Ms. Innocent Meets Mr. F*cker...

By gabweeel

3.6M 73.2K 4.2K

She's just an ordinary student. She's just a nobody. She's just a girl who dreams for a better life. She's pu... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Epilogue
About Book 2
Special Chapter

Chapter 54

44.9K 1K 106
By gabweeel

Catherine Faith's POV

Nasaan ako? Nasa langit na ba ako?

Bakit puro puti ang nakikita ko?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Taeyang sa isang monoblock chair.

"Oh gising ka na pala." sabi niya nang mapansin niya ako.

"Bakit ako nandito?" tanong ko.

"Nahimatay ka kanina." sagot naman niya.

Tinignan ko ang oras 6PM na pala.

Gaano ako katagal nakatulog?

"Sino nagdala sakin dito?" tanong ko.

Nagbabakasali na naman ako. Malay mo binabangungot lang ako kanina. At hindi totoo lahat ng sinabi ni Jiyong. Baka siya ang nagdala sakin dito.

"Ako. Tinawag nila ako kasi nagkakagulo daw sa rooftop at naabutan kita kaso bigla kang hinimatay." sabi niya.

Oh, siya. Wala na talagang pake sakin si Jiyong.

Sino lang ba ako sa buhay niya para magkaroon siya ng pake? Partner niya lang ako sa kama.

"Ano sabi ng doctor? Bakit daw ako nahimatay?" tanong ko ulit.

Nakita ko ang paglunok ni Taeyang.

"O-overfatigued ka kaya ka n-nahimatay." medyo utal niyang sagot.

"Ah gano'n ba? Sige salamat."

Naalala kong birthday ko na pala bukas.

Overfatigued ako sa birthday ko bukas.

"Bukas, pwede ka nang umuwi." saad niya.

"Taeyang, bukas birthday ko. Pwede bang puntahan natin sila Bommie bukas? Para naman makapagsaya ako kahit papaano." suggest ko.

"Hindi ako pwede bukas. A-attend kami nila Alexander sa kasal. Sorry, Faith." medyo malungkot niyang sagot.

Ay oo nga pala. Kasal na pala nila bukas.

Ang sakit namang isipin 'yon. Kapag magwe-wedding anniversary sila, sa araw mismo ng birthday ko.

"Ayos lang. Ako nalang pupunta kela Dara." sabi ko.

"Mag-ingat ka bukas. 'Wag ka masyadong magpakapagod." paalala niya.

Hindi ko alam kung bakit pero nawe-weirdan ako ngayon kay Taeyang.

"Sige." sabi ko.

"Gusto mo bang lumabas?" tanong niya nang matahimik kami.

"Gusto ko sana." sabi ko.

"Tara. Samahan kita." saad niya.

"Ay wag na. Dito ka nalang. Ikaw ang magpahinga kasi kanina mo pa ako binabantayan dito." pagtanggi ko.

"Sigurado ka?" tanong niya.

"Oo. Magpahinga ka nalang." sabi ko naman.

Tumango lang siya at inalalayan ako paupo sa wheelchair.

Pinaandar ko yung wheelchair papunta sa parang terrace at lumapit ako doon sa may railings.

Lumanghap ako ng hangin.

Hindi ko na naman mapigilang hindi maisip 'yong nangyari kanina.

Sariwang-sariwa pa rin sakin ang lahat.

"Faith, tama na."

"Anong bakit? Tapos na ang deal, Faith! Bakit ba big deal sayo?"

Big deal na kung big deal, pero may nararamdaman ako para sayo Jiyong eh.

"Nagsasawa na rin ako sayo. Mabilis kang bumigay."

Mabilis akong bumigay? Malamang kasi mahal kita eh.

"Nandito na si Zoey at mahal ko siya."

Si Zoey. Si Zoey. Si Zoey. Si Zoey. Tangina!

"At hindi ka rin naman siguro tanga para hindi mo maintindihan na ikakasal na ako diba?"

Tanga ako Jiyong. Nahulog kasi ako sayo kahit alam kong hindi mo ko sasaluhin.

At tanga ako dahil binigay ko ang buong sarili ko sayo. Naniwala ako sa mga sweet words and actions mo.

"Una palang sinabi ko na ang 'no strings attached' pero matigas ang ulo mo. Yung ka-sweet-an ko sayo? It's just a trap. You fell for my trap, and im not willing to catch you."

"Wag mo akong sisihin. Pumayag ka rin."

Para lang akong isda na kumagat sa pain.

Not all people are meant to stay in our lives. They're just temporary people that will make your life more challenging.

Pinakilig lang niya lang pala ako.

Habang naiisip ko ang pangyayari kanina, tumulo na naman ang mga luha ko.

Tama na ang iyak, Faith! Mauubusan ka na ng luha!

Alam kong habang-buhay tatatak sa isip ko yung mga sinabi ni Jiyong.

In my 18 years of existence, never pa akong nasaktan ng ganito.

Mas masakit kasi sa kanya mismo nanggaling na tapos na ang lahat.

Iyak na naman ako ng iyak. Maga pa nga yung mata ko dahil kanina eh.

Isipin ko palang na ikakasal na sila bukas, parang gusto ko nang mamatay.

At bubuo pa sila ng masayang pamilya.

Mahal na mahal ko kasi si Jiyong kaya masyado akong nasasaktan.

Pinakilig niya lang pala ako, wala siyang balak na mahalin ako.

Sana pala hindi na lang ako pumayag sa deal. Sana pala hindi nalang ako kumapit sa patalim at hinayaan ko nalang na sa kalsada kami natulog ni Harin kesa naman sa ganito ako ngayon.

Pati din si Harin nagtataka na kung bakit ako laging umiiyak. Napapansin niya na din na hindi na kami masyadong nagkikita ni Jiyong. Pati siya, nasanay na rin sa presensya ni Jiyong.

Ang sakit isipin na isa na rin ako sa listahan ng flings at mga nakama niya.

"Ahhhhh!!!!" napasigaw ako dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

Nobody knows how completely broken I am.

Gusto kong gumising bukas na wala na 'tong sakit na nararamdaman ko.

Laro-laro lang pala ang mayroon samin ni Jiyong.

Talo ako. Nahulog ako kaya ako ang warak ngayon.

Game over. Oo na, panalo na siya.


Joax Taeyang's POV

Nasa hospital ako dahil dinala ko si Faith dito nung mahimatay siya.

Flashback

"Doc, ano po nangyari? Bakit po siya nahimatay?" tanong ko sa doktor.

"Nahimatay lang po siya dahil na-overfatigue siya. May mabigat po ba siyang ginagawa?" tanong niya.

Mabigat na ginagawa? Sa pagkakaalam ko, wala naman masyado.

"Wala naman po." sagot ko.

"Kausapin mo nalang siya kung ano ginagawa niya or baka naman madami siyang iniisip. Bawas-bawasan niya kamo 'yon ah." payo niya.

"Bakit? Ano po ba nangyari?" tanong ko.

"Congratulations Mister! 2 weeks pregnant ang misis niyo! Medyo normal ang ganyang pagkahimatay sa mga bagong nagbubuntis kasi hindi pa nila alam."

Ano? Buntis si Faith?

Imposibleng hindi si Jiyong ang ama niyan!

"Thank you po, Doc." sabi ko.

"Hangga't maaari, huwag mo hahayaang maistress ang asawa mo dahil baka maapektuhan ang bata. Pakainin mo siya ng masusustansiyang pagkain. Mukhang bata pa kayo ng Misis mo. Ilang taon na kayo ng asawa mo?" tanong niya.

"18 years old po siya. 19 po ako." sagot ko.

"Teen pregnancy. Mga kabataan talaga ngayon. Oh sya, mauna na ako. Alagaan mo ang misis at magiging anak niyo." saad niya.

Ngumiti ako at umalis na ang doktor.

End of Flashback

Natuwa pa ako kanina kasi mag-asawa daw kami ni Faith sabi nung doktor. Haha!

Pero gusto kong manggalaiti kay Jiyong dahil sa sobrang galit.

Gago ba siya?

Hindi siya gumamit ng proteksyon!

Ang mura mura lang ng c*nd*m, ang yaman-yaman niya tapos hindi siya bumili?

Tangina niya!

Naaawa ako kay Faith kasi mag-isa niyang papalakihin ang magiging anak niya.

And for Pete's sake, ang bata pa niya!

Hindi pa man din nailalabas ang bata, naaawa na ako. Wala siyang kalalakihang ama.

At bukas na ikakasal si Jiyong sa ibang babae!

Tangina talaga!

Kung hindi ko lang kaibigan 'yang si Jiyong, malamang napatay ko na 'yang hayop na 'yan!

Bukas din ay birthday ni Faith. Gusto ko man siyang samahan bukas pero kailangan kong um-attend sa kasal.

Pwede namang 'wag isabay sa birthday ni Faith diba?! Psh.

Kapag magbi-birthday si Faith, maaalala niya ang kasal nila Jiyong at Zoey.

Sorry Faith kung hindi ko sinabing buntis ka.

Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kaya hindi ko sinabi sayo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag-isip isip.

Paano na ang gagawin ko?

Maya-maya ay may naisip ako!

Pasensya Faith kung hindi kita masasamahan bukas.

Sorry talaga. May importante lang akong gagawin.

Tuturuan ko lang ng leksyon bukas si Jiyong.

-------------

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

Continue Reading

You'll Also Like

179K 3.4K 43
"You are only mine Evelyn" your all attention, your body, your all part of your body is mine 'alone' pagmamay-ari kita, akin ka lang. -Keven Gregory...
51.8K 2.2K 48
STORY DESCRIPTION : Sa araw - araw na pamumuhay dito sa mundo palaging tanong natin may forever nga ba ? Merong nag sasabing wala at merong n...
220K 5.4K 23
(C) Mistakenlylovingyou 2015
7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...