Icarus

By binibininghannah

258K 3.6K 444

Para sa lahat ng bigo. Para sa lahat ng nagmahal ng taong hindi sila nagawang mahalin pabalik. Para sa lahat... More

Icarus
Icarus
Icarus - One
Icarus - One
Icarus - One
Icarus - Two
Icarus - Two
Icarus - Two
Icarus - Three
Icarus - Three
Icarus - Three
Icarus - Four
Icarus - Four
THANK YOU!
Icarus - Five
Icarus - Six
Icarus - Six
Icarus - Seven
Icarus - Seven
Icarus - Eight
Icarus - Eight
Icarus - Nine
Icarus
Marami pong Salamat!
WHY?

Icarus - Eight

5.5K 98 10
By binibininghannah

May 08

Dear Hiro,

Ngayong oras na ito, mag-isa akong nakaupo sa himlayan mo. Ipapakita ko sa’yo itong medalya ko. Pati ‘yong diploma ko. GRADUATE NA ‘KO, HIRO! Noon, gusto ko sana na sa araw ng graduation ko, kasama rin kita. Tanda mo no’n? Nasa graduation mo din ako noon? Pero wala e. Sinukuan tayo ng tadhana.

‘Di ba, lagi kong hinihiling noon na sana bisitahin mo ‘ko sa panaginip ko? Napakadalang na mangyari ‘yon; kahit sa panaginip hindi mo ‘ko pinagbibigyan. Gusto ko kasing magkausap ulit tayo.

Alam mo, napaniginipan kita no’ng minsan. Nangyari na nga ‘yong hiling ko,pero sa kakaiba namang paraan.

 

Sa panaginip ko, nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa labas, sa katapat na kwarto ni Migs sa hospital. May hinihintay daw ako pero hindi ko matukoy kung sino. Pero sino lang bang lagi kong hinihintay? ‘Di ba ikaw?

Hanggang sa napalingon daw ako sa kanan, napansin kong nagliliwanag ito ng sobra.

 

“Baby…”

 

 Natigilan daw ako nang marinig ko ang boses mo. Ang boses mo na gustong-gusto ko nang marinig ulit. Ang boses mo na saulong-saulo ko na. Hindi ko magawang malingon ko ang boses mong alam kong nagmumula sa kaliwa ko. Habang nakatitig ako sa liwanang, walang humpay ang naging pagluha ko.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko upang tingnan ka. Totoo ba ito? Hindi ako naging handa. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

 

Kamusta ka na?

Na-miss kita.

Hindi ka na ba aalis?

 

‘Yan ba ang mga dapat kong sabihin?

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa’yo.

Walang nagbago sa’yo, alam mo ba? ‘Yon pa rin ang tingin mo, ang ngiti mo, ang tindig mo.

“H-hiro?”

Unti-unti tayong lumapit sa isa’t isa.

“’Di ba sabi ko bago ako mawala, ‘wag kang iyakin?”

“Sorry..” Pinawi mo ang luha ko at tuluyan na ‘kong napayakap sa’yo. “I missed you…”

“I missed you too, baby.”

“’Dito ka na lang ba?”

Hindi mo sinagot ang tanong ko. “Bago ako umalis, alam kong maluwag sa loob ko na pinapalaya na kita, kasi gusto ko maging masaya ka.”

“Hiro…”

“Palayain mo narin ako…nang sa gayon ay maging malaya ka na rin.” Saglit kang tumigil sa pagsasalita.” Mahal na mahal kita…”

Mas lalo naman akong napaluha. “Hiro, mahal na mahal pa rin kita.”

“…pero kailangan mong maging masaya.”

Pagkatapos mong sabihin ‘yon, biglang nagliwanag ang lahat sa panaginip ko at nakita ko na lamang na naglalakad ka na palayo...kasama si Andy...kasama si Migs.

“Hiro!” sigaw ko. Pinipilit kitang habulin,

“Hiro, ‘wag mo ‘kong iwan ulit!” sigaw ko pang muli.

“Hiro, please, ‘wag mo silang isama!” ikatlong sigaw ko. Pero parang wala kang naririnig. Patuloy kang naglakad palayo.

“Hiro!”

“Hiro!!”

“HIRO!!!”

‘Yan ang huli kong nasabi sa panaginip ko na s’yang una ko ring nabanggit nang mamulat ako.

Pagkagising ko, ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng malalamig kong pawis; ang bilis ng tibok ng puso ko; at ang init ng pakiramdam ko. Dahil na rin siguro ang mga ito sa sobrang kaba. Hinahabol ko ang aking bawat hininga.

Nanginginig ako.

“Panaginip lang lahat Janella, panaginip lang,” bulong ko sa sarili ko. Pinipilit kong pakalmahin ang lahat ng nababagabag kong mga ugat sa katawan.

“Okay ka lang ba?!” Napatingin ako sa kanya na nagmamadaling mapuntahan ako. Mabuti na lang at nandyan s’ya. Hindi ko alam kung paano ako sasagot… Hindi ako okay dahil sa  bangungot ko, pero ngayong niyayakap n’ya ‘ko, pakiramdam ko ay okay na okay na ako.

“Hiro…”

“Shhh… Nandito na ‘ko, wag ka ng umiyak. Tahan na...” Kasunod nito ay hinigpitan n’ya pa ang pagkakayakap sa akin. Patuloy naman akong lumuluha sa dibdib nya. Takot na takot ako. “’Wag ka ng umiyak, nandito lang naman ako…” Marahan n’yang hinahaplos ang buhok ko. Pero hindi ako makatahan. Sumasakit na rin ang mga mata ko sa sobrang pag-iyak. Ang dami ko na agad nailuha kahit saglit pa lang nang magising ako. “Sige na, matulog ka na lang ulit. Dito lang ako sa tabi mo...”

Bilang sagot ko ay tumango na lang ako. At pumikit. Pagod na ‘ko. Pagod na pagod na ‘ko…

Naramdaman kong hinalikan n’ya ‘ko sa aking noo. Hindi ko na rin alam kung totoo pa rin ba ‘yon o unang parte na ‘yon ng panaginip ko. Hindi ko alam, wala akong alam. Basta ang gusto ko lang makapagpahinga na. Kahit saglit lang…

…kasi pagod na ‘ko. Pagod na pagod na pagod na talaga ‘ko.

 

Akala ko noon, hindi totoo ang ganong klaseng tagpo.

Totoo pala.

 

Naisip ko, siguro panahon na para sundin ko na kung anumang gusto ng Diyos para sa atin. Halos dalawang taon na ‘kong nakikipaglaban sa kagustuhan kong makasama ka laban sa kagustuhan N’yang makasama ka na N’ya sa kaharian N’ya.

Maybe, God wants me to stop praying for two hours more.

Maybe, our time is really over.

Maybe, if I would not just go against His will, maybe I would be happy.

Or maybe…just maybe, He wants me to learn to live my life…without you.

Gaano kahirap tanggapin ‘yon? Napakahirap. Pero kung ‘yon ang gusto N’ya, then…His will be done.

 

Hiro…mahal na mahal na mahal pa rin kita. Pero sa araw na ito, gagawin ko kung anong gusto mo.

Sa pagsisimula ng ikadalawampu’t isang taon ko sa mundong ito, gagawin ko kung anong gusto mo.

Gusto ko lang sanang malaman mo na, wala akong pinagsisihan.

Wala.
Kahit isa.

Wala akong pinagsisisihan na hinyaan kong maging parte ka ng buhay ko. Wala akong pinagsisishan na minahal kita.

Wala talaga.

Maraming salamat sa lahat-lahat.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito. Sa totoo lang kahit minsan hindi ko naisip na kalimutan ka at ang nararamdaman ko para sa’yo. Pero gagawin ko.

Hindi lang siguro para sa’yo.

Kundi para na rin sa sarili ko.

Salamat sa lahat-lahat, Hiro.

 

Siguro nga, mali na hilingin ko sa’yo na palayain mo na ‘ko.

Siguro nga, sa sarili ko mismo magsimula ang pagpapalaya ko sa’yo.

Kasabay ng pag-iwan at pagbabaon ko rito ng apat na bagay na nagbubuklod pa rin sa’tin hanggang sa mga oras na ito…

…ngayon…

 

…pinapalaya na kita.

 

Pinapalaya ko na ang sarili ko mula sa’yo.

Pinapalayo na kita mula sa pagmamahal ko.

 

Ngayon, malaya ka na.

Ngayon, malaya na ‘ko.

Ngayon, malaya na tayong dalawa.

 

Paalam, Hiro.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
73.6K 2.7K 40
the second book of Switched #KaRa #TeamPakwan
3.7K 398 25
I secretly love her, but she makes my life miserable for some unknown reasons. She's a gorgeous girl, high class. With all the glitz and glamour she'...
2.2K 162 10
Simula walong taon gulang si Ash, wala siyang maalala kahit isang beses na hindi siya natakot. Hindi na rin niya maalala kung kailan siya huling natu...