DATE POSTED: October 08, 2011
Chapter 56
Nagising si Phoebe na masakit ang tyan.
Aruuuyy. Ang sakit ng sikmura ko.
Pagdilat niya. Hindi niya makilala ang kwartong kinaroroonan. Puro puti lang ang kanyang nakikita.
Ospital toh???
Napabalikwas siya ng bangon
"Ehhhhh???!!!!" nagulat kasi dahil pagkaupo niya, si Harley ang nakita niyang nakaupo sa upuan sa gilid. Pero hindi naman ito nagsasalita, nakatingin lang sa kanya. Nakatitig sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.
Phoebe ano bang nangyari at nandito ka sa ospital. Think! Think!!!!! OMO!!
Tska na lang naalala ang practice nila ng play. Tumingin siya sa orasan.
"Shemay 9:00pm na???" tanong niya ulit kay Harley.
Marahang tumango lang si Harley.
"Uhhmm Paano yung practice natin ng play?? Halaaa! Bukas na yun!!!"
Tumayo si Harley at umupo sa tabi ng kama ni Phoebe.
"Hayaan mo na yun. Kabisado ma na naman ang lines eh.May technical rehearsal bukas. Nagpasab na naman ako kina manager na... nagkasakit ka." Sabi ni Harley habang may maliit na ngiti sa labi.
"Ha? May sakit ba ako? Hindi nahimatay lang ako kasi, waha madalas lang talaga ako mawalan ng malay ka----"
Hindi na naituloy ni Phoebe ang sasabihin niya dahil uni-unting nakikita niya ang parang papaiyak na mukha na ni Harley.
"Uyy... Bakit? Anong problema?"
Maya-maya niyakap na siya nito ng mahigpit. Sobrang higpit na akala niya hindi na siya makakahinga.
"Let me just hug you... Just one last hug Isabelle..." bulong nito sa tenga ni Phoebe.
"Ha??" naguguluhan naman si Phoebe. "Ano bang nangyayari sa'yo? Aalis ka ba? Sus! Sa play nga mayayakap mo pa ako eh!"
"Si Westley yun na yumayakap kay Buttercup." Hinigpitan pa ni Harley ang yakap. "Pero... ngayon promise ko sa'yo... Hinding hindi na kita lalapitan... ng hindi mo sinasabi... Pero still... I will do everything that we have agreed onto. Yung kay Elisa? Hayaan mo na siya. Ilalabas ko pa rin yung video niyo para na rin mas maging matahimik ka na... Pero hayaan mo lang ako ngayon na yakapin ka. Please..."
"Aahhh... Bakit ka ba ganyan? Bakit ka ba nagpapaalam?? May nagawa ba akong masama?" sumasama na naman ang pakiramdam ni Phoebe. Parang sa mga sinasabi ni Harley, bumibigat ang kalooban niya.
"Hintayin mo na lang si Jhone. May mga binili lang siya para sayo... Basta Isabelle..." humiwalay si Harley sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ni Phoebe. "Just be happy okay?"
"Anong nangyayari sayo? Umiiyak ka ba???" natatarantang tanong ni Phoebe kay Harley dahil napansin niyang parang naluluha ito.
"Don't worry my tears won't blame you. Those are just the words my heart uses to explain my pain"
"Why are you in pain??? Am I hurting you that much?"
Umiling si Harley at nakita na naman ni Phoebe ang pilit na ngiti nito.
"I'll always remember how much you once cared."
***
"Ang saya mo ah!" sabi ni Elisa kay Kent. Nasa airport na sila at pabalik na ng bansa. Hinihintay na lang nila ang oras ng flight. "Masaya ka kasi natapos na ang shooting? Excited ka na ba sa movie?"
"Excited ako kasi makakauwi na rin. Sa wakas" diretsong sabi ni Kent. "Hinihintay na sigurado ako ni Phoebe."
"Panoo kapag??? Nag-crash ang eroplano na sinasakyan mo??" sabi bigla ni Elisa.
Kumunot ang noo ni Kent
"Eh di patay ka rin tsk!" sagot niya.
"KENT!!! C'mhere!" biglang nagsalita si Mel na nakaupo sa isang upuan sa medyo malayo.
"Excuse me..." sabi niya na lang kay Elisa bago lumapit sa manager.
"Why?" tanong niya sa manager na nakaharap sa sariling ipad.
"Umupo ka!!" sabi ni Mel sa kanya ng hindi tumitingin. Tinuturo din nito ang upuan sa tabi nito mismo.
Pagkaupo ni Kent, napansin niyang tutok na tutok si Mel sa binabasa sa ipad.
"Tignan mo toh!" turo nito sa binabasa sa ipad. "Pero hwag kang maingay masyado."
"Huh? Di naman ako maingay ikaw nga maingay eh." Sagot ni Kent at tinignan niya na ang tinuturo ng manager. "Ano yan? Puro naman article article. Nagaaral ka na ba ngayon ng law?" Napansin niya kasing parang articles and codes ang binabasa ng manager niya.
"TSK! Makinig ka. Hindi ko nasasabi sayo pero kumukonsulta ako sa friend kong law student. Pagpasensyahan mo na dahil law student lang siya at wala pa akong kaibigang abugado."
"Oh???" naguguluhan pa rin si Kent.
"Syempre ginagawan ko ng paraan yung problema mo tungkol sa breach of contract kapag nalaman nilang may-asawa ka na. Tignan mo ito..."
ART. 26. All marriages solemnized outside the Philippines in accordance with the laws in force in the country where they were solemnized, and valid there as such, shall also be valid in this country, except those prohibited under Articles 35(1), (4), (5) and (6), 36, 37 and 38.
"Ohhh bakit?" tanong pa rin ni Kent.
"Valid daw ang kasal na outside sa bansa natin pwera lang kung labag sa article 35, 36, 37, at 38." Sagot ni Mel
"Oo alam ko tinagalog mo lang eh!"
"Tsk. Kent! Tignan mo kasi ito pa..."
Chapter 3. Void and Voidable Marriages
Art. 35. The following marriages shall be void from the beginning:
(1) Those contracted by any party below eighteen years of age even with the consent of parents or guardians;
(2) Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;
(3) Those solemnized without a license, except those covered by the preceding
Chapter;
(4) Those bigamous or polygamous marriages not falling under Article 41;
(5) Those contracted through mistake of one contracting party as to the identity of the other; and
(6) Those subsequent marriages that are void under Article 53.
"Ang sabi, valid ang kasal kung hindi prohibited ng Article 35! At tignan mo ang number 1. Kahit na may parent's consent, basta underage, hindi pa rin valid! Ibig sabihin, hindi valid ang kasal niyo dito sa Pilipinas Kent. Hindi ka madedemanda ng breach of contract!!!"
"Ha??? Okay." Matipid na sagot ni Kent.
"Bakit?? Wala ka bang reaksyon??"
"Ano bang point? Basta kasal kami, para sa akin asawa ko na yung engot na yun. Tska... magpapakasal naman kami ulit eh. Walang problema."
"Kent makinig ka! Hindi ka nga madedemanda dahil void nga ang kasal niyo. Kaya please. Hwag ka munang magpakasal. Hintayin mo muna magexpire ang kontrata. Hihintayin mo lang naman eh. Please... I'm telling you this as manager, and as a friend. Para iwas perwisyo na rin. Napanatag na nga ako dahil hindi ka na madedemanda kahit magleak pa na asawa mo na si Phoebe eh, pero ngayong magpapakasal na kayo..." umiling iling si Mel.
"But... I promised her we'll get married. Again."
"Kausapin mo siya. Maghintay muna kayo ni Phoebe eh. Di niyo pa naman kailangang magmadali diba? Bata pa naman kayo eh. Tska... matatapos na rin naman yung kontrata eh... Please."
Kinusot ni Kent ang kanyang mga mata.
***
Kanina pa umalis si Harley pero hindi pa rin mapakali si Phoebe.
Bumukas ang pinto. Pumasok si Jhone may dala-dalang supot.
"Umalis na si Harley?" tanong nito.
Tumango si Phoebe ng marahan.
Lumapit si Jhone at inilatag ang mga dala-dala sa lamesa sa gilid ni Phoebe.
"Eto vitamin B6.... Calcium..... Vitamin E.... Iron... Protein... Vitamin b1... Tska Zinc!!! Eto pa... uhm raisins. Kain ka daw niyan ng marami.... Tsaka yogurt, Binilhan na rin kita ng maraming fruits dito gurl! Tska fat-free and low fat cottage cheese!!!!"
"Ang dami naman niyang Jhone..."
"Uhm tska ang sabi pa ni dra. Kanina, kumain ka dawn g fiber-rich food tska maraming tubig para avoid constipation...."
"Constipation??" sabi ni Phoebe.
"Haa? Oo baka magkaconstipation ka. Tska light meals lang pero frequent para hindi ka na mahilo at magsuka."
"Ano?? Teka ano bang sakit ko na talaga? Constipation? Na nahihilo at nagsusuka? Teka..."
"Umalis si Harley ng di niya nasasabi sayo?" straight face na sabi ni Jhone. "Tsk. Siguro masakit para sa kanya."
"ANG ALIN BAAAA????!!!" tanong ni Phoebe pero parang alam niya na. Napahawak siya sa tyan niya. "Oh my!"
"Bakit ba? Kasal naman kayo diba? Tska magpapakasal kayo ulitttt!!!!!! Gusto ko ng Little Kent and Little Fibboy!!! Oh Gosh Ninang ako!!"
"HUWAT?"
*later*