LIKE THOSE MOVIES

By freespiritdamsel

208K 8.6K 1.9K

Mavis Palvin-- a 17 year old guy who appreciates how the camera rolls, how scenes change, how movies bring hi... More

P r o l o g u e
Piece of paper
Apology
What's your name?
Selfie
Irresistable
Cut!
Clear as day
As long as..
Birthday
I do
Missing
Trap Queen
Unsaid Words
Risk
For you
Of all people
Bestfriend
We still have time
Five minutes
Over you
Stay the night
Rose
You happened
Pouring rain
Until here
Question
Shots
She
Long gone
Museum
Prim
Paige
Axiom
This one
Self
The truth
Offer
Story
Deja vu
Middle
Movie
Convincing
Good take
Written
Mine
Saga
Epilogue
SC -1
SC - 2
SC - 3

I'll think about it

4.9K 174 13
By freespiritdamsel


**


UMAYOS ako ng upo and tried to act normal. Kahit na nagulat talaga ako. Habang pagtingin ko naman sa kapatid ko, pumupuso na yata ang mga mata at nakatingin parin kay Prim na nakatayo at hindi nga saamin nakatingin. Sa kung saan pa nakatingin ang mata niya. Walang gana at nakacrossed-arms. 


Ngumiti si Tita Pia ng malungkot and parang nagpapa-pasensya. Ngumiti lang naman si Mama at Papa. 


"Prim, you can sit now." Sabi nito sa anak niya. Kung wala akong pake minsan--mukhang mas malala 'to.


Walang ganang umupo siya sa tabi ni Tita. Nasa harap ko pa. "Hi, Prim." Bati ni Papa na nasa gitna rin at katabi niya. Tumingin lang siya dito at tumango. Anak ng????


"Your manners please." Kahit na bulong 'yon ni Tita, narinig parin namin. Bumuntong hininga lang naman siya at inirapan si Tita. "Good evening." Baling niya kay Papa. 

Tahimik lang kami nang dumating siya ngayon. Grabe, ganito ba talaga siya? Kaya pala sabi ni Tito na maga-apologize na siya for her.


"Hi!" Napatingin ako sa kapatid ko. Seryoso ba 'to?! Sinamaan ko siya ng tingin at nilakihan ng mata pero hindi niya ako pinansin. 

Tumingin si Prim sakanya sabay taas ng kilay. Sh-t naman, Rhian. Pag 'yan binastos ka ewan ko nalang. 


"U-uhm... fan mo 'ko. I read all your blogs." Ngiti nito. Tinignan ko si Prim at ngumiti ito. Nag-aalanga pa nga siya eh.


Hanggang sa dumating na ang food and then bumalik na sila Mama sa pag-uusap. Nagtatawanan sila at tuwang-tuwa kahit na everytime tumitingin si Tita kay Prim ay nagiiba ang aura o expression niya. Ano bang problema nitong si Prim? Parang mas okay pa siya sa school eh. Tumatawa pa nga with her friends. 

"Naalala ko 'yan! My god! That was 20 years ago!" Mama.


"I feel so old!" Tita naman. Kumakain lang ako habang si Rhian panay tingin kay Prim tapos ngumingiti-ngiti. Mukhang tanga. Hindi pa ba siya naturn off sa idol niya? 


Habang si Prim naman... mukhang galit sa pagkain. Tinutusok-tusok niya pa nga minsan yung pagkain niya bago isubo. Nakatitig lang ako sakanya pero parang nastatwa ng tumingin din siya sakin and smirked. Kaya naman kumunot ang noo ko. Siraulo yata 'to. 

"Mavis?" Nagulat ako ng tawagin ako ni Mama. "A-ano 'yon?" 

"Magkakilala na ba kayo? You're in the same school pala." Tumingin ako sakanya. She rested her back and then crossed her arms habang nakatingin sakin. 


"Ah, yeah." Sagot ko habang nakatingin parin sakanya. 


"Really? Hindi halatang magka-kilala kayo ah." Marahang napatawa pa si Papa.

"Oo nga.." Pagsang-ayon ni Tito George. Magsasalita na sana ako ng magsalita si Prim. 


"Hindi naman kasi kami close." She said while looking at me. Ngumiti pa siya. "O-oh.. that's why." Mama. 


Papa cleared his throat. "What's your course hija?" He nicely asked. Tinapos ko na ang pagkain ko habang sina Mama at Tita hindi pa.


"Business management." Ngumiti siya kay Papa tapos ay umayos ng upo. "That's what they wanted." Noong akala ko okay na siya mukhang mas nagiba yung atmosphere. Tumingin sakanya si Tito at bumuntong hininga habang si Tita at Mama naga-eyecontact. Nagkakaintindihan. 


"Bakit ayaw mo ba? You have a big business and I think you made the right choice." 


"They made a right choice. Lagi naman sila ang pumipili what's best for me, e. As if I have any rights." Natawa pa siya sabay inom ng juice. 


Hindi nakasagot si Papa. 


"Well.. she will run the business someday. It's for her naman. We're working hard for her." Si Tito na ang nagsalita.


"Yeah, Dad." Baling niya kay Tito. "Kelan ka ba naging mali?" She shot him a look. 


What the heck. Obvious namang ayaw niya yung choice ng Parents niya for her but ganito ba talaga sila magusap? Bakit parang galit sila pareho sa isa't-isa. Si Rhian, Tita, Mama, Papa at ako naman nanood lang sakanila. Hindi rin makapag-salita si Tita. Lalo na si Mama. 


"You know what Tito, Dad always gives me whatever I want. Everything. He gives me everything. So as my Mom." Ngumiti pa siya ng masaya. "Except..  for their time." 


"Hmm. Busy kasi siguro talaga sila."


"Of course." And then she turned to her Dad. "And yet they keep on blaming me for what I've become." 


Mas lalong naging awkward. They're both looking at each other with tension. I can't take it that's why I cleared my throat and speak. "Uh, Tito Tita, Ma, Pa, can you excuse me and Prim?" 

"Sure,"


"Go ahead," Pilit na ngumiti si Tito. I looked at her daughter. Akala ko tataasan niya ako ng kilay at aangal siya pero nauna pa siyang tumayo. Umuna siya sa paglalakad at nakasunod lang ako sakanya. Pagkalabas namin, she faced me. Naka black highwaist shorts siya habang naka maroon fitted pullover. I find it sexy. 


"Thanks for saving me." Tapos ay tumalikod na siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Where are you going?" 


"You don't care."


"Hindi ka pwedeng umalis. Gusto lang kitang kausapin." Inis na tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya. "You know what? Katulad ka rin nila eh." She took one more pace  closer to me. "Annoying" 


Tatalikod na naman sana siya ng pinigilan ko na naman. Makulit na kung makulit. 


"Pwede ba?!" 


"I don't like how you acted earlier. You ruined the night."


"Look that's the point. I don't even care what will you guys think over me--lalo namang mas wala akong pake ngayon. Kaya pwede ba?"


"Wala ka ba talagang respeto? Kahit sa family lang na kasama niyo. Napapahiya mo parents mo!"


"God. Wala nga akong pake sa parents ko... sainyo pa kaya?" What the f-ck.


"Ano bang meron ha?"


"That. None of your business." She tried to get my hands off her but no way in hell I am letting her go. 


"I just want you to act properly. Respetohin mo naman parents ko. Kahit parents ko nalang." Kasi ayoko ng ganon. Kahit naman she's not saying anything bad to them, she's doing something unrespectful towards them. 

She sighed. "Why do I met a lot of stupid people..." Mahina niyang sabi. Pero narinig ko parin. 


"Kung may problema ka, 'wag mo kaming idamay." Baka mamaya hindi na siya matiis ng parents niya and they will make a scene. Sh-t na yan. 


"Fine," Tapos ay naglakad na siya ng padabog, heading back inside. Sumunod nalang ako. Napatingin sila saamin ng makadating kami. Desserts are already served. 


"Ate Prim, try this." Alok sakanya ni Rhian. Tumango lang si Prim at kinuha 'yon. She started eating. Tinignan ako ni Tita na parang may tinatanong. Parang yung 'Anong ginawa mo?' I smiled a little. Nagusap-usap lang sila habang ako naman nakikinig. Si Prim naman, hindi na nagdadabog...pero wala parin siyang pakealam.


"How 'bout you, Rhian? Anong plano mo'ng kunin pag naka-graduate ka?" Tanong ni Tito sa kapatid ko.


Mukha naman silang mabait and cool... bakit kaya galit si Prim sakanila?


"Ah, Fine arts po." Powe. 


"Ganon? That's nice! I knew some people who can help you when you finished your studies." Tito winked at her. "Thank you, po!" 


"Prim?" Tawag ni Mama sakanya. Instead naman na kay Mama ako tumingin, kay Prim ako nakatitig. 

Tumingin naman ito. Pipi ba 'to? Bakit ayaw mag-salita. 


"I love baking. Maybe you could drop by my house if you like. I can teach you." Sabi sakanya ni Mama at nakangiti pa. 


She smiled a bit and nodded. "Okay," Woah... totoo ba 'yan? Natawa ako ng konti but I bit my lip. Tinignan ko ulit siya at sinamaan niya ako ng tingin. 


"That's great! I'll text you, ha. Then tell me if you're free." Dagdag pa ni Mama. 

Todo ngiti naman si Tita Pia. Maybe because hindi na gaano kasuplada tong anak niya. 


"Nga pala Michael, I have to got to Paris eh."


"Oh, when? Papa-free kita. Haha!" 


We own an airline. Nivlap Airlines. Binaliktad yung Palvin. Ewan ko ba kina Papa dati, jejemon ata. 


"Next week? Monday. I have  meetings with the Viornas and the Klarsfields." Sabi pa ni Tita.

Si Prim naman, ganon parin. It seems like she likes this dessert. Nakita ko pa nga siyang ang-smile habang kumakain. So I guess she did liked it. Kaso di ko masyadong makita yung ngiti niya 'cause she's bowing her head. Whatever. Basta ngumiti.


After eating, naguusap-usap lang sila habang si Prim naman, nagce-cellphone. Ako at si Rhian, nakikinig lang sakanila. 

Hanggang sa magka-yayaan na. Malapit na rin kasing mag 8:30. Uuwi pa ko ng condo ko. Tapos hindi ko dala yung car kasi naiwan sa bahay. Sumabay lang kasi ako kay Mama.


"Thank you for tonight. We had fun." Sabi ni Tita at nagbeso sila ni Mama then kay Papa. "Sana maulit." 


"Sana nga!" Mama. 


"Malapit na birthday ni Prim. Magi-eighteen na yan." Nakangiting sabi ni Tito. Magde-debut na pala siya? Tinignan ko siya and she just rolled her eyes. "Ganon? So what's the plan?


"She doesn't want anything. Ayaw niyang magpa-party.Nakakaloka ang batang 'yan." Tumingin siya sa anak niya pero sinimangotan lang naman siya nito. "So maybe dinner nalang? Is it okay with you, Prim?" 


Tumingin siya dito. "Yah" Wala parin siyang gana. Halata naman. Pero atleast hindi gaya nung kanina. Na nakakaimbyerna. 


"Kelan ba?" Tanong ni Papa. "Sa September pa naman. First week." 


"Oh, I see."


"So... mauna na kami?" 


"Sige, take care Pia and George. Uwi na rin kami."


They bid their goodbyes and we also did except for Prim na poker face na naman. Umuna pa nga siya sa paglalakad palabas ng restaurant. Nakita ko'ng parang nagmadali din si Tito. Tinignan ko lang sila sa labas kasi klaro naman from here. Si Papa kasi nagCR muna kaya inantay namin.


Napakunot ang noo ko ng parang pinapagalitan siya. Her dad is pointing a finger at her. Si Rhian at si Mama nakatingin lang din. Mom and Rhian looks worried. Pinasakay si Prim sa kotse ng Daddy niya. Papasok kasi sana siya sa kotse niya eh. One thing I have observed, ang ganda ng kotse niya. 


And then umalis na sila. 


I can't help but wonder.. okay lang kaya siya? Tss. Halata namang hindi. But I don't care naman. Hindi naman kami close nun gaya nga ng sabi niya. 


"We really have to talk about this." Sabi ni Mama. "Nino? Ni Tita Pia?"


"Yeah. Hindi sila okay ng anak niya. She's been telling me before na her daughter is a headache."


"Baka nga kasi totoo yung sinabi ni Ate Prim na walang time parents niya sakanya." Rhian.


"I think so. I never thought naman na they have problems at home kasi whenever I see Pia and George they're both okay. Hindi ko akalain na ganon na pala umasta si Prim."


"Yah. I'm so worried. I think I'm going to message her later." Tinignan ko ang kapatid ko. "Ang OA mo naman."


"She's my idol. I look up to her. Mom," She faced mom. "She's the one I'm telling you about."


"Oh.. si Prim pala."


"Yeah. I am the one na makakapagmeet sakanya before her birthday. I am sooo excited!"


"Idol mo parin 'yon kahit na ang sama ng ugali?" Tanong ko. Eh sa mukhang ewan eh. Baka mamaya, gayahin niya pa yung si Prim. Edi natapon ko siya sa bangin.


"Idol ko pa din!"


"Psh," 


Hinatid ako nina Papa at Mama sa condo. Umuwi narin naman sila after. Tinignan ko ang orasan. It's already 10PM. Kumuha ako ng pepsi at tumambay sa harap ng TV. "Kapagod" 


And then while watching a movie... naalala ko yung Pre-nup video kuno na gagawin namain. "Aahhh, another headache!" Bahala na nga. Bukas nalang namin paguusapan ni Aki 'yon. 


I turned the tv off after finishing my drink. Humiga na ako at pinatay ang ilaw. Only the lights from the lampshades remained. Dumaob ako. Ganito ako matulog eh. 


--


KINABUKASAN pumunta akong school ng 2PM since yun lang naman ang klase ko every wednesday. "Aaaahhh tangina." Hinawakan ni Aki ang ulo niya. "Hangover"


"Sino kasama mo?" 


"Sina Miro tsaka Cady. And I saw Prim, too." 


"Si Prim?" Bakit andon 'yon? 


"Yeah. Saw lang naman. Di naman kami nagkasama. May kasama rin kasi siya, e." Sabi niya pa. Hindi nalang ako sumagot. We're in photography class. Prof's been showing pictures and angles and he also tells us what's the best for this and for that. 


"Okay activity. Roam around the campus. And take pictures of a person. Whether a girl of a boy. Stolen. It should be in over the shoulder shot, slanted and close up."


Napa 'bhh' ako. Tinatamad kasi. "Got it?" 


"Yes, sir." And kinuha ko na ang aking Digital SLR camera. Sabay kaming lumabas ni Aki pero umiba siya ng daan. So I'm roaming alone. Tinatry ko ng kumuha. May lalaki pa nga akong kinunan pero pag tingin ko--ayoko. Parang hindi ko gusto. Ewan. Panget. Yung babae namang kinunan ko, ang fail. Napatingin kasi tapos namula pa. Sinamaan ko tuloy ng tingin. Naglakad-lakad pa ko. Hanggang sa umabot ako sa may field. Wala naman masyadong tao dito.

Aalis na sana ako ng may marinig akong tawanan. Hinanap ko 'yon at nakitang naroon si Prim, Mira at mga kaibigan nila. 


Ayun. Si Mira katabi si Prim habang facing my direction. Si Prim naman, nakatingin sa mga kaibigan niyang nakatalikod sakin. Tumatawa siya. So I took a picture of her. Slanted. 


Tinignan ko ang kuha ko at napangiti ako. Ang ganda... ng kuha ko. Tinignan ko siya ulit at inisip paano ko siya ico-close up. Siguro pag lumapit naman ako hindi ako makakakuha so zinoom ko nalang. Pumwesto pa ako ng malapit ng konti sakanila pero hindi nakikita. And there, I took a picture of her. She's staring at her friend. Hindi na nakangiti. Pero hindi rin naman nakasimangot. Teka nga. Bakit siya na yung iniisip ko. Tss. Tinignan ko ang kuha ko sakanya. "Pwede na." 


Aalis na sana ako ng maalala ko'ng may over the shoulder pa. Ay. Napahinto pa ako but then I decided na sa iba nalang. So naglakad ako sa kabilang building. Building ng mga puro arts-arts. Nakita ko si Ma'am Torralba na kausap si Prof Jualde. Eh sakto namang nasa likod ako ni Prof kaya kinunan ko siya. Inayos ko siyempre. Tinignan pa 'ko si Ma'am pero hindi ko siya pinansin. Pake niya ba. 


Bumalik na ako ng classroom at flinash ni Sir yung mga kuha namin. We're only 10 in the class kasi konti lang naman ang nagpa-enroll ng FILM AT konti lang rin ang nakapasa. Our school is no. 5 sa over all na FILM SCHOOLS. Buti nalang nakapasa ako. Kaya din, sa lahat ng subjects magkaka-klase kami. PE lang talaga kami nahahaloan. 


"This is good, right?" Bumaling samin si Sir. Yung kay Aki yung viniview namin. Sumangayon naman kami. Actually lahat yata magaganda even if may iba rin namang may sablay konti. 


Hanggang sa ako na. Napa 'Hmm' at 'Ahem' naman sila ng makita si Prim. Psh. Ako naman, wala lang. Ano naman. Tinignan ako ni Sir tapos ay ibinaba niya yung eyeglasses niya. 


"Yes?" Tanong ko sakanya. Tinignan ko ang mga ka-klase ko na binibigyan ako ngayon ng makahulogang tingin at ngiti. 


"Wala naman." Natatawang sabi ni Sir at tumingin na ulit sa picture. "This is perfect." Tinitigan niya pa ulit yung stolen na slanted. Then, pagka-next niya, yung close up naman.


"Oh my God, she's so pretty."


"Hala, diyosa!"


"She's so beautiful."


"Ganda, grabe."


Powe. Saan ba banda? Hindi naman talaga. 


"This is very nice." Sabi sakin ni Sir tapos ninext naman na niya. "Oh this is good, too. But you shouldve taken a shot of Ms. Zamora." 


Napabuga ako ng hangin. Problema nito. Tinukso naman ako ng mga ka-klase ko. Eh si Aki tinusok-tusok pa 'ko. Paka g-go. 


Pagkadismiss ni Sir, habang naglalakad kami sa baba, nakasalubong namin si Prim kasama ang mga kaibigan niya. "Hi, Mira!" Aki.


"Hi, Aki and cousin." Ngiti niya pa. Habang si Prim, wala lang. Ganon pa din.


"Hi," Sagot naman namin ni Aki. Magsasalita pa sana yung isa niyang kaibigan ng may humarang sakanilang babae. 


"Hi, babe." Sabay kapit sakin. Kumunot ang noo ko. Sino ba 'to? "Sino ka?" 


Natawa naman sina Mira. "Oh my gosh, nakakahiya." Mukhang nahiya naman tong babae sa harapan ko. Eh sa hindi ko siya kilala!


"Ako yung girl na kasama mo sa bar last week."


"Sino dun?"


"Matinde!" Side comment naman ni Aki. 


Mukhang inis naman na siya. Nang hindi pa siya makasagot, hinawi siya ni Mira. "Excuse me lang, ha. Nag-uusap kasi kami ng pinsan ko." Medyo mataray na sabi niya. 


"And? I don't care."


"You know what, Trixie, ever since talaga ang epal mo. Can't you see? Naguusap nga kami." 


"So? Sino ka ba? Eh mas epal ka nga." Mataray din niyang sagot. Aawatin ko na sana at nang makaalis na kami dito ng may magsalita.


"Trixie," Napatingin kaming lahat kay Prim. Even that Trixie. "Do you remember me?" 


"O-of course, I do!" 


"Eh do you remember ba when your boyfriend kissed me?" 


"O-of course... bakit ko naman makakalimutan 'yon?"


"As far as I know, your present boyfriend... likes me. Actually nga I saw him last night and he kind of wanna buy me a drink. But I pity you. So I declined."


Parang napahinto naman tong Trixie but I can't see her reaction. Si Prim naman, mas lumapit pa sakanya. "But I can't help but wonder.... masarap ba siyang humalik? How wild is he in bed?" 


"I hate you." 


"I feel the same, babe. Now, I want you to get out of my way AND don't you ever talk to my friends like that. Is that clear?"


"Y-yes," And then umalis na siya. Tumingin ako kay Aki siya naman parang normal lang. 


"She must have forgotten what you are capable of." Sabi ng kasama niya.


"I think so." 


Capable of what? Stealing boyfriends and sh-t? She stared at me for a second and walked away. Sumunod naman ang mga kaibigan niya but Mira stayed.


"Mav," 


"What,"


"Birthday ko!"


"Oh happy birthday."


"Gift ko!!"


"I'll buy you some other time."


"Grabe 'to." And then she pouted. "Hindi ka man lang naremind ni Mr. Facebook?"


"Hindi naman ako mahilig mag facebook." Sabi ko sakanya. Kasi hindi naman talaga.


"May point ka. I don't even know nga why you have a lot of followers when in fact, hindi ka naman nagpo-post. Isa nga lang yung DP mo. And you only have 1 album." Yeah. 1 album for all the places I've been to. 


"I don't know either." 


"Maybe because you're just sooo popular even before."


Hindi ako sumagot. "Anyways, punta ka later."


"I have a lot of things to do, Mira. But I'll try."


"Ganon? Hmp. Sige na kasi! I'm turning 18 na!"


"What, engrande ba 'yon?" Aki.


"Shattap hindi ka invited." She rolled her eyes. "Kidding lungs!"


"Hindi naman. Just a pool party." 


"Pfft. I aint coming," Sabi ko na. 


"Pleaseeeee, sige na, pleaseeee!!" 





"Sino bang mga invited?"


"Sina Miro! Cady! They will come. And marami pa."


So it means... 

"So your friends will be there?" Tanong na ni Aki.


"Yeah! Of course!"


"You know what, Mira, I'll think about it." I said and left. 


**

Continue Reading

You'll Also Like

28.6K 508 50
"By his eyes, I saw the horrible truth." - Angela Linn Bierneza As Angela Linn's life takes a sudden turn, she finds herself in a place she never exp...
11K 169 6
Kung ikaw ang sinaktan, tinraydor at niloko ng dalawang taong mahalaga sa'yo. Mapapatawad mo pa kaya? Kaya mo bang kalimutan nalang o gaganti ka saka...
112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
148K 2.8K 40
Isang nerd noon na pinaglaruan at pinagpustahan ng minahal nya at ng mga kaibigan nito masyado syang nasaktan kaya nangibang bansa ito. Sa pagbabalik...