Destiny's Game (Revising-- Ch...

By notesfromthequeen

22.3K 187 40

You have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's y... More

Destiny's Game
Chapter 1: Meet Xander
Chapter 2: Getting to know him better
Chapter 3: Am I Inlove?
Chapter 4: Is this the Happy Ending?
Chapter 5: Heartbreaks
Chapter 6: Realization
Chapter 7: Flashback
Chapter 8: Letting Go
Chapter 9: Life
Chapter 10: A Brand new Day
Chapter 11: The Chikboys
Chapter 12: Cat and Dog
Chapter 13: Sossy Girls
Chapter 14: Hater's Thingy
Chapter 14: Part II
Chapter 15: Hater's Move
Chapter 16: Know the Enemy
Chapter.17: Secret
Chapter.18*Love Moves*
Chapter.19*Evil Plan*
Chapter.20*Confrontation Part II*
Chapter.21*The Rescue*
Chapter.22*The Come Back*
Chapter.23*The Conversation*
Chapter.24*huwaaat???*
Chapter.25*Playing Cupid*
Chapter.26 *Happy Hearts*
Chapter.27*Who's that BOY???*
Chapter.28*Emotions*
Chapter.29*First Day High*
Chapter.30*Unforgettable*
Chapter.31*New Friend*
*Chapter.32*Jealousy
Chapter.33*Simply I LOVE YOU*
Chapter.34*New Found Love*
Chapter.35*Reminiscing*
Chapter.36*Sunset Moment*
Chapter.37*It's a Date*
Chapter.38*No more Barriers*
Chapter.39*Barkada Outing*
Chapter.40*Acceptance*
Chapter.41*Totally Free*
Chapter.42*Barkada Moments*
Chapter.43*Burdens*
Chapter.45*Perfectly Inlove*
Chapter.46*When Jealousy Attacks*
Chapter.47*First Fight*
Chapter.48*Never Say Sorry Again*
Chapter.49*Christmas Love*
Chapter.50*High School Valentine*
Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*
Chapter.52*Game Over*

Chapter.44*Catch Me*

185 0 0
By notesfromthequeen

[mish POV]:

"hoy anyare? Bat mukha kang problemado jan?" tanong agad ni pinky pag pasok ko sa room

"wala naman. Bakit?" sagot ko

"tigilan mo ko mish, hindi lang ngayon ko napansin yang mukha mo. Mag iisang linggo na kitang nakikitang ganyan, halatang may problema. Hinihintay lang kita magsabi kaso mukhang wala kang balak kaya itatanong ko na. Anong meron?" ang daldal ni pinky, na i-stress ako lalo

"wala nga" sagot ko

"tigilan mo ko mish. Bahala ka nga kung ayaw mo magsabi" tapos tumalikod na siya. Ewan ko kung san siya pupunta

yun nga ang problema eh, may problema ko pero hindi ko masabi kung ano. Dahil ako mismo hindi ko alam ung problema ko. Ang gulo db?

ARGHHH! Ano ba tong nangyayari sakin :(

--

lunch break na. Hindi pa din ako kinakausap ni pinky, galit ba siya? Eh anong magagawa ko kung di ko talaga alam ung problema ko??

"pinky kanina ka pa tahimik. Absent si dion noh" biro sakanya ni spade

"hindi din. Try mo tanungin yang katabi mo" mataray na sagot niya kaya naman napatingin sakin si spade. Napayuko nalang ako

"Ok. Mukhang girl thing. Pag usapan niyo yan" sabi naman ni spade

napa buntong hininga nalang ako. Bat ba ang complicated ng mga bagay bagay. Nakakainis!!

--

lunes na ulit at hindi pa din ako pinapansin ni pinky

"kausapin mo na, nung friday pa kayo ganyan" untag ni elise

"sige mamaya after school" sagot ko

nang mag uwian nga hindi ako sumabay kay spade at niyaya sila pumunta sa mall. Sumama naman sila

nagpunta kami sa ice cream parlor at dun nag usap

"pinky, pansinin mo na ko please" sabi ko

"sasabihin mo na ba ung problema mo?" tanong niya

wala na kong magagawa, hindi ko na din kayang itago eh. Sasabihin ko na talaga

"napapasaya niya ko. Masaya ko pag nanjan siya, wala pa siyang ginagawa naka ngiti na ko. Pag malungkot siya nalulungkot ako. Pag di ko siya nakikita hinahanap ko agad siya" tuloy tuloy na sabi ko. Baka kasi bigla akong panghinaan ng loob e

"anong sinasabi mo mish?" kunot noong tanong ni pinky

"pinky, mahal ko na ba siya?" tanong ko pero lalong kumunot ung noo niya. SLOW LANG??

"goolay!, mish! Inlove ka kay spade???" si elise ang sumagot. Buti pa toh mabilis maka pick up

hindi na ko nakasagot at tumango nalang

"wait! Inlove ka kay spade? Un ung problema mo? MISH SA LAHAT NG INLOVE, IKAW ANG HAGGARD!" ang lakas ng pagkakasabi niya buti kami lang ung nasa labas ng shop at wala namang ibang dumadaan.

"Eh anong gagawin ko? Natatakot ako" sagot ko

"natatakot kang masaktan?" tanong ni pinky

"hindi. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako na masaktan ko siya" sagot ko

"ano ba yan mish, lahat naman ng relasyon dadaan sa ganyan eh. Ang mahalaga mahal ka niya at mahal mo siya" sagot ni pinky

"pano pag nasaktan ko siya?" tanong ko

"mish alam mo walang relasyon ang hindi nagtatapos sa luha lalo na kung hindi kayo ang naka tadhana" sabi naman ni pinky

"Quotes yun db?" singit ni elise

"Ou, pero isipin mo mish, kung dadating yung araw na masaktan mo siya natural na mangyayari lang yun. Minsan ang relasyon mo ngaun hindi pang habang buhay. Pwede kang masaktan, pwedeng siya lang. At pwedeng kayo pareho. Ang mahalaga ay kung ano ung nasa kasalukuyan. Kung iiwasan mo ung nararamdaman mo dahil sa takot para sa hinaharap tingin mo ba magiging masaya ka?" tanong ni pinky. Napaisip ako, nakatingin lang ako sakanila. Magiging masaya nga ba ko kung pipigilan ko ung nararamdaman ko?

"alam mo mish, mas madaling sumugal kesa magsisi balang araw" sabi naman ni elise

hindi na ko nagsalita at niyakap silang dalawa

"Thank You" mahinang sabi ko sakanila. Tama sila pareho, mas mahalaga ang present, at ang future? Paghahandaan ko nalang. Gusto ko maging masaya at alam ko magiging masaya din si spade. Magiging masaya kaming dalawa

--

araw araw iniisip ko kung tama ba ang magiging desisyon ko hanggang sa dumating na nga yung sabado. Ito ung consequence ko nun db maging date ni spade for the whole month. Ngayon ko na din balak sabihin ang lahat

"ready?" tanong ni spade pagka dating niya sa sala. Ngumiti naman ako kaya sumakay na kami sa sasakyan

"oy bat ka nalulungkot? gutom ka na noh" natatawang sabi niya. sige mang asar ka lang talaga nakuuu

"hindi pa" sabi ko naman tska ko tumingin sa labas ng bintana

"eh bat ka malungkot? Anong iniisip mo?" tanong niya

"wala lang. Mamaya nalang tayo mag usap" sagot ko. Pero ang totoo, gustong gusto ko ng sabihin ang nararamdaman ko

--

ini serve na samin ngayon ung dessert. Habang kumakain inopen ulit ni spade ung usapan namin kanina

"mish, pansin ko ang lungkot mo. Wag kang ganyan. Ayoko na nakikita kang ganyan, ang hirap e. Ano ba kasing iniisip mo?" sabi niya

"sorry. Spade ano kasi" hindi ko alam pano ba sasabihin toh anu ba T.T

"ahm... Ano ba ko para sayo?" tanong ko. Parang lumalakas ng lumalakas ung tibok ng puso ko at rinig na rinig ko na, parang ang lapit ng puso ko sa tenga ko.

"ikaw?" tumayo siya at nilapit ung upuan niya sa tabi ko. Hinawakan niya ung kamay ko at tinignan ako sa mata "espesyal ka sakin, espesyal ka dito" sabi niya tsaka itinuro ang kaliwang dibdib niya kung saan nakalagay ang puso

"pano mo nasabing espesyal ako?" tanong ko

"sa hindi maipaliwanag na dahilan tumibok ng kakaiba ung puso ko nung unang beses kitang makita. Hindi ko din maipaliwanag pero parang may koneksyon ang puso nating dalawa. Nalulungkot ako pag malungkot ka. Nasasaktan ako pag galit ka at pag nasasaktan ka. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag ngumingiti ka. At kahit na anong problema ko ikaw lang ang iniisip ko napapanatag na ko" nakangiting sabi niya.

"kapag... Kapag ba sinabi kong yan din ang nararamdaman ko, ibigsabihin espesyal ka din sakin?" tanong ko

"bakit? Pareho na ba tayo ng nararamdaman?" ngumiti siya. Parang nawala lahat ng kaba ko dahil sa ngiti na yun

"spade. Will you catch me if i fall?" ngumiti ako at hinintay ang sagot niya pero wala siyang sinabi, nakatingin lang siya sakin na parang binabasa ang isip ko. Unti unting nawala ung ngiti sa labi ko. pero nagulat ako ng yakapin niya ko

"finally" mahinang sabi niya at sa tono nito mas sinasabi niya yun sa sarili niya. Bigla siyang kumalas sakin at may kinuha sa bulsa niya

"If you ask me if I’ll catch you, the answer will be YES. Since the day I felt this Love for you I had the Intentions to make you fall for me coz' I'm already there to catch you. I've been there since then, and I will always be there to catch you and make you fall, over and over again. I want you to fall in love with me a million times coz I don’t want to let you go forever"

sa mga sinabi ni spade wala ng salita ang lumabas sa bibig ko. sumikip ang dibdib ko na para bang nauubusan yun ng hangin. natatakot ako, pero masaya ako. at mahal ko ang taong nasa harap ko. bumuhos na ang mga luha ko, sobrang saya ko. napaka saya ko.

bigla siyang lumuhod sa harap ko at inopen ung box

"Louie Mish Lopez, will you be my girlfriend?" tanong niya

hindi na ko makapagsalita. May kakaibang emosyon ang naramdaman ko sa loob ko. I hugged him and simply say "YES"

And all I know that the weird thing I feel inside is Happiness, Overflowing happiness.

--

After ng scene na yun sa restaurant kung san Officially naging kami. niyaya ako ni spade sa isang lugar, lugar na tahimik, payapa, malayo sa lahat.

"anong ginagawa natin dito? gabi na baka kung mapano tayo" sabi ko. medyo malayo na kasi kami sa nakaparada niyang kotse kung nasan din ung driver niya

"wag kang mag alala. we'll be safe here. i just want to show you something" sabi niya. sumunod lang ako sakanya habang hawak niya ang kamay ko. And it really feel so good. I feel safe when he hold me like this. sabi nga nila, kaya may pagitan ang mga daliri natin ay para sa pagdating ng taong nakatadhanang humawak satin balang araw. and i think i found my perfect match, his fingers perfectly fit with mine.

nakarating kami sa dulo ng lugar na yun. nasa mataas palang parte kami ng bangin. bangin pala yun. pero hindi ako natakot, namangha pa ko sa mga nakikita ko. kitang kita mo ung maliwanag na ilaw ng mga building na nagtataasan. ang ganda nila tignan.

"Upo tayo" sabi niya kaya umupo nga kaming dalawa. ipinatong ko yung ulo ko sa balikat niya

"Tignan mo ung langit" sabi niya kaya naman napatingin ako dun. at ang ganda. ang daming bituin ngayong gabi, at ang gaganda nila. ang liwanag din ng buwan at ang linis ng langit, wala masyadong ulap. napangiti ako dahil sa pamamangha ko. ngayon ko lang na appreciate ng ganito ang langit kapag gabi, ngayon ko lang hinangaan ang mga bituin. dati para sakin batayan lang ang bituin kapag uulan o hindi. pag walang stars edi uulan, kapag meron edi hindi. yun lang yun, pero ngayong gabi nag iba ang lahat. pakiramdam ko bawat kinang ng mga bituin nagpapahiwatig ng pag sang ayon nila sa sayang nararamdaman ko. nakikisama sila sa saya ng gabi na toh.

"Ang ganda ng mga stars nuh. Ang sarap pag masdan" mahinang sabi ko

"Parang ikaw lang yan mish" biglang sabi ni spade. napalayo ako sa balikat niya para tignan ung mukha niya na nakangiti habang sinasabing...

"walang buhay ang langit sa gabi pag walang stars. para silang dyamanteng kumikinang at nagbibigay buhay dito. Pakiramdam ko ako ung langit, at ikaw..." lumapit siya sakin, at pinatong niya ang noo niya sa noo ko

"ikaw ang stars. kung wala ka, malungkot ako. malungkot ang langit pag walang stars" nakangiti siya at nakatitig sa mga mata ko.

sobrang lapit ng mukha namin, ramdam ko ang paghinga niya, at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. nagulat ako ng ialalay niya ang kamay niya sa likod ko. at mas lalo pa siyang lumapit sakin.

sobrang lapit, hindi ko na siya kayang tignan, nakaka duling. pumikit nalang ako.

ito na ba ung first kiss ko? si spade na ba ang first real kiss ko?

yan ang mga tumatakbo sa isip ko sa mga sandaling ito. hanggang sa maramdaman ko ang pag lapat ng mga labi niya...

sa pisngi ko. napa mulat ako at nakita ko siyang nakangiti. napatulala naman ako. sa pisngi lang yun pero mas lumakas ang kabog sa puso ko. para kong tumakbo ng napakabilis at nahihirapan na kong huminga

"This night is magical, pero hindi pa kita pwedeng i-kiss sa lips kasi bata pa tayo. Gusto ko ung First kiss natin Mas magical pa sa gabing ito and I will wait for the right time para matupad un. I Love you Mish, Forever and always" then he leaned again to kiss me on my forehead. mamatay na ko sa sobrang kilig sa taong toh. He's the most romantic and Respectful Man I ever met. Kami lang dalawa dito at Girlfriend niya na ko pero hindi niya ginamit yung mga bagay na yun para samantalahin ako, and every second, I fall deeper in love with him. I love him because he is him.

[Author's Note: hello :) kamusta crush mo? haha de joke lang :p. i just want to say thank you sa lahat ng readers ng DG. tulad po ng sabi ko may book II po ito at kasalukuyan ko na ding naumpisahan hehe. ipo-post ko din ngaun ung special chapter ng Torpe+Manhid kung nabasa niyo man siya hehe. salamat ulit. enjoy reading)

--

monday nanaman. nasa harap ako ng salamin ngayon at tinitignan ung kwintas na binigay niya sakin nung nag propose siya. Simple necklace na may heart pendant na nakapaloob sa isang bilog na may 3 maliliit na diamonds sa gilid

and it's perfectly beautiful. Tinignan ko ang sarili ko, nung sabado pa hindi mawala wala tong ngiti sa mukha ko. Napaka saya ko na nasabi ko ang nararamdaman ko at napakasaya ko na mahal ako ng taong mahal ko at higit sa lahat kami na. He's only mine.

Pag dating sa school...

"mish!" sigaw ni pinky at elise. At talagang inabangan nila ko sa gate. Jusmeng mga kaibigan toh. Masyadong excited sa chismis

"mish kwento ka dali!!" wala pa nga kinikilig na? Andito kami ngayon sa science garden

at kinwento ko nga ung mga nangyari

"wow mish hindi ako makapaniwala. Sa wakas natuloy na ung lovestory mo. I'm so happy for you my friend" umarte pang naiiyak si pinky. Natawa naman ako

"mish, congrats. halata namang inlove na inlove sayo si spade eh. Masaya ko para sainyo. Tska mukhang sobrang saya mo kaya sobrang natutuwa talaga ko na kayo na" sabi naman ni elise

aww.. Nakaka touch naman tong dalawang loka loka na toh. Naiiyak tuloy ako haha joke

naramdaman ko ung pag vibrate ng phone ko sa bulsa ko pag tingin ko si spade

(hey misis. Nasan ka na?)

masiglang masigla ung boses ni spade sa kabilang linya

"dito lang. Kausap sila pinky at elise bakit?" tanong ko

(punta ka na sa room. Miss na kita eh)

sabi niya

"che! Mamaya babalik na kami jan. Wait mo lang" tas in-end ko na ung call. Kulit talaga nun. Pero nakaka kilig *^___^*

Ang sarap ma inlove. Ang sarap kiligin. Ang sarap sa feeling. Para ngang naka-tattoo na sa mukha ko ung ngiti ko. Hindi na kasi mawala wala. Dahil sa love naging Masaya ako, ay mali! Naging SOBRANG MASAYA ako. Tama, sobra sobrang saya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.