Five

205 8 0
                                    

Tiffany

Sinundo ako ni justin sa bahay,
Iniwan niya muna ako saglit dahil pinapatawag daw sila ng coach nila sa Nightingale Basketball Team. Medyo nalalapit na kasi ang semifinals para sa Senior Year Sa lahat ng Schools dito sa NCR.

At di kami masyadong magkakasama ngayon. hmf! Hindi ibig sabihin hahanap hanapin ko siya sad lang kasi diko alam kung anong gagawin. para sa oplan namen. charr!

Dumeretso ako sa locker room.
Pagbukas ko ng locker ko, May nakita akong 13 Red roses at isang maliit na card sa loob ng locker ko. Ine expect kong kay justin galing yun pero nadismaya ako dahil sa

"Hello, Have a nice day baby... "
- Secret Admirer;-) 

Sino naman kaya to??
may pasecret secret secret pang nalalaman. -_-.

Tsaka pang secret admirer nga talaga yung bilang nung roses. So secret lang. Malamang!

Pumasok ako sa first period namin dala yung 13 Roses ko...

Agad akong sinalubong ni james.

"Wait wait wait.. Kanino galing yan girl?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

Umupo ako s upuan ko.

"Ewan ko.. Tignan mo nga o. secret admirer daw." Umupo siya sa tabi ko.

"Oo nga. secret.pero teka, baka naman para sakin talaga to. nagkamali lang yung secret na yan sa taong pinagbigyan." Biro niya.

"E siguro nga.. kunin mo nalang kaya.." Sabi ko.

"Ayy hindi pwede. Baka makita yan ni Fafa Renz! Magselos pa siya.." Malanding sabi niya.

"At sino naman yun.?" Tanong ko.

"Secret lang din. chos!" Sabay peace sign. Haha ang cute ng baklang to.

"Baka naman siya nagbigay nito." Biro ko.

"Renz nga diba. hindi secret yun. kaw talaga... Dun ka sa bestfriend mo magtanong. Baka naman knows niya."


Tinignan ko ang direksyon kung saan naka upo si mahal. charr! Hmmm tingin ko okay naman siya. Tulad parin nman siya ng dati.

Pinuntahan ko siya sa pwesto niya.

"Besty!" panggugulat ko.Kunwari naman gulat siya. nuba?

"Ay! OA a.." Sabi ko

Ngumiti siya.. Ewan ko, bakit ganon. ang awkward na

"ahh, Kamusta naman..." Tanong niya.

Kunwari'y napaisip ako.
nubayan lahat nalang kunwari.

"Okay naman ako. Namimiss lang kita."

Napatingin siya sakin.

"Miss na miss ko na yung moody kong bestfriend."

Miss na miss ko na yung dahilan kung ba't ako nabubuhay. Yan sana ang gusto kong sabihin. Pero wag muna ngayon... SOMEDAY.

"Miss na miss na din kita tiff." Seryosong sabi niya. Nagtitigan kami ng mga ilang segundo lang naman.

"So how's your life going?"
Tanong ko ng makabawi ako.

"Okay naman siya." Wala sa loob na sagot niya. Watdapak! anudaw? Sinong siya?

"Huh? Siya? Sinong siya?" Pero sa loob ko. gets ko yun. Like ah okay. Siya na pala ang buhay mo a.. Bigti na ba? Wag muna... May pag asa pa naman.

The Way You Look At Me (GirlXGirl)Where stories live. Discover now