Operation: Destroy Thomas Tor...

TeamKatneep tarafından

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 28

9.3K 153 38
TeamKatneep tarafından

Chapter 28

Ara

 

“Ara! Ara!”

Wala kang naririnig. Hindi mo siya naririnig. Lalalalala…

Patuloy lang ako sa paglalakad, kapag hindi ko siya papansinin, siguradong mapapagod rin siya sa kakatawag at kakahabol sa’kin.

“Hoy!” Sobrang nabigla ako dahil may biglang humawak sa aking balikat mula sa likuran.

“Ay! Chinitong demigod!” Bwiset! Bakit ba sa lahat ng pwedeng lumabas sa aking bibig, yun pa?

“Uyyy, ako ba ‘yun?” Ngumiti nang nagpapa-cute sa’kin si Thomas. Gaya ng inaasahan, heto na naman ang wild palpitations ng aking puso.

“As if! Feeling! Tumabi ka nga!” Tinulak ko si Thomas palayo pero hindi pa rin siya natitinag.

“Grabe ka naman, halos isang linggo na nga tayong hindi nagkita tapos ngayong nagkita na tayo, tinutulak mo pa ako palayo. Hindi mo ba ako nami-miss?” Nag-puppy dog eyes pa sa’kin ang Hudas. Uy puso, dahan-dahan ka naman dyan… nahahalata na ako eh.

“Hindi. Busy ka naman kay Arra di ba?”

“Ayun! Kaya naman pala nagtatampo si Victonara… nagseselos ka ano?” Ha? Paano niya nalamang nagseselos ako? Baka alam na din niyang mahal ko siya???

“H-hindi ah. Bakit naman ako magseselos? Kailangan ko na talagang umalis kaya pwede bang wag mo na akong kulitin? Tsupe!”

“Ganyan ka na pala ngayon? Parang wala tayong pinagsamahan. Sige….” Akmang aalis na si Thomas na nakayuko ang ulo.

“Sandali!” Tinawag ko siya pero patuloy lang siya sa paglalakad.

“Uy Thomas! Joke lang ‘yun! Syempre pwede ako ngayon! Hehehe…” Hay nako Victonara, bakit ba ako nagpapakatanga sa lalaking ‘to?

 Sumunod ako sa kanya at inakbayan siya.

“Thomas, joke lang yun kanina. Ikaw naman, masyado kang matampuhin.” Hindi niya pa rin ako pinapansin. Maglalakad na lang sana ako palayo pero bigla naman niyang hinila ang kamay ko.

“Aray!”

“Sinasabi ko na nga ba hindi mo talaga ako matitiis! Effective talaga ang acting ko!” Natatawang pahayag ni Thomas pero binatukan ko lang siya. Nakakaasar kasi eh…

“Aray! Physical abuse na yan ha?” Paminsan-minsan talaga, hindi ko ma-gets kung bakit ako na-in love sa asungot na ‘to.

“Pwede ba? Wag ka ngang OA! Hinding-hindi naman kita sasaktan kasi mahal na mahal nga kita.” Ooppps!!! Oh knows!!! Lord!!! Did I just say that? Kung ano-ano na talaga ang lumalabas sa bibig ko. Nakakahiya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Kahit ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi, tumingin ako kay Thomas.

“Talaga? Mahal mo ako? Naks naman….” Nakangiting sabi ni Thomas.

“H-ha? Sinabi ko ba ‘yun?” Pagmaang-maangan ko.

“Dinig na dinig ko eh. Sabi mo hindi mo ako sasaktan kasi mahal mo ako.” Abot-tengang ngiti ni Thomas. Shocks! Nahuli niya talaga ang sinabi ko.

“H-hindi ka galit?” Gosh, nauutal na ako. Dahil ba ito sa kilig?

“Ba’t naman ako magagalit? Syempre, mahal rin kita bestfriend!” Niyakap pa ako ni Thomas. Kahit alam kong bilang kaibigan lang ‘yun, masaya na rin ako dahil at least, pinapahalagahan niya ako.

“Ikaw talaga. Magde-deny ka pa tapos aaminin mo rin naman na mahal mo ako.” Kinurot-kurot ni Thomas ang pisngi ko kaya pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya.

“Tigilan mo nga ang mukha ko! Ang feeler mo talaga! Isa pa, hindi kita bestfiend noh? Si Mika lang yata ang nag-iisa kong bestfriend.”

“Pwes ako ang iyong guy bestfriend! Tara, i-lilibre kita! Unang-una, dahil ikaw ang naging dahilan para sa muli naming pagkakamabutihan ni Arra… at pangalawa, dahil gusto kong bumawi kasi naging masyado akong busy these past few days.” Offer sa’kin ni Thomas. Ako naman itong si tanga, agad na pumayag.

Dahil pareho pa kaming may klase at ako naman ay may training pa sa hapon, dinala niya ako sa isang restaurant na malapit lang sa La Salle. Medyo maaga pa nang pumasok kami sa restaurant kaya konti pa lang ang mga tao doon.

“So kumusta naman ang pang-haharana mo kay Arra?” Ayoko sanang tanungin ‘yun pero gusto ko pa ring malaman ang mga pangyayari sa buhay ni Thomas.

“It went beyond my expectations!” Masayang pahayag ni Thomas. Kahit papano, may maliit na boses pa rin ang nagsasabi sa’kin na sana’y pumalpak si Thomas pero mali pala ako.

“Elaborate.” Syempre, ano pa ba ang dapat kong i-sagot? Bestfriend lang naman ako di ba? Friendzoned? Sana hindi niya ituloy… sana sasabihin niyang sa ibang araw na lang.

“Okay! Ganito ang nangyari…” Fine. No choice. Makikinig na lang ako kung paano kinilig si Arra sa boses ni Thomas.

“Gaya nung ginawa ko sa’yo, kinantahan ko nga siya ng Especially for You sa loob ng kanyang hospital room. Habang ginagawa ko yun, syempre titig na titig ako sa kanyang mga mata para malaman niyang sincere na sincere ako sa aking nararamdaman…” Habang nakikinig ako, hindi ko mapigilan ang i-imagine ang aking sarili na ako ‘yung kinakantahan ni Thomas.

“Grabe, binuhos ko talaga lahat ng nararamdaman ko sa awiting ‘yun. Halos maluha-luha na nga si Arra habang nakikinig siya sa’kin. Nang matapos ang kanta, sinabi ko agad kay Arra na mahal na mahal ko siya. Na sana’y tanggapin niya ulit ako para maging boyfriend dahil willing akong suportahan siya kahit anong mangyari… I really poured my heart out to her.” Ang sakit! Nung sinabi kong i-elaborate, hindi ganun ang ibig kong sabihin. Yung major information lang. Ba’t naman sinali pa ni Thomas ang lahat-lahat hanggang sa mga maliit na detalye? Oh ayan Victonara! ‘Yan ang napapala mo sa pagpapakatanga mo. Hindi ako pwedeng umiyak, nag-promise na ako sa aking sarili na ang pag-iyak ko sa may tulay habang umuulan ang huling beses na iiyakan ko si Thomas.

“… tapos nagulat na lang ako dahil may biglang pumalakpak mula sa aking likuran. Pagharap ko, nakita ko ang mga magulang ni Arra. Kinakabahan na talaga ako dahil alam mo namang  tutol sila dati sa relasyon namin. Pero nang makita ko sila, nakangiti sila at halatang masaya. Pagkatapos nun, kinausap nila ako privately. They gave me their blessing! Napatunayan ko na daw ang aking sarili sa kanila at kay Arra dahil kahit may sakit siya, hindi ko pa rin siya iniwan. Nag-usap na rin kami ni Arra at ayun! Kami na ulit! I’m so happy! Everything is really falling into place.” Hindi maitago ang kasiyahan at contentment sa mukha ni Thomas. Ako naman, keep calm and smile ang peg. Tumingin ulit sa’kin si Thomas na tila naghihintay ng aking sagot. So dapat pala may maisagot ako sa nakakakilig na kwento niya? Ugh! Notice the sarcasm.

“Wow!!! Ang galing-galing mo talaga Torres! Syempre, tinesting mo nga sa’kin di ba? Tapos kinilig pa ako! Hahahaha!!!!”

“Kaya nga masayang-masaya ako dahil nandyan ka! You brought the two of us together again!” Masayang-masayang pahayag ni Thomas. Abot-tenga at mata pa nga ang ngiti niya. Grabe, hindi man lang niya napansin ang pagiging sarcastic ko?

“You’re welcome…. Hehehe.”

“Excuse me, I have to take this.” Nakangiting sabi ni Thomas bago tumayo para sagutin ang tumatawag sa kanyang cellphone. Siguro’y si Arra na naman ‘yan. Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa tuwing kinikwento niya sa’kin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Arra. Buti na lang hindi ako naiiyak ngayon. Pero aaminin ko, ang sakit-sakit pa rin talaga kahit ilang beses ko nang pinaghandaan ang mga tawa at ngiti ko sa tuwing nagkikwento si Thomas tungkol kay Arra.

Na-interrupt ang aking pag-iisip nang makita ko si Thomas na naglalakad pabalik. Pagkaupo niya, hindi maitago ang pagka-irita at pagkayamot sa kanyang ekspresyon.

“May problema ba Thomas?” Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Nang mapansin niyang tinatanong ko siya, pilit niyang itinago ang pagkayamot niya at ngumiti pero halata namang pilit lang.

“I’m really sorry, Ara. Talagang naasar ako kanina. Si Mommy kasi tumawag…”

“May problema ba? Anong sabi ni Tita?”

“Hindi ko alam kung paano ko ‘to sasabihin sa’yo Ara nang hindi ka masasaktan pero…” Nag-alinlangan si Thomas.

“Sabihin mo na kasi.” Nagsisimula na rin akong mainis.

“Mommy called and told me about the wedding preparations. Honestly, nakalimutan ko talaga na engaged pala tayo. Woah, this is really one crazy set-up. I’m engaged to my girl bestfriend pero iba naman ang totoong mahal ko. I’m so happy these past few days at nakalimutan kong nakatali na pala ako.” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kaya nagpatuloy lang sa pagsasalita si Thomas.

“Ara, will you do me a favor?” Ano na naman kaya ‘yun?

“Pwede bang wag na wag mo itong ipaalam kay Arra? She’s been through enough. I don’t want her to be hurt any further.” So hindi pwedeng masaktan si Arra tapos ako okay lang na masaktan dahil sa ginagawa mo sa’kin ngayon? Alam kong nagiging unfar ako kay Arra. Wala naman siyang kasalanan dito, katunayan, mas nahihirapan pa nga siya kesa sa’kin dahil sa kanyang sakit.

“S-sure. Kahit hindi mo na sabihin, ‘yun naman talaga ang gagawin ko.”

“Ara, help me. What should I do? I want out of this stupid engagement of ours.” STUPID? Grabe naman si Thomas…

“I eventually went through with our engagement because I thought it’s a way of diverting my attention away from Arra. Not that I’m using you or anything dahil I sincerely found a trusted bestfriend and confidant in you. But now that Arra and I are back together again, I’m 100% sure that she’s the girl for me. Ara… tulungan mo naman ako kina Lolo.” Thomas looked straight into my eye and I can clearly see the sadness and desperation. Akala ko hindi na ulit ako iiyak pero that’s exactly what I feel like doing right this moment. Buti na lang hindi pa tumutulo ang mga luha ko. Kahit ganun, doble… hindi triple pala talaga ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Maybe this is the point of me being in love with Thomas. Siguro sinadya ito ni Lord para maging instrument ako sa kaligayahan ni Thomas at Arra. Mabait at maganda si Arra, I have nothing against her. Isa pa, mas nauna naman si Arra kesa sa’kin. Kung nasa t.v. o libro pa nga ang love story nina Thomas at Arra, siguradong ako ang lalabas na kontrabida. I may be in love with Thomas pero hindi naman ako tulad ng mga kontrabida sa aklat at telebisyon na desperadang-desperada. Naiiba ako. With this realization, something hit me.

“Thomas, may naisip na akong solusyon sa iyong problema.” Agad lumiwanag ang pagmumukha ni Thomas pagkarinig niya sa sinabi ko.

“Talaga? Paano?”

“Uhm, remember nung birthday ko, Lolo Guille told me that he will grant everything that I wish for kapag naging champion kami sa UAAP this season.”

“And then…” Thomas replied motioning for me to go on.

“Once na maging champion kami, Lolo Guille will grant me that wish. And my wish is for our engagement to be broken off. That way, magiging malaya na kayo ni Arra na magmahalan.” I don’t know kung paano ko pa nagawang  kontrolin ang panginginig ng aking boses.

“That’s totally brilliant Ara! You’re really a genius!” That’s all it took para muling sumaya ang ekspresyon ni Thomas. Niyakap pa niya ako nang napakahigpit. Sabi nila, ganito daw ang feeling ng nagpaparaya. Kahit sobrang sakit na ng nararamdaman mo, ma-ooverpower rin ito ng kasiyahan dahil nakikitang mong masaya ang mahal mo. Pero sa oras na ito, I’m totally feeling the opposite. Times one million na yata ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong hindi magtatagal ay tutulo na talaga itong mga traydor kong luha.

  

“I so love you bestfriend!!!” Bestfriend… forever na lang talagang ganyan ang role na gagampanan ko sa buhay ni Thomas.

“W-wala ‘yun… ako pa? Genius naman ako di ba? Hahaha!!!” Hindi ko na ito kaya. Kailangan ko na ulit takasan si Thomas. Kinuha ko ang aking cellphone at nagkunwaring may nag-text.

“I’m sorry Thomas pero nag-text sa’kin si Mika. May emergency meeting kami.” Tumayo na ako at kinuha ang aking bag.

“Sige, tara. Hatid na kita.” Tumayo na rin siya.

“NO!!!”

“Bakit?”

“I-i mean… hindi ba dapat puntahan mo na si Arra at iparamdam kung gaano mo siya ka-mahal? Don’t worry, I’ll try my best para maging champion ang team natin.” Ngumiti pa ako sa kanya.

“You’re right. Are you sure you’re okay though?”

“Of course! Ako pa?”

“Sige. Mag-ingat ka Ara ha?” Gumanti naman ng ngiti si Thomas.

“Absolutely!” Pagkasabi ko nun, ubod lakas akong naglakad palayo sa kinauupuan ni Thomas. Saka lang ako tumakbo nang mabilis nang sigurado na akong hindi na ako makikita ni Thomas.

Dahil sa pagtakbo ko, may nabangga tuloy ako. Napansin kong parang sikat siya dahil maraming tao ang nagpapa-autograph at nagpapa-picture sa kanya.

“I’m sorry.” Yun lang ang sinabi ko at mabilis akong tumakbo palabas. Takbo lang ako nang takbo, wala akong pakialam kung saan man ako patungo. Unti-unti kong naramdaman ang pagod kaya napatigil ako sa pagtakbo. Magkahalong pagod at sakit ang nararamdaman ko habang hinihingal ako. Napilitan tuloy akong tumigil at umupo sa isang bench. Ngayon ko lang napansin na nasa park pala ako. Heto na naman… umiiyak na naman ako. Akala ko huling beses na ‘yung sa tulay pero hindi pa pala.

“Umiiyak ka na naman?” Nagulat ako dahil may biglang nag-abot sa’kin ng panyo.

“Malinis ‘yan. wag kang mag-alala.” Mukha na siguro akong bruha ngayon kaya inabot ko ang panyo niya at pinunasan ang aking mga luha.

“S-sino ka ba?” Sino ba tong lalaking ‘to? Nagkita na ba kami?

“Ang bilis mo namang makalimot. The last time I saw you, umiiyak ka. Ngayong nakita kita ulit, umiiyak ka pa rin? Wag mong sabihing parehong lalaki pa rin ang iniiyakan mo?” Medyo amused niyang sabi.

“Teka, ikaw yung lalaki sa tulay?” Ahhh... ngayon natatandaan ko na siya. Siya yung lalaki sa tulay na nagbigay ng hoodie at payong niya sa’kin.

“The one and only.”

“Paano ka nakapunta dito? Naaalala mo pa ako?”

“Syempre, hindi naman yata ako ulyanin katulad mo. And to answer your second question, I was at a restaurant para sana kumain ng lunch kaya lang bigla mo akong binangga.” So siya yung pinagkakaguluhan kanina? Sikat siya? Pero bakit hindi ko siya kilala?

“Correction, nabangga. Hindi binangga.”

“Pareho na rin ‘yun. Anyway, nakukulitan na talaga ako sa mga tao kanina dahil gutom na gutom na ako. Kaya nung binangga-”  

“NABANGGA!”

“Yeah, binangga mo ako, I turned and I instantly recognized you. I was expecting na makikilala mo rin ako pero nag-sorry ka lang without even looking at mabilis na tumakbo. Do you have any idea kung gaano kalayo ang tinakbo ko para lang masundan ka? Hinihingal tuloy ako.”

“Uhm, wala namang nagsabi sa’yo na sundan ako.”

“Bakit ba ang tigas-tigas mo? Hello! I’m trying to be your friend here.” Tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay.

“So ano nga ang pangalan mo? Saan ka nag-aaral? Ilang taon ka na?” Ewan ko ba kung bakit ko kinakausap ang weirdo na ‘to. Siguro dahil pansamantala kong nakakalimutan ang sakit na nararamdaman ko.

“Woah, woah… isa-isa lang. Mahina ang kalaban.”

“Well why don’t we start with your name then?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“You guess. Ako, alam kong si Victonara Galang ka. Nag-aaral sa La Salle at sikat na player ng DLSU Lady Spikers.” Kilala niya ako? Paano?

“Unfair! Ikaw alam mo ang pangalan ko pero ako, hindi ko alam ang pangalan mo.” Stalker kaya ‘to?

“Ako, nag-research ako para malaman ang pangalan mo. I think you should do the same. Para sabihin mong fair. I’m expecting you’ll get my name right sa muli nating pagkikita.”  Pagkasabi nun, nagsimula na siyang maglakad palayo.

“Teka, saan ka ba nag-aaral? Taga-La Salle ka rin ba?”

“No, I’m not from La Salle. Clue ko na yun sa’yo! Oo nga pala, sana naman sa susunod na pagkikita natin, hindi ka na umiiyak. Lalaki lang ‘yan! Sige!” Nag-salute pa siya sa’kin bago naglakad palayo. Sino ba kasi siya? May clue na ako, hindi daw siya taga-La Salle. Ugh! As if naman malalaman ko kung sino siya dahil lang dun. Ang dami kayang universities dito sa Maynila! Pero may isa pa akong clue, sikat rin siya base sa nakita ko kanina.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

408K 2.6K 8
Prianne has always been in love with Pierre--her long-time friend, at matagal na ring alam ni Pierre ang nararamdaman ng kaibigan para sa kanya. Yet...
67.9K 2.2K 29
(ALDUB FANFIC) She's on her 4th Grade when she met this guy. She doesn't care anything about him, all does she know is he's a total stranger that cam...
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
12.2M 415K 52
All is fair in love and war even among the bekis.