Who Killed Jeon Jungkook?

By kingtaechu_

190K 9.8K 6.8K

UNDER CONSTRUCTION || "The sweetest smile hides the darkest secrets" More

Prologue
characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Special Chapter
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
CHARACTER ASK
Chapter 35 - Epilogue
a/n + FAQs
CHARACTER ASK: knj & ksj

Chapter 26

2.5K 145 87
By kingtaechu_

Jodi Choi's POV

Sa kabila ng pagbabanta ni Angela kina Jackson, hindi sila natinag. Hindi naman talaga nagbabanta si Angela na kakalat yung tungkol sa pagkakidnap kay Jimin, bale parang reverse psychology lang yun. Sinabi niya lang yun sa representative ng JYP para matakot sila at mapaamin kung meron man silang dapat aminin. Pero wala. Wala kaming nakuha.

Nanatiling nakatago sa media ang nangyari. Masyadong confidential ang balitang ito at hindi kami papayag na basta na lang ito kakalat.

Apat na araw na mula noong nangyari yung pagkawala ni Jimin. Apat na araw na rin naming hinihintay ang resulta mula sa forensics team. Kadalasan, kapag kinakailangan talaga namin yung resulta, agad naman nila iyon naibibigay. Nakakapagtaka lang na mukhang natagalan ang team ngayon.

Pero nakakasigurado kami sa isang bagay. Hindi kay Jimin yung dugong nandoon.

Una naming inilahad sa kanila na i-check agad kung match ba yung dugong nasa sahig at kay Jimin pero negative raw. At nagtataka rin raw sila dahil may kakaiba sa mga dugong nakuha.

Napalingon kami lahat nang pumasok si Xander at Mikaela sa meeting room. Kasama rin namin yung chief na nag-assign sa amin ng kasong ito. Baka hindi ko pa nababanggit, isang kilalang senior inspector itong si Xander pero ibang kaso ang binigay sa kanya. Magmula noong nawala si Jimin, mukhang nawalan ng tiwala sa amin si chief inspector Song Jarred kaya sinali si Xander sa team namin. Seryoso lang ang mukha ng chief kaya intimidating siya tingnan.

Umupo si Mikaela sa tabi ko at dumiretso naman si Xander sa harap habang hinahanda ang kanyang powerpoint.

"Mas magandang tatawagin nating Bracelet Murder Case itong kasong 'to since isang silver bracelet lang rin naman ang naiiwang evidence lagi, hindi ba detectives?"

Tumango lang kami habang tinitignan namin ang mga larawang lumalabas sa presentation ni Xander.

"Akala namin isang simpleng bracelet lang ang mga ito pero habang pinag-aaralan namin ang mga bracelet, may nakita kaming nakaukit sa likod at ng mga ito," Hayag ni Xander at napangisi.

"And that is?" Singit ni Mikaela na mas lalong nakapagpalaki ng ngisi ni Xander.

"Unang bracelet na nakita natin ay yung nandoon sa crime scene ni Jeon Jungkook," Panimula niya at saka pinakita ang isang picture ng kwarto ni Jungkook, "Hindi agad mapapansin ang nakaukit pero kung titignan mo talaga ito ng mabuti, may makikita kang letters ng hangul."

Nang zinoom-in niya ito, doon ko na lamang napansin ang letrang nakaukit doon. "Ang nakaukit doon ay ang salitang '알'." (read as 'al') Tinitigan ko naman ng maigi ang nakaukit at oo nga, may nakasulat nga.

"Sunod naman naming tinignan ang bracelet na nahanap namin sa may kabaong ni Mrs. Channel Jeon at tulad ng inaasahan, may nakita kaming nakaukit," may pinakita ulit siyang picture at saka zinoom-in ito, "May nakaukit na '프'. (read as 'peu') Hindi na rin kami nagsayang ng oras at gano'n na rin ang ginawa namin sa nakitang bracelet sa crime scene ni Jullia at may nakita rin kaming mga letra. May nakaukit na '레'. (read as 'le' or 're') May nakuha ring silver bracelet sa kotse ni Mrs. Jeon noong sumabog ito pero walang nakaukit doon.  Hindi pa sigurado pero.." Napatingin siya kay Angela kaya ako rin ay napalingon sa kanya. Nang tingnan ko naman si Angela, maging siya ay nakatitig sa akin.

"Base sa mga nakuhang clue, kapag ipagdidikit-dikit natin ang mga letra, mabubuo natin ang salitang '알프레' o 'alfre'. Maaaring coincidence lang ito, pero malapit ito ang pangalan ng ama ni Detective Angela Jeon. Mr. Alfred Jeon. Hindi talaga gano'n kasigurado dahil kinukulang pa tayo ng letra pero malakas ang kutob ko na iyon talaga ang mabubuong pangalan. At hindi naman natin hahayaang may mamamatay pang Jeon para lang mabuo ang pangalan, hindi ba?"

Sa sinabi ni Xander, pati si Mikaela at ang chief ay napalingon na rin kay Angela na tahimik lang at nakatingin sa mga picture na nasa powerpoint ni Xander.

"Hindi natin alam kung anong pinapahiwatig ng killer dito pero maaaring may mangyayaring masama kay Mr. Jeon o kay Detective Angela. Nakausap na namin si Mr. Jeon at sinabi niyang uuwi siya sa Korea."

"What?" Biglang tanong ni Angela habang nakakunot ang noo, "You talked to him without even discussing this with me? At hindi ba mas delikado kung uuwi siya ng Korea?"

"Angela, walang makakapagbantay sa kanya at hindi masisigurado ang safety niya sa US." Siyang paliwanag ni Xander pero mas kumunot lang ang noo ni Angela at naparolyo pa siya ng mga mata.

"Bata pa ba siya para mabantayan? He can handle himself! And he can always get bodyguards there."

"Sinuggest namin iyon, pero siya na ang nagsabing uuwi siya."

"Ngayon pa siya uuwi kung kelan nanganganib na ang buhay niya. Eh nung namatay sina mama at ang mga kapatid ko ay wala man lang siyang ginawa para makauwi," bulong ni Angela na narinig ko naman.

"Bakit parang ayaw na ayaw mong umuwi ang papa mo? May galit ka ba sa kanya, ha?" Tanong naman bigla ni Mikaela. "Kung ako pa ikaw, matutuwa ako kung makikita ko na uli ang papa ko. At isa pa, kung mamamatay man siya, at least nakasama ko pa siya, hindi ba?"

"Huwag kang magmarunong dahil wala kang alam. Wala kang alam sa buhay ko kaya wala kang karapatang pangaralan ako!"

"Enough!"

Napatigil silang lahat nang biglang sumigaw si chief. "Ganyan ba kayo dapat umasta sa harap ng senior niyo?!" Lumingon naman siya kay Angela at saka tinitigan ito ng maigi, "Be professional, Ms. Jeon. Hindi lang ito tungkol sa pamilya mo. Trabaho mo rin ito. Kung alam ko lang na ganito ka magrereact sa ganitong klaseng sitwasyon, edi sana hindi nalang kita in-assign sa kasong 'to."

Sa sinabing iyon ni chief inspector Song ay napayuko nalang si Angela. "From now on, I don't want any personal feelings involved in this investigation. Isang malaking pagkakamali na ang sinali kita sa team na ito, Ms. Jeon pero dahil nagmakaawa ka at nakita ko ang determinasyon mong mahuli ang pumatay sa kapatid mo, tinanggap kita. Don't disappoint me any further or else you'll be dismissed from this team." Inalis niya na ang tingin niya kay Angela at saka lumingon kay Xander, "Proceed."

"I'm done with my report, chief inspector Song. Detective Mikaela has more to say about the results na nakuha from the forensics team."

Tumayo naman si Mikaela at pumunta sa harap samantalang si Xander ay umupo na sa upuan niya. Nakita kong may ibinulong siya kay Angela habang si Angela naman ay tumango lang.

"I have with me the results of the tested blood na nakita sa hospital room ni Park Jimin." May inilabas siyang mga papel mula sa envelope at binilang sa harap namin ang mga papel. Apat. Apat na papel. "The forensics team says that the blood found inside the hospital room are from four people. Ibig sabihin, iba't iba ang mga nagmamay-ari ng mga dugong nakita roon. The blood found belong from the following people - Jeon Jungkook, Jeon Channel, Jeon Jullia, at.." Tiningnan niya si Angela, "Jeon Joohyeon o mas kilala bilang Jeon Angela."

Sabay kaming napa-"ano" ni Angela. Nanlaki ang mga mata niya at saka tinuro ang sarili niya. "Ako? Dugo ko? Paanong naroon din yung dugo ko?"

"Hindi pa namin alam ang dahilan pero iyon ang pinapakita ng mga resulta."

Napabuntong-hininga naman si Angela at magsasalita na sana nang bigla itong pinutol ni Mikaela.

"And we'll have to find out by investigating you too."

-
Angela Jeon's POV

What? Did I hear it clearly?

"Iimbestigahan niyo ako? And at the same time proprotektahan niyo rin ako? Ano ba talaga?"

"Kahit na magreklamo ka pa ay wala ka ng magagawa. Ito na yung set-up. You'll have to deal with it professionally."

Inirapan ko nalang si Mikaela. Ilang beses ko ba dapat mairolyo 'tong mga mata ko? Masyado na akong naiirita ngayong araw.

"That sums up the reports for today's meeting. I hope you'll make progress after this. Might as well sa ibang team ko nalang ibibigay 'tong kasong 'to kapag wala paring mangyayari." Sabi ni chief at saka siya tumayo, "Inspector Xander, proceed to my office after this."

Lumabas na si chief Song at sabay-sabay naman kaming nag-bow. Kahit na inis na inis ako sa chief inspector na iyon, kailangan ko parin siyang respetuhin. Mas mataas parin ang rank niya sa'kin.

Nagsilabasan na sila hanggang sa kami nalang dalawa ni Jodi ang natira.

"Jodi, yung mga evidences.." Tila ba hindi ko maituloy iyong gusto kong sabihin. Nakatingin lang siya sa'kin hanggang sa dahan-dahang lumabas ang ngisi niya. "Makakaya mo iyan, Angela. Kung wala ka talagang alam, dapat hindi ka na matakot na pa-imbestigahan nina Mikaela."

Mas lalo akong nainis pero ngumiti nalang ako sa kanya. "Pero paano kung may nalalaman ako? 'Di pa sigurado, pero malakas ang kutob ko."

Mas lumaki ang ngisi niya at saka tinaas ang isang kilay niya, "Malakas ang kutob mo na?"

Nakipagtitigan pa ako sa kanya, pinagiisipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi, hanggang sa napabuntong-hininga na lang ako. "Wala, wala."

Ngumiti lang siya at saka tinapik ang balikat ko, "Ikaw na ang bahala. Basta lagi mong tatandaan, kakampi mo ako sa labang 'to."

Matapos niya sabihin iyon ay lumabas na siya. Napatitig nalang ako sa pintuang nilabasan niya at saka napailing, "Masasabi mo parin kayang kakampi mo ako sa huli, Jodi?"

-
Someone's POV

"Hindi ba masyadong risky ang ginagawa mo?" Tanong sa akin ng kapatid ko habang ina-arrange ang mga manika niya.

"Hindi. Sa totoo nga ay mas nagiging interesado ang imbestigasyong ito. And in a few days, mas marami pang magandang mangyayari."

Napansin kong may inaayos siyang bote sa gilid ng mga manika niya nang bigla siyang nagsalita, "Balita ko uuwi na raw si Alfred Jeon?"

Mabilis akong napalingon sa kanya at saka nanlaki ang mga mata, "Saan mo nakuha ang balitang iyan?"

Nagkibit-balikat lang siya at saka ngumisi, "Sources? Anyway, mabuti na rin 'yon, diba? Isa pa, siya naman talaga ang sunod sa listahan natin bago si Angela Jeon na gustong gusto mong patayin."

Natahimik nalang ako at saka napatitig ulit sa boteng hawak niya kanina, "Teka, anong laman niyan?" Tinitigan ko pa ito ng maayos hanggang sa napagtanto ko kung ano ang laman no'n. "Dugo? Kaninong dugo iyan?"

Sumilay ang isang ngisi sa mga labi niya at marahang hinaplos ang kamay niya sa bote.

"Jung Hoseok."

"Ano?!"

-
question of the day:

sa tingin niyo ba may kinalaman si angela sa pagkamatay ng pamilya niya, knowing the fact na gusto rin siyang patayin ng killer?


Continue Reading

You'll Also Like

691K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...