Enchanted Series 2: Ang Supli...

theavoidantt által

269K 12.5K 1.6K

Highest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano... Több

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Hi, Errol.
Errol and Friends
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Cassandra Power Piece
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Yay, 10k Reads!
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Nawindang ba kayo?
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Ano ba ang supercell?
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Binuksan ko na ang pangatlong libro
Chapter 79
Maraming Salamat!
We just reached 100k reads!

Chapter 38 - The Ice Queen vs The Dark Sorceress

3.1K 137 22
theavoidantt által


Nang makabalik sa opisina sa Makati ay malungkot na nanatili si Cindy sa kanyang opisina hanggang sumapit ang dapit-hapon. Tumungo siya sa restroom upang umihi at magpaganda. Tiningnan ni Cindy ang sariling repleksiyon. Humaba na ang buhok niya na kanyang sinuklay. Naglagay siya ng mascara sa kanyang mga talukap. Naglagay din siya ng kaunting eye shadow. Nilagyan din niya ng kaunting kulay ang kanyang mga pisngi. Nilapatan niya ng pink lipstick ang mga labi. Ngumiti siya sa nakitang repleksiyon. Kahit sa mga nangyayaring hindi maganda, ay kailangan pa ring magpaganda. Inayos niya ang kanyang suot.

"Someone's going out on a date tonight."

Nilingon ni Cindy ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. "Miss Sandy, I didn't see you come in."

"Of course," sarkastikong saad ng babaeng nakaitim na long sleeves at slacks. Humarap din ito sa salamin.

"Is there any problem, Miss?" tanong ni Cindy.

"Is there?" Ngumiti si Sandy.

Nabwisit na si Cindy sa pagiging sarkastiko ng boss. "I heard masama na ang lagay ng kompanya."

"So you heard. From who?"

"Our accountants."

"Oh, I remember you're friends with everyone."

"Miss, are you all right?"

"Am I?" Matalim ang mga sulyap ni Sandy kay Cindy.

"Don't get me wrong. I'm just concerned. What I'm saying is if you need anything, you can always ask us."

"Sure."

Hindi nagpatinag si Cindy sa matalim na titig ng boss. "Anyway, Miss, I have to go." Ngunit naramdaman niyang hinawakan ni Sandy ang kanyang bisig. Nang lingunin niya ito, andoon pa ang matalim nitong titig.

"Go where, Ms. Gatchalian? Nag-uusap pa tayo."

"Miss, it's 30 minutes past my work schedule."

"I know. Pero gusto kitang makausap. Are you in a hurry?"

"May naghihintay kasi sa akin, Miss. Importante ba ang sasabihin ninyo?"

"I'm afraid, yes," Ngumiti si Sandy.

"Maybe we should go to your office then?" Nagtataka si Cindy sa inaakto ng boss. May nararamdaman siyang hindi maganda sa patutunguhan ng kanilang pag-uusap.

"No. This place looks fine for our little chitchat, don't you think?"

"I don't get it." Kinabahan si Cindy.

"You don't? Let me try." Ngumisi si Sandy. "How's dad?"

Nagulat siya, nagtataka kung paano nalaman ng kaharap ang tungkol sa pagkikita nila ni Don Mariano nang lihim. Ibig sabihin nagmamanman ang babaeng kaharap sa kanila. Nagdadalawang-isip siya kung magkakaila o aamin. Pakikiramdaman niya muna ang kaharap. "What do you mean?" Sumimangot siya. "Of course, I don't know."

"You don't know? I'll ask you again." Humarap si Sandy kay Cindy at matalim itong tiningnan. "How is dad?"

"I don't know what you're talking about." Tinaasan ni Cindy ang boses. "This is ridiculous! Aalis na ako, Miss."

Hinawakan ulit ni Sandy ang dalaga. "I said you're not going anywhere." Pinandilatan siya nito.

"Bitiwan mo ako, Miss Sandy! You have no right to keep me here!"

"Sure!" Binitiwan ni Sandy ang kamay ni Cindy at inangat ang kanyang mga bisig at ngumisi. "Why so jumpy?"

"I don't know what you're doing," saad ni Cindy na matalim na ring tiningnan ang boss.

"But I know what you're doing." Ngumisi si Sandy. Tiniklop nito ang mga bisig.

"No, you don't. Stop this ridiculous talk, Miss!" Pinandilatan na ni Cindy ang boss.

"Ilang buwan na kitang pinapamanmanan, and I know you and dad have been meeting each other in secret. Ano'ng tingin ninyo sa akin, tanga?"

Malakas ang kabog sa dibdib ni Cindy, ngunit nagpakatatag ito. "Oh, so you've been spying on me then. So ano'ng nasagap mo?"

"I don't know." Ngumisi si Sandy at lumapit sa kausap at nagsalita sa mahina ngunit pino nitong boses. "How about you tell me kung ano ang pinag-uusapan ninyo ni dad?"

"Why would I tell you?" Hindi kumukurap na nilabanan ni Cindy ang titig ng boss.

"Because you don't know what I'm capable of."

"And you don't know what I'm capable of." Kinuyum ng dalaga ang mga kamao. "Tama nga ang hinala ko. Ikaw ang nagpakidnap sa akin noong nakaraang buwan."

Tumawa si Sandy. "May pruweba ka ba? Don't be silly. But how did you manage to escape?"

Nanginginig sa ngitngit si Cindy. Dahil sa panginginig ay hindi niya alam ang sasabihin. Matalim niya lang na tiningnan ang babaeng nakangisi sa kanya, isang malademonyong ngisi.

Naglakad si Sandy patungo sa likod ng dalaga. "Calm down, my dear. Breathe deeply." Hinawakan ni Sandy ang balikat niya at minasahe ito. "Just relax."

"Get your hands off me, you crazy bitch!" Tinanggal ni Cindy ang mga kamay ng boss na nakapatong sa mga balikat niya at humarap dito.

"Ano'ng plano ninyo ni dad?" bulong nito sa nagngangalit na empleyada.

"Bakit ko sasabihin sa'yo?" Pinilit ni Cindy na ngumiti kahit nanginginig ang mga labi. "I thought you were spying on me. Dapat alam mo na."

"Wag mo akong galitin, Miss Gatchalian. Baka magsisi ka." Pinandilatan ni Sandy ang empleyada at hinawakan ito sa panga, ngunit agad niyang binitiwan ito. "Ang lamig mo." Tumawa ito. "Nanlalamig ka ba sa takot?" Ngumising muli si Sandy.

"You have no idea." Umiling si Cindy at ngumiti. "You think I'm scared of a sick bitch like you?"

"Ang lakas na ng loob mong magsalita ng ganyan." Umikot si Sandy palibot kay Cindy. "Is that what meetings with my dad did to you? Naging arogante at bastos ka na yata."

"Why? Scared that someone's finally standing up to you?"

"I'm still your boss!" Tumigil si Sandy sa harapan ng empleyada.

"Not anymore! I'm resigning."

"Great! Hindi ko kailangan ang ingratang aktribidang kagaya mo dito," pinong saad ng nanunuyang boss.

"And we don't need your incompetence." Ngumisi si Cindy.

"How dare you!" Pinandilatan ni Sandy ito.

"Why, Sandy, or should I say Cassandra? Bakit nga pala ayaw mong gamitin namin ang totoo mong pangalan? Are you hiding secrets from us?"

"You do not talk to me that way! Kaya kitang ipatapon sa labas ng building na ito."

"Gaya ng pagpapadukot mo sa akin? You think I wouldn't find out?"

"You're a smart girl, but not smart enough." Ngumisi si Sandy o Cassandra. "Ako nga ang nagpadukot sa'yo. Why? Pakialamera ka kasi." Nakaturo ang daliri niya sa empleyadang nagpupuyos habang nakikinig. "You should have stayed in your boring office. Pero nagbibida-bidahan ka dito. For what? Para magpasikat? To earn my step dad's approval."

Malalim ang mga hiningang binitiwan ni Cindy na nagkukuyom at nanginginig. "You don't deserve to hold this company. Your dad was right! He made a mistake putting you here."

"Yes, he made a terrible mistake! Pinagsabihan ko na ang matandang yon, pero pinilit niya ako. What was I supposed to do here? I never gave a shit about what happened to this business of his."

"That's why you've been stealing from the company."

"How dare you!" Akmang sasampalin ni Cassandra si Cindy nang hawakan niya ito sa pulso. "What the..." Agad inalis ni Cassandra ang kamay at hinawakan ang bahaging nahawakan ni Cindy. Namumula ito. "What are you?" Pinandilatan ni Cassandra ang babae.

"What am I? I told you, you don't know what I'm capable of." Nakita niya ang pag-atras ng boss habang humakbang siya papalapit dito. "So stay away from me. Hindi mo ba itatanong how I escaped from those bastards you hired to kidnap me? Too bad, I'm not staying long enough in this building to tell you the story." Nilampasan ni Cindy ang dating boss, ngunit naramdaman niyang hinila nito ang buhok niya.

"I don't know what kind of a witch you are, but if you think you can scare me, think again!" Sinabunutan ni Cassandra si Cindy at tinulak ang ulo nito sa sahig. Nawalan ng balanse ang huli at napailalim ito sa dating boss. "Ang lakas ng loob mo! Yes, you're not staying long enough in this building. You're not going anywhere either." Malademonyo na ang itsura ng mukha ni Cassandrang nakadilat lang sa babaeng nasa ilalim. Natigilan lang siya nang biglang sabay-sabay na nagflush ang mga toilet bowls sa loob ng mga cubicles. Bigla ring umagos ang mga gripo sa lababo. Napaangat ng tingin si Cassandra sa mga ito at ginala niya ang tingin sa buong palikuran.

Nagpumiglas si Cindy. "Get away from me!" Sinipa ni Cindy si Cassandra na tinamaan sa sikmura at natumba. "You think you can hurt me?" Ngumisi si Cindy habang tumatayo. Kinuyom niya ang mga kamay at matalim na tiningnan ang babaeng nakahandusay sa sahig na nagpalingon-lingon sa mga maiingay na toilet bowls at mga umaapaw na lababo.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ni Cassandra na halatang taranta habang minamasdan ang tubig mula sa lababo na binabaha ang sahig. "Who's doing this?" Umangat ang tingin niya kay Cindy na nakangiti. Dahan-dahang tumayo si Cassandra na basa na ang ilang bahagi ng suot. "Kung ganon, ikaw ang... Finally!" Ngumisi si Cassandra at sinugod ang babae.

Ngunit sandaling umatras si Cindy at mabilis na ginalaw ang kanyang mga kamay na animo'y giniya ang ilang pulgadang lalim ng tubig sa sahig papunta kay Cassandra. Gumalaw ang tubig sa sahig na animo'y alon at tila tinulak nito si Cassandra patungo sa dingding. Dumaloy ang tubig na mabilis na bumalot sa buong katawan ng babae maliban sa kanyang mukha. Nakadikit na ang katawan nitong nakatihaya sa dingding na iyon. "I told you hindi mo alam ang kaya kong gawin." Narinig ni Cindy ang mga katok sa pinto ngunit mabilis niya itong nilingon. Agad na gumapang ang tubig mula sa sahig at binalot ang buong pinto. Mabilis na naging yelo ang tubig na bumalot dito. Narinig niyang tumawa si Cassandra.

"Bravo! Sa wakas..." saad ni Cassandra. Walang bakas ng takot sa kanyang mukha.

"Ano'ng sa wakas?" Nagngingit-ngit si Cindy.

"Who would've thought na ang isa sa mga hinahanap ko ay nasa tabi ko lang pala all this time?" saad ng babaeng binalot ang katawan ng tubig at tila naging isang nakapaskil na dekorasyong tao sa pader.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ikaw pala ang may hawak ng hiyas ng tubig."

Natigilan si Cindy. "Paanong..."

"Matagal ko na kayong hinahanap. But finally, you're here."

"Stop bluffing! Hindi mo alam kung gaano kita gustong patayin ngayon. The guys you sent to abduct me nearly gang-raped me." Lumapit si Cindy sa babaeng nakadikit sa pader. Inangat niya ang kamay na umuusok sa lamig. Ang tensiyon sa kanyang mga panga at ang paglaki ng butas ng kanyang ilong ay nagpahiwatig na labis ang ngitngit na kanyang nadarama. "I can freeze you to death right here." Dinikit niya ang hintuturo sa tubig na nakabalot kay Cassandra. Tumigas at nagyelo ang tubig sa paligid ng kanyang hintuturo na dahan-dahan niyang hinugot. Ngumingiti siyang umatras upang tingnan ang paglawak ng yelong unti-unting bumalot sa katawan ng bruha.

"Cindy, wag... Wag. Ang lamig! Stop." Nagmamakaawa ang ekspresyon sa mukha ni Cassandra.

"Malamig?" Binuka ng dalaga ang mga kamay upang humila ng tubig mula sa sahig. Kinumpol niya ang mga ito sa pagitan ng kanyang mga kamay. "Someone told me I can do anything with water." Hinati niya sa ilang piraso ang kanina'y isang malaking globo ng tubig, at nilaro ang mga ito sa ere hanggang sa bumuo siya ng matutulis na bagay na agad nagyelo sa ere at pumormang mga yelong sibat. Giniya niya ang mga ito patungo sa mukha ng gulat na si Cassandra. "Gusto mong patayin kita dito ngayon?"

"Cindy, don't do this. Pag-usapan natin ito."

"Pag-usapan?" Sa labis na galit ay napasigaw siya. Mabilis na tinumbok ng mga tila yelong sibat ang paligid ng ulo ni Cassandra. Nabasag ang ang mga ito, pagkabasag na sandaling nagpapikit sa bruhang nakadikit sa dingding.

Bigla itong ngumisi. "Of course, you're too kind to kill me. Oh, Cindy, my dear, the likes of you don't kill people." Humalakhak ito. "Are you seriously going to keep me here? How will you explain this sa mga tao sa labas? Paano ka lalabas dito?"

Doon lamang napagtanto ng dalaga ang itsura ng loob ng palikuran. Dinig din niya ang ingay ng mga tao sa labas. Nakaramdam ng pagkataranta si Cindy lalo pa't naalala niya ang sinabi ng matanda. Hindi siya maaaring magpatalo sa bugso ng emosyon.

"Cindy, please ang lamig lamig na..."

Kita ni Cindy na nanginginig na ang kulay lila na mukha ng dating boss. Ngunit nalilito siya kung ano'ng gagawin. Gusto niyang maghiganti. Gusto niyang pahirapan ang babaeng dahilan ng muntik niya ng pagkagahasa.

"Cindy!"

"Shut up!" Tuliro si Cindy. Pa'no nga ba ito? May mga tao na sa labas. Tiyak magtataka sila kapag lumabas siyang basa at makita nilang nasa pader si Cassandra na nababalutan ng yelo. Bigla niyang narinig ang halakhak nito.

"Ang hirap mong pakiusapan!" bulyaw ng bruha.

Nagulat si Cindy nang biglang maglaho si Cassandra. Nabasag ang yelong nasa pader at nahulog ang mga tipak ng yelo sa bumabahang sahig. Inikot niya ang tingin.

"You're not the only strange bitch in town!" umalingawngaw ng matining na tinig ng bruha.

Lumingon si Cindy sa kinaroroonan ng boses ngunit bigla siyang hinampas ni Cassandra ng plorera sa sentido, paghampas na ikinatumba niya. Napahawak siya sa sentidong dumudugo. Tumigil ang pagdaloy ng tubig mula sa mga gripo. Nawala ulit si Cassandra, kakatwang paglaho na nagpakaba at nagpabahala sa kanya.

Unti-unting nagdilim ang paligid hanggang sa wala na siyang maaninag maliban sa kanyang sarili. Tila ay nasa kawalan siya at tanging isang spotlight mula sa itaas lang ang liwanag niya. Sinakluban siya ng takot. "Ano'ng halimaw ka, Cassandra?"

"Isang halimaw na hindi mo dapat kinanti!" Umalingawngaw muli ang boses ng bruha. Bigla itong bumulaga sa harap ng dalagang ang mga kamay at paa ay nakalubog sa tubig. Bigla niya itong sinampal. "Sa tingin mo kaya mo na ako gamit ang iyong water and ice tricks?" Hinila niya ang dalaga sa buhok.

Nagpumiglas si Cindy. "Bitiwan mo akong bruha ka! Nasaan tayo?"

"Oh, don't worry, dear. Nandito pa tayo sa restroom."

"Ano'ng ginawa mo?"

"This is what I do. Kaya kong kontrolin ang liwanag at dilim, pero specialty ko ang huli. Simple lang naman. Did you study physics? I just bent the light in this room so that some of it doesn't reach your eyes. Voila! Parang nasa yungib ka na. Awesome, di ba? Pero higit pa diyan ang kaya ko." Tumawa si Cassandra habang inangat nito ang kamay na pinaikutan ng itim na enerhiya. "You should have been more careful. I've learned this craft since I was a kid. Ikaw, kelan mo lang natutunang kontrolin ang tubig? You don't stand a chance against me, my dear."

"Kung ganon..." Naalala ni Cindy ang nangyaring biglang pagkamatay ng ilaw sa kanilang opisina sampung buwan na ang nakakalipas.

"Kung ganon ay ano, Cindy?"

"What about the..." Nakakunot ang noo ni Cindy nang maalala ang malawakang blackout ng parehong araw na iyon. "The citywide outage. Ikaw ang may gawa non?" Naghalo ang pagtataka at galit sa mukha ni Cindy.

Tumawa si Cassandra. "Congratulations. You're right. But I needed a bit more dark magic. Hindi ko inasahan ang iilang epekto nito. I heard your phones stopped functioning that night."

"You killed and injured hundreds of people that night!"

"Sorry about that."

"Kung ilaw at dilim lang ang kaya mong kontrolin bakit pati mga gadgets ay hindi gumana?"

"Honestly, my dear, hindi ko alam. Sorcery has its ... strange ways. But there's one thing else I need you to know." Biglang naglaho si Cassandra.

"Stop pulling off your tricks." Ginala ni Cindy ang tingin sa maitim na paligid. Nag-aabang ng biglang pagsunggab ng masamang salamangkera. Bigla nga itong bumulaga sa harap niya, mga ilang pulgada ang layo ng mukha sa kanya na ikinabigla niya.

"So now naiintindihan mo na kung bakit bigla akong nawala sa opisina ko noon at biglang nawala ang mga ilaw dito sa 10th floor." Biglang nawala si Cassandra ngunit lumitaw din sa gilid si Cindy. "Oo, Cindy." Nawala ulit ito at lumitaw ulit sa kabilang gilid ni Cindy. "Maliban sa pagkontrol ng dilim, kaya ko ring magpalipat lipat ng lokasyon sa isang iglap. Cool, right? Thanks to my" -- ginalaw ni Cassandra ang mga hintuturo na tila may nilalaro o kinakamot sa ere -- "witchy ancestry." Ngumisi ulit ito.

"Stop this!" bulalas ni Cindy.

"What if I don't?" Humalakhak ito.

Hahawakan sana ni Cindy ang kamay ni Cassandra nang maglaho ito. "Where are you, bitch? Wag kang duwag!"

"Nakakatawa kang tingnan. Mukha kang basang sisiw." Galing sa iba't-ibang sulok ng palikuran ang boses na iyon.

"Hindi ako natatakot sa'yo!"

"Hindi naman kita tinatakot eh. In fact" -- biglang lumitaw si Cassandra sa harap ni Cindy at hinawakan ang panga nito -- "ito ang gusto kong gawin." Diniin ng bruha ang mga daliri sa panga ng dalaga. Mula sa kamay niya ay dumaloy ang itim na enerhiyang umagos patungo sa bunganga, ilong, at mata ng kanyang biktima. Bumagsak ang katawan ng dalaga sa matubig na sahig, isang senaryong nagpahalakhak kay Cassandra. Malutong na halakhak. Niyakap niya ang dalaga at sila'y naglaho sa umiikot na itim na usok.

------------------

Naaalala niyo ba nung una nating makitang ginamit ni Cassandra ang itim na mahika sa isang tao? Bumulagta ang lalaking iyon sa kariton niya. Pinatay din kaya niya si Cindy? Paano na yan? :'(


Olvasás folytatása

You'll Also Like

269K 9.5K 35
storry Betwen BoyxBoy.. how love goes on how gay's life goes on. wala po itong scene na alam nyo na.. just storry for a BxB M2M. but no Sex scene. r...
My King? lady_caliber által

Ifjúsági irodalom

152 50 13
It will be all about the cute and unexpected meeting of a highly introvert genius and a sweet bad boy. Misunderstanding will be the foundation of th...
17.7K 1.2K 23
Dito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyan...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...