My So Strict Boss (Bachelor S...

Af Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... Mere

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 22

223K 5K 238
Af Aljane_Rose

Sorry kung nabitin kayo sa last update ko. Sa mga matiyagang naghintay at sa mga bagong followers ko ay welcome sa inyo. Kung may gusto kayong sabihin sa akin ay magmessage lang kayo at sasagutin ko katulad ng mga nagmessage na sa akin before at nagreply rin ako sa kanila. Don't forget to vote and leave comments in this chapter. Other stories;

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**********

Nagmamadali na kaming bumaba at may mga nakakasabay rin kaming ibang employee na papunta sa ground floor. Para saan ba ang announcement ni Clyde?

"Bakit daw ba biglang nagkaroon ng announcement?" Narinig kong itinanong ni Kim kay Brix.

"Hindi ko rin alam. Basta ng pagpasok lang namin ay may mga tao na sa ground floor at nang tanungin namin. May announcement daw si sir Clyde." Bakit hindi man namin nalaman at kanina pa kami dito.

"Cassandra meron bang sinabi sayo si sir?" Bulong ni Kim. Umiling ako. Kahit ako man ay walang alam.

"Wala naman siyang sinabi na may announcement siya,Kim"

Nang makababa kami ay sobrang dami ng tao. Lahat talaga ng employees sa company ay nandito. Hinanap namin sila Hanz pero hindi namin makita.

"Nasaan na sila Hanz?"Hindi ko sila makita.

"Sabi nila sa bandang harap sila maghihintay."Paano kami pupunta sa harapan. Ang daming tao.

Hinawakan ni Kim ang kamay ko at nakipagsiksikan kami para lang makapunta kami sa harapan. Sa wakas nakita na rin sila Hanz at tumabi kami sa kanila.

"Bakit ang tagal niyo!"

"Nakitang mong maraming tao at magtatanong ka pa talaga,Laurel! Ikaw kaya ang makipagsiksikan sa mga tao kung makarating ka pa rito sa harapan"

"Sorry naman,Kim. Ang init ng ulo mo. Huwag ako ang pag-initan mo" hindi na lang nagsalita si Kim sa sinabi ni Laurel at alam kong iniisip pa rin niya ang nangyari kanina.

Ilang minuto ang hinintay namin at nakita na namin na nagsidatingan ang mga head ng ibat-ibang department at kasama nila si Clyde.

Napansin ko na wala na ang ngiti niya ng magkasama kami at seryoso siya ngayon. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba sa sasabihin niya.

Umakyat ito sa mini stage at binigyan ito microphone para marinig ng lahat ang sasabihin niya.

"I am not used to speak to all of my employees but this time I had to because I heard that there were rumors about me and an employee. In the past years, you all knew that rumors in my company was not allowed and I forbid it. I dont want this trash thing inside my company but I heard from my secretary that this rule was not effective nowadays! I pay you all to work not to meddle in my private life or anything that I do!

You all knew how I want to control this company with my set of rules and I want everything and everyone to follow what I damn say!" Natahimik ang lahat dahil sa nakikitang galit ni Clyde ngayon. Ngayon lang namin na makita na magalit siya at ipinakita pa niya sa lahat ito. Kahit ako ay natatakot sa kung ano pa ang mga sasabihin niya.

"I did not spent my money to pay you all to spread this rumors of how I treated my employee because it is my damn business. If I heard another thing about this rumors then I would not hesitate to fire that person. Treat this announcement as a warning to all of you." Binigay na niya ang mic sa isa sa mga head na nabigla rin sa mga sinabi ni Clyde. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa mga sinabi niya. Ano ba ang mga narinig niya at nagalit siya ng ganito.

"Nakakatakot si sir!"

"Muntik na tayong mawalan ng trabaho dahil lang sa tsismis na yan!"

"Hindi na talaga akong sasali sa mga tsismis at ayoko pang mawalan ng trabaho"

"Wala naman akong alam sa mga kumakalat na tsismis bakit pati ako nadamay!"

Iba-iba ang reaksyon ng mga tao pero iisa lang ang nakikita kong magandang resulta sa ginawa ni Clyde,matatapos na rin ang tsismis tungkol sakin.

Bumalik na ang lahat sa kanilang mga trabaho. Wala na akong naririnig tungkol sa pagiging involved ko sa dalawang lalaki at napalitan ito ng usapin kay Clyde pero hindi katulad ng sa akin ay patago na lang silang mag-usap dahil sa takot na masisante.

"Grabe si sir! Ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit sa atin."

"Huwag mo ngang idamay tayo sa mga taong yun at naiirita lang ako!" Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa akin.

"Bakit kanina ka pa ganyan, Kim? Wala naman kaming ginagawang masama sayo"huwag mo ng dagdagan ang init ng ulo niya, Laurel.

"Bakit hindi niyo tanungin kay Cassandra para maramdaman niyo na rin ang nararamdaman ko ngayon." Tumingin silang tatlo pero yumuko lang ako at nagkunwaring may inaayos na mga files sa table ko.

"Anong nangyari habang wala kami, Cass?" Wala akong sasabihin dahil hindi ko na kayang pigilan kung dalawa na sila ni Laurel ang susugod sa mga babae kanina sa elevator.

"Wala kang aasahan kay Cassandra na magsasabi sayo. Ako na lang ang magsasabi para may kasama akong susugod sa mga yun! Kaninang umaga ay dumating si Cassandra na nagmamadali tapos ng makita ako ay niyakap ako at umiyak. Hindi ko naman alam kung anong nangyari pero ng ikwento niya na may mga babaeng matabil ang dila na gusto kong hilahin na kung anu-ano ang mga sinabi sa kaibigan natin. Alam niyo naman na hindi lalaban si Cassandra kaya tayo ang lalaban sa kanya"

"Sama ako dyan! Saan ba ang sabunutan para may pagkakitaan ako" puro kalokohan na naman ang mga sinasabi ni Brix.

"Tumigil ka at baka ikaw ang pagpraktisan namin ni Laurel para siguradong tanggal ang buhok ng mga inggitera na yun" tumahimik na siya sa takot na totohanin ni Kim yung sinabi niya.

"Cassandra, hindi sa lahat ng oras ay paiiralin mo ang pagiging mabait mo. Hindi ko sinabing gantihan mo sila pero sana marunong ka rin na lumaban para sa sarili mo. Nandito man kaming kaibigan mong handa kang tulungan pero hindi sa lahat ng oras ay kasama mo kami kaya huwag mong hayaan na makita ka nilang mahina at lalo lang silang magkakalakas ng loob na gawin ulit ito" lahat ng sabihin ni Hanz ay alam kong para sa kapakanan ko. Siya na ang itinuring kong kuya ko.

"Ayoko lang ng gulo, Hanz. Pero next time gagawin ko ang lahat ng sinabi niyo na ipagtatanggol ko na ang sarili ko" ngumiti sila at alam kong masaya silang marinig ito mula sakin.

Tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko ay may text. Binasa ko.

From: Your baby

Can you come to my office, baby? I really need you right now.

Ipinasok ko muna sa bag ko ang cellphone ko at tumayo na ako para puntahan siya.

"Saan ka pupunta, Cassandra?" Nilingon ko sila at ngumiti.

"Kay Clyde"

Habang naghihintay na magbukas ang elevator ay kung anu-ano na ang naiisip ko kung bakit ganoon ang text niya.

Nang bunukas na ito ay halos takbuhin ko na para makapunta sa office niya. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.

"Clyde.. its me" bago ko pa mabuksan ang pinto ay bumukas ito at hinatak na ako ni Clyde papasok.

Umupo siya at kinandong niya ako sa kanya habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. "Baby what's wrong?"

"I will definitely fire them if they made you cry again!" Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinawakan ko ang mukha niya. Paano niya nalaman na umiyak ako?

"Baby, look at me... Sino ang nagsabi sayong umiyak ako?"

"Cassandra, hindi ko na kailangang malaman sa ibang tao na umiyak ka dahil kita naman sa mga mata mo kanina." Hindi ko naman siyang nakitang tumingin sa akin.

"I was so mad that they made my baby cry. I really want to fire them all but I know you would be sad when I do that."Ang swerte ko naman kay Clyde. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng boyfriend na katulad niya.

"Bakit mo ako pinatawag dito?" Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Are you ok? Sinabi sa akin ni Sarah na kung anu-ano ang mga sinasabi nila sa baby ko. Kaya nagpatawag ako ng meeting para malaman nilang ayokong may kumakalat na masama tungkol sayo." Niyakap ko siya at sobrang saya ko sa ginawa niya.

"Salamat...baby" hinaplos nito ang buhok ko habang yakap ko siya.

"Para sa taong mahal ko ay gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan. Kaya kong mawalan ng mga employees o lahat sila para maprotektahan kita. Mawala man sila ay kaya kong palitan. Pero ang baby ko ay nag-iisa lang."

Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay hindi ko mapigilang maging masaya. This guy really loves me. Nilapit ko ang mukha niya sa akin at hinalikan siya. Nabigla siya sa ginawa ko pero hindi nagtagal ay tumugon rin siya. This is the first time that I am the one who initiate the kiss. Habang tumatagal ay lalo akong nahuhulog sa lalaking ito at hindi ako takot na malunod sa pagmamahal niya. Hindi na ako takot na magmahal  kung siya naman ang mamahalin ko.

"Clyde...I love you." Nang humiwalay kami sandali. Nakatitig siya sa akin at ngumiti.

"I love you too,baby"

***********

Hindi ako nakapagtrabaho ng buong araw at ang ginawa lang namin ni Clyde ang manood ng mga movies dito sa penthouse niya. Hindi na siya pumayag na bumalik pa ako sa office namin. Paano pa ako susuweldo kung wala akong ginagawang trabaho buong araw? Masaya man na nakakasama ko siya pero ang dami kong bayarin sa bahay.

"Huwag mo ng isipin ang ibang bagay kapag magkasama tayo, baby. Nagseselos ako. " naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Iniisip ko lang na hindi ako nakapagtrabaho ngayon at baka wala akong sweldo nito. Hindi ako pwedeng hindi sumahod dahil ang dami kong bayarin sa bahay." Napatingin ito.

"Huwag kang mag-alala at hindi maapektuhan ang regular na trabaho mo kapag pinatatawag kita o gusto kitang makasama buong araw. Wala silang magagawa dahil ako ang CEO ng company. Kung gusto kong makasama ang girlfriend ko ay gagawin ko dahil ako ang masusunod." Paano naman ako? Walang gagawin. Mas nakakabagot kapag walang ginagawa.

"Clyde huwag na sanang mangyari na ganito lang tayo. Marami kang ginagawa sa office mo at ganoon rin ako.Hindi ko gustong makaabala sayo."

Hinalikan niya ang likod ng kamay ko,"Kailanman ay hindi ka abala sa akin. You are my girlfriend, my love and my future. You are important too. I wanna spend some time with you and no one can stop me."

Natapos na rin yung movie na pinapanood namin. Nagpunta muna ako sa kitchen niya para maghanda ng meryenda para sa kanya. Lagi naman siyang may stock ng pagkain sa ref niya ng minsan na mabuksan ko ito. Hindi yata siya marunong magluto pero ang dami niyang pagkain. Marunong akong magluto pero wala namang laman ang ref ko sa bahay.

"Anong niluluto ng baby ko?" Niyakap niya ako at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Magluluto ako ng spaghetti.

"Kumakain ka ba ng spaghetti?" Tumango ito.

"Kahit ano naman ang iluto mo ay kakainin ko. Basta ba gawa ng taong mahal ko.Pero mas maganda kung hindi ka na lang magluto at ikaw na lang ang kainin ko." Hinalikan niya pa ang leeg ko at kinagat ito. Lumayo ako sa kanya at hinawakan ang leeg ko.

"Bakit mo ginawa yun?" Hindi naman masakit pero namula ako sa ginawa niya.

"Tingin ko kasi mas masarap kang tikman kaysa sa spaghetti. Gusto mong itry natin?" Nakita kong kinagat niya pa ang labi niya.

Nanlaki ang mata ko at kumuha ako ng sandok para gamitin sa kanya. "Huwag kang lalapit, Clyde! Ipapalo ko sayo to!"

"Sa tingin mo mapipigilan ako ng sandok na hawak mo,baby. Hindi kayang pigilan ng simpleng sandok ang gutom ko sayo." Nagbibiro pa ba siya o totoo na to?

Lumapit siya at ako naman ay lumalayo. Hindi naman kasi siya tumatawa kaya hindi ko alam kung nagbibiro pa ba siya.

Tatakbo na sana ako para makalayo sa kanya pero nahawakan niya ang braso ko at sinandal ako sa pader.

"Tinakot ba kita, baby. Nagbibiro lang ako."

"H-Huwag mo na kasing uulitin i-ito, Clyde." Kinabahan talaga ako kanina.

"Hindi ka dapat matakot sa akin. May respeto ako sayo at alam kong iniingatan mo ang sarili mo para sa tamang lalaki. Huwag mo ng hanapin ang tamang lalaki para sayo dahil nasa harapan mo na siya, Cassandra. Ako lang at wala ng iba. Sigurado naman akong hindi ko na kailangan na hanapin ang tamang babae para sa akin dahil nahanap na kita."

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.9M 75.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.6M 97.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
61.6K 3.2K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...