Teen Clash

By itsMizuki

168K 3.1K 375

[REVISED] Walong estudyanteng nag-bangayan, at nag-babangayan dahil sa mga simpleng bagay at may anim na estu... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Enroll
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note
Chapter 16

Chapter 3

9.4K 211 17
By itsMizuki

  

MARGAUX MITCHELL’s POV

"Kyaaaaa! Mitch! Mitch! Mitch!” May narinig akong nag-sisisigaw sa bandang likuran ko. Sino pa ba, edi si Kayley. 

Ayan, nakalunok na naman sya ng megaphone.

  

"Napasobra naman yata ang sigaw mo?" Nag-tatakang tanong ko sa kanya.

Nag mumukha kasi syang baliw, ang lakas ng boses nya-- I mean, ‘yung sigaw nya habang nag-tatatalon at nakataas pa ang nag-wewave nyang kamay. 

"Ganito kasi ‘yun, alam mo b---"

  

"Kyaaaa! Kayley! Margaux!” Ano bang nang-yayari sa kanila? Bakit nasigaw na rin ang bagong dating na si Zaveara na akala mo nanalo ng Lotto?

"Teka lang ha, ano ba talagang problema niyo? Sigaw kayo ng sigaw." Tinakpan ko ang tainga ko. 

 

"Eh kasi naman…" Sabay na sabi ni Kayley at Zaveara, hindi pa man nila natutuloy ang sasabihin nila, lumingon agad ako sa likod ko dahil may kumulbit sa’kin.

"Mitch, alam mo ba..." Mahinang  bulong sa’kin ni Yvonne na parang sinasabi nya sa dalwa na tularan syang wag mag-mukhang tanga sa kakasigaw.

"Ano ba?" Asar ko silang tinignan isa-isa. "Ano bang nang yayari ngayon sa mundo?" Nag-tataka kong tanong. 

"Ikaw na ang mag sabi Kayley." Siniko ni Zaveara si Kayley at ngiting-ngiti na kulang na lang ay mapunit ang labi nya sa sobrang lawak ng ngiti nya. 

"Ahm, Yvonne, ikaw na. Hehe." Napakamot naman si Julia sa batok nya. Habang ako nakakunot lang ang noo na hinihintay silang sabihin ang dapat sabihin. 

  

"Ha? Bakit ako? Tsaka kayo ang naunang nag-sisisigaw diyan 'no, kaya dapat kayo ang mag sabi." Pang-aasar na sabi ni Yvonne sa dalwa. 

"Ganito kasi 'yun. Next next month merong prom! Yiee! Once in a pink moon lang 'to kaya sulitin na natin." Excited na sabi ni Kayley. "Kaso lang..." Tinignan ko si Kayley na parang nag-dadalwang isip sabihin yung pangalawa nyang gustong sabihin. 

"Waa! Talaga?! But wat, anong ‘kaso lang’?" Tinignan ko silang tatlo na parang binagsakan ng langit dahil nawala ang ngiti sa mga labi nila. 

"Wala tayong partner!” Pag-iinarte ni Julia. Mag-sasalita na dapat ako at sasabihing 'ok lang, ano naman kung wala tayong partner diba?' kaso naunahan ako ni Yvonne. 

"Yeah right." Tipid na sagot ni Yvonne.

"Oh ano naman? Edi tayong apat na lang mag-kakasama, hindi na kayo nasanay, eh lagi naman tayong walang partner every prom na dadating." Sabi ko sa kanilang tatlo. Totoo naman kasi. Tuwing mag sasagawa ng kaartehang prom ang school na 'to, kebongga-bongga ng mga suot namin pero wala kaming date o partner. 

"Yun na nga, Mitch. Malapit na tayong gumraduate pero sa tanang buhay natin, wala tayong nakakadate sa prom. Well, a lot of boys asking me to  be their date but you know guys, I'll chose my best of friends over them, right?" Malungkot na sabi ni Zaveara. Hindi lang naman si Zaveara ang niyaya ng mga kalalakihan dito sa school. Kami ding tatlo maraming nag-yayaya samin, yung iba pa nga sobrang effort akala mo mag-popropose ng wedding proposal para lang yayain kami. Hindi lang talaga kami pumapayag, pero anong nang-yari sa kanila ngayon at sabik na sabik silang mag-karoon ng date sa prom?

Bakit ba gusto nila ng may date? May point naman si Zaveara. Nung mga bagets pa kasi kaming apat, hindi uso samin lumandi (Kidding aside.) What I mean is hindi uso samin ang date. Of course, ngayong nag-dadalaga na kami, hindi maiiaalis sa kanila na maranasan mag-karoon ng date sa prom.

To be honest, wala pa kaming nakakadate.

"Ahm guys, you know it's okay with me kahit wala akong date or partner or what-so-ever." Sabi naman ni Yvonne. 

"Kami na lang ni Yvonne ang date. Hihi." Sabi ko at nag-peace sign sa kanilang dalwa. Nag-pout naman bigla si Kayley at Zaveara habang kami ni Yvonne ay naka-ngiti. 

  

“AYAW!” Sabay na reklamo ni Kayley at Zaveara. 

"Eh kasi naman Kayley, Zaveara, Okay lang naman na wala tayong date eh. Sasakit lang ang ulo nyo sa mga lalaki 'no!" Pag-bibigay advice ko sa kanila. Baka matauhan sila. Bwahaha. 

  

"Di bale sana kung hindi tayo graduating." Reklamo ulit ni Zaveara habang naka cross arms.  Nag-iimprove na sya sa tagalog. 

Napabuga na lang ako ng hangin sa bibig ko dahilan para umangat ‘yung mala-anime kong bangs. 

"Hay! Tara na nga, may klase pa tayo. Next next month pa naman yang prom na ‘yan kaya next time nyo na problemahin ‘yang date date na 'yan, aryt?" Sabi ko sabay hila sa kanilang tatlo.

CAMERON’s POV

  

“Dude!"

“Oh?” Sabay-sabay nag-lingunan sa’kin ang tatlong ugok.

"Wala." Nakangiti kong sagot sa kanila. 

"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong sa’kin ni Christian. Kahit kailan talaga napaka-bipolar nito. Tsk. 

"Wala lang. Ganito kasi yun mga pare..." Binulong ko sa kanilang tatlo ang plano kong tinatawag na 'Handsome Cameron Ford's Evil Plan'

"It's all about that prom again?" Tamad na tanong ni Andre. 

  

"Alam mo ikaw, Andre, iniisip ko kung paano ka napasama sa barkada. Nga pala, sa prom ah? Alam nyo na. Nahagip kasi ng mata ko yung bulletin board na may Upcoming Event daw next 2 months, I guess? Akalain nyo ‘yun? Sa dinami-dami ng nag-papapansin sa’king babae, bulletin board lang ang napansin ko!" Nakangisi kong sabi sa kanila. 

"Tsk. Si Jake lang naman ang laging may date sating apat eh." Tamad na sagot ni Christian at ininom ang coke in can nya. 

Hindi ko na lang sila pinansin dahil nag-fofocus ako sa Frisbee ko. Nandito kasi kami ngayon sa tambayan namin sa soccerfield. Nag si-alisan ang mga varsity soccer players dahil lang sa sinabi kong mag-lalaro ako ng frisbee at ayoko silang makita dito habang nag-lalaro ako. Iba talaga pag gwapo. 

"Kilala naman natin 'yang si Ford. May binabalak ‘yan kaya tuwang-tuwa.” Narinig kong bulong ni Jake Austin kay Christian.

Napangisi ako sa sinabi ni Jake. 

"Tsk. Alam mo brad, ikaw lang yata ang kaibigan ko dito dahil ikaw lang ang nakakaintindi sa’kin!" Sabi ko kay Jake at binato kay Christian ‘yung frisbee ko na nasambot naman nya. Sa pangalawang pag-kakataon, napangisi na naman ako sa mga iniisip ko. "It's better than revenge Margaux Mitchell Gomez.” Nakangisi kong bulong sa sarili ko.

  

"Si MMG lang pala problema nito eh." Sabi ni Christian at binato pabalik sa’kin ‘yung frisbee. Di talaga marunong 'to. Muntik na nyang matamaan ang gwapo kong mukha. Buti na lang gwapo ako at nasambot ko ang frisbee. 

  

"Dude! I have a new song! Composed by ANDRE PARK!" Mayabang na singit ni Andre habang hawak nya ang isang notebook at ballpen. Tinignan lang namin sya. Tsk. Compose nang compose ng kanta wala namang hinaharana.

  

"Para kanino?” Nang-aasar na tanong ko sa kanya at tumawa.

"Tss. Tara na nga sa room." Sabi ni Andre at tinanggal ang earphones nya at sinilid ang notebook sa black backpack nya. 

  

Nag-tinginan lang kami nila Christian at Jake at umiling-iling na lang kami. 

"Weird." Kibit-balikat na bulong ni Christian.

  

"Hoy Jake! Yung frisbee ko kunin mo dun! Mas mahal pa ‘yan sa buhay mo!" Sigaw ko. 

"Ako?!"

"Hindi! Baka ako? Ako si Jake ngayon. Tss. Tara na nga! Pag yan nawala dun sa field pag-mumukha mo ang gagawin kong frisbee!" Sabi ko at hinampas sya ng Jacket ko nang makalapit sya sakin. 

"Hilig mong mag jacket! Init na init! Jejemon ka ba, dude?"  

 

"Gago! May jejemon ba na nag jajacket ng mas mahal pa sa buhay mo? Tsaka... Syempre. Para mas lalong maging hot ang dating ko." Nakangisi kong sagot sa kanya. 

Nag-kibit balikat na lang sya at nag-lakad pasunod kay Christian at Andre na nauna nang mag-lakad. Sumabay ako sa kanila, syempre ako ang nasa unahan nila para mapansin ako lalo ng mga babae.

“Bakit ba lumipat tayo sa Section 2?” Naiinis na tanong ni Christian. Sya ang may pinaka-ayaw ng atensyon ng mga babae. 

“Tol, di mo ba nararamdaman? Pag nasa Section 1 tayo, parang nasa mental hospital tayo! Mga psycho girls ang laman ng room na ‘yun. Tsk.” Sagot ni Andre na ayaw rin ng atensyon ng mga babae.

“Maganda nga ‘yun. Maraming chicks dun, tol. Pero ays na rin sa Section 2 para naman makakilala ako ng bagong chicks.” Sagot ng womanizer sa barkada. Si Jake Austin.  

Expected nang madaming babaeng mag-sisisigaw kapag nag-lalakad kami.

Ako si Cameron Ford, kilalang mayabang. Pero may mabuti din akong puso 0.0001% naman. Pero 200% ang kagwapuhan ko.

CHARLENE KAYLEY’s POV

"Hays! Ano ba naman ‘yan? Bakit walang dumarating na teacher? Second day of school absent kaagad?" Reklamo ko habang nakapangalumbaba. Nabobored na kasi ako dito sa classroom.

"May 'Emergency Meeting' nga daw kasi." Sabi ni Mitch. 

Nilibot ko ang paningin ko sa classroom at napadako ang tingin ko sa apat na AMPHIBIAN dito sa school. Totoo nga, may mga nag-aaral na froglet pala tulad ng napapanood ko sa mga fairytale movies.

Sabay-sabay na nag-tayuan ang mga AMPHIBIAN. Siguro nainip na din sa kakahintay sa teacher. At syempre dahil dyan, bigyan nyo ko ng isang magarbong party dahil sa bright idea ko. Tinignan ko sila Yvonne, Zaveara, at Mitch. Mukhang na-gets naman nila ang ibig kong sabihin sa tingin ko sa kanila.

Habang papalapit sila, nag cross-arms kami at sabay-sabay tumayo. 

Ito ang posisyon namin:

Mitch.

Me.

Yvonne.

 Zaveara.        

At ang position ng apat na AMPHIBIAN: 

Cameron Ford.

Christian Henderson.

Andre Park.

Jake Austin Evans.

Unti-unti silang lumapit hanggang sa...

"AHHHHHHHH!" Sabay-sabay nilang sigaw na parang naging musika sa tenga ko. Walang malisya, syempre gustong-gusto ko yung pang-yayaring nasaktan sila. Bwahaha! Ang pang mayamang revenge version ko. 

Sabay-sabay naman kaming tumawa nila Mitch at umupo sa upuan namin. Nag-sorry pa si Zaveara kay Jake. Di na lang namin pinansin dahil mukhang natamaan ang bruhang ‘to sa Jake Austin Evans na ‘yan. 

Ang ginawa lang naman namin ay hinarang namin ang paa namin sa dinadaanan nila.

Then viola! Sabay-sabay silang nadapa. Masyado kasing taas noo kung mag-lakad kaya hindi nila napapansin ‘yung dinadaanan nila. Bwahaha!

Sabay-sabay naman nag-tinginan ang mga kaklase namin na nag-pipigil na din ng tawa. Habang kami tawa pa rin ng tawa. 

"FUNNY! HAHAHA!" Pang-aasar na sabi ni Mitch.

"What the—" Hindi na naituloy ni Cameron Ford ang sasabihin nya nang mag-salita ako. 

"Hoy AMPHIBIAN Gay! You alright?" Nag-pipigil tawa kong tanong. 

Mukha namang nag-taka sila Kath kung sino ang AMPHIBIAN Gay na tinutukoy ko, nakalimutan na ba nila ‘yung sinabi ko sa cafeteria kahapon?

"Well, I'm sure it's not me." Kampanteng sagot ni AMPHIBIAN Gay. Tumayo at pinagpag nya ang kamay at pants nya.

  

"Hay nako! Si Ms. Henderson at Amphibian Gay ay iisa." Walang gana kong sagot habang naka-cross arm pa rin. 

  

"Pre, may kapatid ka pala?" Nag-tatakang tanong ni Jake Austin Evans kay AMPHIBIAN Gay habang si Cameron Ford at Andre Park ay nakatayo na pala at ang sama ng tingin na ibinigay saamin. 

“HELL NO!” Naniningkit ang mga mata ni AMPHIBIAN Gay.

"Sino pa bang Ms. Henderson dito? Anyone?” Ibinaling ni Jake Austin ang tingin nya sa mga babaeng nanonood lang samin pero umiling lang ang mga babae. “Bro, may kaapelyido ka palang babae dito. Pinsan mo?" Nag-tatakang tanong ulit ni Jake Austin Evans at nag-hihintay ng sagot sa mga kaklase namin kung sino ba ang Ms. Gil dito sa classroom. 

Stupido pala 'tong Jake Austin na 'to. *Pang-maganda at pang-mayamang facepalm*

  

"Stop asking them. You know, hindi naman lahat ng lalaki karapat-dapat na tawaging 'MISTER' diba MS. Christian Henderson?" Nakangisi kong tanong kay AMPHIBIAN Gay.

Nag-lakihan naman ang mga mata ng mga kaklase ko, pati na rin sila Mitch. Lalong-lalo na yung apat na AMPHIBIAN. Sa bagay, malalaki naman talaga ang mata ng mga amphibian diba?

"You'll pay for this, Velazquez!” Galit na sabi nya. Pero bago pa man sya makapag-walk-out, inasar ko pa sya, “How much?” Nakangisi kong pang-aasar sa kanya. Why do I find him cute when he’s mad? Ugh, no way! Sinundan ko na lang sya ng tingin habang kasabay nyang nag-walk-out ang mga barkada nyang AMPHIBIAN.

  

Si Zaveara, isa-isa naming tinignan pero nakatulala lang. 

"Zaveara?" Sabay-sabay naming tawag kay Zaveara habang inaalog ang balikat nya.

“Yes? Ang cute nya, ‘no?” Abot taingang ngiti nyang tanong samin. 

"Sino?" Sabay naming tanong ni Mitch. 

"M-may sinabi ba ako? Wala ah, hehe. Ayun oh ang cute nung dress hehe." Sabi nya at tinuro ang dress ni Xaviera Celis na mukhang christmas tree na sinabitan ng christmas lights at christmas balls.

________

Revised: 07|23|14 4:40 AM (JPN TIME)

Votes and comments are highly appreciated. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 382 19
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...