My Gangster Prince

By Cherryyyy

970K 18.9K 1K

Different personalities. Different kind of living. Will their story be sweet or will they overcome obstacles... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7: Wrong Move
Chapter 8: I'm Officially Yours
Chapter 9: Possesive Gangster
Chapter 10: First Date
Chapter 10.5: First date
Chapter 11: Comfort
Chapter 12: Poor Kazumi
Chapter 13: The Truth
Chapter 14: Hospital
Chapter 15: Popular Girls
Chapter 16
Chapter 17: Jealously
Chapter 18: Three Wishes
Chapter 20: Everything is fine now
Chapter 21: Dark's Birthday
Chapter 22: He's A Gangster?
Chapter 23: Back to School
Chapter 24: Revenge
Chapter 25: Tamang Hinala
Chapter 26: Payback Time
Chapter 27: His Threat
Chapter 28: Doubts
Chapter 29: Shopping
Chapter 30: Twin's Birthday
Chapter 31: Nightmare
Chapter 32: Nightmare Came True
Chapter 33: Kidnapped
Chapter 34: Regrets
Chapter 35: Night with him
Chapter 36: The Showdown
Chapter 37: Don't Leave Me
[EPILOGUE]

Chapter 1

47.5K 827 54
By Cherryyyy

My Gangster Prince



Chapter 1: First Day


She was 6 years old back then..


A simple yet cheerful girl. Mabait, magalang at palaging nakangiti.


She's Kazumi Zyril Park..


Marami siyang kaibigan sa bahay-ampunan. Kahit inabandona siya ng tunay niyang mga magulang noong saggol pa lamang ito ay lumaki pa rin siyang masayahing bata.


Nakikipaglaro siya ngayon ng habul-habulan sa mga kaibigan niya. Malaki ang playground na pinaglalaruan nila.. May mga slides and swings at kumpleto rin ang mga toys.


Nang mapagod siya kakatakbo ay napaupo siya dun sa bench.. Doon niya nakita ang isang batang lalaki na naglalaro ng kung ano sa kanyang tablet. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito.


She poked his arm at lumingon naman si little boy sa kanya.


"Hi. Bago ka ba dito? Pwedeng makipagkaibigan?" Tanong ni Kazumi sabay pakita pa ng eyesmile nito.


"No, I don't want to. Leave me alone."


Napatigil ang lalaki nang marinig niyang may humihikbi sa tabi niya. Umiiyak pala si Kazumi.


"Why are you crying?"


Tinakpan ni Kazumi ang mga mata niya gamit ang braso niya. "A-Ayaw mong makipagkaibigan sakin."


"Tss.. Sorry na. Stop crying.." Sabay tap nung batang lalaki sa ulo nito.


"Hmm, anong pangalan mo? Pwede na akong makipaglaro sayo?" Pinunasan naman ni Kazumi ang sipon niya gamit ang likod ng braso niya.


"Kadiri ka! Kumalat tuloy yung sipon mo. Here.." Nilabas nung batang lalaki ang panyo niya at ipinunas ito sa ilong ni Kazumi. "I am Tristan... Eh ikaw, anong name mo?"


"Ako pala si Kazumi Zyril.. Pwede mo akong tawaging Kazumi na lang." Then she extends her hand to him. Tinanggap naman ito ni Tristan.


"I will call you Zyril then.."


Nag-pout naman si Kazumi sa sinabi ni Dark. "Sabi ko, Kazumi na lang eh! Mas cute daw kasi yung pangalan ko na 'yun sabi ni sister!"


"I don't care. I still prefer Zyril." Kazumi pouts again.. pero hindi na siya tumutol. "Tristan, bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh."


"No.. Sinama lang ako ni Tita. Madalas kasi siyang nagbibigay ng donation dito sa orphanage."


"Ahhh.. Tara, laro tayo ng aral-aralan, Tristan. Ikaw yung teacher ko at ako naman yung estudyante mo. Ang galing mong uminglish eh. Turuan mo ako!"


Time flies so fast. Hindi napansin ni Tristan na nag-eenjoy siyang kalaro si Zyril.


After an hour, nagsawa na silang maglaro ng aral-aralan. Naglaro naman sila dun sa swing. Nakaupo si Zyril sa swing habang tinutulak ito ni Tristan.


Naputol ang kasiyahan nila nang biglang tawagin na si Tristan ng tita niya. Bigla tuloy lumungkot yung mukha nilang dalawa.


May dinukot naman si Zyril sa bulsa niya at iniabot ito kay Tristan. "Wag mong iwawala yan ha? Remembrance ko yan sayo.." Tristan stared at the soft ball.. May nakaukit na crown dito.


"Yeah.. Thanks." Then he smiles warmly to her. Tinanggal naman ni Tristan yung pendant na nakasuot sa leeg niya.


"This is my lucky charm.. pero ibibigay ko na yan sayo. Ingatan mo rin yan." Tumango naman si Zyril.


"Tristan.. Halika na.. Aalis na tayo!" Tawag ng tita niya. Tumango naman siya at bago umalis si Tristan ay binigyan niya muna ng halik sa pisngi si Zyril saka tumakbo sa kinaroonan ng tita niya.


Namula naman si Zyril sa ginawa ng batang lalaki.


And for the last time.. he looked back at her and mouthed..


'Bye Zyril'




After 10 years...


KAZUMI'S POV


"Magkikita pa kaya tayo, Tristan?" Tanong ko habang nakatitig sa pendant na bigay niya.


Sampung taon na ang nakakalipas.. Sampung taon simula nang may kumupkop sakin. Sampung taon nang huli ko siyang makausap at makalaro.


Kamusta na kaya siya? Bumalik kaya siya sa bahay ampunan para bisitahin ulit ako?


I snapped back in my senses when I heard a loud knock on the door. Dali-dali ko itong binuksan at bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba nang bumungad sakin ang galit na mukha ni Zeke.


"Where the hell is my breakfast?!" Nag-echo ang nakakatakot niyang boses sa buong bahay.


"G-gagawin ko pa lang po." Nakita ko namang kununot ang noo niya sa sagot ko.


"Next time, Make them first before anything else. Do you want me to starve?"


"H-hindi po.. Hindi na po mauulit."



Patakbo kong tinungo ang kusina. Dali-dali ko siyang pinaghanda ng tinapay at pinagtimpla ng kape.


Nang matapos ko nang ihanda ang almusal ay tinawag ko na si Zeke para makakain na siya. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ang mala-demonyo niyang ngiti.


"Stretch out your arms!"


Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Mukhang may masama na naman siyang binabalak na gawin sakin.


"K-Kuya p-pakiusap huwag po.. Hindi na po ako uulit-"


"I SAID STRETCHED THEM OUT!" Natakot ako sa pag sigaw niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.


"Talagang hindi na mauulit. Now this will teach you a lesson to make sure you never forget about my breakfast."


Ngumisi siya at kinuha ang kape sa mesa. Dahan-dahan niya itong ibinuhos sa braso ko. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Wala akong magawa kundi ang mapasigaw sa sakit.


Simula nang mamatay ang mga tunay na umampon sa akin sa car accident ay araw-araw nang ganto ang buhay ko. Katulad ko si Cinderella- araw araw akong pinapahirapan, araw araw akong pinaparusahan. Bawat pagkakamali na magawa ko, katumbas nun ay mga pasa at sugat sa katawan ko. Hay.. kailan kaya dadating yung prince charming ko na ililigtas ako sa impyernong buhay na 'to?


Napatingin ako sa orasan at napatakbo sa kwarto ko. Meron na lang akong ilang minuto bago magsimula ang klase. Dali-dali akong naligo at nagbihis, at patakbong lumabas ng bahay.


Nakahinga ako nang maluwag nang marami pa akong nadatnang mga estudyante na nagkalat sa hallway. Hindi pa ako late.


Just in time lang naman yung pagdating ko sa room dahil nararamdama kong wala pa yung teacher namin sa loob. Naririnig ko pa kasi yung mga ingay ng mga magiging kaklase ko mula dito sa labas.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dire-diretsong pumunta sa pinaka-dulo ng room. Umupo na lang ako at umub-ob para hindi nila ako pakialamanan.


Maya maya, narinig kong may pumasok ng room kaya napatingala ako, nandito na pala ang math teacher namin. He asked the class to settle down pero mukhang wala atang nakapansin sa presensya niya.


"GOOD MORNING CLASS!" Sumigaw na siya kaya nakuha niya ang atensyon ng bawat isa.


"Kahit first day ngayon ng class, di niyo na kailangang mag-introduction Magkakakilala na naman kayo kaya yung transferee na lang ang magpapakilala. So miss, punta ka na dito sa harap at i-introduce mo ang sarili mo."


Tumayo na ako at pumunta sa harap ng nakayuko. Habang naglalakad ako, nagbubulungan ang mga kaklase ko. Yung iba pa nga ay nagpipigil ng tawa.


"G-Good morning, I'm Kazumi Zyril Park." Ngumiti ako ng pilit. Medyo mahina lang yung pagkakasabi ko pero sapat na para marinig ng buong klase.


Pagkatapos nun ay pinabalik na ako ni maam sa pwesto ko pero nasa gitna pa lang ako ay nagtatawanan na sila ng malakas.


"Uhh miss, ahm.. Okay lang kung lumabas at mag-cr ka muna." Sabi nung teacher na di masyadong nakatingin sakin.


"P-po?"


"You may go to the ladies room." Kinalabit ako nung isang girl na may suot ng salamin at braces. Napatingin naman ako sa kanya. Iba siya sa mga kaklase kong kinulangan ng tela ang mga suot. Mabuti naman at may maayos pa palang manamit dito sa school na to.


"Uhh. May stain ka sa likod ng palda mo. Gusto mo pahiramin kita ng pad?"


"Eh? Kakatapos ko lang e." Bulong ko sa kanya.


"Baka prank yan. Tignan mo na lang yung upuan mo."


Bumalik ako sa pwesto ko at nakita ko na lang na may red paint pala dun. Agad-agad akong lumabas ng room at nagpunta sa cr para burahin yung paint. Naiiyak ako. First day ko pa lang dito sa school pero ganto agad yung ginagawa sakin. Sana makayanan ko hanggang huli. Ayoko namang mag-stay lang sa bahay dahil papahirapan lang nila ako dun buong maghapon.


Inayos ko na ang sarili ko at bumalik ng room. Hindi naman nila napansin ang presensya ko dahil may sari-sarili silang mundo.


Kalahatang oras ng nag-didiscuss si Maam nang may biglang pumasok na isang lalaki sa room.


Hindi siya naka-uniporme and his shirt was untucked, wearing shoes which was not exactly school shoes at ang mga kamay niya ay nakatago sa magkabilang bulsa.


Lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.


"OMG! 3-A din siya?"


"Ghad, ang swerte natin!"


"I know right." rinig kong mga bulungan ng mga babae.


"Dark Montreal, you're late! Detention after school. Hurry and get to your seat!" Sabi ng teacher namin pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito.



DARK'S POV


"Like I will really attend detention." I thought as I made my way to my seat, at the back of the class near the window.


My brows form a straight line, sign of annoyance. Tss. sino ba tong babae na nakaupo sa katabi ng pwesto ko? I hate people sitting around me. People will start chatting and gossiping non-stop which gets on my nerves. Wala akong pinapayagang umupo sa tabi ko kundi ang mga gangmates ko.


"Montreal, bakit di ka pa umuupo? You're disturbing my class."


Padabog kong nilapag yung bag ko saka umupo. Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko na nakayuko. She's obviously a shy and quiet girl. Hindi ko alam pero parang pamilyar siya sakin. Parang nagkita na kami dati.


Di naman siguro masamang magkaroon ng seatmate, besides mukha naman siyang tahimik. Umub-ob na lang ako para matulog, wala akong ganang makinig.


Nagising na lang ako sa tunog ng bell.


Lunch break sa school at nagkakagulo na ang mga tao. Tinatamad akong pumila kaya pumunta agad ako dun sa counter, pinaraan naman ako ng mga nasa unahan ko.


Ayos talaga kapag natatakot sayo ang mga tao sa paligid ko.


"Yun yung girl na tumabi kay Prince Dark diba?"


"Yeah. Ang lakas nga ng loob niya eh. Ayaw na ayaw kaya ni Prince Dark na may tumatabi sa kanya."


Magchichismisan na lang sa tabi ko pa. Tss.


Ang dami ko pang naririnig na mga nagbubulungan tungkol dun sa babaeng katabi ko. They're really getting on my nerves.


"Ang balita ko nga.. Na-bully agad siya kanina eh! Serves her right!" bulong nung babaeng mukhang ginawang coloring book ang mukha.


Bumili yung babae ng inumin at inabot sa isang kasamahan nito. "Hold this. Once na malapit na tayo sa pwesto niya, papatirin kita and make sure na matatapon yan sa girl."


Anong akala ng mga taong to? Nasa movie o teleserye sila? Mga babae talaga ang daming pakulo sa buhay.


Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na ako sa private room ng gang namin, ang Black Diciples. Kami lang ang nakakapasok dito whereas dito kame magpapahinga, natutulog, kumakain o nagme-meeting. Malaki kasi ang share ng family namin sa school na to kaya pinayagan kaming magkaron ng sariling space dito sa campus.


Ako lang mag-isa ngayon sa private room. Tss, first day na first day hindi nagsipasok yung mga gungong na yun.


Nang matapos na yung break time ay bumalik na ako sa room namin. Huminto muna ako saglit sa gilid ng pinto. Napansin ko kasi na may pinapalibutan sila.


"Move! Nandiyan na si Prince Dark!" Nataranta namang nagsialisan sila sa pagkukumpol nila kaya nakita ko kung sino ang pinagkukumpulan nila. Yung babaeng transferee pala. Nakaupo siya sa sahig habang hawak niya yung balakang niya. Halatang bumagsak siya sa pagkakaupo. Nakita ko kasi na may upuan sa tabi niya na putol ang isang paa. Tss, yung sirang upuan siguro sa likod yung nakuha niya.


Pansin ko ring may stain na yung uniform niya. Sigurado ako na yung mga babae kanina sa canteen yung may gawa nito. Wala man lang ba siyang extrang uniform? Tss, why do I give a damn on her? I don't even know her.


Pumunta na lang ako sa pwesto ko at naabutan ko yung Black Diciples na prenteng mga nakaupo sa likuran. Buti naisipan pa nilang pumasok. Tss.


Umupo na ako sa bakanteng upuan katabi nila. Napansin kong nagpipilit sila ng tawa, maliban kay Sky na pailing-iling at kay Lance na naka-pokerface, habang nakatingin dun sa direksyon nung transferee.


Tumayo ako sa harap nila at pinalipat-lipat ko ang tingin ko sa Black Diciples. Tsk.. Posibleng hindi aksidente ang nangyari dun sa babaeng transferee at sila ang may gawa nun.. Hindi sa may pake ako dun sa transferee pero alam nila ang ayoko sa lahat.. yung may sinasaktang babae ang isa sa amin, physically. Yes, we're gangsters, but we have our limitations. May rule kaming bawal manakit ng babae at bilang leader nila.. kailangan ko silang parusahan kapag nilabag nila iyon.


Bata pa lang ako.. nakita ko kung gano umiyak ang mommy ko nang dahil sa daddy ko. Gabi-gabing umuuwi ng lasing ang ama ko at gabi-gabi rin niyang sinasaktan ang nanay ko. Simula nun, ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako gagaya sa t^rantadong ama ko.


"Who?!" I said calmly yet dangerously.


Wala ni isang nagsalita sa kanila. Lance raised his right hand kaya napatingin ako sa kanya. "It's me, Dark." He asked coldly and coolly.


Bigla ko na lang hinablot ang polo niya mula sa likuran saka ko siya kinaladkad papunta sa sulok. Napatingin naman samin ang mga kaklase ko pero dumistansya sila.


"Ang mga babae dapat ginagalang, Flores. Hindi sinasaktan o pinagti-tripan."


Hindi naman siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin ng mata sa mata. Pero halata kong uneasy na siya. Binitawan ko na yung collar niya pero bago ko siya iwanan ay ngitian ko siya and left him with a strong punch on his stomach.


Napayuko naman siya at napahawak sa tiyan niya. I heard him cursing under his breath.


I slowly faced Black Diciples and pointed Lance behind me. "Ganyan ang mangyayari sa inyo kapag sinuway niyo ang rule natin. You understand?!"

Continue Reading

You'll Also Like

862K 29.2K 63
Meet Margarette. The typical nerd, anti social, unpopular and introvert student of Brentville. Para sakanya, kontento na siya sa atensyon at pagmamah...
261K 8.3K 66
Paano kung ang tahimik mong buhay ay biglang mawala at maglaho, simula nang dumating ang lalaking pinaka susuklaman at kinamumuhian mo na si DWAYNE M...
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
38.1K 1.3K 102
"Divern: So chinat mo ko dahil gwapo ako?! Fuck off bitch, ang landi mo magaral ka muna ./." >EPISTOLARY