Seven

228 9 0
                                    

Tiffany

Naiinis nako sa mga ikinikilos ni kiara. Lalo na pag kasama niya yung cairang yun!

Para akong naagawan ng isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ko. At wala akong ibang magawa kundi ang panoorin nalang yung bagay na dati ay sa akin.

Ang sakit sakit lang isipin na si caira na ngayon ang nakakapagpasaya sa kanya.
Pero kapag kami ang magkasama, nandun lang yung feeling na hindi ko na maintindihan.

Katulad kanina, Hindi ko inaasahang kaya na niyang makipagtalo sakin ng dahil lang sa pakikitungo ko kay caira. Ni hindi nga siya nagsorry kung bakit niya natanong yun sakin.

Siguro nga, wala din akong right para hindian lahat ng gusto niyang maging kaibigan dahil BESTFRIEND niya lang ako. Nakakalungkot lang isipin, na oo nga pala babae si kiara at hindi ko ma-imagine na someday. Makakaya kong magtapat ng nararamdaman ko sa kanya.

Sana hindi dumating yung araw na malaman niya ang lahat. at oras na malaman niya ay pandidirihan niya ako.

Naputol ang aking pagiisip ng biglang kumatok si mommy.
Dumating na pala siya galing sa Prime lab. Sa sarili naming prime lab. Sa sarili din naming building. Kalahati non ay ang buong laboratory. at yung natitirang floors ay puro fast food chain.

"Come in"

"Hey sweetie.." Nakangiting bati ni mommy habang nakahilata ako sa kama.

"M-mom.." Tipid na sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinalikan ang noo ko.

"Oh kinakausap mo na naman yang si stitch."

"Hindi po. Busy daw po siya kaya di niya muna ako pinapansin."

Natawa siya.

"Aww may ginawa ka bang kasalanan kaya siya nagkakaganyan?"
tanong niya. Mana talaga ako sa kanya, mantakin mong stuff toy yung topic namin.

"Sa tingin ko naman po ay wala kong ginagawang kasalanan. may friend na kasi siyang iba." Umiwas ako ng tingin.

"Baka naman masmabait yung bago niyang friend?"
Napatingin ako sa kanya.

"Mom naman e!?"

Lalo siyang natawa.

"Bakit na naman?"

"Masama ba ako?"

"Huh? Hindi sweetie. You're lovely
Syempre maganda. sobrang ganda dahil mana ka sakin." Sabay kindat.

"Yun lang? Wala man lang mabait. Kahit man lang sana may masabi lang." Napaupo ako.

"E anak, Diba tinuruan kita nung bata ka na bawal magsinungaling?" Sabay tawa.

Napakamot nalang ako sa ulo.

Isa pa tong si mommy, pinamumukha pa talaga na hindi ako mabait. tss.
E di ako na talaga si claudia!!

"Alam mo sweetie, pizza lang ang katapat mo. wag ka ng magmaktol diyan at papangit ka. Magiging kamukha mo yung daddy mong ewan!" Biglang nagiba ang mood niya.

"O eto na naman po tayo.. Mom wag ka ng mag beastmode diyan, papangit ka din. tsaka nandito naman ako e. hinding hindi kita iiwan."

Niyakap ko sya.

"Awww ang sweet talaga nitong anak kong to. kahit na masungit."

"Mom naman e!!"

"Joke lang sweetie."

Nagtawanan kaming dalawa.

Kahit ganito tong mommy ko. laging wala, laging busy,pero lagi naman siyang nandiyan para sakin.
Medyo may topak syempre kanino pa ba ako magmamana kundi sa kanya.

Yung daddy ko kase, ang sabi daw ni mommy sumama sa ibang babae.
Nabuntis siya nung fifteen years old palang siya, nalaman nalang nila na may iba ng pinakasalan yung ama ko. Kaya siguro ganyan nalang ang galit ni mommy. At sa kabila naman ng lahat ay sinikap niyang makapagtapos ng pagaaral.
Sa awa ng diyos. Nakayanan naman ni mommy na itaguyod ako magisa. naks! itaguyod!
Sabay pang namatay yung lolo't lola ko. kaya dadalawa nalang talaga kami ni mommy.
At nabuhay kami ng labinlimang taon ng walang ama. kaya thankful ako na nagkaroon ako ng mommy na katulad niya. :-)

---------------------------------------------------

Bubuksan ko palang yung locker ko para sana kunin yung mga books ko para sa first period namin ngayong araw na English, biglang nag ring yung bell. Sana hindi pa dumadating si Ms.Pin
Hindi ko alam kung pano nila nabubuksan to para maglagay ng mga bulaklak. at ngayon naman tatlong tulips. Kulay orange, yellow at puti. at may pink na ribbon. akala ko yun lang pero may card pa pala.

"Have a great day my angel.."

                        PS, Secret Admirer

Napakunot noo ako. Sino ba talaga to? Secret nga e!

Sinara ko yung locker saka dumiretso sa first period. but unfortunately,pagpasok ko pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. including kia at si Ms.Ally Pin.

"So mas inuna mo pa yung pakikipagligawan kesa sa subject ko Ms.Del Rosario?" Tanong ni Ms.Ally Pin. Na nakatingin sa dal kong bulaklak. Ba't ko nga ba dinala to?

"A-Maam H-hindi po. P-para sa inyo talaga to. Saka may namatay kasing malaking daga dun sa tabi ng flower shop kaya.." Diko na tinuloy at binigay ko nalang yung tulips sa kanya.

Pagtingin ko kay kiara nanggigil yung mukha niya. bakit kaya? may nakaaway kaya siya?.

"Hep! At anong ginagawa mo sa lugar nayon? So ibig sabihin ay mas inuna mo pa yung patay na daga kesa sa subject ko?" Masungit na sabi ni Ms.Ally Pin.  Nagtawanan yung mga kaklase ko.

Nubayan! Binigyan ko na nga lang ng bulaklak galit pa!

"E Maam,. Nakiramay pa po ako e."

Mas lalong lumakas ang tawanan.

"Ms.Del Rosario!!!" Saway ni Ms.Ally Pin.

"Sorry Po maam."

"You may take your seat."

Umupo nako sa upuan ko. sinulyapan ko si kia pero poker face siya. hindi man lang ako nginitian -_-

Kasalanan to ni justin e. Hinintay ko siya kasi sinabi kong sunduin niya ako. tapos bigla bigla nalang mage excuse dahil may practice daw! Hmf! Ang malas naman...

Tapos yung bestfriend kong ewan. mawawala na ba siya ng tuluyan sakin? Hindi pwede to!

"Ms.Del Rosario!!!" Nakakagulat naman tong alipin nato!  I mean Ms.Ally Pin.

"Yes Maa? Maam?" Aligagang sabi ko.
Ito namang mga kaklase ko tawa ng tawa.

"Akin na yung project mo. Ikaw nalang ang hinihintay ko para macompute ko na yung grades niyo ngayong second quarter."

iniabot ko yung project ko para tumigil na yung bibig niyang tararat!
Nakakabwisit talaga pag english. Tsaka kasalanan talaga to ni justin e.

Oh hindi. Ako pala talaga. kase kaya ko naman maglakad papunta dito sa school. Hindi naman niya ako papasanin para lang makapasok ng school diba?,o di ako talaga may kasalanan pweh!

Nambintang pa. e ako din naman may kasalanan. o e di ako na mapagbintang sa kapwa!

The Way You Look At Me (GirlXGirl)Where stories live. Discover now