WHY?

7.8K 181 69
                                    

Noong summer pa lang, naisipan ko na ipo-post ko itong parte na ito pag natapos na 'kong mai-post ang ending ng Icarus... Siguro dahil madaldal lang talaga ko.

Unang WHY? Kung ginawa ko ang Icarus na hindi na kailangang basahin ang THM, bakit hindi ko na lang ginawang ibang babae at lalaki ang bida? Since, pwede naman. Hindi na sila Jam at Migs. Ibang characters na lang at hindi galing sa THM. Nagawa ko naman, 'di ba?

Pangalawang WHY? Bakit happy ending ito e samantalang hindi ako mahilig sa librong happy ang ending?

Sa totoo lang, ganon talaga ko. Kapag movies, nadi-disappoint ako kapag sad endings, gusto ko masaya lahat. Kapag sa libro, ayokong-ayoko ng happy ending. Walang impact para sa akin. Gusto ko malungkot ako kasi may malungkot na character pero satisfied pa rin ako. Kahit no'ng highshool, hilig na hilig kong mag-Google ng "sad love stories" (yan eksakto yung lagi kong tina-type) tipong iba yung mararamdaman ko pagkatapos kong magbasa. 'Yan siguro ang dahilan bakit sad ending ang THM na dapat ay happy ending talaga. Malapit na ko sa ending no'n nang naisipan kong kailangang mawala ni Hiro para malungkot. Ayoko lang siguro ng happy ending talaga.

Yung Icarus, no'ng binuo ko ang outline nito, plano ko talaga noon ay mamamatay si Jam as Jam, not Janella, pero malungkot pa rin dahil in love pa rin s'ya kay Hiro (natural na malulungkot pa rin talaga s'ya, in love pa rin e). At si Migs, dadalawin talaga s'ya sa sementeryo ng in love na in love pa rin sa kanyang araw. Matandang binata sana s'ya. Pero kung pano magta-transform si Jam, hindi ko pa noon alam. Sinimulan ko yung plano ng April 2012 pero tumigil ako nang nasa chapter two na ako. Naisip ko rin habang hindi ko pa ito sinusulat ulit kung itutuloy ko ba ang plano kong si Jam at Migs pa rin ang gagamitin ko gayong desidido na ako na gagawin kong independent ito sa THM. Di ba? Kung independent lang din naman, e di ibang characters na lang.

Nagpatuloy ulit ako no'ng September at no'ng sinusulat ko na ito, na-realize ko na...this story would not make sense if this is going to have a sad ending. 'Yan eksakto 'yong naging thought ko. At sabi ko, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung itutuloy ko yung original na plano.

Pero paano nagbago ang isip ko?

Gawa ng mga bagay na sinabi ni Mang Carlos sa talk n'ya. Nang na-realize ko 'yon (pag minsan kapag wala kang magawa kung anu-anong life realizations talaga ang nagaganap. Muni-muni kumbaga), naisipan kong gamitin si Mang Carlos para maihatid 'yon sa inyo at doon ay naging desidido ako.

Oo, si Jam at Migs ang gagamitin ko.

Oo, idudugtong ko ito sa THM.

Oo, hindi ko ito gagawing ibang kwento.

Oo, matatapos na si Jam at Hiro.

Dahil kung hindi, ano pang saysay nang mga sinabi ni Mang Carlos? Wala. Mawawalan ng saysay 'yon.

Kung gagawin kong sad ending ito, ano pang saysay ng mga sinabi n'ya? Wala na lalo.

At ano pang saysay no'ng buong thought kung ako din pala sa sarili ko, hindi ko maa-apply sa librong sinusulat ko?

Higit pa do'n, habang nasa proseso ako ng pagsusulat nito, hindi nawawala ang Diyos sa isip ko. Alam ko sa sarili ko na isinusulat ko ito para sa Kanya. Kaya siguro umusbong ang konsepto ng 1Corinthians13:4-7.

Pag-ibig.

Gusto kong maipahayag na napakamakapangyarihan nito. At kapag ito ang namayani, sa huli...magiging masaya ang lahat.

Gusto kong maipahayag na laging may second chance, hindi lang sa pag-ibig pero sa buhay ng bawat isa.

Gusto ko S'yang maipahayag.

Gusto kong maipahayag lahat ng nasa libro.

Dapat lang na maging happy ending ito.

Masayang-masaya ako sa pagkakabuo ko ng Icarus.

Given a chance, I would never ever write it the other way around.

I love this LOVE story.

Hannah

IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon