Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 49 (September 21, 2011)

1M 10.6K 1K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: September 21, 2011


Chapter 49

"Naiirita ako!!" sabi ni Elisa kay Dominique. Nakabuntot pa rin ito sa kanya. Nasa loob sila ngayon ng CR at nagrere-touch.

"Bakit? Ambilis mo nga kumuha ng quiz eh."

Sabay-sabay kasi ang pagkuha ng make-up quizzes ng mga estudyanteng naka-miss nito. Talagang binilisan niyang kumuha ng quiz dahil kakausapin niya ang teacher tungkol sa school play.

"Hindi naman yun eh! Yung sa school play kasi. Hindi na daw pwedeng i-move!! Eh anong magagawa ko? Biglaan yung sa Paris! Tinanggal tuloy ako sa lead role!"

"Oh!! Don't be too stressed out with that pretty... Di hamak naman na mas magandang project ang sa Paris with Kent Fuentabella. Sa school play? No money... No Glory..." matabang na sabi ni Dominique.

Paglabas pa lang niya sa office ng nag-aasikaso ng school play ay naka-abang na ito sa kanya.

"I like your attitude Dominique!"

Ngumiti ito sa kanya.

"Join us... Please..."

So persistent. Naisip niya.

"Convince Bernal and I'll join you! Pagbalik ko dapat ng Paris sisters na kayo! Then I'll join you!
"Parang I smell something fishy with your motive? Isn't that siya ang girlfriend ni "The Kent Fuentabella" na makakasama mo sa Paris? Why are you insisting me to recruit her? Talaga bang gusto mo siyang maging sorority sister?"

"Truth is... I despise her. Kent doesn't deserve her. Mayabang siya. Akala niya nasa kanya na ang lahat."

"Pero diba? Harley Villaluz also likes her? I remember the press confere--"

"It's all showbiz! Sa showbiz hindi mo na alam kung ano ang totoo? Believe me, if you wanted me to be your sister? Pasalihin niyo ng siya ng makita mo ang lahat ng baho niya!"

"Easy! Bakit ba parang galit na galit ka??!! You like Kent F. nuh?"

"Unsurprisingly! Who doesn't?"

"Sabagay... Sa dami ng magaganda sa mundo hahanap at hahanap pa rin yang si Kent ng the right one."

"Right! He won't settle for less..." Naglalagay siya ng lipbalm.

"Pero kung mabaho ang ugali niyang si Phoebe? I really don't understand why you wanted me to recruit her."

"Do you know this? Maganda ang brand na ito." Pag-iiba ni Elisa ng usapan. "This will heal your chapped lips faster. Tska nakaka-pink din siya ng lips. Maganda rin yung BB cream nila! And yung primer! The Best !Medyo mahal nga lang pero dahil sponsor ko sila I get a lot every month.

Parang nag-twinkle naman ang mata ni Domique sa cometics kit niya.

"Gusto mo sa'yo na lang?? Di ko pa yan masyadon gamit. In fact twice ko pa lang yan ginamit eh."

"Are you serious???"

Ngumiti si Elisa.

"Sayo na pati yang bag..."

"This is a signature item!"

"Let's be sisters?? Okay?? Pagbalik ko ng Paris... You know na..."

Lumabas na si Elisa. Babalik siya sa office ng moderator ng school play.

***

Kinakabahan si Phoebe. Kahit lunch pa lang, kinakabahan na siya sa pagco-confront nila ni Elisa. Hindi niya pa din alam kung paano ito yayayaing mag-usap. Nasa canteen sila ngayon ni Jhone, inaabangan si Elisa.

"Ano gurl?? Okay ka lang?" tanong ni Jhone.

"Oo! Hoo!! Syempre naman. Sana mauna si Elisa lumabas."

Nagse-special quiz kasi ang dalawa sa isang subject. Dahil sa mga shooting na kasabay ng oras ng klase, maraming na-miss na quizzes at lectures si Kent at Elisa. Nasa faculty room ang dalawa, kumukuha ng pagsusulit.

"Ayaw mo ba talagang kumain? Sarap sarap nito oh" Turo ni Jhone sa kinakain niyang kanin at ulam.

Umiling si Phoebe.

"Diet ka na naman? Papasexy ka na talaga nuh?? Siguro!! Siguro nagpapasexy ka na kay Kent pare every night aymhnghhhhnnggmmmm"

Tinakpan na ni Phoebe ang bibig ni Jhone.

"Masyado ka Jhona! Kumain ka na nga lang dyan! Hindi ako nagpapa-sexy! Kakain ako mamaya hihintayin ko na lang si Kent.

Maya-maya, may naki-upo sa bench nila.

"Hi! Do you mind?" masiglang sabi nito.

Nagtinginan sina Jhone at Phoebe. Kilala din kasi nila kung sino ang nasa harapan nila. Ang pa-sweet na palaging muse sa lahat ng okasyon. Ang presidente ng most discriminating sorority sa school nila. Si Dominique Sales.

"No.." sagot ni Phoebe. Takot din siya kahit na papaano sa babaeng ito. Hindi niya alam kung bakit ba ito nakaupo sa harap niya dahil ang kinakauusap lang nito at pinapasali sa sorority ay mga magaganda. Kaya discriminating.

"Fibboy tara na..." bulong ni Jhone habang kinukurot si Phoebe sa ilalim ng lamesa.

"Do you already have a sorority?"

Huh?Bakit niya ako tinatanong ng ganun? Isasasali niya ba ako sa sorority niya?? Maganda na ba ako para sa kanya??


"Ahh.. Wala..." Hinawakan niya ang kamay ni Jhone dahil kinukurot-kurot siya nito sa hita.

"Wooo. That's great! Would you like to join ours?? I would be very glad to sponsor you. We have an orientation, take note that's by invitation, on Wed—"

May tumabing na anino.  Napalingon si Dominique sa likod niya.

Naputol ang sinasabi ni Dominique dahil dumating na pala si Kent.

"Tara?? Baby??"

"HI FAFA Kent!!!" Lunch na kayo ha!! Hehehehe! Ahm Miss Dominique? Ako? Sa akin mo na lang sabihin, di pa kasi nagla-lunch yang si girlfriend ni Kent Fuentabella!"

"Di ka pa naglunch?" tanong ni Kent habang hinahawakan ang kamay niya. Si Jhone naman ay busy sa pagtulak sa kanya paalis ng upuan.

"Ahh.. hinintay kita eh..." Lumingon lingon si Phoebe sa pinanggalingang table. Nagbaba-bye si Jhone sa kanya. Si Dominque naman ay nakakunot ang noo.

"Ikaw talaga hinintay mo pa ako, malapit na mag-time oh."

"Gusto ko sabay eh. Pinauna ko na si Jhone." Naglalakad na sila palayo sa table nila kanina ni Jhone

"Tsk! Di ka na naman kumakain ah?" Kinurot ni Kent ang pisngi ni Phoebe.

Ewan ni Phoebe. Pero she finds that gesture sweet. Nasa gitna pa naman sila ngayon ng canteen.

"Hinintay lang kita... masama ba? Okay lang mahimatay ulit" pagbibiro ni Phoebe dahil naswi-sweetan siya sa pag-aalala ng asawa.

Sumingkit ang mata ni Kent.

"Tssss!! Sa susunod kumain ka na. Mauna ka na! Naiintindihan mo!!!???" medyo malakas ang pagkakasabi ni Kent na napatingin ang mga ibang kumakain. Naramdaman ni Phoebe na tumahimik sa canteen.

"Kent! Napasungit! Baka akalain nila nag-aaway tayo!"

Tumingin si Kent sa paligid.

"Di tayo nag-aaway"

*kiss*

Nagulat si Phoebe daw binigyan siya ng halik sa labi... sa harap ng mga estudyante sa canteen.

"Ano ka ba!!!" Nahiya naman bigla si Phoebe. First time siyang halikan ni Kent in public.

Nagbulung-bulungan tuloy ang mga tao sa paligid.

"Oh masaya ka na? Haha! Sino yung kausap niyo kanina ni Jhone?" pag-iiba ni Kent ng usapan.

"Wala... Di mo ba kilala yun? Si Dominique?"

"Pshh. La akong pakialam dun. Umupo ka na dun oh. Ako na bibili ng pagkain mo." Turo ni Kent sa isang bakanteng table.

Umupo si Phoebe sa tinuro ni ni Kent na table. Pero bago siya makaupo ay nakita niya sa Elisa na papasok pa lang ng canteen.

Ngayon pa lang siya nakatapos sa make-up quiz?

Tumingin muna si Phoebe kay Kent na abalang bumibili ng pagkain nila. Tumakbo siya sa kinaroroonan ni Elisa. Sa sobrang bilis niya ay muntik niya nang mabangga ito.

"OH FREAKIN FAG! LOOK WHERE YOU'RE GOING NGA!" nagulat si Elisa.

Tumigin ulit si Phoebe kay Kent. Busy pa rin ito sa sa pagbili ng pagkain.

Napalunok siya.

"Ano... Elisa..." Lumingon ulit siya kay Kent.

"What??"

"Let's talk. Mamayang hapon. Name your time and place. Kahit saan pa yan." Ibinigay niya ang isang papel na kanina pa nasa bulsa niya. Laman nito ang mobile number niya.

"And what's make you think na kokontakin nga kita mamaya? My time is so precious." Pairap na sabi nito.

"Ikaw din... May alam ako na hindi mo alam!" tinry niya ang best niya para ngumiti kay Elisa. Tska siya bumalik sa table na tinuro sa kanya ni Kent kanina.

Huminga siya ng malalim. Tumingin siya kay Jhone. Wala na sa table nito si Dominique. Nakatingin ito sa kanya na parang nagsasabi ng fighting!

***

"Hoy Harley! Nakikinig ka ba?" nagulat si Harley ng tapikin siya ng isang ka-meeting niya. Tapos na kasi ang klase at naiwan na lang sila para magmeeting para sa school fair. Iniisip niya kasi kung ano nang ginagawa ni Phoebe. Nakita niya kasi kaninang kinausap nito si Elisa.

"Ha?? Sige sandali lang ah!"

Napakamot na lang ng ulo ang mga groupmates niya ng tumayo siya. Mabuti na lang ang at isa lang ang close niya doon dahil mula sila sa iba't ibang section.

Nasa sulok siya ng classroom at tinawagan niya si Phoebe. Naka-ilang ring bago nito sinagot.

"Hey... Isabelle... Philip is waiting. Saan ba kayo mag-uusap ni Elisa?"

"Hala sorry Harley. Sa coffee shop daw sa tabi ng school? Akala ko nga hindi na tatawag eh." Sagot ni Phoebe. Parang nage-echo pa ang boses nito.

"Nasaan ka? Si Kent alam niya ba?"

"Nasa CR ako. Nagpaalam ako na pupunta lang ako kina Jhone."

"Di mo na naman sinabi sa kanya? Kahapon siya yung sumagot nung phone mo eh. Hindi ba nakasave ang number ko sayo?"

"Eh kasi mahirap magpaliwanag dun sa sungit na yun eh. Hayaan mo na. Okay lang ba dun?? Dun sa coffeshop?" tanong ni Phoebe. Nadinig niya na medyo kinakabahan pa rin ito.

 "Isabelle? Hwag na kaya nating ituloy? Hindi na naman pinapagusapan yung tungkol sa mag paparazzi mo eh?" sabi niya. Kung ayaw ni Isabelle at mahihirapan lang ito okay lang din sa kanya..

"NO HARLEY!! Hindi!! Para sayo toh! Wala kang kasalanan!! Sige!! Kaya ko toh!!! Meet me! In 30 minutes nandoon na ako!"

"Ha?? Sige sig—" Binaba na ni Phoebe ang telepono.

Bumalik na siya sa mga ka-groupmates niya.

"Ano na nga pala ulit yun??" tanong niya sa mga ka-conference niya.

Nagtinginan ang mga ka-meeting niya.

"Napagdesisyunan namin na  magiging active ang different clubs at organizations sa darating na school fair." May nagsalita rin na isa.

"Oh? Yun lang?" Walang masabi si Harley. Gusto niya na rin kasing umalis sa meeting na yun para mapuntahan agad ang coffee shop na sinasabi ni Isabelle.

"Tska maghahanap ng bagong gaganap sa school play." Sabi noong isang kaklase niya.

"School play? Hindi ba meron nang ganun?" naguguluhang tanong niya. Ang alam kasi ni Harley ay meron nang mga cast ng gaganaping school play.

"Elisa and Kent Fuentabella are going on Paris for two weeks. Silang dalawa ang original na na-cast for lead roles nung last last month pa kaya nagkaroon ng malaking problema dahil aalis sila. Napagpasiyahang ikaw na lang Harley ang pumalit kay Kent kung okay lang sayo at kung walang ibang mago-audition."

Nagulat si Harley. Hindi niya alam ang tungkol sa play na yun. Kata-transfer niya palang din kaya wala siyang ideya.

Ang dami ko namang gagawin? Yung mga movies... pati dito sa school? Kaya ko ba?

"Maghahanap tayo ng representatives kada section para sa lead role na babae. Tska tayo pipili. Okay lang ba?"

Tumango na lang siya. Wala na siyang magagawa at gusto niya na ding umalis.

***

"Go Phoebe Go!!! Para sa ikasisira ng career ni Elisa ito!!! Kaya mo yan!!!" chinicheer ni Jhone ang bestfriend. Nasa sasakyan sila at kitang kita nila kung nasaan si Elisa. Naka-shades ito at simpleng damit lang pero alam nilang si Elisa yun.

"Sira ka talaga!!"

"Okay ka lang??"

"Pano?? Pano niyo ivivideo??" kinakabahang tanong ni Phoebe kay Philip. Nandoon din ito sa loob ng sasakyan.

"Hwag kang mag-alala maganda ang camera ko. Kukunan namin from here sa kotse. Tapos irecord mo na lang ang pag-uusap niyo."

Maya-maya dumating na din si Harley. Pumasok na ito sa taxi na sinasakyan nila.

"Kamusta??" tanong nito. "Nasaan yung taxi driver??"

"Wala nandyan lang pinaalis nitong si Jhone! Binigyan ng malaking pangmeryenda." natatawang sagot ni Philip.

"Hala! Buti hindi natakot na carnap-in niyo tong taxi niya." Sagot ni Harley.

"Malakas yata ang powers ko. Joke. Hindi ayun lang siya oh sa coffee shop. Sosyal diba nagkakape si manong driver. Haha. Tska nagandahan yata dito kay Fibboy. Di naman daw mukhang carnapper."

"CHE!! Tagal mo naman Harley kanina pa kami dito eh."

"Ano kaya mo ba??" Nagaalalang tanong na naman ni Harley kay Phoebe.

"OO!!! Hoo!!!"

"Oh labas na labas na!!! Don't forget to click the record button! Na-practice na natin ang sasabihin mo ha!!?? Go!!!" paalala ni Jhone sa kanya bago siya lumabas.

Para kay Harley! Para kay Harley. Pag-cheer ni Phoebe sa sarili habang pumapasok ng coffee shop.

"HI!!" bati niya kay Elisa na prenteng prenteng nakaupo sa corner. Pumili talaga ito ng pwesto na secluded. Medyo malaki din kasi ang coffee shop at wala masyadong tao ngayon. Mas maraming tao sa labas dahil mga nags-smoke. Katulad ng taxi driver nila.

"Order ka muna?" nakaataas ang kilay nito.

"No need." Maikling sagot ni Phoebe.

"Ohh... So what are you going to tell me? Paki-bilisan lang dahil marami pa akong MAS importanteng gagawin."

Kinuha niya ang digital recorder sa bulsa at pinindot ang record button. Natetempt siyang lumingon sa labas dahil nako-conscious siya sa mga kasama sa loob ng taxi pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging best actress.

Huminga siya ng malalim.

"I know it was you! Alam kong ikaw ang may kagagawan ng mga pictures ko. I knew all along na ikaw ang nagpakalat sa The Envoy pati na rin sa Internet. Ginawa mo yun dahil gusto mo akong siraan."

Namutla si Elisa.

"You have no proof!! Paanong magiging ako??! There was this Philip guy! Siya ang paparazzi mo!"

Lumapit pa siya kay Elisa para marinig lalo ang mga sinasabi nito sa recorder.

"I talked to Philip. Kilala ko siya. At alam naming kung ano ang totoo. Look at this!"

Kinuha niya ang ilang pictures sa bulsa.

Lalong nagulat si Elisa.

"That was you! and the owner of The Envoy! Ikaw din eto eto at eto pa! Flirt ka! Pati si Kent dinadamay mo sa kalandian mo!" Di na mapigilan ni Phoebe ang sarili niya. Nilabas niya ang ilang kuha ni Philip na kasama ni Elisa ang ibang lalaki. Pati ang ilang kuha ni Elisa kasama ang may-ari ng The Envoy sa kotse nito.

" How did you get this?? You had me investigated??? Hindi yan totoo? Walang maniniwala sayo!"

"You got me by paparazzi? I got you too! Kung malandi ka hwag mo nang idamay si Kent! O kahit si Harley!"

"Mas malandi ka! Inaangkin mo sina Harley at Kent!"

"Walang maniniwala sayo! Sasabihin ko photoshop lang yan! Inedit lang ng stupid antifan na katulad mo!!! MY GOD! STOP following me! Ang stalker mo!"

"Sabihin mo muna kung bakit mo ginagawa lahat ng yun sa akin? Ang effort mo din nuh?"

"Tinatanong pa ba yan? I don't like you! You are so ordinary!! Bakit ka magugustuhan ng mga gusto ko???"

"Mga gusto??"

"I like Kent and Harley! Pero simula nung naging epal ka!  Simula ng dumating si Harley sa eskuwelahan at binangga mo? Simula nung nagustuhan ka na niya! Na-challenge naman si Kent kaya feeling mo pinagaagawan ka na!"

"My God! Loser ka! Bakit ganyan ang mentality mo!"

May napadaang crew ng coffee shop kaya napatigil sila ng saglit. Pero nang makaalis ito ay nagsalita na naman si Elisa.

"Hindi ako loser! Tignan lang natin kung sino ang magiging loser! Pagbalik namin nang Paris baka mabaliktad ang mundo!"

Nanginginig na sa galit si Phoebe.

"Mahal ako ni Kent!"

"Tignan natin yang pagmamahal mo!!" with that umalis na si Elisa. Naiwang nag-iisa si Phoebe sa table.

Kahit naiinis siya. Tinignan niya ang digital recorder na hawak. Pinindot niya ang Stop

Hindi Elisa... Alam mo bang ang isda ay nauhuhuli sa bibig? Bago ka pa makabalik dito sa Pilipinas sira ka na!

Mabilis na lumipas ang mga araw. Wednesday na agad at aalis na si Kent. Badtrip na naman si Phoebe dahil hindi man lang lumalabas si Kent ng kwarto nito kahit ilang hours na lang ay flight na nito.

May kumakatok.

"HOOOY!!!" sigaw niya.

"ANOO???" sigaw nito mula sa loob.

Sa totoo lang ang sakit-sakit na ng dibdib niya. Kanina kasi ay pinagbawalan na siyang sumama hanggang airport dahil wala naman daw maghahatid sa kanya pauwi.

"Aalis ka na nga mamaya samahan mo naman ako!!"

"May ginagawa ako! Nageempake ako!" sigaw ni Kent mula sa loob.

Napapaiyak na siya.

"Nakakainis ka naman eh!! Sige na oh! Please naman. Kahit ngayon lang hwag ka nang mag-sungit!!"

Mukha siyang ewan na nakalagay ang noo sa pintuan ng kwarto ni Kent.

"Matulog ka na!! Gabi na oh!!"

Sigaw lang ng sigaw ni Kent. Hindi man lang siya pinagbubuksan ng pintuan.

"Kent please naman! Kahit papasukin mo lang ako! Hindi ako mangingialam sa mga gamit mo kung ayaw mo..." Umiiyak na siya. Kanina niya pa kasi pinipigilan ang halu-halong emosyon ng pag-alis ni Kent, Pagkainis kay Elisa, pag-iisip ng mga susunod na araw at paghihintay sa araw ng kasal nila. "P-please!!"

Binuksan na ni Kent ang pintuan.

"P-please Kahit sungit-sungitan mo pa ako dyan sa loob!!! Sige na!!!" umiiyak na paki-usap niya sa bagong ligong si Kent.

Nagulat siya ng niyakap siya nito. Hinaplos-haplos ang buhok niya.

"Eto na nga bang ayaw ko eh!" bulong nito.

Niyakap niya ng mahigpit ang asawa.

"Mami-miss kita!!! Sobrang mamimiss kita Kent! Konting oras na nga lang bago ka umalis ipagkakait mo pa na makita kita??"

Bumuga ng malalim na bunting hininga si Kent bago niyakap siya ng mas mahigpit  pa sa kanina.

"Ayoko kasing nakikita kitang ganyan. Ayaw ko ring makita kitang iniiwan sa airport. Baka hindi na ako makaalis. Baka hindi na kita maiwan baby ko. HAY! Sorry kung nagkukulong sa kwarto. Tignan mo ayan paano pa kita iiwan iyak ka na ng iyak?"

"Kasi ikaw eh! Akala ko nagsusungit ka na naman!!!" tumutulo pa rin ang luha niya.

"Basta... Magbehave ka lang habang wala ako. Madami naman akong bantay doon. Si direk at ibang mga crew. Ikaw wala kang bantay dito kay magrereport ka lagi sa akin ha? Ha Phoebe? Tama na nga hwag ka nang umiyak." Pinunasan ni Kent ang mga luha niya.

"Ang arte kasi... May paganun pa... Mamimiss mo naman ako bakit ayaw mo ako makita..."

"TSK Hindi naman sa ayaw kita makita Phoebe... Mas mamimiss lang kasi kita pag tulad nito. Niyayakap na naman ako ng seksi mong katawan!"

Maya-maya hinayaan na ni Kent na tulungan siyang magmpake ni Phoebe. Nang matapos na sila. Bigla niyang niyakap ulit si Phoebe

"Oh pano engot?? Tinapik tapik niya ang likod nito. "Hatid mo na akong baba lang ha? Hwag kang iiyak. Parang aalis lang ako kunwari ng bahay natin. Kunwari nandyan lang ako sa malapit. Kunwari...  katulad nang dati na hindi na tayo nagaabot pag umuuwi na ako tulog ka na... Basta pag balik ko... akin ka na ulit... ha? Akin ka na ulit. Aisha no bang sinasabi ko... Hindi ka naman mapapapunta sa iba hindi ba? Tara na nga!"

Naglakad na sila sa baba. Lungkot na lungkot na si Phoebe.

"Nandyan na yung taxi Kent." Sabi ni Manang Lourdes. "Mag-iingat ka doon. Tatawag ka para hindi naman nag-aalala tong si Phoebe."

"Opo naman mananag."

Hinarap ulit ni Kent si Phoebe.

"Pst! Baby... Cheer up na! Gusto mo bang malungkot ako sa eroplano?"

Umiling siya.

Hinalikan ni Kent ang noo ni Phoebe.

"Sige na aalis na ako." Kinuha na ni Kent ang ilang bagahe na hawak ni Phoebe.

"I-ingat ka... I love you po."

"Aish! Hwag nang umiyak!!" ibinaba ni Kent ang mga ibang dala at hinalikan si Phoebe.

Napangiti si manang.

"Tama na tama nay an. Kent male-late ka na..." sabat ni Manang Lourdes

"Si manang talaga abala!" pagbibiro ni Kent.

"Kent... hwag ka na lang umalis..." di mapigilang sabi ni Phoebe.

"Manang oh ang kulit po ni Phoebe..." humiwalay na si Kent at binuksan na ang pintuan.

"Sige na..."

"Byebye na!" Di pinansin ni Kent si Phoebe.

Ang huling narinig na lang ni Phoebe ay ang pagsara ng pinto.

"Manang... manang hindi na ako makakatulog manang...."

Niyakap na lang siya ni Manang Lourdes.

Maya-maya may nagtext.

From: Kent

|Baby kong mahal... Hwag kang iiyak dyan. Pagbalik ko naman... Malalaman na ng lahat... na ikaw si Phoebe FUENTABELLA|

Kent... Bumalik ka agad ah....

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

1M 22K 43
He's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fel...
278K 8.8K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
131K 3.4K 12
"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance Status: Completed | Unedited Cover: Uno...