Chapter 9

910 37 25
                                    

"Thank you Sam and Sarah for coming today. It is really an honor na pinagbigyan nyo ang Buzz ng Bayan na makasama namin kayo this afternoon."

"Syempre naman Tito Boy, kanino pa ba naman kami unang magpapa interview. Salamat din sa paghihintay." Sagot naman ni Sam na nakangiti.

"Salamat , salamat, batiin muna ninyo ang ating mga manonood dito sa studio at sa mga nasa kani kanilang mga tahanan."

Masaya namang bumati ang dalawa na kapansin pansin ang paghahawak kamay.

"Alam mo Tito Boy, kanina ko pa napapansin yang holding hands nila, mula ng pumasok sila at naupo. Ramdam na ramdam mong love is in the air talaga." Kinikilig na sabi ni Carmina.

"Yun nga din ang napansin ko." Pagsang-ayon agad ni Tito Boy na nakangiting pinagmamasdan ang dalawa. Namumulang itinago ni Sarah ang mukha sa gilid ng balikat ni Sam na mukhang lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng asawa.

"Ayyy, hindi ko talaga mapigilang kiligin. Pinanood ko yung production number ninyo kanina sa ASAP, by the way hanggang ngayon , trending pa rin kayo. Ang hot ng number na yun ha, parang wala kayo sa stage, parang sariling sarili ninyo ang mundo. At higit sa lahat, muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ko yung suot ni Sarah ha. Pati yung anak ko , hindi makapaniwala."

"Tutuo yan, ang daming nagulat sa suot mo Sarah ha, umpisa na ba yan ng pagbabago ng image mo?"

Napatingin muna si Sarah kay Sam na napangiti. "Hindi naman Tito Boy, ibinagay lang sa production number saka lumakas lang ang loob ko kasi asawa ko naman ang kasama ko, di ba?"

"Ibig bang sabihin nun kung kinakailangan sa trabaho ,  hindi na masyadong magiging restricted ang mga eksena mo?"

"Depende pa rin Tito Boy." Matipid na sagot ni Sarah. "Will cross the bridge when I get there."

"I am excited ngayon pa lang parang nakikita ko na ang maraming pagbabago sa takbo ng career mo. You are a very talented artist at sigurado ako , malayong malayo pa ang mararating mo. Naalala ko ang sabi ni Tita Armida Siguion-Reyna na given na right project, lalabas ang galing mo sa pag-arte. Nanininiwala siyang you are a great actress."

"Thank you Tito Boy." Nahihiyang sagot uli ni Sarah.

"Mga kapamilya, kanina bago mag umpisa ang show, tinanong ko sina Sarah at Sam kung may tanong bang ayaw nilang maitanong sa kanila on the spot, irerespeto namin pero sinabi nilang andito na rin lang sila kaya ok lang daw na no holds barred ang tanungan natin kaya ihanda ninyo mga sarili ninyo pagbabalik namin."

Samantala si Gerald naman dumiretso sa condo niya sa Makati pagkatapos ng ASAP. Gusto niyang mapanood ang Buzz ng Bayan ng mag-isa. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya sa maririnig sa interview ng mag asawa. Ayaw niyang marinig o makita ang awa sa kanya ng mga kaibigan na nakakaalam ng tunay niyang damdamin sa nangyari sa kanila ni Sarah. Ayaw niyang malaman pa ng iba , tama lang na sarilinin na lang niya kung anuman ang sakit na nararamdaman niya ngayon.  Sumandal sa headboard, pumikit , inaaalala ang panahong masaya silang dalawa ng dating kasintahan habang hinihintay na matapos ang napakaraming commercial na para namang nananadya  dahil halos lahat naman ay commercial na ang endorser ay si Sarah mismo. HIndi niya inaasahan ang tindi ng sakit na nararamdaman sa muling pagkikita nila ng babaeng inakala niyang ihaharap niya sa altar pagdating ng panahon. Hindi niya namamalayang tumutulo na ang luha niya, "ganito din ba ang naramdaman mo sweetheart nung nalaman mo ang tungkol sa amin ni Maja?" Tanong na lang nito sa sarili.  "Alam ko nasaktan kita kailangan bang magpakasal ka agad sa kanya? Kailangan bang gantihan mo ako ng ganito kasakit?”

Para namang narinig siya ni Tito Boy dahil ang mga sumunod na tanong sa dalawa ay mga tanong na gusto din niyang malaman ang kasagutan.

“Welcome back to Buzz ng Bayan mga kapamilya. Sayang at wala at isa pa nating kasama. Si Janice po ay may kunting karamdaman kaya hindi natin siya kasama sa hapong ito. Espesyal po ang hapong ito. Inilaan po natin ang show nating hapong ito para sa ating no holds barred interview sa bagong bagong Mr. and Mrs. Milby.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Akin Ka Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon