The Way You Look At Me (GirlX...

By Stealer25

3.3K 103 4

"Childhood Bestfriends, kumbaga nakasama mo siya mula pagkabata.. inaway, inalalayan, iniyakan.." At sa panah... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine

Ten

331 15 4
By Stealer25

Tiffany

  Dumalaw sa isipan ko ang mga ala ala kung paano kami nagkakilala ni kia. Kung paano ko siya naging bestfriend.

  So dapat ba magpasalamat ako na tumulo yung sipon ko? Ew!

  Hindi ko inakala na mahuhulog ako ng tuluyan sa itinagal tagal ng panahon. wala e, mahal ko na talaga tong bestfriend ko.

  Sa mga oras nato, hindi ko maalis ang pagtitig ko sa mukha ng isang magandang babaeng mahimbing na natutulog sa aking tabi. Paano ba ako nainlove sa bampirang to?
  Sa dami ng magagandang katangian ng babaeng to, hindi ko mawari kung alin don.
  Sa kilay ba niyang perpekto? na kahit hindi mo ayusin, maganda parin? Sa mga mata ba niyang color brown? na pag tinitigan ka para kang nahihipnotays? Sa ilong ba niyang sobrang tangos? ehm, hindi naman yung sobrang tangos pero alam mo yung pefect. fine! perfect na lahat. O sa kissable lips niya? Alin sa mga yon?

  Napadako ang tingin ko sa mga labi niya. ano kayang feeling pag nahalikan ko to? gosh! anglandi ko, pinagpapantasyahan lang.

"Maawa ka sa bestfriend mo sweetie."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng nanay ko.-_-
At hindi maitatangging siya'y aking ina. ako'y galing sa kanyang sinapupunan. ako'y kanyang supling. charr!
Oo na't namana ko na lahat.

"Mom! what are you-- i- mea.n! M-mom??? Kanina ka pa ba diyan?"
Sabi ko sa malumanay na boses para hindi magising si kiara. pero may tinig ng pagtataka na naiinis. charr!

"Baka matunaw yan.."
Wait. nang aasar ba siya?

"Mom naman, bakit bigla bigla ka nalang pumapasok?" tanong ko dahil naasar nako.

"Hello?? Nakabukas kaya tong door mo."

Naalala kong hindi pala sinara ni kia kanina.

"But mom??? sana man lang kumatok ka no?"

"Hmmm. bakit? may secret ka ba? at tsaka ano bang masama don? "

Hindi ako nakapagsalita. oo nga naman. bakit ba ko natatakot?

Biglang gumalaw si kia. nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin. ginawa pakong hotdog.
Napatingin ako kay mommy. at -_-
what's with that look? may alam ba siya tungkol sa nararamdaman ko?

"Enjoy the moment sweetie. minsanan lang yan." Saka siya lumabas ng kwarto.

Napakunot noo naman ako.

Tinignan ko nalang si kia na himbing na himbing na nakayakap sakin.

Pero hindi maalis sa isip ko yung mga tingin ni mommy.
Nagwo worry ako na baka may alam na siya.
Pero kung may alam man siya, bakit parang hindi ko naman ma feel yung disappoinment sa mga mata niya. tsaka dapat kinoconfront na niya ako. at magagalit siya sakin.
Pero hindi ganon yung nararamdaman ko. suporta ang nafi feel ko. At sana nga tama ako.

-------------------------------------------------------

Kiara

"Good morning tita. Ready na ba si tiff?" Bati ko sa mommy ni tiff.

Nadatnan ko siyang may inaayos sa loob ng porsche car niya.

Actually tatlo ang sasakyan nila. yung isa ay para kay tiff.
Isang Innova, Porsche, at yung sports car.
Yung sports car ang pagmamay ari ni tiff. pinabili niya nung 10 years old palang kami.

Syempre meron na din akong sasakyan, binilhan ako ng daddy ko nung 5 years old palang ako. ewan ko dun. At dahil sa underage palang kami. syempre hindi muna namin dinadrive kung saan saan.

"Good morning. Pumasok ka nalang sa loob my dear. alam mo naman yang bestfriend mo." Sabay ngiti.

Parang si tiff lang din ang kausap ko.

"Okay po.."

Tuloy tuloy akong pumasok sa loob at umakyat sa taas.

Bukas ang pinto ng kwarto ni tiff. at mukhang may kausap siya sa telepono.

nakaharap siya sa malaking bintana ng kwarto niya.

Biglang siyang humarap at nakita niya ako. Nung una'y nataranta siya.

At sino naman ang kausap niya?

"B-babe? kita nalang tayo okay? bye. love you." Huling linyang nabanggit niya sa kausap niya bago niya tuluyang binaba ang telepono.

So si justin.

"Good morning bestie!!! kanina ka pa?" Tanong niya.

"Hindi. kararating ko lang. tara ready ka na ba?"

"Ah oo. kanina pa. hinihintay lang kita."

"E ba't hindi ka pa bumaba pinaakyat mo pako."

"Hmm kasi...."

"Inaaway mo na naman si justin. ikaw talaga, kung itrato mo yang boyfriend mo. parang hindi kayo."

Tumahimik lang siya.

Nagpaalam na kami kay tita steph.

Habang tinatahak namin ang daan papuntang school.

"Tiff, nakapagreview ka na ba para sa exam natin sa second quarter?" Ang tanong ko.

Pero tuloy lang siya sa paglalakad. kaya inulit ko kasi baka hindi niya narinig.

"Tiff? Nakapagreview ka na ba?"

Pero hindi niya parin ako pinapansin.
ano na naman  ba to?

"Hey? akala ko ba okay na tayo? ba't hindi ka na naman namamansin?"

Hindi siya sumasagot.

Like really tiff? Bipolar lang ang peg. pinanindigan na?

"Tsk! Hello???? May kausap ba ko?"

"Bilisan mo nga kia. mahuhuli na tayo sa klase."
Sa wakas ay sumagot. pero hindi naman konektado sa kung ano man yung tanong ko.

"E tinatanong nga kita kun nakapagreview ka------"

"Hindi pa, okay?"

"Sabay tayo..."

"Pupunta si justin sa bahay bukas. sabay kaming magrereview."

Nalungkot naman ako.

"Ahh sige. Yayayain ko nalang si caira."

Pagkarinig non ay maslalo niyang binilisan ang paglalakad niya.

"W-wait nga lang tiff? Ano na naman ba to? Ba't ka ba nagkakaganyan ulit? diba okay na tayo?"

Lumingon siya sa akin. Blanko ang ekspresyon.

"Okay na tayo! Okay naman tayo! Hinihintay nako ni justin kaya pwede ba? pakibilisan mo? At baka hinihintay ka na rin ni Caira!"

Tumalikod siya ulit sakin.

"Naiinis nako sayo a! Hmf!"

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa maabutan ko sya. Ni hindi man lang niya ako pinigilan. kaya mas nauna akong nakarating sa school.

Hanggang sa makarating ako sa classroom. Malamang makikipagkita nga yon sa boyfriend niya. hayy nakakaiyak..

Pero teka? nailagay kaya ni caira sa locker  yung roses?

Lumabas muna ako para tanungin si caira kung success nga ba ang trabaho niya ngayong araw.

Sinitsitan ko siya mula sa bintana. understood na yun sa kanya kaya lumabas sya.

"O legazpi. problema mo?"
Tanong niya.

"Wala naman. Gusto ko lang malaman ang report mo sakin ngayong araw nato."

Cool na cool lang siyang nakikipagusap sakin. Kung hindi lang to babae tignan. iisipin ko talagang lalake talaga to. Yung parang sa Boys Over Flowers. Yung mukhang babae.
Nakalimutan ko ang pangalan. charr!

"Omfg! Nakalimutan ko sa bahay men!"

Lumaki ang mga mata ko.

"O. Wag ka ngang OA. oo successful po. Ako pa. Hindi ako failure."

Kumalma ako.
Hanggang sa mapansin kong may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin sa direksyon namin.

Si Tiff. Dala ang labintatlong  red roses na pinalagay ko kay caira. Weird talaga to.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Padabog siyang naglakad patungong classroom namin. hanggang sa madaan niya yung trash can sa tabi. Pabalibag niyang itinapon ng dalang mga rosas. tsaka tuluyang pumasok.

"Ouch! Sayang naman.". Rinig kong sabi ni  caira.

tinignan ko lang siya.

"Weird siya these past few days..." Sabi ko.

Tinapik niya ang balikat ko.

"Normal lang yan sa mga taong manhid na kagaya mo. Bahala ka nga diyan." Anya tsaka pumasok na rin sa classroom nila.

At ganun din ako.

Naupo ako sa upuan ko. pero may isang tao parin talaga dito na nakakamatay yung tingin.
Andami kong napapansin. pero weird talaga si tiff. hahaha. bahala nga siya sa buhay niya, sayang naman yung roses na bigay ko. tinapon niya huhu..

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 32.3K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...