The Hottie Mayor

By ShyWriter07

5.6M 114K 3.7K

Jenna Storm Sarmiento thought her mission will be boring. Bantayan ang isang super hot na mayor Ng hindi nit... More

Author's Note
Chapter 1-Assignment
Chapter 2- Meeting the Hottest Mayor
Chapter 3-Masakit sa Ulo
Chapter 5-Live Show
Chapter 6-Grasya
Chapter 7-Mas Gwapo
Chapter 8 - Alone in His room
Chapter 9-Just a Taste
Chapter 10-Relieved
Chapter 11-Ninja Moves
Chapter 12-Kisspirin
Chapter 13-KAPE
Chapter 14-May Topak
Chapter 15-Lunch
Chapter 16- Dessert
Chapter 17-Magic
***Restricted***
Chapter 19- Run Away
Chapter 20-Sakay!
Chapter 21 - Tiisin
Chapter 22-Make you Fall for me
Chapter 23-Let the Mission begin
Chapter 24 -Loves Her
Chapter 25-His Everything
Chapter 26 - Muntikan na
Chapter 27 - Consequence
Chapter 28 - Pahiya Mode
Chapter 29 - Forever
Chapter 30 - Caleb's Side
Chapter 31 - Dumagundong
Chapter 32 -Kenekeleg(Kinikilig)
Chapter 33 - Umaapaw
Chapter 34 - Now
Chapter 35 - I Miss You
Chapter 36 - Sarmiento Men
Chapter 37-Too Late
Chapter 38 - Meet The Fiancée
Chapter 39 - Freely
Chapter 40-Bukas Maglalaway Ka
Chapter 41 - Bato Balani
Chapter 42-Mabilisan
Chapter 43 -Taympers! (Time freeze)
Chapter 44 - Caleb's confession
Chapter 45 - Rj's confession
Chapter 46 - Storm's Brother
CHAPTER 47 - She lost her friend
Chapter 48 - Anong nangyari?
Chapter 49 - Jenna's Job
Chapter 50 - Double dead
Chapter 51 - He passed
Chapter 52 - Sarmiento Women
Chapter 53 - Sarmiento Women 2
Chapter 54 - Warning
Chapter 55 - Rescue
Chapter 56 - Anong nangyayari?
Chapter 57 - Wakas
Pasasalamat ni Shyness
Special Chapter, no more.

Chapter 4- Free for Tonight?

111K 2.4K 157
By ShyWriter07

Maagang pumasok si Jenna kinabukasan.

She installed three hi-tech hidden cameras in Caleb's Office. Puwera sa banyo nito of course.

Ayaw naman niya ng live porn show hihi.

Totoo kayang big? Umiling iling siya hanep na Rose na iyon nakaka-pollute ng utak.

Nang makarinig siya ng mga yabag mabilis ang kilos na kinuha ang mga papeles at kunwari ay inaayos niya.

"Magandang umaga, mam. Ang aga po natin ah." Si kuya Bart, isa sa mga Janitor.

Ngumiti siya. "Good morning din po kuya, kadarating ko lang din. Kailangan kuya, may mga aayusin pa kasi ako."

"Ako nalang po diyan mam." Awat nito ng makita nitong pupunasan niya ang mesa ng mayor Caleb.

"Simpleng bagay lang ito kuya, kaya ako na." Pigil niya sa pagkuha nito ng pamunas sa kanya.

Sinamantala niya ang pagkakataon upang makakuha ng inpormasyon dito.

"Mabait po si mayor kaya mahal na mahal siya ng taga Sta. Monica kaya lang po ay," lumingon muna ito sa pinto tila sinigurado na walang nakikinig.

"May pagka-babaero." Bulong nito sa huling mga kataga.

Napataas siya ng kilay.

Huwag kang mag-alala kuya, sisiguraduhin kong matatapos na ang pagiging babaero niya.

Hihihi. (With matching evil laugh pa sa utak niya.)

"Wala pa po siyang sineryoso kuya?"

Pumalatak ang Janitor. "Naku, wala pa ata mam. Sa tagal ko dito. Sabagay, kung ako naman ke mayor eh pipili naman ako ng seseryosohin ko."

Nag mop muna ito ng sahig bago nagpatuloy. "Mahirap naman kasi humanap ng matinong babae ngayon kung makapagdisplay ng katawan wagas."

Pinasadahan siya nito ng tingin."Mam huwag niyo po ako mamasamain. Bakit ganyan po kayo manamit?"

Aba si kuya lang ang may lakas ng loob na tanungin siya ng ganoon.

Inayos muna niya ang salamin bago nagsalita "Eh kuya, wala naman po akong idi-display." Biro niya.

Tumawa naman ito. "Naku, sa panahon ngayon mam, kayo ang tipong siniseryoso." Banat nito.

Truthness ka diyan kuya.

Humalakhak siya. "Kuya, maiwan na ho kita ah. Baka may tao na sa labas." Paalam niya sa Janitor.

What he said is enough to boost her energy.

May point ka kuya.

Nadatnan niyang sa labas ang mga taong naghi-hintay. Sabay-sabay pang bumati ang mga ito ng magandang umaga. Ngumiti naman siya at binati din ang mga ito ng pabalik.

Isa-isa niyang tinanong ang mga problema ng mga ito. Iba't ibang problema ang idinudulog ng mga ito. Isinulat niya ang mga pangalan at isa isang tatawagin nalang pagdating ni mayor.

Hindi niya maiwasang bumilib dito, dahil hindi naman pala biro ang responsibilidad nito. Ang problema ng mga mamayan ay pasan nito sa balikat.

He must be really something.

Isang ginang ang nataranta ng biglang pumalahaw ng iyak ang isang anak nito. Dalawang anak kasi nito ang kasama. Ang isa sa tantiya niya ay nasa lima hanggang pitong taong buwan na siyang karga nito. Ang umiiyak ay tatlong taong gulang nakahawak naman sa laylayan ng duster nito.

May pagkamaldita siya pero hindi naman niya matitiis na makikita ang ibang taong nahihirapan. Lalo na ang mga bata. Lumapit siya sa ginang.

"Ate kung gusto mo kargahin ko muna ang baby mo para mapatahan mo siya." Nguso niya sa batang sige parin sa pag-iyak.

Nag-alangan pa ito.

"Pasensiya na kayo mam, nakakahiya man po ay kakapalan ko na ho ang mukha ko. Nagugutom na daw po kasi siya baka po may tinapay kayo diyan mam?" Kita niya ang pagka-hiya nito ngunit para sa anak ay nagawa nitong sabihin sa kanya ang bagay na iyon.

"Meron ate, saglit lang kukuha ako." Kinuha niya ang baked mac na baon sa kanyang drawer.

"Kargahin ko muna yang baby mo ng mapakain mo siya. Kumuha ka nalang ng tubig doon, may baso sa gilid niya." Turo niya sa dispenser sa sulok

Binigay sa kanya ng ginang ang bata. Dala-dala niya itong bumalik sa kanyang upuan. Akala marahil ng bata ay laruan ang kanyang salamin. Pilit nito iyong inaabot gamit ang malilit na kamay.

Kaya pansamantalang tinanggal niya muna ito. Dahil wala na ang kanyang salamin. Ang nakapusod namang buhok niya ang pinagdiskitahan nito. Kaya kumawala ang ilang hibla ng buhok niya. Parang gusto tuloy niyang kagatin ang batang ito. Mukha na tuloy siyang bruha.

Nasa ganun siyang itsura ng pumasok si mayor. Nagsitayuan naman ang mga taong naroroon at bumati dito.

Uminit ang pisngi niya ng bumaling ito sa kanya. "Good Morning po." Nakangiwing bati niya dahil pinaglalaruan na naman ng bata ang buhok niya. Hanggang sa natanggal ang tali at malayang lumaladlad ang kanyang mahaba at may pagkakulot na buhok.

Agad namang lumapit ang ginang at kinuha ang anak "Pasensiya na po mam." Sabay kuha sa anak.

Ngumiti si Jenna sa babae "Okay lang ate." Nagmadali niyang pinusod ulit ang buhok. At kinuha ang salamin sa ibabaw ng kanyang mesa.

Caleb couldn't stop staring at Jenna. Kung hindi lang sa pananamit nito akala niya may bagong empleyado ulit sila. He never thought that beyond those eye glasses is the most beautiful eyes he has ever seen in his life. She has almond eyes and thick long lashes.

His breath hitched when her long curly hair falls. At ngayon lang niya napansin ang maliit na biloy nito sa kanang pisngi when she smiles. He cursed in his mind

"D*mn! He never expected that the plain and old maid looking new employee he had was a goddess."

"Sir okay lang po ba kayo?" Pinadaan pa ni Jenna ang palad sa kanyang mukha.

Bahagya siyang napakurap at tumingin ulit sa mukha nito. Now she's back to his old maid look. Nakapusod na ang buhok at suot na nito ang makapal na salamin.

But in his mind, he perfectly captured her beauty. He composed himself.

"Yeah, papasukin mo nalang sila isa isa" utos niya dito. Pinilit niyang maging kaswal ang tinig.

Tinignan niya ang mga tao "Hihihntayin ko nalang po kayo sa loob." Tinignan niya muna ang dalaga bago tuluyang pumasok sa kanyang opisina.

Now he's curious. Does she also have perfect curves inside those clothes? Biglang nag init ang kanyang buong katawan.

Sinaway niya ang sarili "Stop it Caleb. You just need to get laid."

Kinuha niya ang cellphoneand dialed a number "Hey, sweetheart. Are you free for tonight?" Malandingbulong niya.

Sissy maldita806

Free ka daw ba for tonight sabi ni Mayor hahaha

Habang nagre-rewrite, syetness nai-inlove ulit ako kay mayor. 

Bad for the heart ka nga ser. haha

-Shy




Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
49.1M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1M 4.2K 7
On a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This s...
28.1M 711K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...