My Poker-Faced Guy

By purplenayi

10.1M 143K 13.3K

[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong m... More

My Poker Faced Guy - Published in Print
My Poker Guy
One
Two
Three
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Four
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
My Poker Faced-Guy Book 2

Four

175K 3K 287
By purplenayi

Pagkauwing-pagkauwi ko pa lang ay nakatitig na ako dito sa notebook ko. Nag-iisip kasi ako ng magandang business na pwedeng i-propose para maging feasibility study namin. Dahil wala naman akong pakialam sa mga ganyan ay 'di ako makapag-isip. Gusto ko na ngang humingi ng tulong kay Kuya kaso dapat panindigan ko na kaya ko ang sarili ko. Bukod pa sa marami rin naman problema 'yun kaysa sa simpleng problema ko lang.

Kung parlor kaya? Okay 'yun kasi maraming gustong magpaganda. Nag-isip ako ng posibleng lugar. Hay, halos lahat na yata ng kanto ay meron nun. Drug store? Hmmn, pwede...

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Sino naman kaya 'yun? Wala naman akong inaasahang bisita eh. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Sumilip muna ako sa bintana kung sino 'yung nasa labas.

"Sino 'yan?" tanong ko dun sa lalaking nakatayo sa labas ng pinto.

Nagpalinga-linga naman siya sa bahay tila hinahanap ako saka nagsalita. Halos pasigaw 'yun, tinatantsa pa ata kung maririnig ko 'yung boses niya.

"Ako si Joshua! D'yan ako nakatira sa kabila. Pinapabigay 'to sa'yo ni Ate." itinaas niya 'yung hawak na microwavable na tupperware.

Lumapit ako sa pinto at binuksan 'yun. Mukha naman siyang harmless. Hindi ko makita 'yung mukha niya kanina habang nasa loob ako kasi natatakpan 'yun ng mga halaman na nakalagay sa tabi ng pinto.

Napatitig ako sa mukha niya pagkabukas ko ng pinto. Gwapo, chinito, maputi kaso konti lang ang taas sa akin. Napakunot 'yung noo ko. Parang nakita ko na siya kung saan hindi ko lang maalala.

"Hi!" nakangiting iniabot niya sa akin 'yung dala niya. "Welcome daw sa neighborhood sabi ni Ate. Siya ang nagluto niyan."

Binuksan ko 'yun pagkakuha ko. Kulay puti ang laman nun na may bilog-bilog na kulay dilaw. Mais ba 'yun? Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong pagkain. "Uhm, anong luto 'to?" medyo mahinang sabi ko. Nahihiya kasi ako at hindi ko alam kung ano 'yung binigay niya.

"Maja ang tawag 'dyan. Hindi ka pa ba nakakatikim niyan? Masarap yan lalo na't si Ate ang gumawa."

Umiling ako. "Salamat." Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako.

"Uhm, anong pangalan mo?" Oh crap. Hindi ko pala naipakilala 'yung sarili ko makakuha naman ako dun sa bigay niya.

Iniabot ko sa kanya 'yung kamay ko. "Mica. Joshua right?" nakangiti pang sabi ko.

"Nice meetng you, Mica. Just call me Josh. Kung may kailangan ka nan'dyan lang kami sa kabilang bahay." iminuwestra niya pa 'yung bahay sa tabi ng tinitirhan ko.

Tumango ako. "Salamat ulit dito."

"Sige!" patalikod siyang naglakad ng ilang hakbang saka tuluyan nang tumalikod at naglakad papunta sa kanila.

Pagkasara ko ng pinto ay inamoy ko agad 'yung pagkain. Mukha namang masarap kaya dinutdot ko 'yun para tikman. Jeez! Masarap nga! Kumuha ako ng kutsara at patakbong umakyat ng kwarto para doon kainin 'yung maja.

Napatitig na naman ako sa notebook at napabuga ng hangin. Oo nga pala, problema pa 'to, wala akong maisip. Kailangan ko na siguro ng tulong. Paano pang tinawag na partners kung ako lang mag-isa ang mag-iisip 'di ba?

Nai-dial ko 'ang number ni Claire.

"Hello Mica?" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Claire!"

"Oh bakit?"

"Tulong naman o." Nilungkutan ko pa ang boses ko para maawa siya. "May number ka ba ni Xander? Nahihirapan na ako dito sa feasib namin e."

"Sus, 'yun lang pala e! Sige sige ipo-forward ko sa'yo." Binaba niya agad 'yung tawag 'di pa man ako nakakapagpasalamat. Bruhang 'yun, ni hindi nagba-bye.

'Di pa ako nakakatagal ng pagkakatingin sa cellphone ko ay may message agad na dumating galing kay Claire at laman 'yung number ni Xander. Nag-reply na lang ako sa kanya ng pasasalamat.

Pagka-save na pagka-save ko nung number ni Xander ay nai-dial ko agad 'yun. Naka limang ring pa 'yun bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?" rinig ko sa pamilyar na boses ni Xander. Pero bakit parang may iba? Jeez ang ganda ng boses niya sa telepono!

Hindi ako makapagsalita kasi ninanamnam ko pa 'yung boses niya. "Hello? Sino'to?" aniya pa. Narinig kong bumubulong-bulong siya na hindi ko maintindihan pagkuwan. Mukhang ibababa niya na 'yung tawag nang tila magising ako.

"Xander!" pigil ko agad sa kanya kaso pagkasabi ko nun ay busy tone na ang narinig ko. Tsk! Bakit naman kasi hindi ako agad nakapagsalita?

Nai-dial ko ulit 'yung number niya. Pero nakakaraming ring na 'yun ay hindi pa rin siya sumasagot. Mukhang wala na siyang balak pang sagutin 'yung tawag ko kaya nag-text na lang ako.


To: Poker

Uy Xander! Si Mica 'to, tulong naman o. Wala akong maisip na pwedeng i-propose! :(


Ilang sandali lang ay naka-receive ako ng reply mula sa kanya.


From: Poker

Kaya mo yan.


E? Kaya mo 'yan? 'Yun lang? Arrgg! Nagkamali pa yata ako ng desisyon na siya ang maging partner! Paniguradong babagsak kaming dalawa nito kung ako lang ang mag-iisip! Hindi pa man din ako ganun kagaling. Unlike Kuya Maico na nakuha na 'ata lahat ng talino ay pinagkaitan naman 'yun utak ko. Puro hangin lang 'ata ang laman nito e, kahit dugo feeling ko hirap na ring dumaloy.

Hindi na lang ako nag-reply pa sa kanya at naiinis na isinubsob ko 'yung mukha ko sa unan. Paano na? Anong gagawin ko?


~*~


Hinihintay ko si Xander ngayon dito sa library. Ang sabi niya kasi ay dito namin pag-usapan 'yung sa feasibility study namin. In fairness sakin, konting push lang pala sa utak ko ay dumadaloy din ang dugo. Akalain niyong may naisip akong pwedeng maging topic ng research?

"Uy Mica! Mag-isa ka lang?"

Napatingin ako roon sa nagsalita. Si Josh. Medyo malakas 'yung boses niya kaya nakarinig ako ng pag-shhh sa paligid. Kumusta naman kasi 'yun? Makasigaw sa library wagas!

"Ah hindi, may hinihintay ako," sagot ko.

"Ganun ba? Sige samahan na muna kita habang naghihintay," nakangiti pa siya saka binuklat 'yung librong hawak niya at naupo sa tabi ko.

Nagkasabay kami ng pagpasok kanina at nagka-kwentuhan. Nasa parehong year kami pero mas bata siya ng isang taon. Tumigil kasi ako ng pag-aaral sa maraming kadahilanan. Civil Engineering 'yung course na kinukuha niya. Nalaman ko rin na nagkabangga na pala kami noong enrolment. Kaya pala pamilyar 'yung mukha niya. Nai-kwento niya pa 'yung nangyari nun na bahagya ko lang naaalala. Nakatingin kasi ako nun kay Xander kaya hindi ko siya napansin sa dinaraanan ko.

"Nasaan na?" Napaangat ang tingin ko nang may magsalita. Narito na pala si Xander, hindi ko agad napansin.

Naupo siya sa harap ko at tumingin kay Josh.

"Si Josh nga pala," pagpapakilala ko kay Josh sa kanya. "Josh, si Xander."

Tumayo na agad si Josh pero nakita ko pa 'yung bahagyang pagkunot ng noo niya.

"Sige, mauna na ako. Narito naman na 'yung hinihintay mo e," payak siyang ngumiti saka tumalikod at umalis.

Napapitlag ako nang kuhanin ni Xander 'yung notebook ko na pinagpapatungan ko ng kamay kanina. Binuklat-buklat niya 'yun at tila hinahanap kung nasaan 'yung mga sinulat kong proposal.

"Nasa kulay orange na balat," sabi ko. Binder ang notebook ko na iba-iba ang kulay ng balat.

Napatingin siya ng bahagya sa akin saka binuklat 'yun sa orange na parte.

"Computer shop," basa niya sa unang business na iniagay ko roon.

"Okay ba? Mabenta 'yun. Karamihan na ng mga projects ngayon sa school ay ginagamitan ng internet," nakangiti at enthusiastic ko pang sabi.

Tumingin siya sa akin saka umiling. Napasimangot ako ng kanunti.

"Bakit? Okay naman 'yung naisip ko 'di ba?"

"Masyado nang maraming computer shop sa paligid. Bukod pa sa halos lahat na ng bahay ay may internet connection," aniya habang pinapasadahan ng tingin 'yung mga naisulat ko. "Burger shop," tila nag-isip siya ng kaunti saka bahagyang tumango.

Napapalakpak ako ng dalawang beses pero mahina lang 'yun.

"Pwede na. Basta mailagay lang sa magandang pwesto ay bebenta 'to."

E? Pwede na? Akala ko pa naman okay na okay 'yun sa kanya. Pwede na lang pala.

"Day Care Center?" patanong 'yung pagkakasabi niya nun saka tumingin sa akin.

Tumango ako saka nagsalita. "Napansin ko kasi roon sa lugar na tinitirhan ko walang Day Care e. Dumadayo pa sila sa kabilang baranggay para lang pumasok. Tapos balita ko pa ay crowded na raw 'yun kaya hinahati-hati na 'yung oras sa mga bata. Kung magkakaroon ng mas mahabang oras kada klase mas matututukan 'yung mga nag-aaral doon. Kaya naisip ko, mas maganda kung meron din sa lugar namin. At least hindi na sila makikisiksik sa kabilang baranggay."

Naisip ko 'yun nang nai-kwento ni Yaya Mercy kagabi na 'yung isang bata na anak ng umuupa sa apartment ay medyo mahina sa klase. Hindi raw kasi natuturuan ng maayos ang mga bata roon.

"Nice," aniya.

Kahit parang labas sa ilong 'yung sinabi niya ay natutuwa pa rin ako. At least nai-concider niya 'yun na hindi "pwede na" ang sinabi niya. Tingin ko kasi talaga 'yun ang magandang business namin para sa feasib.

"Book store. Saan naman ito itatayo kung sakali?" aniya.

Napaisip ako. Kung tutuusin ay naisingit ko lang yan. 'yung tatlong nauna talaga ang seryoso akong pwede naming gamitin. Kaso tatlo nga pala ang dapat na i-propose namin at dalawa pa lang 'yung napipili niya. Hindi niya kasi nagustuhan 'yung computer shop.

"Uhm, dito sana malapit sa school?" Hindi ako sigurado kaya patanong na lang 'yung sagot ko sa kanya.

Tumango siya ng bahagya. "Okay," hindi tumitingin na sabi niya.

Hinihintay kong basahin niya 'yung pang lima kong naisulat. Trip trip ko lang kasi 'yun at gusto kong makita 'yung magiging reaksyon niya. Nakatitig pa talaga ako sa mukha niya habang hinihintay na banggitin niya 'yung nakasulat.

"Frog farm."

Napa-nguso na lang ako sa reaction niya. I mean, sa wala niyang reaksyon. Tumatawa kaya ako habang sinusulat ko 'yun. Lalo na 'yung description na nilagay ko. Hay naku, siguro nga mababaw lang talaga masyado 'yung kaligayahan ko. Ngayon ko lang napagisip-isip, wala namang nakakatawa dun.

"Okay ito. May tatlo na tayong proposal. Ako na ang gagawa ng draft para sa Burger shop at Day care center," tumayo siya at iniabot sa akin 'yung notebook ko. "Ikaw naman ang gumawa nung sa Frog farm," aniya pa saka umalis na ng library.

Nahampas ko ang noo ko. Pero joke lang 'yung Frog Farm na 'yun! Paano ko 'yun gagawin?

Continue Reading

You'll Also Like

12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
830K 2.6K 6
[[Book 1 COMPLETED]] STARTED: June 02,2017 END: June 27,2017 TCS 2: Saranghaeyo [[Book 2 COMPLETED]] STARTED:June 27,2017 END: July 21, 2017 PLAGIAR...
71.2K 1.9K 21
Payapa na ang buhay ni Xiara at Jasmine sa Pampanga, isa siyang imbestigador doon habang si Jasmine ay naging isang volunteer sa isang klinika. Perpe...
670K 23.6K 33
Grim Reaper Series #1 (Story Completed) Si Van Kyle Chua ay isang lalaking "happy-go-lucky" at kung magpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit laman...