Chapter 7

1.2K 43 14
                                    

"Sa wakas, nasarili din kita." Niyakap ni Sam si Sarah na nakatalikod sa kanya, nakaharap sa salamin, naglalagay ng toothpaste sa toothbrush.

"Oo nga, parang ang haba haba ng oras no? The good news is, we survive our first day." Nakangiting tiningnan si Sam na masuyong hinahalikan ang leeg niya.

Hindi na naituloy ni Sarah ang balak na pagsisipilyo. Na - distract na ng asawa. Hinayaan niyang alisin ni Sam ang suot niyang bath robe. "Naramdaman niya agad ang mainit na palad ng asawa dahil wala siyang suot maliban sa robe. Hindi niya inaasahan na susunod agad sa kanya ang asawa matapos niyang iwanan sa sala na nakikipag-usap sa handler at manager nito. Balak Sana niyang mag shower pagkatapos mag tooth brush."You are so beautiful, I can't believe I have the privilege of seeing you like this. Loving you , sleeping with you, and waking up with you with my arms around you."

"Or my arms around you," nakangiting putol ni Sarah sa sinasabi ni Sam. "Maswerte din naman ako saiyo bukod sa napaka gwapo na, napaka loving and thoughtful, nakatagpo pa ako ng perfect tutor sa mga magiging bed scenes ko someday." Biro ni Sarah sa asawang biglang natigilan sa narinig. Dumilim ang mukha nito. "Are you saying you are going to accept roles with bed scenes? " Natigil sa ginagawang pagpapaligo ng halik sa balikat ng asawa.

"Ayaw mo?" Pilyang tanong ni Sarah. Hindi kumibo si Sam. "Ay Ayaw mo nga, o sige no bed scenes in movies basta in real life palaging meron ha at dapat ikaw ang laging leading man." Humarap si Sarah Kay Sam at pinalupot ang dalawang kamay sa leeg nito.

"Who would ever thought my wife is going to say those words? Hindi mo na kailangan pang sabihin yan, hindi mo pa ba alam how much I always wanted you?" Sam said.

"Now that you know my weakness, can we continue what we were doing?"

"With pleasure my love." Mariing hinalikan sa labi ang asawa na ginantihan naman ni Sarah. "Talagang tama ang sabi nila, napakadali mong matuto." Nasabi na lang ni Sam ng maghiwalay ang mga labi nila para habulin ang paghinga. Kurot ang ganti sa kanya ni Sarah sabay pasok sa shower. Dali dali namang naghubad si Sam at sinundan ang asawa sa shower.

Three weeks later,  excited ang mga fans nina Sarah At Sam sa muling pagbabalik nito sa ASAP. Balitang naghanda ng isang malaking production number ang bagong mag asawa.  Special guest din sila sa Buzz ng Bayan kaya naman maaga pa ay  nakapila na ang mga fans nila sa labas ng studio ng ABS CBN , nagbabakasakaling makita ang dalawa.  Karamihan din sa mga entertainment reporters and writers ng mga newspapers and magazines ay nasa ABS CBN , naghihintay sa dalawa na kasalukuyan namang pinag uusapan kung ano ang mga dapat nilang gawin at sabihin sa mga magtatanong tungkol sa relasyon nila. Napagkasunduan nilang mas magandang sagutin nila ang mga tanong as truthful as they can tutal lalabas at lalabas din naman ang tutuo. Napansin ni Sam na kahit ilang beses na nilang napag usapan kung ano mga sasabihin nila , mga isasagot nila sa mga magiging tanong at biro ng mga kasamahan sa trabaho, at ng mga reporters, may pag aalala pa rin sa mukha ng asawa.  Hinawakan niya ang kamay nito , “nag-aalala ka pa rin no?”

“Kinakabahan lang ako , alam mo na. Baka may mga tanong silang hindi ko masagot o mabigla ako may masabi akong hindi dapat.”

“Nag-aalala ka ba sa mga tanong o dahil alam mong anduon din sina Gerald at Maja?” Nagsisikip ang didbid na tanong ni Sam.

“Syempre hindi mo maiiwasan yung kabahan ako  pero nagpapalakas ng loob kong nandiyan ka.  Asawa na kita, kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya noon, hanggang dun na lang yun. Magtutulungan tayo di ba? We will make our marriage work, no matter what. Mahal mo ako, and believe it or dahil sa pagmamahal mo na yan, yan ang magiging dahilan para maging isa akong mabuti at mapagmahal na asawa.”

“Pero siya pa rin ang tutuong mahal mo.”

“Ayaw kong isipin yan, ang alam ko lang, masaya na ako sa bilang asawa mo.”

Sa Akin Ka Na LangWhere stories live. Discover now