Sa Akin Ka Na Lang

By deltamandarin

13.9K 349 239

More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 3

1K 34 25
By deltamandarin

Lihim na nangingiti ang dalawa sa naramdamang pagtataka ng mga dinatnan nila sa dining room ng makita silang magkahawak kamay pang pumasok. Hindi sila nagpahalata. Nagkatinginan lang sila, hindi napigilan ni Sam na pisilin ang kamay ni Sarah na nangingiti na rin. Sa isip isip nito, tama nga, kailangang harapin niya ang bagong pagsubok na pinasok niya. Make the most out of their situation kung hindi lalo lang siyang magiging miserable. Wala siyang balak na makita ng mga tao na miserable ang buhay niya, isa pa, alang alang sa kabaitan ni Sam, ipapakita niya sa lahat na karapat dapat siyang maging Mrs. Milby. Ipapakita niyang napaka swerte ng taong mamahalin niya, at yun ay si Sam. Magsisisi ang lalaking ipinagpalit siya sa iba.

Nginitian ni Sarah si Sam, iginala ang paningib sa mga pagkain na nakahain. "Naman! Paborito ko yata lahat ng nakahain ah! Sige,tikman natin yung sisig saka kunting chicken adobo. Mamaya naman yung iba." Masayang sagot ni Sarah. Masiglang naglagay ng mga pagkaing sinabi ni Sarah si Sam sa plato nito.

"Salamat, ikaw kumain ka na rin."

"Ano gusto mong inumin?" Tanong uli ni Sam.

'"Ano ba, kumain ka namuna, ako na kukuha."

Dahil na rin siguro sa nakitang lambingan ng dalawa, nabawasan ang tension sa paligid nila. Naging normal ang kwentuhan. Nabawasan ang pag aalala ng mga magulang nila na isang malaking pagkakamali ang biglang pagpapakasal ng dalawa.

Nagpaiwan muna sa ang dalawa. Nauna ng bumalik sa Pilipinas ang mga magulang nI Sarah at iba pa nilang kasama sa tour. Nagawan ng paraan ng mga management ng dalawa na maayos ang mga schedule nila para magkaroon pa sila ng 2 weeks na magkasama at ma enjoy ang honeymoon nila.

Pagkaalis ng mga magulang ni Sarah ay sinabihan siya ni Sam na sila naman ang mag impake para sa honeymoon nila.

Nagulat si Sarah. Hindi niya alam na balak si Sam na umalis pa. Ang alam lang niya ay doon muna sila habang mainit pa ang balita tungkol sa kanila sa Pilipinas. "Honeymoon? Saan? Saan tayo pupunta?" Excited na tanong ni Sarah sa asawa.

"Sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Sa lugar na magagawa natin ang gusto natin gaya ng ordinaryong honeymooners." Nakangiting sagot ni Sam. "Dito sa US kahit na sabihing malayo sa Pilipinas, kilala ka pa rin ng mga kapwa nating Filipino. Hindi pa rin tayo makakakilos ng gusto natin. Pupunta tayo sa lugar na walang mag iisip na ikaw si Sarah Geronimo, ang popstar ng Pilipinas."

Kitang kita ang tuwa sa mukha ni Sarah. Yung makita lang ni Sam ang ganoong expression sa mukha ng asawa ay sapat na sa kanya. Bonus na lang yung malambing na pagyakap nito sa bewang niya. Alam niya , ganoon lang talaga kalambing ang dalaga lalo na pag natutuwa ito dagdagan pa na alam nitong nasa di kalayuan ang pamilya ni Sam.

"Saan naman tayo pupunta?" Excited na tanong ni Sarah..

"Costa Rica! Di ba gusto mong makarating doon?" Kumikindat na sagot ni Sam. Tinitigan ang asawa, habang hinihintay ang reaction ni Sarah sa sagot niya. Hindi siya nagkamali, priceless ang nakita niyang saya sa mukha ng asawa. Hindi ito nakapagpigil sa sobrang tuwa. Parang batang napatalon ito sa tuwa at laking gulat ni Sam ng halikan siya ng asawa sa pisngi.

Natawa na lang ito at niyakap ang asawa. "I love you Mrs. Milby. Just seeing you happy, makes me the happiest." Hinalikan ito sa noo.

"Alam mo napaka swerte ko, sa lahat ng napikot ikaw ang masaya. Buti na lang pumayag kang papikot, paano na kaya kung sa tindi ng kalasingan ko ng gabing yun at hindi ikaw ang nanduon? Sirang sira na siguro ako ngayon. Hindi lang pagkatao ko, pati career ko." Kinikilabutang sabi ni Sarah.

"Hmmm ngayong na realized mona yan,dapat siguro may prize ako." Biro ni Sam.

"Ano gusto mo? Kahit na ano, will buy it for you. ngayong 25 na ako,I have total control of my finances na. Hindi ko na kailangang magsabi kay Mommy kung may gusto akong bilhin lalong lalo na ngayong Mrs. Milby na ako."

"Anything?" Panigurong tanong ni Sam.

"Oo naman, basta kaya ko, oo na agad. Ano ba yun ha?"

"Wala pa akong maisip. Pwedeng rain check muna? Kailangang itodo ko na yan at pag isipang mabuti, baka hindi na maulit na mabigyan ako ng ganyang pagkakataon. Meantime, let's go, our plane will leave in 5 hours from now."

Makaraan ang dalawang oras at nasa airport na ang dalawa, nagpapasalamat sa mga magulang ni Sam na naghatid sa kanila.

"Enjoy your trip, and be safe." Bilin ni Mrs.Milbysa kanila matapos silang yakapin uli.

"Have fun , you two and like your mother said, be safe." Dugtong naman ng daddy ni Sam.

Pareho namang nangako ang dalawa. Nagkatinginan ang dalawa ng simpleng magpahiwatig ang Mommy ni Sam na sana daw pagbalik nila, buo na ang apo niya.

"Mommy naman, ang tagal kong pinangarap na masolo ang asawa ko, ngayong nangyari na , hayaan mo namang magtagal tagal yung moment ko with her, saka na muna baby, darating din kami duon, hayaan mo munang ako lang ang baby niya for the first year , baka second year, pwede na."

Napapakagat labi si Sarah sa naririnig na usapan ng mag ina. Pinipigil ang sariling huwag makurot si Sam. Walang kamalay malay ang lahat na hindi sila magkatabing matulog. Sa sahig natutulog si Sam, hindi lang dalawang beses niyang sinabing ok lang naman na magkatabi sila sa kama, sinabi niyang may tiwala naman siya dito pero si Sam mismo ang tumatanggi. Siya daw ang walang tiwala sa sarili kaya mas mabuti na rin daw na huwag silang magtabi hanggang hindi pa siya handa."

Sa stop over nila sa Texas, may ilang Filipinong nakakilala sa kanila habang hinihintay nila ang flight nila. May ilang hindi nakatiis na lumapit at nagtanong kung pwede bang magpakuha ng picture na kasama sila. Pinagbigyan naman ng dalawa ang mga fans.

"Bagay na bagay kayo, buti na lang kayo ang nagkatuluyan at hindi kayo ni Gerald Sarah.siguro nagsisisi yun ngayon." Sabi ng isang teen ager na hindi maitago ang sobrang excitement.

Nagkatinginan ang dalawa. Ngumiti lang si Sarah. Si Sam naman ay ibinaling na ang pansin iba pang naghihintay na makapagpa picture din sa kanila. Napansin niyang nag iba ang aura ni Sarah kahit na ngumingiti ito sa mga taong kumakausap sa kanila. Laking pasasalamat niya ng marinig ang announcement para sa boarding nila.

Nakaupo na sila ay wala pa ring imik si Sarah.Inakbayan ni Sam ang asawa at tinanong kung ano ang iniisip nito at nawala sa mood.

"Inisip ko lang pagbalik natin sa Pilipinas, hindi tayo makakaligtas sa mga tanong, speculations tungkol sa atin. Nahihiya akom saiyo,baka kung ano ano ang sabihin nila tungkol saiyo."

"As long as asawa ang turing mo sa akin, as long as alam kong pinapahalagahan mo ang pagiging Mrs. Sam Milby mo, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang hihilingin ko lang talaga, ako ang unang una mong pagsasabihan pag dumating yung panahon na ayaw mo ng maging asawa ko."

"Sa ipinakita mong kabaitan nitong mga nagdaang araw, yung respetong ibinibigay mo sa akin, nagtataka ako bakit nabulag pa rin akong magmahal ng iba samantalang noon pa, lagi ka ng nandiyan." Hindi mapigilan ni Sarah ang manginig ang boses dahil sa pinipigil na emosyon.

"Hey, we are on our way to our honeymoon, baka isipin ng mga nakakakita sa atin, ayaw mong sumama ,pinipilit lang kita." Biro ni Sam para mapatawa ang naiiyak na katabi. "Promise me one thing, promise me, we are going to have fun in this trip. You will be an ordinary newly wed who is so in love with her husband that she can't get enough of him, even for appearance only."

"Promise, kung gusto mo, tutuhanin ko pa eh. Sa gwapo mong yan, sigurado ko, maraming maiinggit sa akin ."

"Mas maraming naiinggit sa akin ngayon, at lalo ko pa silang iinggitin dahil sigurado ako, kalat na sa Pilipinas na sa Costa Rica tayo mag ha honeymoon."

"Palagay mo, may pinagsabihan ka ba? Ako lang pala hindi nakakaalam na balak mo akong dalhin sa Costa Rica?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sarah.

"Sinabi ko sa mga Mommy at Daddy mo balak ko, baka naman mag aalala sila pag nalaman nilang wala tayo sa Ohio. Saka syempre parents ko. I am betting a thousand dollar, yung mga nagpapicture sa atin kanina sa airport, na ipost na nila sa mga twitter accounts and facebook or whatever social media they have an account."

"Oh well, mahirap naman na hindi natin sila pagbigyan di ba? Saka siguro naman wala ng makakakilala sa atin sa Costa Rica. Pwede mo na sigurong sabihin sa akin ngayon kung saan tayo pupuntang resort." Lambing ni Sarah kay Sam.

"Ok , dalawa ang pupuntahan nating resort. Tutal 10 days tayo doon. Sulitin na natin. Unang tayong mag stay sa Paradisus Playa Conchal na pag aari na ngayon ng Westin Group, marami tayong pwedeng gawin duon, snorkeling, horseback riding,zip lining at meron din silang mud baths. Balita ko , grabe daw ang zip lining doon."

"Horseback riding ba kamo?"

"Yes Babe, horseback riding along the beach."

"Don't call me Babe," irap ni Sarah.

"Anong gusto mong itawag ko saiyo? Sorry nadulas lang pero Babe naman talaga kita but I understand why you don't want me to call you that."

"Kahit na ano, huwag lang Babe, anyway sabi mo sa dalawang resort tayo pupunta, saan yung isa?" Pag iiba ni Sarah ng usapan.

"Sa Tabacon Grand Thermal Spa Resort. Magugustuhan mo sigurado yung hot spring nila at yung feeling mo na nasa gitna ka ng rainforest."

"Nakapunta ka na ba dun? Kelan? At sino ang kasama mo?" Sunod sunod na tanong ni Sarah.

"Hindi pa po my lovely wife, sinabi lang sa akin ng travel consultant na nakausap ko. Siya ang nag arrange ng gagawin natin doon. Sabi niya from Playa Conchal to Tabacon , para na rin nating nakita ang buong kagandahan ng Costa Rica."

"Thank you, is ba ito sa ipagsasalamat kong may asawa na ako? Matutupad na pangarap kong makapag travel ng madalas? Yung travel na bakasyon ha hindi trabaho."

"Depende yan saiyo my love, basta ba hindi ka tatanggap ng maraming trabaho, we can travel siguro kahit once or twice a year."

"My love talaga?" Napabungisngis na tanong ni Sarah.

"Oo my love talaga."

"Ewan ko saiyo, ang corny mo minsan."

"Ibabalik ko saiyo yang sinabi mong yan, isang araw yan na rin ang itatawag mo sa akin."

"Sige nga practice na ako my love."

"Isa pa nga, my love. Masasanay ka din."

"Tigil ka na nga, pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Nagtataka siguro kung ano pinag uusapan natin." Hinampas ni Sarah si Sam na kinukulit pa rin siyang ulitin na tawagin siyang "My Love."

"Nakita mo ba mga mukha nila, I think nahahawa sila sa masaya mong tawa."

Humilig na lang si Sarah sa balikat ni Sam. "I can't wait na makarating na tayo sa Costa Rica."

Continue Reading