The CEO's Heart (COMPLETED)

By EyeShield03

1.2M 27.8K 790

Haciendero Series V The Zein Aguire and RC Joaquin Story More

Prolonge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Epilogue- 1
Epilogue- 2
Special Chapter

Chapter 7

39.3K 881 15
By EyeShield03




RC's POV






" RC wake up.. " marahang tinig ang nagpagising sa akin.. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Zein na pakiramdam ko ay sobrang lapit ang mukha sa akin.. Hindi pa agad nag'sink in sa utak ko kung bakit ako nakatulog.. Naalala kong pinababa niya pala ako kanina para ihanda ang sasakyan pero dahil ang tagal tagal niya kaya nakatulog na ako.. Tapos para pa akong nanaginip na inilipat niya raw ako sa passenger seat.. Napatingin ako sa paligid at laking gulat ko nang makitang nasa labas na pala kami ng mansyon.. Napaayos ako ng upo saka bumaling sa kanya..






" Sorry Sir, sana ginising nyu nalang ako.. " apologise pa akong napatingin sa kanya.. Napailing lang siya saka tumingin sa akin.. Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron sa mga titig niya at napapakabog niya ang puso ko..





" Nakanganga ka habang natutulog tapos humihilik kapa.. So hindi na kita denistorbo.. Nakakahiya naman sa'yo.. " napanguso ako sa sinabi niya..





" Grabe ka naman, hindi kaya ako naghihilik.. " depensa ko naman habang umiirap sa kanya.. Napangisi lang siya at muling umiiling.. Panay iling nalang siya.. " Pero salamat Sir ha.. Inaantok kasi talaga ako.. Tsaka pasensya na rin po.. " dagdag ko pa.. Tumango tango siya sabay umibis na sa sasakyan.. Napangiti nalang ako at umibis narin.. Alam ko kunti nalang magiging mabait din siya.. Kunti nalang talaga..






Nakasunod lang ako sa kanya papasok sa mansyon.. Hindi ko nga mapigilang mapatitig sa likod niya eh.. No doubt kaya maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, katawan pa lang ulam na eh.. Kahit nga ang sekretarya ni Madam kanina palagi lang nakatitig sa kanya.. Sarap ngang hatakin ng buhok.. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng bahay ay may katulong nang sumalubong sa amin..






" Young Master may naghihintay po sa inyo.. " sabi nito habang nakayuko.. Hindi pa man nakapagtanong ang binata kung sino ay may sumulpot nang isang babae sa likod nito.. Napataas kaagad ang kilay ko..





" Babe! " babe? Baboy? Tss.. Pasimple ko itong tiningnan.. Para itong super model sa tangkad lalo pa at naka'heels ito.. Tapos halos lumuwa na ang dibdib sa suot na plum dress.. Ganitong babae pala ang type ni Zein.. Bakit parang pakiramdam ko may panghihinayang akong nararamdaman?





" Jasmine, what brought you here? " tanong naman ni Zein.. Nanatili lang naman ako sa likod niya.. Hindi ko nga alam kung tutulad ba ako sa katulong na umalis nalang bigla.. Nakita kong agad ipinulopot ang mga braso ng babae sa leeg ng binata at hinalikan ito.. Napanganga tuloy ako.. Ang landi.. Pero agad kumawala si Zein at bahagya itong inilayo.. Ang awkward na nito.. Pasimple nalang kaya akong umalis.. Kaya paunti unti akong tumalikod para muling lumabas nalang ng bahay.. Doon nalang siguro ako dadaan sa likod.. " Who is she? " pero natigil ako nang makita na ako ng babae.. Wala tuloy akong magawa kundi ang humarap sa kanila ulit..






" Oh she's RC.. " agad na sagot ni Zein at kumalas sa pagkakayakap nito saka lumapit sa akin.. Bahagya pa akong nagulat ng bigla niya akong inakbayan.. Parang alam ko na ang sunod niyang sasabihin.. " My personal bodyguard.. And my date this coming weekend.. " may bahagi man ng panghihinayang akong nararamdaman sa una niyang sinabi, pero hindi ko naman mapigilang mapanganga sa huli niyang sinabi.. Date? This weekend? Sure? Para tuloy akong tanga na nakanganga habang nakatingin sa kanya.. Pati yung babae nakita ko din na bahagyang napanganga.. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti kasabay pa ng pagpisil niya sa balikat ko.. Kaya nakuha ko ang ibig niyang sabihin..





" Date?! Zein, akala ko ako ang makakadate mo.. And who is she? Your personal bodyguard? Just your personal bodyguard and yet you'll bring her to that social event? " halos maghisterikal na ito sa harap namin.. Nagkatinginan pa nga kami ni Zein..







" Look Jasmine, wala akong sinabi sayo na ikaw ang isasama ko this weekend.. "





" But I am your girlfriend! " mas lalo akong napanganga sa sinabi nito.. Napatingin pa ako kay Zein.. Kung girlfriend niya pala ito bakit ako ang isasama niya sa event na iyon?






" Wala tayong relasyon Jas, alam mo yan.. " ouch! Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.. Kitang kita ko ang sakit na bumakas sa mukha ng babae.. Halos maiiyak pa ito.. At namamangha parin ako dahil sinasabi lahat ng iyon ni Zein habang ang kamay ay nananatili parin sa balikat ko.. Walang nagawa ang babae kundi ang umalis.. Sinundan nalang namin iyon ng tingin.. Napapailing ako, napaka'playboy naman talaga.. " Oh para saan naman ang iling na yan? " nilingon ko siya..







" Ako po ang nasasaktan para sa kanya Sir.. " napakunot noo siya saka niya lang binitawan ang balikat ko..







" Don't be.. Hindi mo siya kilala kaya wag mo siyang panghinayangan.. " sabi niya sabay naglakad na papuntang hagdanan.. Sinundan ko siya..






" Totoo bang isasama mo ako sa event ngayong weekend? " hindi ko na napigilang itanong.. Tumango naman siya ng nagpatuloy parin sa paglalakad.. " Bakit ako? " muli ko pang tanong na siyang nagpatigil sa kanya at kunot noo akong nilingon.. Ito na yata ang matagal ko nang hinihintay na sagot.. Baka naman gusto niya talaga akong i'date.. Tika saan galing ang isiping yun?






" Bodyguard kita RC, dapat lang na nandoon ka.. Tsaka may ka'date akong iba.. " sabi niya sabay nagpatuloy sa paglalakad at hindi na ako nilingon.. Nanatili ako sa kinatatayoan ko.. Oh ano ka ngayon RC? Hopia? Sino ba kasing nagsabi na umasa ka? Natural na isasama ka dahil bodyguard ka nga naman.. Ano bang ini'expect mo?








Dumating ang haponan na hindi na ako bumaba para kumain.. Ewan ko nga ba, parang wala ako sa mood para kumain.. Oy hindi ako naaapektohan ha.. Hindi talaga.. Promise.. Kaya nang pinapuntahan ako ng isang katulong ay sinabi ko nalang na busog pa ako.. Mamaya nalang siguro ako bababa kapag tulog na silang lahat..







Nakahiga lang ako sa malaking kama habang nakatingin sa kisame.. Marami akong iniisip.. Trabaho ang ipinunta ko dito.. Namuhay ako na kuntento na sa buhay kung ano man ang meron ako ngayon at ang kapatid ko.. Kahit ang personal kong buhay hindi ko na iniinda dahil sa kakuntentohan ko.. Pero nag'iba ang lahat mula ng makilala ko si Zein.. I mean nakikita ko naman kung ano lang ang turing niya sa akin.. Bodyguard niya.. Nothing more nothing less.. Pero bakit ako nagkakaganito?







" Hindi ko dapat ito maramdaman.. Hindi nga niya seniseryuso yung magandang babae kanina, ako pa kaya? Erase na yan.. Erase na! " sabi ko at bumangon.. Hindi ko talaga dapat ito maramdaman.. Hindi! Maya maya lang ay naisipan ko nang lumabas.. Alas onse narin ng gabi kaya paniguradong tulog na ang lahat.. Magtitimpla lang naman ako ng gatas at kakain lang ako ng tinapay.. Okay na yun..







Maingat akong bumaba patungo sa kusina para wala akong maisturbo.. Buti nalang talaga at sanay na sanay na ako dito sa malaking bahay nila kung hindi siguradong maliligaw ako dito.. Naalala ko tuloy yung unang araw ko dito.. Pinasok ko ang kwarto ni Zein..



Nakahinga ako ng marating ko ang kusina.. Ini'on ko ang maliit na ilaw sa gilid para may liwanag naman kahit papano at nagsimula na akong gumawa ng makakain ko.. Gutom na kasi talaga ako.. Eh kasalanan ko rin naman.. Maaari ko naman sigurong hindi siya pansinin kanina, eh di sana nakakain ako.. Pero nandito na ako eh..








" Late brunch? "





Muntikan ko na talagang mabitawan ang basong may lamang gatas na hawak ko nang marinig ang boses na yun.. Kung kailan naman kampanteng kampante na sana ako sa pagkain saka naman may dumestorbo sa akin.. Nilingon ko siya at gayon nalang ang pagbilog ng mga mata ko nang makita ko na naman siyang topless.. Grabe, uminit yata dito sa kusina.. Naglakad siya papunta sa ref at kumuha ng tubig.. Hindi ko siya tinitingnan pero alam kong nasa akin ang tingin niya.. At ngayon ko lang din naalala na manipis na tshirt lang ang suot ko at naka panty short lang ako sa baba.. Hanggang gitnang hita lang naman kasi ang haba ng tshirt ko..







" Bakit hindi ka sumabay sa pagkain kanina? " tanong niya kaya napilitan akong tumingin sa kanya.. Pero agad din akong umiwas ng makita na naman ang katawan niya.. Napapalunok tuloy ako ng wala sa oras..








" Wala po kasi akong gana kanina.. Tapos na naman ako, aakyat rin ako pagkatapos.. " sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya..







" Iniiwasan mo ba ako RC? " doon na ako deritsong napatingin sa kanya sabay agarang umiling.. Parang nasobrahan pa yata ang pag'iling ko na nagmumukha ng OA..







" Hindi ah.. Bakit naman kita iiwasan? " tanong ko pa sabay subo sa tinapay.. Nagkibit balikat lang siya at lumapit sa akin.. Sinilip niya ang pagkain ko at napakunot noo..








" Yan lang ang kinakain mo? " tanong niya.. Tumango ako.. Umiling iling siya sabay kuha ng dalawang plato sa lagayan.. Pati kutsara kumuha rin siya.. Nakakunot noo lang ako habang tinitingnan siya sa ginagawa.. Mabilis siyang gumawa ng chicken sandwhich na tig isang dangkal yata ang haba.. Napalunok tuloy ako dahil alam kong masarap iyon.. Para sa akin kaya ang isa? " Gusto mo? " tanong pa niya.. Wala sa sariling napatango ako.. " Eh di gumawa ka.. " sabi niya sabay subo.. Letiral akong napanganga.. Seryuso ba siya? Kakainin niya yan lahat? Sinilip niya ako ng may ngiti sa labi sabay tulak sa isang plato papunta sa akin.. " Sige sa'yo nayan.. Kawawa ka naman.. " inirapan ko nalang siya pero hinila ko ang plato at kinuha ang chicken sandwhich.. Mahina siyang tumawa habang kumakain.. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya.. Alam ko sa sarili ko hindi ko na ito mapipigilan.. May gusto na ako sa kanya.. At hindi talaga ito maganda..







----------------------------------------------------
Sabaw yata..

Continue Reading

You'll Also Like

62.1K 2.1K 28
SYNOPSIS Zach Brylle Falcon,One of the hottest and handsome Billionaire to live in this World.A Ruthless Billionaire With a Sweet Heart. He's not Cal...
627K 6.8K 57
The title says it all! This story is not suitable for all ages. there are scenes or chapters that may contain words or actions na hindi dapat sa mg...
362K 6.3K 29
Wala pang 3 months since my ex boyfriend cheated on me,and I never expected that I would meet this guy and fall in love,pero! Sana naman wala ng hass...
91.7K 1.2K 59
"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglarua...