The way I was

xxakanexx tarafından

2M 60.3K 7.8K

What will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 ... Daha Fazla

The way I was
Prologue: Green eyes
1. Where is home?
2. Hazel Eyes
3. Dante, masakit
4. Again
5. Soul
6. Chaos
7. Crossroads
8. News
9. Nostalgia
11. Bad news
12. Explosives
13. Billboard
14. Game Change
15. War
16. Paninindigan
17. Usap-usapan
Epilogue: Spiel

10. Mahal

82.5K 3K 305
xxakanexx tarafından

"Ate, anong gagawin natin?"

Hinaplos ang balikat ng kapatid ko habang iyak siya nang iyak. Nagulat ako nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya na nagsasabi na nasa ospital si Tatay dahil sa malubhang aksidente. Nasagasaan si Tatay ng van at nang tumilapon ay nahagip naman siya ng bus. Duguan si Tatay nang dalhin siya sa ospital tapos ay wala na siyang malay. Kausap ko ang mga doctor kanina at ang sabi nila ay kailangan i-amputate ng paa ni Tatay dahil sa malubhang injury nito and for that to happen, kailangan namin ng malaking pera.

"Ate, wala tayong pera. Bakit ba kasi hindi tayo makahanap ng magandang trabaho. Tapos ka naman ng pag-aaral pero hindi ka matawagan kahit saang trabaho ka pumunta."

Humahagulgol si Lila habang nakayakap sa akin. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin. For years, I tried to look for a job but ever since I got involved with Dant-Hyron, those opportunities flew away. Ngayon ko lang naisip iyon. I had time to think about what happened in my life. Ayokong isipin na may kinalaman si Hyron sa kawalan ko ng trabaho.

"H'wag kang mag-alala. Gagawa tayo ng paraan. Ikaw na muna ang bahala kay Tatay. May pupuntahan lang ako."

Wala naman na akong choice. Kakausapin ko si Eos. Sa kanya ako nagtatrabaho. Alam kong kapag nakinig siya sa akin ay tutulungan niya ako. May kabaitan naman siya. Maayos siyang makitungo sa mga kasama niya sa bahay, sa akin at sa drivers niya. Hindi siya tulad ng ibang typical na mayaman na mapangmata o kung anuman.

I rode a taxi para makauwi sa mansyon niya. Nang makarating ako roon ay nakita ko ang mga maids niya na nakatingin sa akin na tila ba galit sila. Wala naman akong ginagawa sa kanila.

"Nasaan po si Eos?" Tanong k okay Manang Ising nang masalubong ko. Sa mga maids ni Eos, siya lang ang mabait sa akin dito. Ngumiti siya.

"Nasa rooftop, nago-golf. Kanina ka pa niya hinihintay. Hindi pa siya kumakain."

Tumango ako. Ginamit ko na ang elevator papunta sa rooftop para mas madali ang pagpunta ko sa kanya. Kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako tulungan? Paano kung manghingi naman siya ng kapalit? Anong gagawin ko? Kaya ko bang ibigay sa kanya ang hinihingi niya?

Natagpuan ko si Eos doon na kausap ang personal cadi niya. Marahil ay itinuro ako sa kanya kaya nilingon niya ako. He smiled at me. Kahit nakangiti siya ay hindi ko magawang ngitian siya pabalik. Tinatagan ko ang loob ko. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko ang tulong niya.

"Eos, pwede ba kitang makausap?"

"Sure, Serena. But let's talk over breakfast. I haven't eaten since you were late, I figured that I had to wait for you. Where have you been all this time?"

Inalalayan niya akong umupo sa silya sa loob ng green house. Nang makaupo siya ay nagsimula na rin siyang kumain. Nakatingin lang ako sa kanya. He stopped eating and faced me.

"What is it, Serena?"

I swallowed hard.

Pinag-isipan ko naman ito bago pa man ako nagtungo sa kanya. Sa kanya ako hihingi ng tulong dahil mas madali siyang lapitan. Siya lang ang kakilala ko dito na may kaya sa buhay. Pwede kong lapitan si hyron pero anong kapalit naman ang hihingin niya sa akin. Gusto kong magalit sa kanya dahil naman sa kanya kaya naaksidente ang Tatay ko. Kung hindi niya tinanggalan ng trabaho si Tatay, hindi luluwas ng siyudad ang Tatay at hindi siya maaaksidente.

Kasalan ni Hyron Demitri ang lahat, ngunit kahit gayon, hindi ko magawang magalit sa kanya.

Tanga ako dahil sa kabila nang pagpapahirap niya sa akin, ay patuloy pa rin akong nagmamahal.

"Kailangan ko ng tulong mo, Eos."

That surely caught his attention.

"What kind of help?"

Kinagat ko ang aking labi. Pinigilan kong umiyak.

"Naaksidente ang tatay ko. Hindi ko alam na lumuwas siya para maghanap ng trabaho." Pinigilan kong mapahikbi. Iyon naman ang nangyari. Gusto ni Tatay na maghanap ng trabaho para dalawa kaming magpapa-aral kay Lila pero inabot naman siya ng malas.

"So you need money for his medications." He grinned at me. "Walang problema, Serena. I have lots of money. I will help you with that."

Nanlaki ang mga mata ko. Masaya ako dahil sa narinig ko pero alam kong may hihingin siyang kapalit sa akin at handa naman akong marinig iyon. Iyon nga lang, hindi ko alam kung kaya ko bang sikmurain ang hihingin niya.

Mabait si Eos, pero may tinatago siyang kulo. Isang bagay na alam kong totoo. Sa inilagi ko sa tabi niya ay madalas ko siyang naririnig na may kausap sa phone at may inuutos na kung ano-anong sigurado naman akong madalas ay labas sa batas. Hindi ako nakikialam. Alam ko kung saan ang lugar ko.

As long as hindi ko naririnig na magpapapatay siya ng tao, wala akong sasabihin sa kanya.

"I will help you, Serena. In one condition."

This is it. I know that this is coming and that's the same reason for my fast heartbeat.

Bahagya akong napamulagat nang makita kong may inilagay siyang pulang velvet box sa table at itulak iyon sa harapan ko. I looked at him. Napapalunok pa ako.

Inudyukan niya akong buksan ang velvet box na iyon at tama ang hinala ko. Singsing ang laman. The box had the Harry Winston logo. Alam ko kung gaano kamahal ang singsing na iyon. Noong si Hyron pa ang kasama ko ay wala kaming singsing kundi iyong straw holder lang ng coke in can. I still have mine, nakasabit iyon sa kwintas ko.

"Be my wife, Lualhati Serena. I will give you everything you need. Pakasalan mo ako."

Tiningnan ko siya nang mata sa mata and suddenly, I wished for them to be almond brown. Tumulo ang mga luha ko. Hindi dahil sa inalok niya ako ng kasal kundi dahil sa katotohanan na hindi siya si Hyron.

Mahal ko si Hyron - siya man si Dante o kung sinuman siya, alam kong hindi magbabago ang pagmamahal ko para sa kanya.

"At kung hindi ako pumayag?" Anas ko. Eos grinned at me.

"Your father will die on his hospital bed, Serena. And all I can do is be sorry for you."

There and then, I realized that I am dealing with Satan's spawn.

_______________________

"Hyron, have you talk to the Chinese investors? Do you even know how to speak Chinese, Son?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa contact na binabasa ko papunta kay Helios Demitri. I was in my office adjacent to Eos Demitri's office. Dad barged in my office that afternoon to check on me. This was the first meeting I'll ever attend to after being placed here in the company.

"I know how to speak Chinese, Dad. You don't have to worry."

Dad sat on the visitor's chair and stared at me. It kinda creeped me out with him staring like that. Para bang pinagbabalakan ako ng Daddy ko na patayin niya ako.

I cleared my throat.

"Are you going to kill me?" I asked him. Dad shook his head.

"I had always imagined us like this, Son. I'm mentoring you and you'd be listening to me and then at night we will come home to your mother, eat her delicious dinner and then talk about what happened in the office. I'd be looking at you with pride in my eyes and say to myself that you're my son,that my blood is in your veins. And now, having you here, I just couldn't believe it."

Ngumiti naman ako. Tinapik ko ang kamay ni Daddy.

"I'll be here to stay. For you and Mom and for Hyan. She needs me now more than ever."

Tumango si Daddy sa akin at hinablot ang mga papeles na binabasa ko. We discussed the contract. He edited some of the clauses and after we are done he looked at me.

"Ikaw na ang magbigay niyan kay Piedro. Ipa-draft mo ang mga edited clause and then after, ibalik kamo sa'yo para maayos natin. We need that this afternoon."

Tumayo si Dad. Sumabay na rin ako sa kanya palabas ng office ko. Habang naglalakad kami ay ikinukwento niya sa akin si Haley.I could see how much he loves my baby sister. Natutuwa rin naman ako dahil unti-unti ay natatanggap na ako ng kapatid ko.

"While you were in the island. Did you have anyone special at all, Hyron?" He asked me I thought about Lualhati after hearing his question. I stared at my dad and sighed. Naghihintay siya ng sagot sa akin. That night that we talked, I promised myself that I will be truthful to my family especially to this man.

"Yes, Dad." Sagot ko. "Her name was Lualhati."

Natigila si Dad.

"Hunter's Lualhati?" Naguguluhang tanong niya.

"No, Dad." I gritted my teeth. "She was never anyone's Lualhati but mine." Dumilim ang mukha ko. Just the thought of her being someone else' someone special was enough to make me want to kill.

Dad stopped walking and faced me.

"Did you left the family for her?"

"No, Dad. I left the family because I got scared. Na dapat hindi naman because I am your son and failing will never be questionable. I met her years after being in that island. We were together for three years."

"Bakit nawala?" He asked again.

"She found out that she fell in love with a non-existent Dante Mercado. Hindi niya ako mapatawad. Nagpapakipot siya." Sabi ko sa kanya. Tumingin si Daddy sa akin.

"Bigwasan kaya kita?" Parang nag-init ang ulo niya. "Hindi siya nagpapakipot. She's hurt. You lied to her. If you say this to your mom, ganito rin ang sasabihin niya sa'yo. Masisisi mo ba siya kung nais ka niyang iwasan? O kung lalayo siya sa'yo?" Tanong pa ni Daddy. "You're all being judgmental."

"Kung mahal niya ako, patatawarin niya ako."

"Your grandfather loves your mother so much, pero kahit ganoon ay hindi niya ako napatawad kahit kailan. If you want to be with her, paghirapan mo siya. Rebuild her trust. Trust is more important than love itself. So don't blame her if she cannot forgive you just yet. Give her time."

Noon naman bumukas ang elevator. Nang humarap ako ay nakita ko agad si Eos at Lualhati na lulan niyon. Eos smiled at my father but when he looked at me, his smile changed - it was more of victorious smile.

"My favorite nephew." He spat those words. Tumaas ang sulok ng bibig ko. He's not my favorite uncle. My favorite uncle was Uncle Yllak and Yvo. They're cool. Sila ang nagsama sa akin noon para makatikim ako ng babae.

Kumunot ang noo ko nang hawakan niya ang kamay ni Lualhati. Iniharap niya si Hati kay Dad.

"Helios, I want you to meet my fiancé, Serena."

My world collapsed. What the hell did I just heard? Itinaas ni Eos ang kamay ni Lualhati na may singsing. She couldn't even look at me. I was swallowing hard. Naikuyom ko ang mga palad ko.

"I see..." Dad spoke. I saw him taking a glimpse of me. "Welcome to the family, Serena. I would love to chat but Hyron and I need to leave."

Eos gave way to us. I just couldn't comprehend what was going on. I didn't see that one coming. Hindi pwedeng mangyari ang nangyayari ngayon! Lualhati is mine and she'll be mine until I die.

Natapos ang meeting ko sa mga Chinese investors. It went well pero sa kabila niyon ay hindi naman mawala sa isipan ko ang nangyari sa opisina kanina.

I have a hunch that Eos is bound to ruin my life and he just hit the jackpot.

Nang bumalik ako sa office ko ay natagpuan ko si Lualhati na kausap ang secretary ni Eos. She was alone.

I stood there looking at her. She was wearing a printed scrubs. Her hair was freely falling on her back. But when I looked at her eyes, I saw how lonely she was.

Nagkaroon ako ng lakas nang loob na puntahan siya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay kinuha ko na ang kamay niya at dinala siya sa rooftop. Nagpupumiglas si Lualhati pero hindi ko siya binitiwan. I need to talk to her.

I locked the rooftop door. Isinandal ko siya sa pader at hinarap. I took her hand - the one that has Eos' ring.

"This is bogus!" I hissed "You can't marry the bastard!"

"Nagawa ko na, Hyron. Pakakasalan ko siya." Mariing wika niya.

"Bakit? Mahal mo? Sa madaling panahon minahal mo?"

"Hindi niya ako sinaktan, hindi siya nagsisinungaling sa akin."

Tumaas ang dulo ng labi ko.

"How sure are you that he never lied to you, Hati? Hindi mo siya kilala. You don't know what he's capable of doing! Hindi mo siya kilala!"

"Hindi rin naman kita kilala." Tumulo ang luha niya. "Oo nga, mukha mo, iyan, pero iyong tao sa likod ng berdeng mga matang iyan, hindi ko kilala. Hindi ko alam kung sino ka. Isa pa iyon. I don't know you, and yet you did nothing but hurt me. Ano bang kasalanan ko sa'yo? Minahal lang naman kita pero anong napapala ko? Nasaktan ako at paulit-ulit mo akong sinasaktan pa rin. Kaya pabayaan mo na lang ako."

Umiling ako.

Lumapit ako at hinawakan ko ang mga kamay niya. I made her hands cup my face. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. Mahal ko si Lualhati.

"Pangga, ako pa rin naman ito. I'm sorry for lying and for letting you believe that I'm someone else but behind all of these, I'm still the man who loves you and you love back. Don't marry him, Lualhati, marry me. I will fight for you. Kahit na sabihin sa akin ng mga panganay na kalimutan ang buhay ko sa isla, hindi ko magagawa. I will fight with all the strength and the pain I could muster just to have you back."

Lualhati cried. Yumakap siya sa akin. Tila ba hinang-hina na siya. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Pangga... mahal na mahal kita." Wika ko.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

73.1K 174 1
Kahit kailan hindi ko ginusto maging center of attraction. Mas gusto ko 'yung invisible lang ako sa lahat ng tao. Lalo na sa school. Pero dahil sa ta...
2.1M 72.1K 22
Lost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisi...
1.8K 126 15
Luna Sanchez, a rising star at A&E firm, is captivated by the charm of Mr. Lucas Tancuengco, the enigmatic CEO of their company. Unbeknownst to Luna...