Killer Game

By Penguin20

2.4M 88K 26.8K

Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016 More

Killer Game
Teaser
Chapter 1: Unknown Lady
Chapter 2: Mysterious Invitation
Chapter 3: Game Rules
Chapter 4: Tactics
Chapter 5: Night 1
Chapter 6: Trial Phase 1
Chapter 7: Judgment Phase 1
Chapter 8: Night 2
Chapter 9: Trial Phase 2
Chapter 10: Judgment Phase 2
Chapter 11: Night 3
Chapter 12: Trial Phase 3
Chapter 13: Judgment Phase 3
Chapter 14 :Night 4
Chapter 15: Trial Phase 4
Chapter 16: Judgment phase 4
Chapter 17: Night 5
Chapter 18: Trial Phase 5
Chapter 19: Judgment Phase 5
Chapter 20: Night 6
Chapter 21: Trial Phase 6
Chapter 22: Judgment Phase 6
Chapter 23: Night 7
Chapter 24: Trial Phase 7
Chapter 25: Judgment Phase 7
Chapter 26: Night 8
Chapter 28: Judgment Phase 8
Chapter 29: Night 9
Chapter 30: Trial Phase 9
Chapter 31 "Judgment Phase 9"
Chapter 32: Night 10
Chapter 33: Trial Phase 10
Chapter 34: Judgment Phase 10
Chapter 35: Night 11
Chapter 36 "Trial Phase 11 part 1"
Booksigning
Chapter 37: Trial Phase 11 part 2
Chapter 38: Judgement Phase 11
Chapter 39: Final Night
Chapter 40: The Escape
Author's Note
February 2019 booksigning
Booksigning Davao 2019
Booksigning megamall 2019

Chapter 27 "Trial Phase 8"

40.1K 1.6K 187
By Penguin20

Chapter 27: Trial Phase 8
Tomy

Maaga akong nagising ngayon para muling pumunta ro'n sa main office. Kailangan ko masigurado ang mga nakita ko kahapon, kailangan ko ng pruweba na may kinalaman si Stacy at Shane sa mga nangyayari ngayon.

Halos papasikat pa lang ang araw nung dumiretso ako sa main office at muli ko itong binuksan.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nanlaki ang aking mga mata. Halos naka-organize na ang lahat ng mga gamit dito. Hindi na ito katulad no'ng nadatnan ko ito na sobrang gulo at amoy mga lumang papel. 

Kinatikot ko ang bawat kahon nito. “Nasaan na yung folder?” Tanging mga blueprints na lang ng mga rides ang nandito at nawala na ang aking pakay.    

“Bwisit, naitago na ng killers ang hinahanap ko,” Malakas kong sinipa ang desk. “Kung itatago ng killer ‘yon ay paniguradong mahahanap ko ‘yon lalo na’t nasa iisang lugar lang kami.”

Lumabas ako ng main office at muli itong kinandado. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako tumungo sa restaurant. Tahimik lang akong naglalakad ng bigla akong sinabayan ni Jessie. "Good morning pare!" Pagbati niya sa akin at malakas na kinabog ang aking likod. 

“Aray!” Pag-inda ko sa sakit, parang nagising ang diwa ko sa ginawa ni Jessie.
Kahit ba sabihin niyo na isa si Jessie sa mga sumang-ayon na patayin si Coby. Kaibigan ko siya at alam kong natatakot lang siya para sa iba naming kasamahan.

Close si Jessie sa karamihan ng mga babae at siya ang nagtatanggol sa mga ito madalas, wala rin gustong mawala si Jessie dahil maganda naman ang personality nito. Hindi siya kasing bait tulad ng iba pero alam mong natural yung mga ipinapakita niyang akto sa'yo.

"Ano okay na kayo ni Stacy?" tanong niya sa akin.

"Why would I apologize to her? Siya nga 'tong dapat humingi ng sorry sa aming dalawa." Sabi ko sa kanya.

"Tomy, let it slip. Pagbigyan mo na lang yung kaibigan kong iyon. Pinapanindigan niya lang ang pagiging bitchy niya,” Natatawa niyang sabi sa akin. “Mauna na ‘ko, hinihintay ako nina Hannah at Chelsea.”

Pagkarating ko sa restaurant ay umupo ako sa tabi ni Phil. Sa tuwing sinusubukan kong kausapin ang lalaking ito ay siya mismo ang lumalayo o kaya naman ay hindi niya sasagutin ang aking tanong.

“Kumusta ka, Phil?” Tanong ko sa kanya.

“You should ask it to yourself, kumusta ka, Tomy?” pagbabalik niya ng tanong sa akin. I don’t expect na concerned din pala si Phil sa akin.

“Okay lang ako.” Hindi na ako naglakas ng loob na ipagpatuloy ang conversation naming dalawa.

Natapos magluto sina Shane at kumain na kami ng almusal. Hindi ko maitatanggi na masarap ang luto nilang dalawa ni Stacy, akala ko kasi puro pagbabarahan lang ang alam nila.

Saktong pagtapos namin kumain ay tumunog ang bell. 

"Players please proceed to the trial court immediately, our trial will about to begin." 

Bumalik muna ‘ko sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Napakunot ang aking noo nung may makita akong envelope na nakapatong sa akin kama. BEWARE.

Isang salita lamang ngunit nagsitayuan ang aking mga balahibo. Maaaring patayin ako ng mga killers dahil sa ginawa kong pangingialam. Nalalapit sa panganib ang buhay ko.

Matapos kong magbihis ay nanatili muna ako sa lobby para magpawala ng kaba sa aking puso. “Tomy, ‘wag ka maapektuhan sa pananakot nila.” Pagkausap ko sa aking sarili.

Nakita ko naman si Owen na naglalakad, papunta na yata siya sa Trial court. "Owen sabay na tayo!" Pagtawag ko sa kanya.

Nakakatawang isipin na napatawad ko ang lahat ng mga kasamahan ko rito puwera kay Stacy. Parang hindi ko naman kasi siya agad-agad mapapatawad dahil parang siya ang nagsilbing hudyo upang patayin ang mga kaibigan ko.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

“Galing kami sa laundry ni Hannah, nauna nga lang akong umalis do’n.” Hindi ko alam kung ba’t ako naiinis sa ngiti ni Owen, maybe because it’s fake.

“May ideya ka na ba sa kung sino ang gumawa no’n kay June?” Tanong ko. Matalino si Owen, alam kong may ideya siya.

"Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi kong wala? Sa dalawang killer na natitira, ang mafia ang mahirap hulaan. Pakiramdam ko nga ay malapit ko ng malaman ang katauhan ng killer. Konting matibay na ebidensya na lamang ang kailangan ko."

Pagkababa namin ni Owen sa Trial court ay agad siyang humiwalay sa akin at pumunta sa kanyang puwesto.

Ang huling dumating dito sa trial court ay si Hannah, sabi nga ni Owen ay galing silang laundry.

"Okay players! Trial start!"

“Guys, hulaan ninyo ang killer, please.” Pakiusap ni Nick. 

"Namatayan tayo ng isang importanteng player ngayon, I think wala tayong dapat ibang sisisihin dito," sabi ko sa kanila. I act okay as much as possible, iniiwasan ko ng iwaksi sa aking isip sina Coby at Cedric dahil paniguradong masasaktan lang ako. "'Wag na nating iyakan ang pagkamatay ni June, ginawa ni June ang lahat para iligtas ang buhay ng bawat isa at paniguradong hindi magugustuhan ni June kung sasayangin lang na'tin ang pagkamatay niya."

"Tama si Tomy guys, kung nakita niyo naman ang bangkay ni June... Halos hindi na na'tin ito makilala dahil sobrang sunog ang katawan niya." Sabi ni Jessie.

“Hindi natin na-determine kung may mga wounds siyang tinamo dahil sinunog ang katawan niya. Magaling ang mafia, wala itong iniwan na kahit anong ebidensya.” Sabi ni Stacy.

“Baka nagsisinungaling ka lang, Stacy?” Hindi na kami katulad dati na nagkakasundo kapag trial.

“Why would I lie? May nasabi ba akong masama?” Tumaas ang isang kilay sa akin ni Stacy.

"May litrato akong nakita kahapon. Litrato niyo na magkasama ni Shane, wala tayong mga cellphone dito sa loob kaya paanong nangyari na may litrato kayong magkasama?" Sinimulan ko na ang panggigisa sa kanya.

"Litrato na magkasama kami ni Shane? Ang imposible naman nang sinasabi mo, Tomy! Dito lang kami nagkakakilala dalawa. Ikaw na rin may sabi wala tayong cellphone sa lugar na 'to paano kami makakakuha ng litrato?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin.

"Hindi ako nagsisinungaling nakita ko yung litrato niyo sa main office na magkasama—"

"Alam mo Tomy, kung may galit ka kay Stacy, please 'wag mo na lang dalhin dito sa trial." Biglang nagsalita si Phil, "Nasaan yung sinasabi mong litrato?"

Natahimik ako panandalian dahil wala akong pruweba. “Sa ngayo’y hindi ko pa ulit nakikita—“

"See? Wala kang pruweba at kung mayroon man, ako na ang nagsasabi wala akong alam do'n. Dito lang kami nagkakilala ni Shane at hindi ako nagsisinungaling," sabi ni Stacy.

"Kailangan na'ting bilisan guys tumatakbo ang oras at wala pa tayo kahit isang hint about sa katauhan ng mafia.” Sabi ni Crystal.

Sa pagkakaalala ko ay wala ngang kahit anong ebidensya ang naiwan sa crime scene bukod sa basag na paso.

"Owen wala ka bang ideya?" Tanong ni Raven kay Owen.

"Wala."

Ba't hindi ko naisip na tularan si Owen? Si Owen kasi yung tipo ng tao na nagkakalap ng sapat na ebidensya bago magturo kanino man. Hintayin niyo lang Stacy at Shane, malalaman ko rin ang sikreto niyong itinatago.

“We should pass right now. Hindi tayo pwedeng magbintang ngayon without any basis or proof.” Kay Owen na mismo nanggaling ang pagsuko.

"Pero Owen, mahaba pa ang oras para sumuko," Sabi ni Hannah.

"Oh sige nga sino sa inyo ang may maipapakitang ebidensya? Sino sa inyo ang may nakitang kahina-hinala?" Natahimik ang ilan sa aking mga kasamahan. "Guys we still have 7 trials to go, mahaba pa ang panahon na 'yon. Magtiwala kayo sa akin, bago ako mamatay sa larong 'to ay maisisiwalat ko na ang katotohanan."

"Kay Owen na rin nanggaling guys, we should stop this conversation. Especially the NONSENSE topic." Pagpaparinig sa akin ni Stacy sabay irap.

"Ako na lang muna ang hayaan niyong maging main suspect for today." Pagpiprisinta ni Owen.

Natapos ang trial at ginawa nga namin ang sinabi ni Owen at pinindot ang ‘no.’ Hindi na dapat ako manatili lang sa iisang tabi ngayon. Kung hindi ko gagawin ang lahat, walang aabot sa amin sa night 15 kahit isa.

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (Innocent) [X]
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (Innocent) [X]
9. June Blake (Doctor) [X]
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]

Survivors left: 13

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.2K 110
(SPRITUAL SERIES #3 ACCEPTANCE) "If you remain in me and my words remain in you, ask whatever you wish, and it will be done for you." ( John 15:7 ) ~...
10.7K 2.5K 37
Maniniwala ka ba kung sinabi kong minahal ko siya kahit na 'di ko siya kilala? Maniniwala ka rin bang tinulungan ko siya, kahit na 'di ko alam kung a...
2.2M 74.5K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...