Without You

By babyashANDgiggles

118K 2.4K 1.4K

More

Without You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue
Authors' Final Words

Chapter 5

3.7K 75 67
By babyashANDgiggles

Si Sarah naman ng mga sandaling ‘yun ay nasa kwarto na niya. Hawak-hawak pa rin ang calling card na galing kay Gerald. Anong ibig niyang sabihin na he has always been waiting? Bakit? Tiningnan niya uli ang  cellphone number na isinulat ni Gerald sa likod ng business card, ‘yun pa rin ang number ng binata, hindi pa rin nagbago.



Dalawang taon… dalawang taon na ang nakakalipas, ngayon pa ba siya magiging interesadong malaman kung bakit gusto pa rin siyang makausap ng dating kasintahan? Pero bakit sa mahabang panahon na ‘yon ay nagpupumilit pa rin si Gerald na magpaliwanag sa kanya? “Meron ba talaga akong dapat malaman? Why does he want to talk – to ask for forgiveness… for closure?” ang tanong n’ya sa sarili. “Bakit ba kasi kailangan pa naming magkita uli? Kung kelan masaya na ako with Andrew?  Masaya… oo, masaya ako with Andrew. He is nothing but wonderful to me. He made me believe in love again and wala pang araw na lumipas na hindi n’ya pinaramdam sa akin kung gaano n’ya ako kamahal.”



Tinignan n’ya ulit ang card na hawak n’ya. Napangiti s’ya nang makita ang business name sa card na ‘yon: Drive. “Buti naman at natuloy ang pagbukas n’ya ng dealership n’ya. Marami rin pala s’yang accomplishment habang hindi kami magkasama. Drive. Ginamit pa rin n’ya ‘yung business name na naisip namin.”




Flashback




“Babe, what do you think is a good name for my car dealership?” Gerald asked one quiet evening at Sarah’s apartment.



They were on Sarah’s bed, both with laptops in front of them. This was a typical night… after eating dinner together, they would clean up their mess, get ready for sleepy time and then settle on the bed with their gadgets to do some work before finally calling it a night.

 

 

“Hmmm… you’re finally getting ready to set up your dealership?”



“Yes I’m starting. May konting naipon na ako from my buy and sell business kaya I think I can start with the preparations. I don’t think the current name of my business is catchy enough. Gusto ko may dating para may dating din ang business.”



“Sige, pag-isipan natin ‘yan,” ang sabi ni Sarah habang ibinababa ang laptop n’ya sa kanyang paanan. Umayos s’ya ng pagkakaupo sa tabi ni Gerald at humilig sa kanyang balikat. “Ano na ba ang mga naisip mo?”



He showed him the list of names he has on his laptop. “Parang walang mga dating di ba? What do you think?”



Nanahimik si Sarah ng ilang sandali upang mag-isip. “It should have something to do with a car - its parts, movement... Wheels, Shifting Gear, Drive...



“That’s it Babe! I like the sound of Drive,” he excitedly said.



“It does have a good ring to it. At bagay pa sa ‘yo because it is the kind of person that you are, driven. Drive not only refers to the actual action but to your perseverance and motivation to make this endeavor of yours work,” ang mahabang paliwanag ni Sarah habang nakangiti sa kasintahan.



He gave her a kiss before saying, “That’s one of the reasons why I fall for you even harder. You have a very beautiful mind. Kung gaano ka kaganda physically, ganun din ang isip mo.”



“Hmmmm, bola! Oo na, ako na ang magaling.”



“At ikaw din ang mahal na mahal ko.” He then places his laptop on the floor and slowly moves on top of her. “Babe, I love you so much!”



“I love you, too Babe.”



They shared another kiss but this time it led to something more passionate... their other way of showing how much they love each other.





End of flashback




Napangiti si Sarah but immediately shakes her head to dismiss the thought. Mali na naiisip n’ya pa ang mga bagay na ‘yon. “Mukhang mas napaganda ang buhay ni Ge nung hindi kami magkasama kaya tama lang na naghiwalay kami.At tamang hindi na kami dapat pang mag-usap lalong-lalo na at walang kaalam-alam si Andrew na dati kong boyfriend si Gerald. Hindi rin fair para kay Carlie, na wala ding kaalam-alam sa nakaraan namin. Nabuhay na kami ng dalawang taon na magkahiwalay, nakaya ko kahit na napakarami kong pinagdaanan bago magdecide na magmahal muli. I don’t want to jeopardize what I have with Andrew. I love the quiet and peaceful life I have with him.”



Gusto niya ang buhay  sa piling ni Andrew, yung predictable... may routine. Alam niya kung anong oras ito darating ‘pag nangakong pupuntahan siya. Alam na alam na niya ang mga kilos nito, ‘yung predictable. She knew exactly what to expect. Dito, naisip na naman niya si Gerald… si Gerald na hindi natatakot magbago ng plano kahit last minute. Hindi mo alam kung ano ang nasa isip, magugulat ka na lang sa mga biglaan nitong desisyon na madalas ay nagugustuhan niya dahil madalas ang resulta naman ay hindi inaasahang kasiyahan.






********





Lumipas pa ang ilang araw, nagtuloy ang buhay para sa kanilang dalawa. Sarah started with her masteral studies and new job while playing the perfect girlfriend to Andrew. Gerald, on the other hand, changed. He was always in high spirits, he looked forward to each day even more and was smiling a lot. Carlie was happy with these changes that she has been noticing in him. She just wasn’t sure, and was pretty curious, of what brought about these changes. Kaya naman naisipan n’yang kausapin ang nobyo tungkol dito.



“Sweety, napansin ko lang lately parang palagi kang good mood ha. Anong meron? Is there something you’re not telling me?” ang tanong ni Carlie.



“Palagi ba akong good mood? Ah.. siguro dahil the dealership is doing pretty well these past few weeks.”



“Is that the only reason?”



“Oo naman. What other reason could there be?”



“I dunno.... baka may surprise ka pala for me or something,” ang nasambit ng dalaga pero sa kanyang isip she’s secretly wishing that he is thinking of taking their relationship to the next level... the kind that involves a ring. Alam n’yang hindi pa naman sila ganun katagal na magnobyo ni Gerald pero nakikita n’ya sa binata ang katangian ng isang good husband and provider, bukod sa pagiging maalalahanin at mapagmahal nito. These are things that she is looking for in a future husband.



“What surprise are you talking about? Did you want something? Did you see something you like at the mall? Sige, next time that we go out I’ll buy it for you.”



Nadismaya si Carlie pero hindi n’ya masyadong pinahalata ito. “No Sweety, wala naman. Nag-exchange messages pala kami ni Sarah the other day.” Biglang nagliwanag ang mukha ni Gerald pero hindi ito napansin ni Carlie dahil hindi s’ya nakatingin sa kanya. “I asked her if we could meet up this Friday sa Andreas to do some catching up.”



“And what did she say?”



“I find her reaction really weird but I don’t wanna think too much of it. At first parang umiiwas s’ya. Feeling ko she’s making up all these excuses para hindi matuloy ‘yung dinner pero finally pumayag din naman s’ya. We’re meeting her this Friday. I hope you’re free.”



“Oo naman. Alam mo namang kung nasaan ka, nandun din ako eh,” he said while giving her girlfriend a fake smile.



“Aaaw... that’s so sweet,” ang malambing namang sagot ni Carlie habang pilit pa ring tinatago ang disappointment.



Inisip na maigi ni Gerald ang mga sinabi ng kanyang kasintahan. It’s pretty obvious na s’ya talaga ang iniiwasan ni Sarah. Pero buo pa rin ang kanyang isip na isang araw ay gugustuhin ring malaman ng dating kasintahan ang side ng story n’ya. Pababayaan muna niya ito. Hindi muna siya magpipilit na kausapin uli ng sarilinan ang dalaga. Tama si Fred, dapat din niyang isaalang-alang ang damdamin ng mga taong nauugnay sa kanila sa kasalukuyan.




Samantala, napuna naman ni Andrew na parang malayo ang inisip ni Sarah. “Mukhang malayo ang isip ng Baby ko ah. Pwede bang makisali diyan? Kasali ba ako sa iniisip mo?” malambing na tanong ni Andrew sa dalaga.



“Iniisip ko lang na nakatango ako kay Carlie this Friday na mag-get together uli tayo. Nag-aalala ako na baka na-offend ko siya kasi  noong una ang dami ko pang dahilan  dahil parang ayaw ko na sanang makabalita pa tungkol sa mga dating estudyante ko, nalulungkot lang ako. Alam mo namang karamihan sa mga batang ‘yun ay napalapit na rin sa akin,” pagkakaila ni Sarah.



“Ipaliwanag mo na lang ‘pag nagkita kayo sa Friday. Mabuti naman na nakikipagcommunicate pa rin siya sa iyo. I like them. Mukha naman silang mabait di ba? Gusto ko din si Gerald. They are very easy to like. Sana maging magkakaibigan talaga tayo. We can do things together, foursome ganoon , since halos lahat ng mga kaibigan natin ay mga married na. Maganda ding lumabas kasama ‘yung gaya natin, walang mga iniisip na baka umiiyak na ‘yung mga anak nila kaya madalas ay maagang natatapos ang mga get-together natin dahil sa mga anak-anak nila.”



“Palagay mo? Parang magkaibang-magkaiba naman kayo ng personality ni Gerald,” wala sa loob na sabi ni Sarah.



Tumawa si Andrew, “Paano mo namang nalaman na magkaiba kami ng personality? Mukha naman magkakasundo kami.”



Hindi na lang pinahaba ni Sarah ang pag-uusap nila tungkol kay Gerald at ibinalik na lang niya sa napag-usapan nilang dinner ni Carlie.



“Sige ipapareserve ko ‘yung favorite table mo sa Friday. Siguradong kasama si Gerald di ba? Ano kaya kung manood tayo ng show or sine or do something after dinner. Friday naman yun eh.”



“Friday nga at isa sa pinakabusy mong gabi dito sa restaurant. Tama na ‘yung dinner, hintayin na lang kita, tayong dalawa na lang ang lumabas. Mag last full show tayo nung movie na inaabangan mo,” sagot ni Sarah. Sa isip-isip ng dalaga ‘yun nga lang dinner ay hindi na niya alam kung paano siya makakatagal na kaharap si Gerald, mag-iisip pa si Andrew ng gagawin after dinner? No way!!



“Sige, mas gusto ko ‘yan. Paano, uwi muna ako. May maaga akong kakausapin bukas bago magbukas ang restaurant. Maaga kasi ang flight nila kaya gusto nilang makausap muna ako bago sila tumuloy ng airport.”



“Ok Baby. Ingat ka sa pagmamaneho. Medyo gabi na rin, marami na ring loko sa daan niyan. Sino ba ka-meeting mo? Bagong supplier ba?”



“Hindi, ‘yung silent partner ko sa restaurant, sina Mr. and Mrs. Santos. Dadalawin nila sa New York ‘yung anak nila kaya matagal-tagal din silang mawawala dito sa Pilipinas kaya ‘yun pag-uusapan lang naming mabuti yung tungkol sa restaurant, ‘yung hatian ng profit, kung paano ko sila update sa nangyayari sa restaurant.”



“Ahh ok. Talagang gusto nilang maging anonymous. Kahit yata noong opening ay hindi ko man lang sila nakita.”




“Ayaw talaga nilang malaman na involved sila sa restaurant. Gusto lang din nila talagang makatulong sa akin at matupad ang pangarap kong magkaroon ng sariling restaurant.”



“Ang bait naman nila. Sana makilala ko man lang sila bago sila umalis.”



“Pasasaan ba at makikilala mo din sila. Pagbalik nila, ipapakilala kita sa kanila.” Masuyong humalik uli sa noo ng dalaga si Andrew bago tuluyang umalis.



Pagkaalis ni Andrew, gumayak na rin para matulog si Sarah. May kinukuha siya sa drawer ng night table niya ng makapa niya ang business card na binigay ni Gerald. Natigilan ito. Naisip na naman ang dating kasintahan. Mukhang hindi ganoon kadali ang iniisip niyang pag-iwas na makita o makausap uli ito. Kailangang gumawa siya ng paraan para mas maging magaan para sa kanilang dalawa kung magkita man silang madalas. Pwede namang maging magkaibigan uli sila. Mas mag-iisip sina Carlie at Andrew kung patuloy akong iiwas na makita uli sila. Alam niyang medyo nagtaka o nahalata siya ni  Carlie na parang ayaw na niyang makipagkita pa dito.



Bago nakatulog si Sarah ng gabing ‘yun ay nakapagdesisyon itong makipa-usap kay Gerald. Kahit ano pa ang sabihin o ipaliwanag nito sa kanya, sasabihin pa rin niya sa bandang huli na siguro talagang hindi sila para sa isa’t isa kaya nangyari ang mga nangyari sa kanila. Pareho na silang nakamove on, namuhay ng malayo sa isa’t isa at maligaya na sa piling ng mga bagong minamahal. Panahon na para magkaroon sila pareho ng closure. Ang tanong ay kung kalian, saan at paano. Kinuha n’ya ang kanyang cellphone at akmang ida-dial ang number ni Gerald.

Continue Reading

You'll Also Like

8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...