Next Time I Fall In Love (Soo...

By aLexisse_rOse

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... More

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Four: The Heartbreaker
Chapter Five: Red Sports Car
Chapter Six: Her Black Knight
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Ten: Creepy Feeling
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Two: She's Mine
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty: Conspiracy
Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Three: She's A Girl!

160K 2.2K 139
By aLexisse_rOse

Chapter Three: She's A Girl!

JARED

                Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Ang nasabing nilalang na may mahabang buhok ay isa palang babae. For a record siya pa lamang ang bukod tanging nakakagawa nito sa akin. At mas ininda ko ang nasaktan na ego kaysa sa katawan na bumagsak sa lupa.

                Never in my life na nanakit ako ng pisikal ng isang babae. Baka sakali ngayon pa lang. At kung magtatangka pa siya na saktan ako, mapipilitan akong labanan siya.

                "Hep!" Pigil ko sa tangka niyang pag-atake. Napaatras ako ng ilang hakbang palayo sa kanya. Mahirap na, baka sa susunod na mabalibag niya ako ay mahati na ang katawan ko sa dalawa. "Anong ginagawa mo rito? Magnanakaw ka siguro?" Matapang kong tanong at muling umaatras upang makasigurado.

                "A-ako magnanakaw?" Her finger pointing at her. Then I heard her chuckled. "Do I really look like one?" Pagkatapos ay hinagod niya ng tingin ang kanyang sarili at mukhang nadismaya siya sa nakita. Then I saw her teeth flashed. "Mamang Ano, mukha lang po akong madungis pero ang totoo dito ako nakatira."

                Nagdududa na tinignan ko siya. Baka kasi taktika niya lamang ito para maisahan ako.

                "I swear!" Itinaas pa niya ang kanang kamay "Dito talaga ako nakatira. Kahit tanungin mo pa ang mga guwardiya sa gate."

                Pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinasabi niya. Dahil kung totoo na kilala siya ng mga guwardiya ay hindi siya aakyat ng bakuran para lamang makapasok.

                "Mamang Ano, hindi po ako nagsisinungaling," aniya nang humakbang palapit sa akin dahilan para mapaatras ulit ako.

                "Stay where you are!" Napahinto naman siya.

                "Relax. Hindi naman ako nangangagat."

                "Marahil nga hindi." Tinignan ko siya ng masama. "Pero kung makabalibag ka naman daig mo pa ang isang lalaki."

                "It's your fault. Ginulat mo ako," humagikgik na sabi niya na parang bata. "Anyway, at your back, there's a secret passage to the maid's quarter. Kung gusto mo linisin natin sa loob ang coat mo. I don't think na makakabalik ka sa party na ganyan kadumi ang suot mo." Humakbang siya patungo sa tinutukoy at tuluy-tuloy na hindi man lang lumilingon sa akin. Naiwan ako sa kinatatayuan ko.

                Maid's quarter? Ibig sabihin, isa siya sa mga katulong sa mansyon na iyon!

                "Ano pa ang tinatanga-tanga mo d'yan?"

                Napapitlag ako nang bigla na lamang siyang sumigaw mula sa likuran ko.

                Now what? Hindi ako makapagdesisyon kung susundan ko siya. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang isang tulad niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi nawawala ang kaba sa dibdib ko. Ewan ko ba? Nagtataka ako sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Pero nang makita ko ang nadumihang coat, naisip ko na tama siya. Hindi ako makakabalik sa party na ganito ang itsura ko.

                Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko pagkatapos. Bahala na!

                "Punasan mo ang sarili mo." Inabot niya sa akin ang isang malinis na bimpo na bahagya niyang binasa sa gripo. 

                Atubili na kinuha ko iyon na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya. She's right! Madungis nga siya. Hindi ako sigurado kung ano iyong kulay itim na bahid sa mukha niya. Ganon din ang kanyang puting t-shirt na punung-puno ng matsa pagkatapos niyang hubarin ang suot na leather black jacket.

                Naroon kami ngayon sa may kitchen. Pagkatapos naming magpasikot-sikot sa tinutukoy niyang secret passage ay basta na lamang kami napadpad roon. Obyus na pamilyar ang babae sa lugar na iyon. At sa tingin ko ay nagsasabi nga siya ng totoo.

                "Akina na 'yang coat mo?" Inilahad niya ang kamay sa akin. Wala sa loob ko na hinubad iyon at ibinigay sa kanya.

                "Sorry kanina! Hindi ko sinasadya," pagpapatuloy niya. "Wala akong intensyon na saktan ka. Subalit bigla ka na lang sumulpot sa likuran ko at talagang ginulat mo ako. Ano ba kasi ang ginagawa mo roon?"

                "I don't know. Maybe the party makes me bored. Basta na lang akong dinala ng mga paa ko sa lugar na iyon."

                "Bored?" Nag-angat siya ng mukha at saka ngumiti. "Kung sabagay kung ako ang nasa kalagayan mo, walang duda na mabo-bored din ako sa ganon klaseng party."

                Then suddenly I just stopped and looked at her. I couldn't explain why I was amazed by her simple smile.

                "Pate!"

                Sabay kaming napalingon sa sumulpot na matandang babaeng sa pintuan.

                "Patay!" Narinig kong sabi ng dalaga sabay tapik sa kanyang noo. Mukhang siya ang Pate na tinutukoy niya. What a name!

                "Saan ka na naman nanggaling  bata ka? Kanina ka pa namin hinaha-?" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita ako. "Pate, sino siya? Siya ba ang nobyo mo?"

                "Hindi po!" Mabilis na sagot ng dalaga."Bisita po siya sa party."

                "Bisita? Eh, bakit siya narito?"

                Walang nagtangkang sumagot sa aming dalawa.

                "Anong nangyari sa damit mo, iho?" Nilapitan ako ng matanda. "Bakit ang dumi mo? Patte! Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?"

                "Wala po siyang kasalanan," mabilis kong sagot. "Ang totoo po kasi..."

                "Siya po ang may kasalanan, Nay!" Mabilis na turo ni Pate sa akin na ikinabigla ko.

                Ako pa ngayon ang may kasalanan?

                "Kahit tanungin n'yo pa si Mamang Ano."  Akala siguro niya ay makukuha niya ako sa panlalaki ng kanyang mga mata. Na parang hindi rin naman lumaki dahil may pagkasingit ang mga iyon.

                "Ang totoo, nakita ko po siya umakyat ng pader at nakalambitin sa puno."

                "Hindi-"

                "Akala ko nga po ay magnanakaw siya." Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapagprotesta. "Balak ko po sana siyang lapitan. Pero pinaglihi n'yo yata kay Jackie Chan itong anak ninyo at pinabagsak ako sa lupa ng walang kahirap-hirap."

                "Umakyat ka naman ng pader? Wala ka talagang kadala-dalang bata ka!" Bigla na lang piningot ng matanda sa tenga ang dalaga.

                "Aray! Nay naman!"

                Napangisi ako. Serves you right!

                "Nasaktan ka ba, iho? Pagpasensya mo na itong anak ko."

                "Nay! Ako ba hindi ninyo tatanungin kung nasasaktan ako?" Reklamo ni Pate. Hindi pa rin kasi binibitiwan ang kanyang tenga.

                "Hindi ko ito bibitawan hangga't hindi ka nagtatanda! Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na huwag kang aakyat doon. Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo!"

                "Okay na po. Wala namang kaso sa akin iyon," biglang kambiyo ko. Hindi ko rin pala kayang makitang nasasaktan si Pate, bukod doon ay pulang-pula na ang kanyang mukha.

                "Iho, ako na humihingi ng paumanhin sa kung anuman ginawa sa'yo ng batang ito." Kinuha niya sa akin ang hawak kong bimpo at siya na mismo ang naglinis ng nadumihang damit.

                "Wala po iyon. Hindi naman po ako nasaktan," pagsisinungaling ko at sinulyapan si Pate na halos sumayad na sa lupa ang nguso habang hinihimas ang nasaktan na tenga.

                "Pate! Humingi ka ng tawad sa bisita natin."

                "Hindi naman po natin siya bisita. Bisita siya sa party."

                "Pate!"

                "Sorry ulit," hindi maipinta ang mukha na wika niya. "Kahit ang totoo ay wala naman akong kasalanan. Aray!" Napaigtad ang dalaga nang bigla na lamang siyang kurutin ng matanda sa tagiliran. May pagkapasaway ang babaeng ito. But I think she has a good heart. Hindi niya ako tutulungan kung wala siyang malasakit sa kanyang kapwa.

                Kung hindi pa niya tinawag na Nay' ang matanda kanina, hindi ko iisipin na mag-ina silang dalawa. Bukod sa napakalayong agwat ng kanilang mga edad, wala naman silang pagkakahawig. Kanina ko pa lihim na pinagmamasdan ang dalaga. Nakasisiguro ako na maganda siya kung wala lang bahid ng dumi kanyang sa mukha. At pamilyar sa akin ang kanyang mga mata. Parang mayroon akong kakilala na may katulad ng sa kanya. Hindi ko lang mabigyan ng pangalan kung sino.

                "Oh sh-t!" Nanlalaki ang mga mata ni Pate na tumingin sa kanyang ina.

               

                "Si Elvira!" Bulaslas ng matanda.

                Hindi ako sigurado kung ano ang nangyayari. Pero may narinig akong mga yabag na patungo sa kinaroroonan namin.

                "You need to get out of here, now!" Tinulak ako ni Pate patungo sa pintuan kung saan kami nanggaling kanina. "Dito ka na lang lumabas. Natatandaan mo pa naman ang dinaanan natin kanina, 'di ba? Sige na,  umalis ka na bago ka pa niya makita."

                "Pasensya ka na iho, pero kailangan mo talagang makaalis."

                Kahit nagtataka ay napasunod na lang ako. Ngunit bago ako tuluyang lumabas ay muli akong lumingon sa kanila.

                "Mamang Ano, yung coat mo!" Inihagis niya iyon na maagap ko namang nasalo.

                I smiled at her. "Thanks!" Tumango lamang si Pate na bahagya kong ikinadismaya. Akala ko pa naman ay makikita ko ulit ang kanyang napaka-rare na pagngiti bago ako umalis.

 

TRISHA

                "Patricia Mae!"

                Halos mapangiwi ako nang marinig ang kumpleto kong pangalan. Hindi ba puwedeng Trisha na lang o kaya Trish. Pwede rin na Pate. Iyon naman ang madalas itawag sa akin ni Nanay Ising.

                "Patricia Mae!"

                Pumihit ako paharap sa kanya. At hindi na ako nagulat sa naging reaksyon niya nang makita ako. Eksaheradang napaawang ang kanyang bibig na tila ngayon lamang siya nakakita ng madungis na nilalang.

                "Oh my! What happened to you?" Lumapit siya sa akin at hindi malaman kung paano niya ako hahawakan. "Why do you look so...dirty!" Napangiwi pa siya nang daanan niya tingin ang kabuuan ko.

                "Mom, kung maka-react naman kayo parang ngayon n'yo lang ako nakita na ganito kadungis." The woman that I was talking about is no other than my biological mother.

                "Tell me, nagpunta ka na naman ba sa talyer ng kaibigan mo?" Ilang beses ko bang sasabihin sayo..."

                "Mom, I love doing stuffs like that. Iyon ang passion ko." Ang tinutukoy ko ay ang pagkukumpuni ng mga sirang sasakyan at motorsiklo. Iyon ang dahilan kung bakit palagi akong madungis sa tuwing umuuwi ako.

                "I will not argue with you. Now, young lady go to your room and clean yourself." Bahagya niya akong tinulak palabas ng pintuan. "I'll call Suzie to fix you."

                "But..." Gusto ko sana magprotesta.

                "The party is not yet over. And your father is waiting for you."

                Napasimangot ako. I know she was lying. My father doesn't even care kung uma-attend man ako o hindi ng party.

                "I can't go, Mom!." Huminto ako at muling pumihit paharap sa kanya.

                Kumunot ang kanyang magandang noo.

                "I-I don't have to wear."

                "Where is the gown that I bought you?" Nanlalaki ang kanyang mga mata. "Patricia Mae, ano na naman ang kalokohang ginawa mo?"

                "Nothing!" Mabilis na sagot ko at lihim na sinulyapan si Nanay Ising na napapailing na lamang. "Don't worry Mom, the gown is safe. Pinahiram ko lang muna iyon kay Jianne. Naawa ako sa kanya. Wala raw siyang susuotin sa party." Ang tinutukoy ko ay ang pinsan na kasing edad ko rin.

                Nagdududa na tinignan ako ni Mommy. "Hindi ko nakita si Jianne sa party."

                "Mom, sa dami ng bisita malamang hindi n'yo lang siya napansin."

                Narinig ko siyang humugot ng malalim ng paghinga. "I don't know what to do with you anymore," sinapo pa niya ang noo na tila anumang oras ay hihimatayin siya. "Nanay Ising, ikaw na ang bahala sa batang iyan. Ayokong ma-stress!" At tuluy-tuloy siyang lumabas pagkatapos.

                "Alam mo naman na espesyal ang araw na ito para sa kanya. Hindi mo pa pinagbigyan ang Mommy mo." Nilapitan ako ni Nanay Ising at sinimulang punasan ang madungis kong mukha. Hinayaan ko lang siya. Maliit pa lang ako ay siya na ang nag-aalaga sa akin. Mas hands on pa nga siya kaysa kay Mommy. Kaya masasabi ko na mas close ako sa kanya kaysa sa sarili kong ina.

                "I don't like parties. Alam nyo naman iyon, Nay."

                Hindi siya kumibo. Alam niya na walang makakapilit sa akin.

                "Nay, ngayon ba ia-announce ang engagement ni Ate Pamela?" Bigla kong naalala ang tungkol doon. Ang totoo kahapon ko lang iyon nalaman at sa ibang tao pa. Ako na kamag-anak ay walang kamalay-malay sa nangyayari sa sarili kong pamilya.

                "Hindi ko alam. Wala naman nababanggit si Elvira," patuloy pa rin si Nanay Ising sa paglilinis sa akin.

                Napanguso ako. "Akala ko dati imbentong kuwento lang ang tungkol sa kasunduan ng mga Alejo at Monreal. Sinong mag-aakala na magiging bahagi pala si Ate Pamela ng matandang kasunduan na iyon."

                Tumawa ng mahina si Nanay Ising. "Ibig sabihin pala ay hindi ka naniniwala sa ikinuwento ko sayo noon?"

                "Nay, nagtataka lang kasi ako. Parang may hatid na kamalasan ang kasunduan ng dalawang pamilya. Hindi ba, sa tuwing mayroon silang pinagkakasundo ay hindi naman nagkakatuluyan?"

                Sa pagkakatanda ko ay panahon pa ng lolo ko ang tungkol sa kasunduan na iyon. Ayon kasi sa kuwento, matalik raw na magkaibigan ang dalawang matandang Alejo at Monreal. At dahil doon ay nabuo ang isang kasunduan, na pag-isahin ang dalawang angkan.

                "Ikaw na bata ka! Paano mo naman nasabi na malas?"

                "Katulad na lang nang nangyari kay Lola Paulina. Pinagkasundo siya sa isang lalaking Monreal na hindi naman niya gusto. Kaya hindi ko siya masisi kung bakit mas pinili niyang makipagtanan sa kasintahan niya." At dahil doon ay itinakwil si Lola Paulina at tinanggalan ng karapatan bilang Alejo.

                "Ganun din ang nangyari kay Tita Pinky. Although, hindi siya nakipagtanan sa iba, hindi pa rin natuloy ang kasunduan dahil pinili niya maging madre." Wala raw nagawa ang dalawang angkan sa naging desisyon ng tiyahin. At dahil sagradong katoliko ang magkabilang panig ay hinayaan na lamang nila ito sa piniling bokasyon.

                "Pero hindi ibig sabihin ay kamalasan din ang dala nito para sa Ate Pamela mo," giit ni Nanay Ising. Pero hindi ako kumbinsido.

                "Sa pagkakaalam ko ay may boyfriend si Ate Pamela. Kaya nga nagulat ako kung bakit pumayag siyang magpakasal sa iba."

                Hindi kumibo si Nanay Ising.

                "Kung sabagay, hindi na dapat ako magtaka. Alam ko naman na sunud-sunuran siya sa mga kagustuhan ni Daddy," pagpapatuloy ko. "Ewan ko ba sa kanya? Masyado siyang mabait. Hindi siya marunong tumanggi."

                "Patunay lang na mabuting anak ang kapatid mo."

                Sumimangot ako. "Ibig sabihin ayhindi ako mabuting anak?" Sa aming tatlong magkakapatid ay ako ang pinakapasaway, sutil at matigas ang ulo. Kaya nga madalas kaming magtalo ni Daddy. Ayoko kasi na manipulahin niya ang buhay ko katulad nang ginawa niya kay Ate Paula at Pamela.

                Bigla akong kinabig ni Nanay Ising at mahigpit na niyakap. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Lahat kayo ay mabubuting anak, kayong tatlong magkakapatid. Nagkataon nga lang na pasaway ka."

                "Nay, naman!"

                "Hindi naman mabiro ang bunso ko!" Muli siyang tumawa at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

                "Pero paano na lang kung hindi na naman matuloy ang kasunduan?"

                "Anong ibig mong sabihin?"

                "Paano kung may mangyari na hindi natin inaasahan? At sa pangatlong pagkakataon ay hindi matuloy ang kasunduan ng dalawang pamiya? Ano kaya ang mangyayari?"

                "Huwag ka ngang mag-isip ng masama! Hindi pwedeng mangyari iyon."

                "Pero paano nga kung-"

                "Pate!"

               

                Hindi na ako nagpumilit. Pero duda talaga ako na hindi na naman iyon matutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

43M 907K 54
After being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the...
9.7M 296K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
675 175 27
Nɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic to sunlight, it's very uncommon. Solar Ur...
8.1M 177K 57
Good and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pangako rin na matutu...