The way I was

By xxakanexx

2M 60.2K 7.8K

What will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 ... More

The way I was
Prologue: Green eyes
1. Where is home?
2. Hazel Eyes
3. Dante, masakit
4. Again
5. Soul
6. Chaos
7. Crossroads
8. News
9. Nostalgia
10. Mahal
12. Explosives
13. Billboard
14. Game Change
15. War
16. Paninindigan
17. Usap-usapan
Epilogue: Spiel

11. Bad news

71.2K 2.5K 98
By xxakanexx

"Saan tayo pupunta, Hyron?"

Ngumiti siya sa akin na para bang ito na ang katapusan ng lahat. Magkasama na kami ngayon. Wala naman na akong dahilan para tumanggi. Tama siya, sa kabila nang lahat ng ito y siya pa rin naman ang mahal ko at mahal niya pa rin ako. Hindi ko na kailangan pahirapan ang sarili ko pati na rin siya. Gusto ko na lang din namang sumaya.

Mas nanaiig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya kong kalimutan ang sakit na naramdaman ko. Mahaba pa ang buhay pwede ko pang kilalanin si Hyron Demitri. Hindi mahalaga kung anong kulay ng mga mata niya, basta siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Tumingin siya sa akin.

"Ilalayo kita, pero pansamantala lang. Pagbalik natin ihaharap kita sa mga magulang ko."

Masaya ako sa aking narinig pero napalitan ng pag-aalala iyon. Binitiwan ko ang kamay niya.

"Hindi ako pwedeng lumayo, Hyron."

"At bakit?" Inihinto niya ang sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Nasa siyudad pa naman kami pero palabas na ang tungo namin. "Ang akala ko ba sasama ka na sa akin? Ang akala ko ba ako na ang pinili mo? You said if I love you, I should be the only choice I have to make and I'm choosing you, Hati. What the hell is the problem?"

Tiningnan ko siya nang mata sa mata.

"Naaksidente ang Tatay ko. Nasa ospital siya at kailangan niya ako ngayon." Mariin ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon. Nabago ang hitsura ni Hyron. Para bang may bigla siyang naisip. Naikuyom niya ang kanyang mga palad.

"Nasaan siya?"

"Sa St. Michael General Hospital."

Pagkasabi ko niyon ay ibinalik ni Hyron ang kotse kung saan, hindi naman nagtagal ay narating namin ang ospital. Magkahawak kamay kaming tumungo sa ICU kung saan naroon si Lila na nagbabantay kay Tatay. Nang makita niya kami ay napatayo siya at napangiti kahit na punong-puno nang pagtataka ang kanyang mga mata.

"Ate?"

Ngumiti ako.

"Lila, siya si---"

"Kuya Dante, buti at nadalaw mo si Tatay." Ngumiti lang si Hyron.

"Nasaan ang doctor? Anong nangyari sa kanya?" Binalingan niya ako. Kinakabahan man ay ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Kung paanong naaksidente si Tatay, kung paano naitawag sa akin ng mga pulis ang nangyari at kung ano ang sinabi sa kanya ng mga doctor. Mataman naman siyang nakinig sa akin. Sa lahat nang pagkakataong iyon ay hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Hindi niya ipinadarama sa akin na nag-iisa ako.

"Ililipat natin ng ospital ngayon ang tatay ninyo. I'll just make some calls. I promise you, Lualhati, from here now, things will be so much better." Hinagkan niya ang noo ko at saka umalis. Sinundan ko lang naman siya ng tingin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Somehow, the hole in my heart felt like it was filled. Nalulungkot pa rin ako pero naniniwala na ako sa ngayon na mas magiging maayos na ang lahat.

Ilang oras lang kaming naghintay doon. Bumalik si Hyron na may kasama nang mga nurses at dalawang doctor. Nakipag-usap sila sa mga doctor ni Tatay. May mga inayos na papel lamang ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay inilabas na si Tatay sa ICU. Pinirmahan ko ang waiver na nagsasabi na kung anuman ang mangyari ay hindi sagot ng ospital na iyon.

Hyron reassured me that everything will be okay and just like always, I trust him. Ibibigay ko sa kanya ang buong buhay ko, masasaktan ako ngunit alam kong hindi niya ako pababayaan.

Dinala si Tatay sa Varess Medical City. Muli siyang inilagay sa ICU. He made sure that Tatay will be taken cared of well. Nang maayos na si Tatay sa ICU ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.

"Saan nag-stay si Lila?" Tanong niya nang nakaupo na kami sa waiting room.

"Sa b-bahay ni Eos..."

"Tell her to stay away from that man." Mariing sabi niya. He looked at the ring on my finger. "Ito ba ang rason kung bakit biglaan kang pumayaf sa pagpapakasal kay Eos Demitri? Lualhati, hindi moa lam kung gaano siya kasama."

"Hindi ba't magkamag-anak kayo? Bakit mo siya sinisiraan?" Nagtataka man ako. Ganito ba ang mayayaman? Hindi ba talaga sila nakukuntento sa kung anong meron sila?

"I never treat him as my blood. Eos is chaos and he's bound to wreck my life and my sister's. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para hindi niya masaktan si Hyan at ang pamilya ko. Hindi ko lang talaga kayang makita na nasa kanya ka dahil kahit na noong umalis ako ng isla, nakatatak na sa utak ko na akin ka at walang pwedeng ibang magmay-ari sa'yo."

Kinilabutan ako sa mga sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis ang singsing ni Eos.

"Walang ibang pwedeng suotin ang daliring ito kundi ang singsing na galing sa akin."

Napangiti ako.

"Uuwi ka na sa akin..."

"Ayoko."

"Bakit? Nagpapakipot ka pa ba? May nangyari na sa atin!" Nilakasan niya ang boses niya.

"Hindi. Sinabi ko naman na sa'yo na mahal kita, Hyron. Hindi na kita tatanggihan o itatanggi sa kahit na kanino pero hayaan mo naman ako na maging karapat-dapat para sa'yo."

"Ikaw ang para sa akin."

"Sa'yo, oo, pero sa pamilya mo hindi. I saw the way your sister and your cousin looked at me that day when Hunter took me to your house. Kakaiba kasi ako. Mahirap ako at alam kong iniisip nila na hindi ako bagay sa'yo. At siguro kapag nalaman nila na sa isla mo ako nakilala, iisipin nila na ako ang dahilan kaya hindi ka bumalik kaagad."

"Kailangan nilang malaman na ikaw ang dahilan ng pagbalik ko."

Umiling ako. Sa tingin ko ay hindi dapat na maging ganoon ang katwiran niya. Hindi siya dapat bumalik para sa akin. Hiniling ko lang naman iyon noon sa kanya dahil gusto kong itama niya ang mga mali niya.

"Mali ka diyan, Pangga. Dapat bumalik ka hindi para sa akin, kundi para sa pamilya mo. Hindi naman ako kasali sa nakaraan mo. Isa pa, utang mo iyon sa kanila. Sa nanay mo, sa tatay mo at doon sa kakambal mo na sumalo ng responsibilidad mo."

Hindi siya kumibo. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Humilig ako sa kanya, hilig sa balikat na nauwi sa yakap. Noon ko lang naisip kung gaano ako nangulila sa kanya. Pakiramdam ko ay kulang ang oras na ito para makasama lang siya. Mamayang umaga, babalik na siya sa kanila, mami-miss ko siya but I'm also looking forward to his comeback.

Alas sais nang umaga nang magpaalam si Hyron na uuwi na muna. Hinagkan niya ako sa noo at saka nagpaalam kay Lila. Nang kaming dalawa na lang ay saka ako hinarap ng kapatid ko.

"Akala ko ba ayaw mo na?" Tudyo niya. "Galit ka sa kanya dahil tinaggalan niya ng trabaho si Tatay diba?"

"Mahal ko pa rin siya, Lila. Kahit na anong apelyido o pangalang gamitin niya, mamahalin ko si Dante, kahit na Hyron o kung sinuman ang maging pangalan niya."

"Pero paano si Eos?" Tanong niya. "Diba kahapon lang ay magpapakasal na kayo?"

"Hindi na. Mali na nanghingi ako ng tulong sa kanya. Siguro naman ay maiintindihan niya ang sagot ko ngayon."

Huminga ako nang malalim. Napansin kong natigilan ang kapatid ko at nakatingin siya sa gilid ko. I looked back and saw Eos Demitri looking so dignified in his suit. Kasama pa rin niya ang mga body guards niya.

"Good morning, Serena." He smiled. Kinakabahan naman ako. Sasabihin ko na sa kanya ngayon ang totoo. Ibabalik ko ang singsing. Wala naman nang dahilan para talikuran ko si Hyron. Pwede ko naman siguro siyang samahan sa pag-aayos sa buhay niya at sa pamilya niya.

"I was a bit surprised when I went to the hospital and found your father gone. Hindi mo ako sinabihan na aalis ka na pala doon." Kalmado pa rin siya. Habang nakatingin ako kay Eos ay naalala ko ang karagatan sa Isla Verde kapag may bagyo. Tahimik pero malalim ang tubig at kapag lumakas ang daluyong, sasabog ang alon nang sunod-sunod.

"Eos..." I swallowed again.

"Yes, Serena?"

"Hindi ako magpapakasal sa'yo." Ibinalik ko ang singsing. Hindi naman nagbago ang expression ng mukha niya. May ngiti pa rin sa labi nkya habang titig na titig siya sa akin.

"Why the sudden change of plans?" He asked me. "Is it because of my nephew, Hyron? Have you talked to him? Did you get back together with him?" He kept on asking me. Hindi ko alam kung bakit ang lakas – lakas nang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman. Wala akong dapat ikakaba dahil wala kaming relasyon. Napaigtad pa ako nang bigla niyang hawakan ang balikat ko.

"It's okay, Serena." There's the smile in his face again. Iyong ngiting mabait pero kinakabahan ako. "I understand. I guess, I just have to try harder next time."

Nagkatitigan kaming dalawa. Pakiramdam ko ay may sasabihin siya sa akin pero ngumiti lang muli siya.

"Aalis na kami, Serena. Would you mind walking with me? Para sa friendship natin."

Ang buong akala ko ay magagalit siya sa akin at magwawala siya but he's very calm and he took it well. Inihatid ko siya sa labas nang ospital. Nagpaalam siya sa akin at sinabi niya na maaari pa rin akong bumalik sa trabaho sa kanya pagkatapos ng lahat nang ito.

I'm glad that he's alright.

Bumalik ako sa ICU para bantayan muli si Tatay pero malayo pa lang ako ay para bang nagkakagulo na roon. Kinabahan ako kaya mabilis akong tumakbo papunta doon. Natagpuan ko si Lila na iyak nang iyak habang nakatingin sa salamin ng ICU. Hinawakan ko siya sa balikat. Tumingin siya sa akin.

"Ate, wala na... wala na ang tatay!" Humagulgol siya at yumakap sa akin. I looked at my father who was still inside the ICU. Inaalis na sa katawan niya ang mga aparato.

"A-anong nangyari?" Naluluhang tanong ko. Nanginginig naman ang balikat ni Lila.

Wala na ang Tatay...

Kung kailan maayos na sana ang lahat ay saka pa siya mawawala...

___________________

"Hindi ka umuwi kagabi."

Hinagkan ko si Mama matapos niya akong salubungin nang umagang iyon. Kabababa ko lang galing sa kwarto ko at papasok na ako sa trabaho. Masaya ako ngayon at napansin nga ni Mama iyon dahil sa ngiti ko sa kanya.

"Anong nangyari, anak? You seemed happy – really happy."

Bago pa man ako makasagot ay napasimangot na si Mama dahil nakita niyang kasama na naman ni Dad si Eos. Galing sila sa private office ni Daddy at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Eos was holding a brown envelope habang si Dad naman ay pailing-iling.

"Helios..." Tinawag ni Mama si Dad. He looked at her tapos ay sa akin. Sinenyasan niya kami ni Mama na pumasok sa office niya. Sumunod naman ako. Sa amin lahat ay si Eos lang ang mukhang masaya.

Nang nasa loob na kami ay kinuha ni Daddy ang envelope mula ay Eos at inilatag ang laman niyon sa mesa niya. Kinuha ni Mama ang papel at binasa. She gasped hard. Napahawak siya kay Daddy.

"Was this the reason why I like him a lot? I just thought that he's a good man." Daddy said. I was shaking my head. This couldn't be true! Hindi ko kamag-anak si Abel. I have known him for a long time – and that's a secret I would want to keep. Ayokong isipin ni Hyan na kaya narito si Abel ay dahil lang sa akin.

"This isn't true. Helios he got Hyan pregnant." Mama hissed.

"No, Yza, Juan Sanque was the father of that baby or have you forgotten about that?"

"This is a hundred percent true, Yza." Sabi ni Eos. Dahan-dahan ko namag kinuha ang papel mula sa Mama ko at binasa iyon. Napakuyom ang palad ko. Sa papel ay nakasaan na si Abelardo Sto. Rosario at si Eaton Demitri – ang isa pang half-brother ni Daddy ay iisa lamang. 99.9 percent – Abel's DNA matched Eos'.

"This is a good news. Nakita na natin ang isa pa nating kapatid. But then I realized, wow! This family really loves incest!" He spat. Nagulat ako nang sampalin siya ni Mama.

"I will make sure you die, Eos Demitri!" My mother spat.

Pinanood ko silang tatlo habang nagdidikusyon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Hindi pwedeng kadugo ko si Abel. Noong una ko siyang nakita ay wala akong naramdamang kahit na anong lukso ng dugo tapos biglang ngayon ay kamag-anak namin siya? It can't be. Something is missing in the puzzle.

I suddenly noticed Dad's door was a bit open. May nakita akong anino. Lumabas ako at nakita kong tumatakbo si Hyan palabas ng front door ng bahay. Hindi na ako nagdalawang – isip at sinundan kaagad siya. Marahil ay narinig na niya ang usapan ng mga magulang namin. Alam na niya ang totoo – o kung anu't – anuman ay pekeng katotohanan. Hindi ako makukumbinsi nang ganito basta-basta.

Hyan rode a taxi. Sumunod ako gamit ang kotse ko. Huminto ang taxi sa tapat ng isang simbahan. Lumabas si Hyan sa taxi. Umagang-umaga ay umiiyak ang kapatid ko.

Sumunod ako. Siya lang ang tao sa simbahan. Dinig na dinig ko ang paghagulgol niya. She questioned God. Habang papalapit ako ay naalala ko ang sarili ko noong mga panahon na hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. I was so lost. I didn't know what do to or think.

"Hyan..."" She looked back on me. She didn't know that I followed her. Alam kong kailangan niya ako ngayon.

"Umalis ka, gusto kong mapag-isa."

Hindi ko ginawa. Tumabi ako sa kanya tapos ay hinayaan kong yakapin niya ako at umiyak siya sa balikat ko.

"I can't leave you. I can feel your sadness here." Itinuro ko ang puso ko. "You shouldn't really question Him. Everything happens for a reason."

"And the reason is for me not to be able to feel happiness."

Nagsumiksik siya sa balikat ko at umiyak nang umiyak. She told me how much she loathe herself for something happened between her and Abelardo. Hindi na ako kumikibo. Hindi ko gustong nakikitang ganito ang kapatid ko. Kailangan makagawa ako ng paraan para sumaya siya. Pambayad utang sa mga bagay na isinakripisyo niya para sa akin.

Inabot na kami nang maghapon sa simbahan. Lumubog ang araw kaya inaya ko na siyang umuwi pero hindi sa bahay namin kundi sa pent house ko. Pinagpahinga ko si Hyan sa silid ko.

Nalaman niya na matagal na kaming magkakilala ni Abel at hindi ko naman na itinanggi iyon sa kanya. Wala akong gagawin kundi ang magpakatotoo na lang sa kanya. Hindi na ako magsisinungaling because I learned that nothing good ever comes out of lying.

Nang makita kong tulog na si Hyan ay saka ko naman pinuntahan si Abel. Gusto ko sanang puntahan si Lualhati para kamustahin ang lagay niya ngunit kailangan ko munang unahin ang kapatid ko. Alam ko naman na ganito rin ang ssasabihin niya sa akin kung malalaman niya ang nangyayari sa ngayon.

Sinundo ko si Abel matapos ang usapan namin. He's willing to see my sister. I know my parents might hate me for this pero hinding-hindi ko hahayaang malunod na naman sa kalungkutan si Hyan Demitri. She deserves all the happiness in the world. After all that she's been through, she needs happiness.

Nang makabalik kami sa pent house ay siniguro kong malinaw ang lahat bago ko sila tulungang makaalis.

"My soul will burn in hell after this..."

"It's already burning. It won't make any difference at all." Komento pa ni Hyan. Tinawagan ko na ang lahat nang pwedeng tawagan at hindi naman nagtagal ay dumating ang chopper ko. Hyan run to me o to hug me. Hindi ko alam kung anong kalalabasan nito, but as long as Hyan was happy, wala akong reklamo.

Pinanood ko ang chopper habang paalis ito at nang hindi ko na sila makita ay saka ko isinara ang pinto. Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Lualhati. Tatlong tawag muna bago ko siya nakausap.


"Pangga..." Tawag ko. Nakangiti ako.

"Wala na si Tatay, Hyron..." Mahinang wika niya.

Naikuyom ko ang palad ko.

"I'll be right where you are." 

Continue Reading

You'll Also Like

Secrets Volume 2 By Cher

General Fiction

3.2M 115K 59
More secrets, deeper, darker...
To Her With Love By Cher

General Fiction

571K 21.6K 20
Sa unang pagkakataon sa buhay ni King Solomon Sandoval ay may ginusto siyang hindi niya kahit kailan pakakawalan. He's in love with Atty. Telulah Con...
73.1K 174 1
Kahit kailan hindi ko ginusto maging center of attraction. Mas gusto ko 'yung invisible lang ako sa lahat ng tao. Lalo na sa school. Pero dahil sa ta...
4.3M 136K 32
Simoun Paul Azul is lost. Buong buhay niya ay may hinahanap siyang isang parte ng buhay niya na bubuo sa kanyang pagkatao. And he knew that thing is...