MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

267K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
TRUST ISSUE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

OUTRAGE

6.5K 243 75
By ajldlkbv20

(Medyo warning lang po sa language. ✌️)





CHAPTER 25



Inabot na ako ng umaga sa kakaisip at kakatitig kay Althea. Hindi ako dinalaw ng antok. Siguro dahil narin gulong-gulo na ako sa nangyayari ngayon. Ang labo kasi. Kapag okay kami, sobrang sweet namin. Pero kapag hindi naman, daig pa may nakaabang na bomba sa gitna namin na paunahan nalang kung sino unang hihila sa safety pin nito para sumabog.

Hindi ko kasi talaga maintindihan si Althea. Hindi ko malaman kung bipolar ba 'to o ano. Yes, honestly... masarap kasi sa pakiramdam ung marinig mong mahal ka parin ng taong mahal mo. Pati ung malaman mong nagseselos siya. I don't know, may something lang sa feeling. Pero ayoko ng ganito. Ung paulit-ulit kaming bumabalik sa starting line na hindi naman kami nakakarating sa dulo. Nakakapagod eh.

Naiirita rin ako sa sarili ko dahil ang dali kong bumigay pagdating sa kanya. Tulad nalang nung nangyari kaninang madaling araw. It only took a single kiss for me to forget that we weren't supposed to be doing that anymore. Nawawalan kagad ako ng control sa sarili ko kapag nandyan siya. But I need to learn how to be strong. Hindi kasi pwede ung lagi nalang akong okay sa mga nangyayari samin, kahit parang hindi naman talaga.



I took my phone from the bedside table since I remembered that I still haven't sent Batchi a message. Nag-aalala na siguro un dahil ngayon lang ako magtetext sa kanya. It was already around 10:30am.



*JADE*
Batch, sorry hindi ako nakapagtext kagad. Hindi ko na pinauwi si Althea. Natutulog pa siya dito sa condo.




It was nearly after 10 minutes when I received a reply from her.




*BATCHI*
Ayos lang. Kamusta siya, Jade? Kayo? Okay lang kayo?

*JADE*
Hindi ko narin alam, Batch. Litong-lito na ako. But don't worry, she's fine.

*BATCHI*
What do you mean hindi mo alam, Jade? Nag-away ba kayo kagabi?

*JADE*
No. Pero ang labo lang kasi talaga ng kaibigan mo. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kakayaning magtiis, Batch.

*BATCHI*
Anong problema, Jade? Pwede ba akong pumunta dyan ngayon? Pag-usapan natin yan.

*JADE*
Sige, Batch. Mabuti pa nga. Ikaw nalang kumausap kay Althea. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko.

*BATCHI*
Hintayin mo ako. Don't do anything stupid, Jade. Kumalma ka lang. Papunta na ako dyan.




Pagkabasa ko ng text na un ni Batchi, lumabas na kagad ako ng kwarto para kumain muna ng breakfast dahil alam kong saglit lang ang magiging biyahe niya. Hindi ko na muna ginising si Althea dahil mahimbing pa ang tulog nito.


After around 15 minutes ay dumating na ang butch. Tinitigan ako nito na parang kinakapa kung magwawala na ako o ano bago siya pumasok sa loob ng unit ko. She spread her arms to offer me a hug which I immediately reciprocated. Batchi and I truly connect in a way that no one understands.

"Tulog pa si Tsong?" She asked as we headed to the dining area. I only nodded while preparing coffee for both of us.

"Gusto mo bang gisingin ko?" Tanong ko nung makita kong tinignan niya ang pintuan ng kwarto ko.

"Hindi. Mamaya nalang. Mag-usap muna tayo." She immediately responded.

Umupo na siya habang hinihintay niya lang akong matapos. Hindi muna siya nagsalita. Pinagiisipan niya pa siguro kung paano niya sisimulan ang usapan namin. Hinintay niya din akong makaupo muna bago siya nagsalita.

"Jade, anong nangyari?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Ewan ko rin, Batch. Ang labo-labo na ng sitwasyon namin." Halos nanghihina kong sagot.

"Bakit? Anong sabi ni Althea?" She asked again.

"Three days ago, she said that we should stop everything. Sabi niya sakin maging magkaibigan nalang kami. Tapos ngayon, magpapakalasing siya dahil nagparamdam sakin nung isang araw si Lauren at nagkita kami kahapon—"

"Siya ung kasama mo nung tinawagan kita kagabi?" Singit bigla ni Batchi.

Tumango lang ako at hinayaan na niya akong ituloy ang sasabihin ko.

"Nilamon na kagad siya ng selos, eh wala naman siyang alam kung ano lang ang intensyon ng pagpaparamdam ni Lauren. Naiirita lang ako kasi wala akong ginagawa pero para akong naiipit sa kanila. Mahal ko si Althea, Batch. Alam mo un. And I don't think that's gonna change anytime soon. Pero sana kasi, linawin niya kung ano talaga ang gusto niyang mangyari. Ang hirap nang pabalik-balik eh. Parang nag-iiba desisyon niya everyday. So ako, ano, abang-abang nalang kung ano mapagdesisyunan niya?" Mahinahon kong tuloy, pero nagsisimula na kagad na magkaroon ng irita sa tono ko.

"Naguguluhan lang talaga siguro si Tsong, Jade." She stated.


Alam ko namang walang pinipiling side si Batchi. Ayaw niya lang talagang mag-away kami ni Althea dahil alam niyang maiipit rin siya.


"Un na nga Batch eh. She needs to decide what she really wants. Wag niya akong paasahin. Kung ayaw na niya, edi ayaw. Kung gusto, please naman, lumaban siya. Ipaglaban niya ako. Lagi siyang natatakot eh. Minsan pakiramdam ko, parang hindi naman niya talaga ako mahal."

"She loves you, Jade. Alam nating pareho un." She quickly said.

"Think about it, Batchi. Ipinakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, pero iniwan niya ako dahil sobra-sobra daw ung pagmamahal na ibinibigay ko. Eh ano bang gusto niyang mangyari, wag nalang akong mag-effort? Baka sakaling kapag tumunganga lang ako, hindi niya ako iiwan. Ganun ba dapat ang maging logic ko?" I answered with a bit of sarcasm.

"Gets ko, Jade. Kahit ako nagtataka kung bakit ganun ang dahilan ni Tsong. Eh sa pagpili niya kay Cathleen, nahihirapan din naman siya." Pagsang-ayon ng butch.

"Batch, hindi naman kasi pwedeng ganito. Just because she knows I love her, doesn't mean that she can do whatever she wants. Natatakot siya... okay, gets ko un. Pero hanggang kailan, Batch? Kailangan ko ng assurance na may hinihintay ako. Ung may ipinaglalaban nga ako. Akala ko kapag minahal ko siya ng sobra, magkakaroon siya ng dahilan para ipaglaban din ako. Pero un pala, ung pagmamahal na un pa ang nagbigay sa kanya ng rason para iwan ako. Ang labo diba?" Medyo naiinis kong sagot.

"Eh anong balak mo, Jade? Ano bang gusto mong mangyari ngayon?" She had a worried look on her face.

Hindi ako nakasagot kagad dahil kahit ang sarili ko, hindi sigurado sa kung ano ang gusto ko. Kung kaya ko lang kasing magalit kay Althea at sabihin sa kanya nang harapan na, "Uyy! Ipaglaban mo naman ako oh." Kaso hindi eh. Wala akong lakas na i-demand sa kanya un. Ayoko ung parang mapipilitan lang siyang piliin ako. I want her to do it because she wants to, not because I told her to.

"Hindi ko rin alam. Mahal ko siya, Batch. Mahal na mahal. Kung ako ang magdedecide, siyempre ayokong mawala siya sakin. Pero wala eh, nakapagdecide na siya. Wala na akong magagawa." I was trying to hide the pain I was feeling inside. Gusto kong umiyak pero pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako.

Hindi sumagot si Batchi at tuluyan lang niya akong tinignan.

"Sabi ko naman sayo nung umpisa palang Batch, ang bagsak nito, ako ang talo. Ako lang kasi itong tanga, tumuloy pa. Kahit alam kong dead end na." Pagmumukmok ko.

"Mahal mo eh." Parealize ni Batch.



Sarap din talagang kutusan nito minsan eh. Ipinagdidiinan pa talaga sakin ang kahinaan ko. Ung rason kung bakit nakakaya at makakaya kong balewalain ang nangyayari ngayon. Oo nga... kasi mahal ko naman talaga si Althea.



"Oh, anyare? May narating ba ako?" Pabiro kong sumbat sa kanya, at medyo natawa nalang kami.
















"Kaya nga itigil na natin 'to."

























Bigla kaming natigilan at napalingon ni Batchi sa taong nagsalita. Nakita naming nakatayo si Althea sa labas ng kwarto ko na medyo namumula ang mga mata.



I told you she's my weakness. Pagkakita ko palang sa kanya, nanghina na ako at parang gusto kong bawiin ang lahat ng mga sinabi ko. I suddenly just want to love her even more, dahil ayoko na umiiyak siya. Lalo na kung dahil sakin.



Nagulat si Batchi at napatingin bigla sakin na may pag-aalala dahil mukha ngang narinig ng kaibigan niya ang pinag-usapan namin.

"Ah Tsong, tara. Kape ka muna." Aya ng butch sa kanya.

"CR muna ako." Mabilis kong paalam dahil ayoko munang magkaharap kami ni Althea.

Malas ko nalang na malapit lang ang CR sa kung saan nakatayo si Althea. Nung malapit na ako sa pwesto niya, bigla niya akong hinawakan sa braso para pigilan ako.

"You're not going anywhere, Jade. Mag-usap tayo." Mariin pero mahinahon niyang sabi.

Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo, parehong ayaw magpatalo. Nakakita ako ng bahagyang galit sa kanyang mga mata kaya alam kong hindi aayon sa gusto ko ang mangyayari.

"We both know that won't turn out good, Althea. Kung gusto mong mag-usap, dito tayo. Kasama si Batchi." I demanded, still looking straight into her eyes.

Mabilis itong pumayag dahil wala namang kaso saming pareho kung malaman at marinig ni Batchi ang mga sasabihin namin sa isa't isa. Mas okay din un dahil may pwedeng pumigil sakin kapag tuluyan nang mawala ang control ko sa sarili at bigla akong may magawang hindi maganda kay Althea.

Pagkatingin ko kay Batchi, nakatayo na ito sa kinauupuan niya at parang kinakabahan sa mangyayari. Pumunta si Althea sa may living area at sumunod naman kagad ang butch. Umupo siya sa single seater na sofa, habang si Batchi ay pumwesto sa gitna ng malaking set.

"Jade, halika na dito. Ayusin niyo na 'to. Please lang." Pakiusap ni Batchi na nagparealize saking hindi parin pala ako kumikilos sa kinatatayuan ko.

Pinag-isipan ko kung saan ako pupwesto, but I decided not to go near them. Kaya pumunta nalang ako sa may pader na katapat ng inuupuan ni Althea at sumandal doon. Magkaharap kami pero malaki ang pagitan namin. Hindi naman na ako pinilit ni Batchi na lumapit sa kanila.

Parang ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita samin. Pare-parehong nangangapa kung sino ang babasag sa katahimikan. Nagmatigas ako ngayon dahil lagi nalang ako ang nagsisimula ng mga ganitong usapan. Nakita ko namang hindi inaalis ni Althea ang mga mata niya sakin.

"Jade, Tsong... mag-usap kayo. Please." Batchi finally started. She sounded nervous and worried.

"May dapat pa bang pag-usapan, Batch?" Walang gana kong sagot.

"Eh anong gusto niyo, ganito nalang kayo? Hindi niyo 'to aayusin?" Ulit ng butch na napatingin saming dalawa.

"May dapat bang ayusin, Tsong?" Medyo naiirita namang sumbat ng isa.

"Pwede ba?! Maayos naman sanang usapan oh. Daig niyo pa mga bata eh." Suway ni Batchi na medyo tumaas ang boses. Bigla naman kaming nagkatinginan ulit ni Althea.

Huminga muna ako nang malalim para mapakalma ang sarili ko.



I just realized na ngayon lang kami naging ganito ni Althea. Madalas kasi ay maayos at mahinahon ang pag-uusap namin. Ngayon lang nangyari na parehas kaming walang gana makipag-usap sa isa't isa. Siguro dahil bigla ko ring naramdaman ung pagod ko sa sitwasyon namin.



"Do you want to stop this or not, Althea? Please linawin mo sakin kung ano talaga ang gusto mong mangyari." I calmly begged.

"Hindi ko na alam. Ang hirap din kasi na hindi pala naaappreciate ung ginagawa mo. Ung hindi napapansin ung effort mo." Patama niya at iniwas ang tingin sakin.

"What are you talking about?" I wondered.

"Hindi ba enough ung nagawa ko, Jade? Manhid ka na ba para hindi mo maramdamang mahal kita? Dadating ka parin pala sa point na ququestionin mo ung pagmamahal ko para sayo." Her voice sounded challenging which started to irritate me once again. I should probably expect the worst for this conversation.

"At kailan ko naman sinabing hindi enough un?!" Medyo tumaas na kagad ang boses ko dahil nainis ako sa panimula niya.

"Kasasabi mo lang kanina, Jade. Narinig ko lahat. Iniisip mo na hindi naman talaga kita mahal." Sagot niya na hindi nagpapatalo ang tono ng boses.

"Dahil hindi na kita maintindihan, Althea! Sobrang labo mo. Ipapatigil mo 'to, tapos biglang sasabihin mo na naman na mahal mo ako. Magseselos ka kapag may kasama akong iba. Ano ba! Gusto mo ba akong paasahin o ano? You can't do everything you want just because you know I can never resist you. Wag kang basta-basta bumabalik just because you know I'm weak when it comes to you." I was already starting to get mad at her.

"Simula palang Jade, sinabi ko na sayong hindi kita kayang ipaglaban. Pero sabi mo sakin, enough na ung pagmamahal ko para sayo. Na wala ka nang hihingin pang iba. Asan na un, Jade? Ha?! Umasa din ako sa sinabi mong un. Pero bakit parang ang dating, ang dami kong pagkukulang sayo?" Mariin niyang sabi na halata namang nagpipigil ito ng galit.

Nakita kong palipat-lipat ng tingin si Batchi saming dalawa. Alam kong nakahanda na ito dahil mukhang maya-maya lang ay may kailangan na siyang awatin. Nung magtama ang mga mata namin, palihim ko siyang sinenyasan na wag muna; dahil alam kong kailangan namin ni Althea na marinig ang hinanakit ng isa't isa. Pero sa totoo lang... nag-init na ang ulo ko sa mga isinumbat niya sakin.

"So kasalanan ko pa pala, ganun?! Ganun ba, Althea?! Tangina naman. Pasensya na kung pinangarap kong maging akin ka nung ipinaramdam mo sakin kung gaano ako kaimportante sayo ha!"



Our conversation was becoming too much for me. It made me feel like I just turned into a time bomb; and I just know it wouldn't take long 'til I explode.



Nakita kong napatayo si Batchi sa kinauupuan niya dahil alam niyang hindi na maganda ang nagiging usapan namin ng kaibigan niya. Mabilis ko naman itong pinigilan. Kaya kong magtiis ng sobra. Mahaba ang pasensya ko. Pero once na sinubukan ng kahit sino na palabasin ang kulo ko... I'm sorry but there's no turning back.

"Sabihin mo nga sakin, Althea... mali ba na umasa ako nung sinabi mong susubukan mo?! Mali ba na nanatili ako sayo nung sinabi mong hindi mo ako kayang mawala sa buhay mo?! Mali ba na iniisip kong posibleng maging tayo tuwing sinasabi mong ako ang mahal mo at hindi si Cathleen?!" Sunod-sunod kong sumbat sa kanya.

"Jade, sinubukan ko naman ah." Biglang huminahon ang tono niya at tsaka ko lang napansing umiiyak na pala siya.

I didn't get to respond right away because I was trying to stop myself from being weak. Sinusubukan kong labanan ung lambot ng puso ko pagdating sa kanya.

"Sinubukan ko, Jade. Kaya nga ako nasaktan nung marinig kong nagdududa ka pa sa nararamdaman ko para sayo. Kasi sigurado akong never kitang niloko. Alam mo ung sagot sa mga katanungan mo?" She threw a rhetorical question.

"Hindi, Jade. Hindi mali. Kasi nagbigay ako ng rason sayo para umasa. Para isiping pwede. Pero Jade, ikaw naman ang tatanungin ko. You said you want me to make an effort, right? Then tell me... hindi pa ba effort para sayo ung hindi ko pag-uwi sa condo ni Cathleen? Hindi pa ba effort ung mas itinuturing kitang girlfriend ko kaysa sa kanya? Hindi pa ba effort ung lahat na ng pwedeng gawing palusot sa kanya nasabi ko na para lang makasama kita? Hindi pa ba effort ung nanatili parin ako sa tabi mo kahit paulit-ulit akong sinasabihan ni Cathleen na layuan ka? Hindi pa ba effort para sayo un, Jade?! Kung hindi... then I'm sorry. Wala naman kasi talaga atang halaga lahat nang ginagawa ko para sayo." Balik naman niyang mga sumbat.



Honestly speaking? Napaisip ako sa mga sinabi niya. Bigla kong naramdaman na parang may pagkukulang nga ako sa pag-intindi ng sitwasyon namin ni Althea. Ang tanga ko para hindi maisip na grabe din ang ginagawa niyang sakripisyo para sakin.



"Pero tutal naman iniisip mo nang niloloko kita, edi tototohanin at paninindigan ko na. Itigil na natin kung ano man ang meron satin Jade, dahil hindi naman ako seryoso sayo. Hindi kita mahal. Gaguhan lang ang lahat ng 'to." She sarcastically said which suddenly gave me the final second of my time bomb.

I was starting to understand her point, pero nawala ulit ung kagustuhan kong ayusin ang usapan namin dahil sa mga sinabi niya. Hindi na ako nakapag-isip. Pakiramdam ko ay sumabog talaga ako kaya hindi ko napigilan ang sarili kong ilabas ang galit na tinitiis ko.














"JADE!!!"













The next thing I knew, Batchi was beside me trying to grab my wrists and stop me from what I was doing. Hindi ko alam kung nakailang suntok ako sa pader na kaninang sinasandalan ko. I wasn't completely aware na doon ko pala naibuhos ang lahat. I didn't feel even a slight pain. Parang namanhid bigla ang buong katawan ko sa sobrang galit.

Tsaka ko lang rin namalayang may luha sa aking mga mata nung iharap ako ni Batchi sa kanya. She was tightly holding both of my wrists. Tumingin siya sakin ng diretso na parang palihim na akong sinesermonan sa ginawa ko. Pero wala nang pumapasok sa utak ko. I just want to run away and forget everything that happened. Pagod na pagod na ako.

"Yan, Jade! Sige, ipagpatuloy mo yan. Mas binibigyan mo lang ako ng rason para iwan ka." Althea added fuel to the fire.

"Tsong, ano ba!!" Halos nakasigaw na suway ni Batchi na tumingin sa kanya pero hindi parin umaalis sa harapan ko.

"Tangina, Althea!! Kahit kailan naman, hindi ka naubusan ng rason para iwan ako. May gawin man akong maganda o pangit, doon parin ang bagsak mo!" Humakbang ako ng konti paharap para lumapit kay Althea pero iniharang ni Batchi ang braso niya. Napatayo naman bigla ang kausap ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, and I pointed a finger at her.

"Naghahanap ka lang kasi ng pagkakataong iwan ako na ako ang magiging dahilan. Ung ako ang sisisihin. Lagi mong iniisip kung paano ititigil ang lahat na wala kang magiging kasalanan. Pucha! Ang galing mong magpaikot, Althea. Duwag ka! Alam mo ba un?! Duwag ka because you always end up thinking how to run away from what you fucking started. Iniisip mo nalang kung paano magiging mas madali para sakin na tanggapin." Halos nakasigaw kong dagdag.

Humigpit ang kapit sakin ni Batchi na halatang sobra-sobra ang kaba dahil baka si Althea na ang sunod kong saktan sa sobrang galit ko. Pero ang kausap ko naman ay walang bahid ng kahit anong takot dahil alam niyang hindi ko kayang gawin un.


I told her that before, remember? Na kahit anong galit ko, hinding-hindi ko kayang saktan ang isang tao. Lalo na kung mahal ko ito.


"Jade, tama na." Awat ng butch sakin.

"No, Batch. Hanggang kailan ako magtitiis?! Hanggang kailan ko iintindihin ang kaibigan mo?! Eh wala naman pala siyang balak na ayusin ang lahat. Ano 'to... all this time, naglalaro lang pala kami?!" Sagot ko sa kanya.

"Tangina naman. Never kitang pinaglaruan, Jade!! Alam mo un." Halos nakasigaw narin na sabat ni Althea.

"Then what the hell is this, Althea?! TELL ME!!"

"Jade, please." Pakiusap ni Batchi saking kumalma.

"Kahit kailan, hindi kita niloko. Never akong nagsinungaling sayo. Oo, duwag ako, pero hindi dahil sa rason na iniisip mo. Maniwala ka sakin Jade, pinilit kong subukan. But don't you think mas nagkakasakitan lang tayo sa ganitong set-up? Ung parehas tayong hindi sigurado. Ito rin ang iniiwasan kong mangyari. Ung saktan mo ang sarili mo nang dahil sakin. Kung lagi lang magiging ganito ang bagsak mo, then it's really better if we stop." Mariing paliwanag ni Althea.

Inialis ni Batchi ang pagkakahawak niya sakin para humarap sa kaibigan. Pumwesto siya sa gitna naming dalawa.

"Tsong, sigurado ka bang mas okay un? Magiging masaya ka ba sa desisyong un?" Tanong niya kay Althea.

"Alam mong hindi, Batchi. Pero kahit ano naman atang gawin ko, masasaktan ko si Jade. Pipiliin ko nalang kung saan bawas ang sakit para sa kanya." Sagot nito.

Hinayaan ko lang muna silang mag-usap dahil sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Naisip ko rin na mas maayos siguro kung ang kakausap kay Althea ay ung kalmado at nakakapag-isip pa nang matino.

"Tapos ano, Althea? Ikaw naman ang magmumukmok dahil hindi mo kayang mabuhay na wala si Jade? Tapos hindi mo kakayanin kapag nakuha siya ng iba?" Panimulang sermon ni Batchi.

Hindi sumagot ang kausap niya at tuluyan lang siyang tinitigan nito.

"Alam mo, Tsong... agree din ako sa sinabi ni Jade eh. Na duwag ka. Pero hindi dahil sa hindi mo siya kayang ipaglaban o dahil sa rason mong ayaw mo siyang masaktan. Duwag ka kasi ayaw mong pakawalan ang sarili mo. Pinipigilan mo ang sarili mong maging masaya. Alam kong sigurado ka kung sino ang totoong mahal mo, Althea. Alam kong alam mo rin kung ano makapagpapasaya sayo. Pero bakit ayaw mong sundin un?" There was pity in Batchi's voice.

Napayuko bigla si Althea at napabalik sa pwesto niya kanina sa sofa. Ako naman ay unti-unti nang humuhupa ang galit dahil sa narinig mula sa butch. Parehas kaming hindi nagsalita, at hinayaan nalang na ituloy ni Batchi ang sasabihin.

"Tsong, ang sabi mo sakin noon, napantayan ni Jade ung pagmamahal mo para kay Cathleen. Pero sa pagkakaalala ko... sabi mo rin sakin kailan lang na nahigitan na ni Jade un. Don't you think dun palang, dapat mag-isip-isip ka na? You've loved Cathleen for years, Althea. Pero nahigitan na ni Jade un sa loob ng ilang buwan lang. Tingin mo ba hindi pa sapat na dahilan un para ipaglaban niyo kung ano ang meron sa inyo? Tsong, for once in your life... wag mo namang parusahan ang sarili mo. Gawin mo ang mga bagay hindi para sa ibang tao, kundi para sayo."

"Hindi ko kayang makasakit ng tao, Batchi." Mahinang sagot ni Althea.

"Bakit Tsong, sino ba ang hindi nasasaktan sa sitwasyon niyo?" Tanong ulit ni Batchi pagkatapos niyang lumapit sa kinauupuan ng kaibigan.

"Tingin mo ba hindi nasasaktan si Jade na mas pinili mong iwan nalang siya kahit mahal mo naman talaga siya? Tingin mo ba hindi masasaktan si Cathleen kapag nalaman niyang pinili mo nga siya pero hindi naman siya ang laman ng puso mo? Nasasaktan ka rin ngayon diba? Edi ganun din. Makakasakit at makakasakit ka talaga ng tao. Pero alam mo kung ano ang pinagkaiba nun kapag sinunod mo ang gusto mo? Magiging masaya ka na, kasama mo pa ung taong mahal mo." Tuloy nito.

Umupo siya sa side ng malaking sofa na malapit sa pwesto ni Althea, habang ako naman ay bumalik sa pagkakasandal ko sa pader dahil parang nanghihina na ako.

"Wag mong isiping kinakampihan ko si Jade dahil wala naman akong pinipiling side dito. Kilala kita, kaya alam kong hindi mo siya niloko o pinaglaruan. Pero Tsong... ang simple lang kasi ng problema niyo eh. Hindi ko maintindihan kung bakit kayo nagkakagulo nang ganito. Mahal ka niya, mahal mo siya. Eh anong pumipigil sa inyo para magsama? Si Cathleen? Althea, malaki na siya. Oo, masasaktan siya kapag nakipaghiwalay ka, pero dadating din naman ung time na mauunawaan niya un." Dagdag niya na naging dahilan para tumulo ulit ang mga luha sa mata ni Althea.

"Don't just fight for Jade, Althea. Also fight for what your heart wants and what will truly make you happy." Pagtatapos ni Batchi.

Tuluyan nang umiyak si Althea kaya mabilis na tumayo ang butch at nagsquat sa harapan ng kausap para yakapin ito. Mahigpit ang kapit ni Althea sa kaibigan. Ako naman ay nanatili sa posisyon ko, pero hindi ko naring napigilang umiyak.



Ngayon ko lang fully narealize kung gaano kami kaswerte na meron kaming kaibigan na tulad ni Batchi. Ung kaibigan na laging ipapaalala sayo ang halaga mo. Hindi lang siya ung taong kakampihan ka, or ung pagsasabihan ka... but she's also the kind of friend who makes sure that you know what you deserve. Piece of advice, people – if you have a friend like her... keep them in your life.



Nawala na bigla ang galit ko, not only because I realized my mistake, but also because I finally understood Althea's side completely.



Batchi's right. Hindi ako ang kalaban niya dito, mas lalong hindi si Cathleen. Sobrang hirap nito para kay Althea, dahil ang kalaban niya ay ang sarili niya. That's the downside of being so selfless. You forget that you also need something.





"Jade." Batchi interrupted my thoughts.

Nakaupo na ulit siya sa pwesto niya kanina at nakatingin sakin. Bahagyang nakayuko si Althea na halatang pinipigilan na ang pag-iyak. Batchi was silently asking me to sit beside her. Tinignan ko siya saglit pero maya-maya lang ay humakbang na ako palapit sa kanila.

"Jade, makinig ka sakin." Panimulang sabi sakin ng butch.

"Hindi ka niloloko ni Tsong. Mas lalong hindi ka niya pinaglalaruan. Mahal ka niya, Jade. Kung ayaw mong maniwala sa kanya... sakin ka maniwala. And I'm telling you that she loves you. Pero hindi ko sinasabing hindi kita naiintindihan. Gets ko nararamdaman mo. Pero diba sabi ko sayo, kakausapin mo si Althea? Kapag nahihirapan ka, sabihin mo sa kanya. Hindi ung itinatago mo lahat. Ano, sasagarin mo na naman ang sarili mo? Tignan mo kanina, bumalik ka na naman sa pagsuntok ng pader. Diba sinabihan ka na namin ni Tsong dati na wag mo na ulit sasaktan ang sarili mo? Nasasaktan din kami kapag nakikita ka naming ganun, alam mo ba un?" Sermon niya sakin.

Nang sabihin niya un, tsaka ko lang naalala ang namamaga kong mga kamay. Noon ko lang rin naramdaman ang sakit. Nakita ko namang napatingin sa mga ito si Althea. Sunod na nagtama ay ang mga mata namin.

"Jade, wag mo nang uulitin un. Please." Pakiusap ng butch.

I didn't answer. Instead, I just put my head on her shoulder to let her know that I heard her.

"Ngayon, makinig naman kayong dalawa sakin." Sabi ulit ni Batchi, at tumingin naman kaming dalawa ni Althea sa kanya.

"Things are too complicated right now. Feeling ko, kailangan niyo munang bigyan ng space ang isa't isa. You need to spend some time apart. Masyado na kasi kayong hindi nagkakaunawaan. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari, pero alam kong kailangan niyo munang mag-isip. You need to realize each other's worth. Hanapin niyo ang dahilan para ipaglaban niyo pa kung ano man ang meron sa inyo. Mahal niyo naman ang isa't isa eh... so, what could go wrong? Alam ko kung ano man ang marealize niyo, it'll make everything better. You just need to trust each other." Palipat-lipat ang tingin nito saming dalawa.

"Okay ba un? Kaya niyo bang gawin un?" Huling tanong niya.

Nagtinginan kami ni Althea. Parehong nangangapa kung sasang-ayon ba kami sa sinabi ni Batchi. Ilang segundo ang lumipas na walang nagsalita saming dalawa.



Medyo nagdadalawang-isip kasi ako dahil alam ko kung saan humahantong ang pagbibigay ng space sa isa't isa. They usually end up bad. But somehow, I think we really need it. What we have right now isn't healthy anymore. Dapat naming ayusin 'to, pero kailangan naming magsimula sa sarili namin.



Napansin siguro ni Batchi ang pananahimik naming dalawa, kaya naisip niyang hindi pa namin alam ang isasagot. Kaya ibang tanong na ang ibinato nito.

"Okay, sige. Maipapangako niyo bang kapag iniwan ko kayong dalawa dito, mag-uusap kayo nang maayos? Hindi niyo paiiralin ang galit niyo?"

Again... we didn't answer.

"Jade? Althea?" Ulit niya.

Tinignan ko ang butch and I slightly nodded. Nagkatinginan ulit kami ni Althea at nakita ko namang okay din sa kanya ang hinihingi ng kaibigan.

"Ayusin niyo 'to mga tsong. Please." Huling paalala niya bago siya umalis ng condo ko.



...



Pagkaalis ni Batchi ay ilang minutong nabalot ng katahimikan ang unit ko. Parehas kaming nakayuko ni Althea at nangangapa kung sino ang unang magsasalita. Pero nagulat ako nang bigla siyang umalis sa kinauupuan niya para tumayo sa harapan ko. We stared into each other's eyes for a moment; both silently asking for forgiveness.

She offered her hand for me to get up, which I immediately accepted. Her hold was really gentle. Tulad nung unang beses niyang hinawakan ang namamaga kong mga kamay. Pero wala ulit nagsalita samin. I decided to do the first thing that came into my mind. The one thing I know that always makes us feel better. I needed to have the feeling once again to assure myself that everything will make sense soon.


So I slowly wrapped my arms around her neck; and she hugged me back with the same gentleness.


"We'll be fine, right?" I asked as we didn't move from our position.

Hindi siya sumagot, pero naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin. So I did the same. The next thing I knew, we were both crying once again. For the first time, we didn't stop each other. Hinayaan naming marinig ang iyak ng bawat isa.

After a minute or two, she let go of our hug to hold both of my cheeks. She wiped my tears with her thumb and looked straight into my eyes. Then she slightly nodded.

"We will." Halos nakabulong niyang sabi, but her voice was full of emotions.





And that was the only assurance I needed.































WEEKEND UPDATE! As promised. Sorry ngayon ko lang natapos. Ngayon lang po nakapagpahinga utak ko eh. Hahaha. Halos 2 hours lang lagi ang tulog the past days. Medyo nakaraos na sa wakas, kaya eto... pambawi. Although, parang ang heavy ng chapter na 'to. Sorry na po. Haha. Pero don't worry, hindi pa dito natatapos ang pagsubok ng JaThea. Marami pa po akong balak sa story na 'to, so that means marami pang chapters ang nakalinya. So... tuloy lang ang saya at lungkot. Hahaha. Thanks for the new reads, guys! 👍

Next time ulit. Susubukan ko pong mag-update kagad. :)

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 709 26
Till It's Time "Handa na sana akong ipaglaban ang ating pagmamahalan, kaya lang bigla kang nawala sa hindi ko malaman na dahilan." - Jade "...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
125K 4.6K 25
Another JaThea's story for all rastro fans.
356K 18.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.