Nang makapasok si mayor sa office nito, tinawag na niya pangalan ng una nilang kilyente.
Pasimple niyang inayos ng hikaw sa kanyang tenga na nagsisilbing speaker ng camerang nilagay niya sa opisina nito.
"Hey, sweetheart. Tonight?"
Halos magbuhol ang mga kilay ni Jenna sa narinig. Malandi din pala talaga ang Venganzo na ito.
She sarcastically smiles, let's see kung makakapaglandi ka mayor.
Hindi mo mai-isahan ang isang Jenna Storm Sarmiento.
"Mam, pwede na daw ba pumasok?"
Binuksan muna niya ang laptop at sinilip sa cctv ang ginagawa nito.
"Sige po nay, pwede na." Aniya ng makita ang lalaking wala ng kausap at mukhang malalim ang iniisip.
Kinuha niya ang cellphone at nagtext sa ina nito. Pinaalam niya na ang narinig.
"Let me handle it, iha" Reply nito.
Serves you right mayor.
Hinimas ni Caleb ang batok ng makalabas ang huling taong humihingi ng tulong sa araw na ito.
Naisip niya si Jenna sa halip na kunin ang telepono para tawagan ito ay ipinasya niyang lumabas.
Naabutan niya itong abala sa pagtipa ng keyboard ng laptop nito. Marahil naramdaman nito ang presensiya niya kaya bumaling ito sa kanya.
Inayos nito ang salamin. "Sir may kailangan po ba kayo?"
"Can I have coffee miss Cruz?"
"Saglit lang po sir, ipagtitimpla ko kayo." Nasa loob ng opisina niya ang maliit na pantry kaya dumaan ito sa kanyang harapan.
Halos mapapikit siya sa amoy nito. Goodness the lady smells so sweet like vanilla. Nasa ganun siyang estado ng mag-ring ang cellphone niya.
"Yes ma? May problema ba?" Bungad niya sa ina sa kabilang linya.
"Wala naman iho, tumawag ako para sana sabihin na umuwi ka dito sa bahay ng maaga mamaya. Ipagluluto kita ng poborito mo."
Napangiti si Caleb sa paglalambing ng ina.
Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya si Jenna dala-dala na nito ang kapeng pinatimpla niya.
"May kailangan po akong asikasuhin mamayang gabi, ma."
Inabot niya ang kape mula sa babae at sinenyasan itong maupo na.
"Mas importante pa ba yan kaysa sa sarili mong ina?" Napailing si Caleb, hindi niya matanggihan ang ina kapag ganito na ang tono at sigurado siyang magta-tampo ito sa kanya.
His needs can wait. "Alright ma, I'll be home after work."
"That's good to hear, son. I love you, bye."
"Love you too ma, bye."
Napangisi ng lihim si Jenna ng marinig ang sinabi ng binata. Napakawais din pala ng ina nito.
***
Mahigit isang linggo ng nagtratrabaho si Jenna sa City Hall ng Sta. Monica.
Sorry nalang ang lalake, dahil sa kanya ay laging nau-udlot ang lakad nito. Lalo na kapag may babaeng involve.
Magaling siya eh.
Maging ang mga higad na bumibisita ay hindi makalapit.
But this day is an exception. Mukhang papalya siya.
"Miss, nandiyan ba si mayor?"
Parang gusto niyang ma-insecure sa babae. Napaka-ganda nito, she was like a walking goddess. Her dress was not revealing but it hugs her perfect curves.
D*mn, she missed the old her.
Inayos niya ang salamin bago sumagot dito. "Your name, ma'am?"
She looked at her from head to toe at maya-maya ay napangiwi.
Umayos ng upo si Jenna.
"Chesca Smith."
Tila nainip ito dahil hindi niya mahanap ang pangalan ng babae sa schedule ni mayor.
"Puwede bang pakibilisan, I'm getting pissed." She's wrong, pangit ito.
Pangit ang ugali.
She put a thumbs down sign in her head.
Kung kani-kanina ay hanga siya sa ganda nito ngayon gusto na niyang bigwasan ang babae.
Baka gusto nitong maging kamukha si Angelina Jolie?
Simpleng ngudngod lang perfect.
"Wait lang po, ma'am." Sinadya niyang bagalan ang kilos. Ng hindi makita ang pangalan ng babae ay tinawagan niya ang alkalde ngunit hindi ito sumasagot.
Pasimple niyang sinilip sa monito kung anong ginagawa nito ngunit hindi niya makita ang binata.
"Matagal pa ba?" Buwisit na ang babae.
"Wala po kasi kayong name ma'am. Tinatawagan ko naman po si mayor, pero hindi pa kasi sumasagot. I'll call him again ma'am." Pinilit ni Jenna ang maging mahinahanon. Tinawagan niya ulit ang alkalde.
"Ma'am, hindi po talaga sumasagot eh."
"Why don't you just let me in? Hindi mo ba ako kilala manang?"
Pinigil ni Jenna ang panlalaki ng mga mata.
Manang?
Duh?
Jenna Kalma!
Baka magdilim ang paningin mo ay may ma-ihatid ka kay San Pedro ng wala sa oras.
"Hindi po kasi pwede ma'am, kailangan po muna niyang malaman bago ako magpa-pasok. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Mahirap naman po baka matanggal ako." Kalmadong sabi ni Jenna. Pero deep inside kumukulo na ang dugo niya.
Matalim siyang tinignan ng babae. "Then prepare yourself. I'll ask him to fire you." Panakot nito.
Prepare yourself too. Tatambangan kita mamaya sa labas.
"Kakatukin ko nalang po, muna." Tumayo siya at natungo sa opisina nito.
Naka ilang katok na siya hindi parin nito binubuksan. Kinabahan siya, dahan-dahan niyang pinihit ang sedura ng opisina nito at pumasok.
Wala ang lalake kahit sa kusina nito. Kaya lumapit siya sa banyo. Kakatukin niya sana ng bigla itong bumukas.
Nalaglag ang panga niya sa napaka-yummy na tanawin.
Wala itong damit for pete's sake!
Basa ang buhok dito at may mga patak pa ng tubig sa six packs abs nito.
Syemay six ba o eight? Halos maduling siya at binilang ulit ito.
Six nga.
His chest was hairy.
Olala.
Ngayon lang nalaman ni Jenna na sexy pala ang ganoon?
Tinawag niya lahat ng santo para mapigilan ang sariling huwag sunggaban ito.
Baka maka-molestya siya mayor. Lagot siya sa tita Thea niya.
"Yes, miss Cruz?" Untag nito sa saglit niyang pagkawala sa sarili.
"Ay pandesal!" Hindi niya napigilang maibubulas.
Halos mawalan siya ng ulirat dahil sa hiya. Syemay, sahig lamunin mo na ako please.
"Ka--" Tumikhim siya para tanggalin ang bumara sa lalamunan.
"Kasi sir, may naghahanap po sa inyo sa labas, Chesca Smith daw po. Kanina pa po kasi ako tumatawag hindi kayo sumasagot." Gustong palakpakan ni Jenna ang sarili dahil nasabi niya ang pakay ng diretso.
"Papasukin mo." Anito habang nagsu-suot ng polo shirt nito sa harap niya.
Hindi niya mapigilang mapalunok.
Tengeney, nag live show pa talaga.
"Opo." Aniya at nagmadaling lumabas. Baka kung magtagal pa siya ng ilang segundo tuluyan na siyang mawala sa katinuan.
Rawwwr!
Pwamiss!
A/N
Dami palang kabaliwan dito. Haha
Sana all nalang Jenna.
-Next time na mag-live show si mayor dapat hi-tech yung salamin mo.
Yung nagzo-zoom ng bongga hahaha
2021
Sino pa po nandito?
You can like our new page "ShyWriter07" para updated po kayo sa ibang mga stories.
Or sumali po kayo sa group natin. "Kaibigang ShyWriter07" pwede kayong mag-post doon.
Ingat guys.
Godbless
-Shy Seven