Destiny's Game (Revising-- Ch...

By notesfromthequeen

22.3K 187 40

You have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's y... More

Destiny's Game
Chapter 1: Meet Xander
Chapter 2: Getting to know him better
Chapter 3: Am I Inlove?
Chapter 4: Is this the Happy Ending?
Chapter 5: Heartbreaks
Chapter 6: Realization
Chapter 7: Flashback
Chapter 8: Letting Go
Chapter 9: Life
Chapter 10: A Brand new Day
Chapter 11: The Chikboys
Chapter 12: Cat and Dog
Chapter 13: Sossy Girls
Chapter 14: Hater's Thingy
Chapter 14: Part II
Chapter 15: Hater's Move
Chapter 16: Know the Enemy
Chapter.17: Secret
Chapter.18*Love Moves*
Chapter.19*Evil Plan*
Chapter.20*Confrontation Part II*
Chapter.21*The Rescue*
Chapter.22*The Come Back*
Chapter.23*The Conversation*
Chapter.24*huwaaat???*
Chapter.25*Playing Cupid*
Chapter.26 *Happy Hearts*
Chapter.27*Who's that BOY???*
Chapter.28*Emotions*
Chapter.29*First Day High*
Chapter.30*Unforgettable*
Chapter.31*New Friend*
*Chapter.32*Jealousy
Chapter.33*Simply I LOVE YOU*
Chapter.34*New Found Love*
Chapter.35*Reminiscing*
Chapter.36*Sunset Moment*
Chapter.37*It's a Date*
Chapter.38*No more Barriers*
Chapter.39*Barkada Outing*
Chapter.41*Totally Free*
Chapter.42*Barkada Moments*
Chapter.43*Burdens*
Chapter.44*Catch Me*
Chapter.45*Perfectly Inlove*
Chapter.46*When Jealousy Attacks*
Chapter.47*First Fight*
Chapter.48*Never Say Sorry Again*
Chapter.49*Christmas Love*
Chapter.50*High School Valentine*
Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*
Chapter.52*Game Over*

Chapter.40*Acceptance*

213 1 0
By notesfromthequeen

A/N: Guys sorry naging busy talaga ko that's why hindi ko natapos ung destiny's game ngaung july. pero sure na ko na hanggang august nalang tong DG :) yun totoo na po yun hehe

SO ENJOY READING. LONG UPDATE (^^,)

[Spade's POV]:

Umakyat na ko sa kwarto, kasama ko na din si xander para ayusin ung mga gamit namin.

"bakit mo kami isinama ni elise?" biglang tanong ni xander

"wala lang. gusto ko lang maging close sa mga kaibigan ni mish" sagot ko habang inaayos yung mga gamit ko

"pero hindi naman kami kaibigan ni mish, halata mo naman na ayaw niya samin db" sabi pa niya

"alam ko, pero naging kaibigan kayo ni mish db? gusto kong magka ayos kayo" sagot ko nang hindi man lang tumitingin sakanya

"bakit mo naman gustong gawin yun?" tanong niya

"dahil gusto ko maging madali ang lahat para kay mish. mahirap gumalaw sa isang lugar na may tao kang iniiwasan" sagot ko

"pabor naman sakin yung sinasabi mo eh, pero galit sakin si mish" sabi pa niya

tumingin ako sakanya at walang reaksyong pinakita. ayokong mabasa niya ang mga iniisip ko

"ano bang dahilan para magalit sayo si mish?" tanong ko. pero hindi siya sumagot at inayos nalang ang mga gamit niya

"hindi ko alam ang buong istorya, o baka nga wala pa sa kalahati ang alam ko. pero gusto kong mag kaayos kayo. makisama ka na lang. hindi ko naman gagawin toh kung una palang alam ko nang papalpak lang" pagkasabi ko nun dumeretso na ko sa pinto at lumabas.

alam ko ang ginagawa ko, baka nga hindi na sila sikatan ng liwanag magka bati bati na silang 3. si elise, xander at mish.

--

"my labs andito na kami" sigaw ni dion. kakauwi lang namin galing palengke

"HOY" sigaw sakanya ni gino "feeling mo? asawa mo ung tinatawag mo? tas sasalubungin ka with yakap pa?" pang aasar ni gino kay dion

"inggit ka lang tropa" natatawa nitong sagot

natawa nalang ako sa kulit nung dalawa.

"ayos ka lang?" biglang may nagsalita sa tabi ko. pag tingin ko si jhake lang pala. tumango naman ako

"ayos lang ba sayo na room mate kayo ni xander? pwede tayong magpalit kung gusto mo?" sabi pa niya

"bakit ko naman gagawin yun? wala naman kaming problema para iwasan ko siya db" kalmadong sagot ko

"pero, may past si mish at xander. hindi ka ba naiilang?" tanong niya

"bat naman ako maiilang? past na nga yun db sabi mo, nakaraan na. nasa present na kami ni mish, kaya ko nga ginagawa toh para maka move on na lahat ng naiwan sa past, so bakit dadagdag pa ko" sagot ko. narinig ko namang tumawa si jhake

"ibang klase ka din, ang cool mo. basta ingatan mo si mish, wala tayong problema" sabi pa niya

"hindi mo na kailangang sabihin pa" mayabang na sagot ko. natawa naman kami pareho

--

[Pinky's POV]:

"hoy louie mish, luto na tayo?" tanong ko

"okay" aba ang bruha nauna pang bumaba, hinintay ko naman si elise na lumabas ng banyo para sabihang magluluto na kami

(sa kusina)

"mish, nauna ka pa. alam mo ba lulutuin?" tanong ko

"Oo" wow, confident pa siya sa sagot niya

"Marunong ka?" gulat na tanong ko. eh prinsesa yan sakanila

"Hindi" sagot niya

"ANO? HINDI? TAPOS NAKIKI ELAM KA JAN?" napalakas ata boses ko hihi

"ang ingay! mag fried chicken nalang tayo" sabi niya

"yun lang dinner? sakin okay lang yun. eh ung mga boys? papayag ba yun na yun lang dinner nila?" sabi ko pa

"eh gagawin natin?" tanong niya

"Ako! ako na magluluto. Sinigang nalang, malamig kasi" napatingin ako sa nagsalita. si Elise, mukhang kakatapos lang magbihis. nauna kasi kami ni mish bumaba

"Sige, marunong din ako mag sinigang. tulungan nalang kita" sabi ko

"pero mag.pa-fried chicken pa din ako" singit ni mish. hinayaan ko nalang

hinanda na ni elise ung mga isasahog sa sinigang. lumabas din siya kasi wala palang sinigang mix na nabili sila dion

ako naman nagsaing na muna tsaka lumabas. kaya na daw kasi ni mish mag prito, susundan ko lang sana si elise ng harangin ako ni dion

"My labs, san ka pupunta?" tanong niya

"susundan si elise, mamaya naligaw na yun" sabi ko

"kasama nila alvin, wag mo na intindihin" sabi niya

"Ok" tipid na sagot ko

"anong ginagawa ni mish?" tanong ni dion

"nagluluto" sabi ko. pumunta kami sa bonfire na ginawa nila gino. andun din ung ibang chikboys kasama si spade at xander

"oy xander, andito ka? bat di mo sinamahan si elise?" tanong ko

"kasama naman niya si alvin at ken. parang sinigang mix lang bibilhin" sagot niya habang inaayos yung lamesa kung san kami kakain mamaya

"si mish?" tanong ni spade

"nagluluto ng fried chicken" sagot ko

"kala ko naman kung ano niluluto my labs, pritong manok lang pala" natatawang sabi ni dion

"kahit na pritong manok lang yun. luto pa din ni mish yun" sabi naman ni spade

"haha keso mo tropa. gusto mo sayo na lahat ng luto ni mish" natatawang sabi ni gino

maya maya dumating na sila ken at alvin kasama si elise

"pinky, ito na ung sinigang mix" sabi pa niya

"tara na sa loob. baka masunog na ni mish yung kusina" biro ko. pero pag pasok palang namin sa sala

"anong amoy yun?" biglang tanong ni elise

"amoy... SUNOG!!" napasigaw ako at tumakbo sa kusina

nakita ko ung apoy na binalot na ung kawali. si mish naman hindi na nakalapit sa kalan kaya ako na yung nagpatay ng apoy

"Anong nangyari?" sabay sabay na nagdatingan ung mga boys

"mish, ayos ka lang ba?" lumapit agad si spade kay mish

"buksan niyo ung pinto at bintana ng kusina" utos naman ni gino agad namang ginawa ng grupo niya

nang mawala na yung usok lumitaw na yung pritong pritong fried chicken na ginawa ni mish. napanganga nalang ako

"Mish, Ano toh uling?" natatawang sabi ni anthony pag lapit niya sa kawali

"hoy tumigil ka nga" saway ni ken

"sorry" mahinang sabi ni mish. grabe puro itim ung mukha niya

"okay lang. parang chicken lang,magluluto nalang tayo ulit" sabi naman ni spade

"hindi, wag na. hindi na ko makikielam sa kusina.maghuhugas nalang ako ng plato mamaya" sagot niya at nagtuloy tuloy sa taas papuntang kwarto

"pabayaan niyo muna si mish. inasar mo pa kasi anthony, napahiya yun syempre" sabi naman ni jhake

"bakit kasi pinagluto niyo si mish, eh pano kung nasunog yung bahay?" sabi naman ni alvin

"sabi niya kasi marunong siya" sagot ko

"dapat binantayan niyo pa din" sabi naman ni ken

"tama na yan. magluto na kayo ng lulutuin niyo, mamaya ok na yan si mish" sabi naman ni gino

"puntahan ko lang yun" sabi naman ni spade. tsaka sumunod kay mish

"tara my labs, linisin na natin yung kalat para makapagluto na kayo" sabi naman sakin ni dion. tumulong naman lahat kaya napabilis yung gawain

[Mish POV]:

"ano ba yan, prito lang palpak pa" naiinis ako sa sarili ko. sila marunong magluto, ako? prito nalang nasunog ko pa. hindi lang yun, pati kusina muntik kong masunog.

"mish" biglang bumukas ung pinto at pumasok si spade

"bakit nandito ka?" masungit kong tanong

"wala lang. sasamahan lang kita" sabi niya

"bababa naman ako mamaya. maglilinis lang ako, puro ako dumi oh" sabi ko tsaka tumayo para pumuntang banyo

"galit ka?" hinila niya ung braso ko para humarap ako sakanya

"hindi" tipid na sagot ko

"eh bakit parang" pagtitiyak niya

"hindi nga ko galit. naiinis lang ako, prito na nga lang nasunog ko pa" sabi ko

"ok lang yun. parang yun lang eh. wag ka na mainis, sige ka. kakainin ko ung pritong sunog na luto mo" naka ngiting sabi niya. halatang pinapagaan lang niya yung loob ko. pag kinain niya yun para na din siyang kumain ng uling haha

"Ou na. hindi na. nagkasakit ka pa dun" sagot ko tsaka ngumiti at pumunta na sa banyo

[Spade's POV]:

"kakain na" sabi nila ken at alvin kaya agad na kaming pumunta sa mesa. nakahain na dun lahat. may sinigang at pritong manok

"wow. ikaw nagluto my labs?" sabi ni dion

"kami ni elise, wag ka nang magulo. kumain ka nlang" sungit ni pinky kay dion

"marunong ka pala magluto elise, ayos. pwde ka na mag apply samin" biro ni xander

"che!" sagot naman ni elise. nagtawanan naman lahat

"bat may pritong manok? sino nagluto?" tanong ni gino

"si elise din. baka daw kasi gusto ni mish kaya sya nag insist na mag prito kanina kaya nagluto na din kami" sagot ni pinky

"mish! dito ka na umupo" sabi ko pagka kita ko kay mish na kakalabas lang ng pinto. dito kasi kami sa labas kumain.

tahimik lang siyang umupo at kumain. hindi na din kami umimik kasi halatang ayaw niya maki pag usap

pagkatapos kumain tumayo agad si mish

"pagtapos na kayo paki iwan nalang jan. ako na maghuhugas" sabi niya

"kaya mo ba bunso? baka mabasag" pang aalaska ni ken. tinignan naman namin siya ng masama

"edi bibili akong bago pag nabasag" sagot ni mish sabay alis

"para kang tanga ken. alam mo namang masama loob, inalaska mo pa" sabi ni jhake

"oO nga, ang insensitive mo" sabi pa ni gino

"easy! kausapin ko" sabi ni ken sabay tayo para sundan si mish

***

[Mish POV]:

pumunta muna ko sa sala para manuod ng tv. nakaka inis sila, anong tingin nila sakin? walang alam. palpak man ung luto ko, kaya ko namang maghugas ng plato nuh

"bunso" napalingon ako sa nagsalita. si kuya ken. tinignan ko lang siya, umupo naman siya sa tabi ko

"galit ka?" tanong niya pero naka tingin sa tv

"hindi" tipid na sagot ko

"eh bat ka nag-walk out?" tanong niya. tumingin siya sakin

kaso nung makita ko ung mukha niya nakakatawa. may nga ketchup pa. hindi na ko nakapag pigil, natawa na talaga ko

"HAHA HOY ANO BA YANG MUKHA MO. PARA KANG KINDER KUMAIN. HAHA" natatawang sabi ko. nakahawak na nga ko sa tiyan ko sa sobrang EPIC

"edi natawa ka din. haha" sabi niya

"alam mo bunso, hindi bagay sayo naka simangot. dapat ganyan ka lang nakatawa o naka smile. wag kang sisimangot. tsaka pag di mo kaya yung isang bagay, magsabi ka. para matulungan ka namin. hindi naman kasi lahat ng bagay alam ng isang tao, minsan kailangan talaga natin humingi ng tulong sa iba" dagdag pa niya

"Sorry" sabi ko sabay yakap kay kuya ken

"ano ka ba bunso, wala ka namang dapat ipag sorry, ano bang kasalanan mo? yung fried na fried na fried uling? este chicken" biro niya. hindi na ko sumagot, gunggong kausap toh eh haha

"buti naman ok ka na" napalingon kami at nakita namin si spade na naka ngiti kasama si jhake

"Ou, pag si kuya ken kausap mo mahahawa ka sa pagiging autistic nito" biro ko

"aray! grabe ka bunso. san ka nakakita ng gwapong autistic?" biro naman niya

"IKAW PALANG HAHA" biro ko naman at nagtawanan nalang sila

"mish, mamaya magba-bonding na tayong lahat. baka gusto mo ng kausapin si jhake" sabi ni spade. tumango naman ako, umalis na si kuya ken at spade. naiwan nalang kami ni jhake

"sa veranda tayo" sabi ko. umakyat naman kami sa taas para pumuntang veranda

"Sorry" sabay pa naming nasabi

"hala, bat ka nagsosorry?" tanong ko. eh ako kaya may kasalanan

"Sorry kasi lagi kitang sinusungitan dati, lumayo tuloy loob mo. Sorry kasi naging masama trato ko sayo, Sorry kasi naudlot yung lovestory niyo ng pinsan ko dahil sakin. Sorry kasi kinulit kita, Sorry kasi kahit ayaw mo nagpumilit pa din ako manligaw sayo. Sorry sa lahat ng sama ng loob na binigay ko sayo, Sorry sa lahat ng dapat kong ipag sorry. pero Thank you kasi pumayag kang kausapin ako" sabi niya. napangiti naman ako, mabait din talaga siya

"wala na yun. Sorry din, hindi mo naman kasalanan lahat. may kasalanan din ako. Yung hindi magandang nangyari sa past, kalimutan na yun. part ka ng chikboys, at kaibigan ko kayo. sana ngayon, magsimula na tayong lahat ng panibago, tsaka sana maging close na din tayo. mabait ka naman, wag mo na ko ulit susungitan ha" naka ngiting sabi ko

"Oo, hindi na. promise" sabi niya

"so... Friends?" tanong ko sabay abot ng kamay ko

"Friends" sabi niya sabay abot sa kamay ko. at nag shake hands kami. magaan sa pakiramdam ung naging pag uusap namin ni jhake, maikling oras pero nagawa naming isara lahat ng pangit na bagay sa nakaraan at magsimula ng bago, bilang magkaibigan.

--

pumunta na ko sa labas para iligpit yung mga plato at dalin sa kusina, pero inabutan ko yung chikboys na nililinis na yung lamesa

"Uy ako na" sabi ko sakanila

"kami na magdadala sa kusina. ikaw nalang maghugas" sabi ni gino

"okay" sagot ko tsaka sumunod papasok ng kusina. iniwan na nila lahat dun

"salamat" sabi ko

"mish, wag mong babasagin ah" pahabol pa ni kuya anthony

"mang asar ka pa, mukha mo babasagin ko" biro naman sakanya ni kuya alvin. natawa nalang ako

sasabunin ko na sana ng biglang pumasok ng kusina si elise at pinigil ako

"Mish!!!" napatingin ako sakanya. at binigyan siya ng tingin na nagtatanong

"alisin mo muna yung mga mumu" sabi niya

"mumu?" tanong ko, naisip ko ung mumu, multo yun db?

"oo, mumu. ung nga tira tirang kanin sa plato. ako na mag aalis, ikaw na magsabon" sabi niya. sumunod nalang ako.

sa totoo lang, madami ung hugasin na plato, pati kaldero kasama na. at ang akward ng feeling na pareho kaming nasa kusina at wala samin ang nagsasalita. tinignan ko siya habang tinatanggal niya yung mga dikit sa kalderong pinag saingan

"sanay ka sa kusina?" di na ko nakatiis, kinausap ko na siya

"Ou, ako kasi taga luto samin, tsaka taga laba na din" sabi pa ni elise

"ilan kayo sa bahay?" tanong ko

"4, ung lola ko tapos yung kuya ko at asawa niya" sagot niya

"pinagluluto at pinaglalaba mo sila?" tanong ko. habang sinasabon na yung mga plato

"pinagluluto lang. sa paglalaba, ung akin at kay lola lang sagot ko" sabi niya

"ahh.. i see" sagot ko. katahimikan ulit, ang akward nanaman :c

"So-- Sorry" bigla siyang nagsalita. napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya

"alam ko namang galit ka pa din sakin eh. kaya sorry" sabi niya pa

pero may kakaibang awa akong naramdaman. gusto ko na sabihin sakanyang mag move on na kami, pero paano? nahihiya ako.

"mish, kaya mo pa ba ako bigyan ng chance na maging kaibigan mo? miss ko na din yung dating tayo, hindi man tayo bestfriend pero kahit papano close tayo. ayoko na ng may galit sakin. mabuti ka namang kaibigan sakin, sorry kasi sinayang ko yun. sorry kasi hindi ko inisip yun noon, ipinahamak ko pa kayo noon, hindi kasi ako nag iisip. masyado kasi akong binalot ng inggit. ng mga insecurities ko. madaming bagay na meron ka na wala ako kaya siguro ganun ung naramdaman ko. pero gusto talaga kita maging kaibigan ulit. gusto ko ulit i-gain ung trust mo. paghihirapan ko un pangako, sorry talaga" sabi niya. may mga luha nading pumatak mula sa mata niya. hindi ko na din napigil yung luha ko, tama siya. mabuti kaming magkaibigan noon bago pa nagbago ang lahat

bumalik sa alaala ko yung first day ko sa school nung sophomore pa kami. dahil transferee ako. maliban kay pinky, isa si elise sa mga naunang kaklase ko na lumapit sakin. kasama din namin siya nung inikot ako ni pinky sa school. lagi din akong tinutulungan ni elise nun kasi nahihirapan pa kong mag adjust. madaming nagawa si elise para sakin. mga magagandang bagay, mga bagay na nakalimutan ko dahil lang sa isang pagkakamali niya. may mga mali din ako pero sakanya pa talaga nanggaling yung sorry. napaka walang kwenta kong tao kung irereject ko siya, tama si pinky, nahihirapan ako sa sarili kong kagagawan. dapat na nga akong matuto magpatawad

sa patuloy na pag agos ng luha ko, niyakap ko siya

"Sorry din. Sorry dahil hindi naman mangyayari lahat kung napahalagahan ko ung friendship natin. Nagkamali ka, pero may kasalanan din ako. hindi ko dapat binagay sayo lahat ng sisi. Sorry talaga. Elise, lets be friends again, I miss you" sabi ko habang nakayakap sakanya. yumakap na din siya sakin

"Miss na din kita. miss ko na yung dating tayo, yung mish na kasa-kasama namin ni pinky. yung mish na laging nakangiti sakin, lahat yun miss ko na" sabi pa niya

"Lets be friends again" sabi ko

"Salamat mish, Thank you for Forgiving me, Thank you for accepting me again and thank you for Asking me to be your friend again, This time hindi ko na sasayangin yun. Lets be Friends, Again"

para kaming tanga, nagtatawanan kami habang nag iiyakan. baliw lang ang peg

"Woi woi, bati na sila" bigla naming nakita si pinky na mukhang kanina pa ata kami pinagmamasdan. napabitaw na ko sa pagkakayakap ko kay elise, at ngumiti kami kay pinky

"dahil bati na kayo... GROUP HUG" sabi ni pinky kaya napa group hug din naman kami "NA.MISS KO TOH. Kwek kwek moments" natawa kami ng may maalala kami sa sinasabi ni pinky na kwek kwek moments

nangyari din yun nung 1st week palang ako sa school. friday yun at sinama nila ko kay manong best, yun ung nagtitinda ng sari saring tuhog tuhog. may fish ball, kikiam at syempre yung kwek kwek na first time kong nakatikim. nasarapan ako nun sa kwek kwek na sinawsaw sa suka na masarap din ung pagkakatimpla. naging bonding na namin yun hanggang sa tawag na samin ni maong best kwek kwek girls kasi suki na kami ng kwek kwek. tas tinawag naman yun ni pinky na kwek kwek moment. ANG KORNY PERO ONE OF THOSE BEST MEMORIES NA MERON KAMI NOON, AT SANA MAULIT PA MULA NGAYON.

[Author’s Note:  yehey! bati na sila mish at jhake, mish at elise, si xander nalang. hindi naman mahirap magpatawad. pero minsan depende pa din yun sa kasalanan. may mga kasalanan na kayang pawiin ng mga good memories niyo na naipundar noon. pero may mga kasalanan na nagtatanim ng matinding sugat sa puso natin. yun yung mga kasalanan na kahit gaano pa katagal, mahirap ng patawarin. ang masasabi ko lang. sa ganung bagay magpatawad tayo sa sarili natin. at ipasa diyos nalang ang lahat. minsan, nawawala na kusa yung galit. meron lang talaga tayong tinatawag na PRIDE, kaya hindi natin maamin na nagpatawad na tayo. ANG DRAMA KO HAHA XD]

Continue Reading

You'll Also Like

259K 17.7K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...