Killer Game

By Penguin20

2.4M 88.1K 26.8K

Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016 More

Killer Game
Teaser
Chapter 1: Unknown Lady
Chapter 2: Mysterious Invitation
Chapter 3: Game Rules
Chapter 4: Tactics
Chapter 5: Night 1
Chapter 6: Trial Phase 1
Chapter 7: Judgment Phase 1
Chapter 8: Night 2
Chapter 9: Trial Phase 2
Chapter 10: Judgment Phase 2
Chapter 11: Night 3
Chapter 12: Trial Phase 3
Chapter 13: Judgment Phase 3
Chapter 14 :Night 4
Chapter 15: Trial Phase 4
Chapter 16: Judgment phase 4
Chapter 17: Night 5
Chapter 18: Trial Phase 5
Chapter 19: Judgment Phase 5
Chapter 20: Night 6
Chapter 21: Trial Phase 6
Chapter 22: Judgment Phase 6
Chapter 23: Night 7
Chapter 24: Trial Phase 7
Chapter 25: Judgment Phase 7
Chapter 26: Night 8
Chapter 27 "Trial Phase 8"
Chapter 28: Judgment Phase 8
Chapter 30: Trial Phase 9
Chapter 31 "Judgment Phase 9"
Chapter 32: Night 10
Chapter 33: Trial Phase 10
Chapter 34: Judgment Phase 10
Chapter 35: Night 11
Chapter 36 "Trial Phase 11 part 1"
Booksigning
Chapter 37: Trial Phase 11 part 2
Chapter 38: Judgement Phase 11
Chapter 39: Final Night
Chapter 40: The Escape
Author's Note
February 2019 booksigning
Booksigning Davao 2019
Booksigning megamall 2019

Chapter 29: Night 9

41.3K 1.8K 636
By Penguin20

Chapter 29: Night 9
Tomy

Nasa kwarto lang ako habang tahimik na pinagmamasdan ang kabuuan ng park. Saglit akong napatingin sa kalangitan at mukhang may nagbabadyang bagyo na darating.

Dahil sa ginawang pagkukwento ni Stacy, hindi ko maiwasan na alalahanin ang nakaraan ko.

Bata pa lamang ako no'n noong naulila ako sa aking mga magulang. Namatay daw ang nanay ko habang ipinapanganak ako, samantalang ang papa ay isang sundalo na namatay sa gyera. Nung pitong taong gulang ako ay namatay naman si lola Pising na siyang nag-alaga sa akin magmula nung bata ako.

At the young age, naging miyembro ako ng isang sindikato na kung saan tinuruan ako nang iba’t ibang paraan nang pagnanakaw, tinuruan nila akong magtanggal ng lock at kung paano mag-diffuse ng bomba.

Gusto kong maging lider upang maprotektahan ang mga kasamahan ko, na hindi ko nagawa sa mga kasamahan ko nung sindikato pa ako. Naipit kami sa gulo at karamihan sa kanila’y namatay.

Saglit akong nagpalit ng damit bago naglakad patungo sa Lobby. Karamihan ay nandoon na. This time... The real battle is about to begin. Wala ng doctor na magliligtas sa amin, It's a battle between the players and the killers.

Gusto kong malaman ang bawat sikreto ng parkeng ito. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit kami naririto. Gusto kong tumulong sa mga kasamahan ko na makalabas sila rito.

"Players the game will start in 5 minutes please prepare yourselves.”

Walang makapagsasabi kung ito na ang huling gabi ko sa parkeng ito. Kinakabahan pa rin ako sa warning na ibinigay sa akin ng mga killers. Humakbang na ako palabas ng hotel. Magsisimula na naman ang gabi. Ang kauna-unahang gabi na may pangangamba ako kung mabubuhay pa ako.

***
Third Person

"P-patayin ko si Owen," Matapang na sabi ng serial killer sa mafia.

“Si Owen papatayin mo? Mas mautak pa sa’yo ‘yon,” tumayo ang mafia at tiningnan ang serial killer. “kaya mo bang mapatay si Owen? Kung mapatay mo man siya, kaya mo na bang mamatay bukas?”

Doon kinabahan ang serial killer. "Matalino ang gagong 'yon. Paniguradong hindi niya hahayaan na mamatay siya ng hindi masabi ang katauhan ng pumatay sa kanya." Sabi ng mafia.

"S-si Tomy na lang kaya."

"Magbigti ka na lang kaya? Tandaan mo, nanunuod lang sila sa atin. Hinihintay lang niya na bigyan natin siya ng isang magandang palabas, subukan mo siyang biguin, paniguradong tanggal ka sa larong ito." Ang mga salitang iyon ang nagpabuhay ng takot sa serial killer.

"A-ayoko. Ayoko pang mawala sa laro," Bakas sa boses ng serial killer ang takot.

"Ano pang ginagawa mo rito? Maghanap ka na ng mabibiktima." Sabi ng mafia at sinipa ang serial killer paalis.

Labag sa loob ng serial killer ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa. Hangga't maaari ay ayaw niyang saktan ang mga kasamahan niya... Pero wala siyang magagawa, kailangan niyang gawin ang role niya sa ayaw at sa gusto niya.

***

Tahimik lamang na naglalakad si Tomy sa paligid at palinga-linga siya sa paligid. Nasa loob siya ng hotel. Agad siyang bumalik rito noong matapos ang gaming hour. Isa-isa niyang pinihit ang mga kwarto ng kanyang kasamahan at naghahanap siya ng tiyempo kung kaninong kwarto ang mabubuksan niya.

Pinihit niya ang door knob ng kwarto ng isa sa mga kwarto at bumukas ito. “It’s just a normal room.” Sabi niya bago naglibot sa paligid.

Sinubukan niyang buksan ang mga drawer at wala namang kahina-hinala rito. Bago lumabas si tomy ay may napansin siyang dumi sa salamin at doon na siya nagsimulang maghinala.

***

Paikot-ikot lamang ang serial killer sa buong parke at naghahanap ng mabibiktima. Alam niya na ang lahat tungkol sa laro, alam niya na kung sino ang totoong may pakana ng lahat, at alam niya na kung sino ang utak ng ganitong laro.

Masyadong malaki ang parke na iyon para sa kanilang labing dalawang players na natitira. Nahihirapan na siya ng makahanap ng mga players na mabibiktima.

Naglakad-lakad siya habang mapunta siya sa loob ng isang horror booth. Ang nakakabinging mga nakakatakot na sound effect na nanggagaling dito ang nagpahikayat sa kanya na pumasok sa loob nito.

Habang naglalakad siya ay may nakita siyang tao na nasa isang gilid. Hindi maaninag ng serial killer ang mukha nito pero isa lang ang nasa isip niya... Kailangan niyang pumatay.

“Tulong!” Nagsimulang umakto ang serial killer at nagkunwaring tumakbo.

“Ayos ka lang ba?” Napangiti siya ng palihim nung lapitan siya ng kanyang biktima—si Phil.

Walang sinayang na oras ang serial killer, kinuha niya ang pocket knife na nakaipit sa kanyang short at mabilis na isinaksak sa leeg ni Phil.

"Masyado ka kasing mapag-isa Phil. Walang lugar ang nagmamatalino na kagaya mo sa lugar na ito," Sabi ng serial killer.

"Nagmamatalino? Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ako lumalaban?" Sabi ni Phil at ngumisi sa serial killer.

Sinipa ng serial killer si Phil sa tiyan dahilan upang mapasuka ng dugo ang binata. "Hindi ka lumalaban kasi alam mong hindi mo ako kaya."

"Akala mo ba ay hindi ko alam ang lahat? Kilala kita, kilala ko ang Mafia, kilala ko ang traitor, kilala ko kung sino si Amanda. Dapat kang kabahan dahil kilala ko kayong lahat." Hindi inaalis ni Phil ang ngisi sa kanyang labi. Hawak-hawak niya ang kanyang leeg at sinusubukang pigilan ang pag-agos ng malapot na pulang dugo mula rito.

"It's too late dahil mamamatay ka rin naman," Kinuha pa ng serial killer ang isa pang pocket knife sa kabila niyang bulsa. "Kung alam mo ang lahat ba't hindi ka nagsalita?"

“Dahil ayokong guluhin ang laro. Ang sarap manuod at alamin kung sino ang mananalo sa dalawang panig, ang innocent ba o ang killers? Ang sarap lang tumawa kapag nakakagawa sila ng maling desisyon at kapag naiisahan nila kayo.” Sabi ni Phil
Nanginig ang kamay ng serial killer sa galit kaya sinugod niya si Phil at sinaksak sa kanang balikat nito.

"Sige patayin mo ko. Hindi ako takot na mawala sa larong ito. Pero eto ang ikabibigla mo... Alam ko kung saan mo itinago ang mga nakitang bagay ni Tomy." Mahinang tumawa si Phil. Hindi niya iniinda ang sakit dahil natutuwa siya sa ekspresyon ng mukha ng serial killer.

"Tumahimik ka! Manahimik kang gago ka!" Paulit-ulit na sinaksak ng Serial Killer si Phil. Ramdam ni Phil ang matinding pagbaon sa katawan niya ng bawat saksak.

"M-maniniwala ka bang kinuha ko lahat mga bagay na itinago mo kay Tomy? Ikinalat ko ito sa buong parke, Hindi rin magtatagal malalaman nila ang katotohanan. Hanggang kailan mo kaya mapagtatakpan 'yang sungay mo ng bait-baitan mo?”

Nagdilim na ang paningin ni Phil. Ipinikit niya ang kanyang mga mata na may ngiti sa kanyang labi. Hindi siya nagsisisi dahil alam niyang nagkaroon siya ng silbi sa larong iyon.

***
Tomy

"It's a game over for Phil Hernandez! His game identity is—Innocent. Napiling patahimikin ng silencer si Mario sa trial bukas!”

Ikinabigla ko ang naging balita. Sa lahat ng mga players dito, hindi ko ini-expect na agad mawawala si Phil. Hindi naman masyadong nagkaroon ng impact sa akin ang pagkamatay niya dahil mailap din siya sa kapwa niya player.

Umakyat ako panandalian sa hotel upang kuhanin ang jacket ko pagkatapos ay pupunta na ako sa Crime scene.

Napansin kong nakauwang ang pinto ng kwarto ni Crystal. Agad na napukaw ng atensyon ko ang isang kalendaryo ‘2019.’”

"Oh Tomy ikaw pala," Bati sa akin ni Crystal at mukhang palabas na siya ng kanyang silid.

"Ang weird naman ng kalendaryo sa kwarto mo. 2019 samantalang 2018 pa lang," Sabi ko sa kanya.

"H-ha hindi ko rin alam eh." Sabi ni Crystal at isinara ang kanyang kwarto. "Nand'yan na iyan ng napunta ako rito eh. Alam mo naman ang mga kalendaryo ngayon, minsan advance na."

Hindi ko na lamang ito pinansin. How weird.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 110K 43
The real you is the monster inside you.
1M 30.6K 50
You can understand the story without reading the whole Death Game series.
1.6M 23.7K 31
Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Class resumes...
951K 8.2K 5
HUTSOM SEQUEL Do not read this book if you haven't read Harrison University: The School of Monster.. (SLOW UPDATE) Date started: June 2017 Date end...