It's something I want to keep always.

I put my arms around her, inakbayan ko siya. Nakatingin lang sa window, sa labas.











Hanggang sa makadating kami sa location, ganoon parin. Pero siyempre bumitaw na kami kasi bababa na. Buti nalang di napansin nina Cady... or di nalang sila nag-ingay.


"Hi guys!"


"Oh, here's the dresses na. Let's go! change ka na." Hinawakan na ni Leigh si Prim. "Teka lang,"


"Bakit?"


"Patingin muna ng mga damit."


"Oh my gosh," Napahawak si Prim sa mukha niya. "Don't tell me...!"


"Okay fine!" At umalis na sila. Nagpunta silang CR dito. Sinamahan ni Leigh si Prim. Pagbalik niya rito, magmimake-up sakanya si Vivian. May part kasi dito na hindi naman mainit at presko pa nga.


So, ang una naming kinunan si Cady na nakabihis na. "Okay, Cades, ganto, ha." Lumapit siya rito. "Don ka." Pumwesto naman siya agad.


"Tapos maglalakad ka palapit samin, then, you'll stop over there." Turo pa sakanya ni Aki. Ako kasi yung nagte-take. "Gets?"


"Yup!"

.

.

.

.


"CUT!"


"Okay, next. Dalawa lang naman. Kasi the rest, yung part niyo na ni Prim after itake yung solo ni Prim." Aki.


"May part silang dalawa?" Tanong ko.


"Malamang! Sila yung ika-kasal eh."


"Sabi na, e. Ika-kasal kami ni Prim." Sabi ni Cady habang titig na titig sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Panira talaga.


"I bet super kilig yung sainyo ni Prim! Haha!" Vivian.


"Feel ko rin!" Pag-sangayon naman ni Mira. Tinignan ko sila. "Anong nakakakilig dun." Side-comment ko.


"Don't worry, gagalingan ko mamaya, girls." Cady.


"Psh, sige na! Aki turoan mo na ulit yan."


"OKAY! Cady, yung ngayon... uhm, medyo close ka sa camera. Ico-close up ka. It's like you're bowing your head and then you will face the camera. Yun lang. 'Wag kang ngumiti."


And after that, ngayon ko lang napansin na tapos na rin si Prim. Tapos na rin siyang make-up'an.

I can say na... gumanda siya lalo. Lalo na 'yong ngumiti siya sakin. Shet.


"Oh," Napatingin ako kay Aki na tinapik ang balikat ko habang nakatingin din kay Prim. "Take na, Prim! You look beautiful!" Lumapit na siya samin at nagiba kami ng place dito. Nakasunod naman si Mira samin. Sina Leigh, nagstay lang dun kasi medyo mainit.


"Okay, Mav, ikaw mag-instruct."


"Ako?"


"Oo, bakit? Ako nalang?"






"U-uhm.." Napatingin ako sakanya na nag-aayos ngayon ng buhok niya. "Ikaw nalang," Ako nalang magvi-video. Tinanggal ko ang shades ko at nag-focus lalo.


Dapat maganda yung pagkakuha para magandahan rin si Prim... at si Cady, Mira, Leigh, Vivian siyempre.


Habang kinakausap ni Aki si Prim, nakatingin lang din ako. Tapos ina-adjust ko yung camera.


"Okay, bro! So, imove nalang yung cam sa first take. Okay ba?"


"Okay,"

Naging instant cameraman talaga ako.

And then....


Nakatalikod siya sa cam habang naglalakad... then... lumingon siya..


Damn..


Napahinto ako since minotion din ni Aki na magstop. Tapos huminto rin si Prim tapos ay, she faced the cam and smiled.


"Perfect," I said nalang out of nowhere.


"CUT!"


Lumapit ulit siya kay Prim. "Game na, Prim?"


"Yeah?"


"Bro, close up ulit." Tinapik niya ako at pumwesto na rin si Prim. Ngumiti muna siya sakin before ko na iroll.


Close up.


She's bowing her head a little. Nag-smile muna siya pero natawa lang rin.


I love seeing her smile and her laugh. Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin pero parang bumibilis ang tibok ng puso ko. This isn't normal. I never felt something like this before. Never before.


"CUT!"


"How is it?" Tanong niya sakin ng maibaba ko ang camera. I smirked at nag thumbs-up. She did well.


"Ano, bro? Okay ba?" Tanong sakin ni Aki. "Oo," Sagot ko at ibinigay sakanya yung clips.


"Good job!"


Nagpahinga muna kami. Binigyan ko si Prim ng bottled water. "You did well." Puri ko sakanya.


"Really? Thanks!"


"You look..." Napalunok pa 'ko. "Beautiful"


"I know"


"Psh,"


"Haha! Just kidding pero I know naman din. Hahaha! Ano daw?" Sabi niya at inom ng water.





"Wait," Lumapit ako sakanya lalo at pinunsan yung pawis niya sa noo gamit ang kamay ko. "Napawisan ka na tuloy."


"Kaya nga, e. Ughhh!"


"Teka lang," Naalala ko kasi yung envelope dun sa car. Kinuha ko 'yon at pagbalik ko sakanya, pinaypayan ko siya.


"Naks,"


"Feeling better?"


"Yah, thanks to you."





Ilang minutes pa, nagtake na ulit kami. Ito na yung part nina Cady at Prim. Ibinigay ko kay Akin yung cam. "Ako na magiinstruct anong gagawin."


Natawa naman siya at tinanggap 'yon. "Goodluck, men."


"OKAY!" Sigaw ko. Kaya napatingin naman si Cady at Prim sakin. There's this part sa Japanese Garden na pinaka-maganda that's why we decided na doon namin ite-take yung sa part nila.





"Tayo kayo diyan, that part." Turo ko. "Then dahan-dahan mo siyang akbayan tas dahan-dahan kayong tumingin sa isa't-isa."


"Okay, bro."


"Teka lang, ngumiti at tumingin kayo with love!" Hirit naman ni Aki.


Psh. "Kahit hindi na!"


"Huh? Ano ba talaga?" Gulong tanong ni Prim samin.


"Yung sinabi ko. 'Wag kayong makinig kay Mavis! Selos lang 'yan! Hahaha!"


Actually tama naman yung sinabi ni Aki. Mas maganda. Pero this is Prim and some other guy. I don't like it.


After that, another naman. "Magtinginan kayong dalawa." Sabi ko lang.


Sa dinami-daming naisip ko noong sinabing ito yung gagawin namin.... nawala naman lahat. Umalis.


"Yun lang?" Reklamo ni Cady.


"Bakit may gusto ka pang gawin?"


"Oo, like, holding hands. Or...kiss?"


"Eh kung bugbogin kita?"

Natawa lang naman mga kaibigan namin.


Ha ha.


"Pero totoo naman, ah! Diba?"


"Holding hands nalang." Sabi ko and in a moment, nag take na. "'Wag masyadong mahigpit ha."








Habang nagte-take, nagtitigan sila tapos ay hinawakan ni Cady ang kamay ni Prim.. tapos ang putangina hinalikan 'yon.


P-ta.


"CUT!" Sigaw ko. "That's good!" Sabi naman ni Aki.


"Okay na sana hinalikan mo lang."


"HAHAHA! Sorry naman na! Minsan lang ako maging artista kuno, edi lubosin na!" Sinamaan ko lang siya ulit ng tingin.


Kingina. Nakailang tingin na ba ako kay Cady na parang papatayin ko siya? Buti nalang nawawala yun pag ngumingiti si Prim...... Ano raw?


"Oh, next. You will walk towards each other.. Yun lang. Para sa infront yun, diba bro?"


"Oo, yun lang yun." Pagsang-ayon naman ni Aki.


"Okay, ready?"


"YUP!"


Landscape view.


Then, naglakad sila palapit sa isa't-isa. When they are close enough is-stop na sana ni Aki ng dahan-dahang hinawakan ni Cady ang mukha ni Prim.


The f-ck???


Tapos ay dahan-dahan niya ring hinalikan ito... sa noo.


"CUT! ANO BA CADY?!"


"Ano? That's awesome right?"


Sumang-ayon naman ang mga kasama namin. Even Prim. Kaya mas nabadtrip ako.


"That's it. Thank you." Sabi ko nalang at nagayos na. Inilagay ko lahat ng ginamit namin to take that sa sasakyan.


"I think we did a good one."


"Yah, whatever you say." Sabi ko at isinirado 'yon.


"Bukas balik nalang ulit tayo. Para sa place. Para may maidagdag." Sabi pa ni Aki. Nilagpasan ko siya at sasakay na sana ng kotse ng maalala ko sila. "San na sila?"


"Ayan na. Oy! Bilisan niyo!" Tawag sakanila ni Aki.


Inihagis ko kay Cady ang susi. "Ikaw parin mag-drive." Pumasok na ko. Sumunod naman sila. Katabi ko parin si Prim pero hindi ko parin siya pinapansin.


"Let's have dinner nalang guys."


"Saan?"


Nag-usap na sila kung san kami kakain.


Pero hindi parin ako umiimik.





Nakakainis lang kasi.


**


Comments are highly appreciated. Tell me what you think! Haha no silent readers, please.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
46.7K 1.4K 40
Vice-Jackque story about love and sacrifice. Made to serve as inspiration and eye opener to many. #LoveWins
4.5K 237 42
_ ito na ang huli, salamat pa rin kahit di mo pinili. 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐘𝐀 | 𝑀𝑔𝑎 𝑇𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑖 𝑆𝑎𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎 ✍︎ /𝑠𝑎𝑤𝑖𝑛𝑔...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...