PORT THE EXPLORER!

Von Pilyosopher

2.4K 87 53

Gusto mo bang malaman ang madugong training ni Port at kung bakit siya palaging handa? Gamer - check! Silent... Mehr

BLURB
PORTuges 1
PORTuges 2
PORTuges 3
PORTuges 5
PORTuges 6

PORTuges 4

301 13 7
Von Pilyosopher

"Ito na yun?" dismayadong tanong ni Jhax kay Rhino nang makarating kami sa parke.

"Dito tayo unang nabuo kaya dapat dito ang una nating adventure." paliwanag ni Rhino.

"Anong gagawin natin dito?" singit ko.

"Jhax." tawag ni Rhino kay Jhax.

"Huh?"

"Mag-isip ka ng gagawin natin." maangas na utos ni Rhino.

"What? Ikaw nagdala sa amin dito at nagsabi na may adventure tayo tapos ako pinag-iisip mo ngayon ng gagawin natin?"

"Ikaw ang matalino sa atin di ba?"

Napatango si Jhax na madaling napasang-ayon.

"Puwes gamitin natin utak mo kasi magmula ngayon ay ikaw na ang utak ng rebolusyon natin. Kung sa Sibika at Kultura ay ikaw ang dakilang lumpo!" diin ni Rhino na napatingin sa mga paa ni Jhax. Naningkit ang mga mata ni Jhax sa inis.

"Hindi ako lumpo."

"Pwede kitang lumpuhin." pagbibiro ni Rhino.

"Pwede kitang patayin ngayon." babala naman ni Jhax.

"Joke lang my friend." at mabilis na hinalikan ni Rhino sa pisngi si Jhax. Sa gulat ni Jhax ay pinandilatan niya lang si Rhino.

"Hi-hinalikan mo ako?" nandidiri nitong tanong.

"Sa cheeks." nakangiting sagot ni Rhino.

"Kadi-" hindi na natapos ni Jhax ang magsalita dahil tinakpan ni Rhino ang bibig nito.

"Mag-isip ka na lang ng gagawin natin."

"Saglit lang at mag-iisip ako."

Tahimik na napaupo sa isang sementong bangko si Jhax at palingon-lingon sa paligid. Maraming tao sa park. May mga nagtitinda ng kung ano-anong uri ng pagkain at marami rin ang mga katulad naming mga bata at teenager.

"May naisip ka na?" inilapit ulit ni Rhino ang mukha kay Jhax. Sa trauma ni Jhax ay mabilis siyang napaatras.

"Tagu-taguan tayo?" nangingiming tanong ni Jhax.

Dismayadong nagkibit-balikat si Rhino. "Matalino ka ba talaga?"

"Patintero?"

"Patintero? Tatatlo lang tayo tsaka gawain yun ng mga normal na bata. Mga special child tayo!" galit na sumbat ni Rhino.

"Ikaw lang ang special child dito." buwelta ni Jhax.

"Aminado ako diyan." sang-ayon ni Rhino. "Mag-isip ka na ulit ng gagawin natin."

"Huh?" napakamot na lang si Jhax.

Limang minuto na ang lumipas at nahihirapan pa rin si Jhax mag-isip ng gagawin nang nagsalita ulit si Rhino.

"Ano kaya kung mamalimos tayo? Magkano pera mo?" mabilis na tanong ni Rhino sa akin.

"Sa-sampu." sagot ko.

"Sampu? Ang yaman mo huh! Doble yan ng pera ko. Siguro nakakabili ka nung tig-dos na juice parati." namamangha na komento ni Rhino.

"Bente pera ko." pagyayabang ni Jhax sabay labas ng pera niya.

"Ano? Mas mayaman ka pa?" gulantang na tanong ni Rhino. Agad nitong inagaw kay Jhax ang papel na bente pesos tsaka inamoy-amoy ito. "Ngayon lang ako nakahawak ng bente pesos." tila nababaliw na ata si Rhino.

"Magkano ba ang ibinibigay na pera mo?" nakapameywang na tanong ni Jhax.

"Limang piso." nakangusong sagot ni Rhino. "Ilabas mo rin yung sampung piso mo." sabay utos niya sa akin.

"Bakit?"

"Basta ilabas mo na." paglabas ko pa lang ng sampung piso ay inagaw na rin ni Rhino ang pera ko tsaka siya ngumiti. "Ito ang gagawin natin, kung sino manalo sa atin ay sa kanya lahat itong pera."

"Teka! Hindi ba madaya ka dahil limang piso lang ang ambag mo?" tanong ni Jhax.

"Maganda nga yun dahil mas magiging desperado kang manalo. Ayaw mo nun?"

"Pero madaya pa rin." singit ko.

"Pag nanalo ka naman ay may thirty five pesos ka noh." sulsol ni Rhino. Napaisip tuloy ako at malaking pera rin ang sinabi ni Rhino. "Gusto mong manalo di ba?" tanong ni Rhino sa akin at napatango naman ako.

"You are still a cheater!" paratang ni Jhax. Pilit pa nitong inaagaw ang bente pesos niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Rhino dito.

"Isipin mo na lang na madadagdag pa sa pera mo yung malilimos mo tsaka bukas ay may bente pesos ka ulit noh." tumigil na rin si Jhax at tahimik na napasang-ayon sa plano ni Rhino.

"Ano game na tayo? Magkita ulit tayo pagkatapos ng isang oras. Okay?" nakangiting nagpaalam na si Rhino habang naiwan kami ni Jhax.

"Anong gagawin natin?" tanong ko kay Jhax.

"Mukhang alam nung unggoy na iyon ang gagawin. Basta kapalan na lang natin ang pagmumukha natin. Bahala na!" padabog na umalis na rin si Jhax at naglakad sa kabilang direksyon. Naiwan ako na hindi ko alam ang gagawin. Napaupo na lang ako sa isang bangko, tulala at nakatingin lang sa mga tao. Paano ba ang mamalimos?

Malapit ng mag-isang oras at hindi pa rin ako nagkalakas ng loob na mamalimos kaya naisipan ko na lang silipin kung ano na ang ginagawa nila Jhax at Rhino. Nauna kong hinanap si Jhax at nadatnan ko siyang nakikiusap sa ilang mga ale.

"Nawala ko po yung pera ko at malayo po yung bahay namin dito. Hihingi lang po sana ako ng pamasahe." makaawa ni Jhax.

"Mukha kang mayaman boy huh."

"Po?"

"Heto oh. Hingi ka ng tulong rin sa iba." tsaka inabot kay Jhax ang isang barya. Sa timpla ng mukha ni Jhax ay siguro piso lang ang inabot sa kanya.

Sunod kong hinanap si Rhino at namangha ko nang makita ko siyang madungis na nakaupo sa mataong parte ng parke.

"Pangkain lang po." nanghihina na makaawa ni Rhino. Itinataas niya ang plastic cup kung saan inilalagay ng ilang tao ang ilang barya. "Salamat po."

Halos lumuwa ang mata ko nang makita kung gaano kagaling umarte si Rhino. Nagtaka rin ako kung paano siya dumungis. Uling ba yung nasa mukha niya? Napansin ko tuloy na sa hindi kalayuan ay ang mga nagtitinda ng mga barbecue. Sa kanila niya siguro nakuha ang uling.

Nang makuntento na si Rhino sa nalikom na pera ay nakangiti siyang tumayo at naglakad na pabalik sa tagpuan namin nang mapansin niya akong nanonood sa kanya.

"Ui Port! Tapos ka na?" pakaway-kaway si Rhino at pinapatunog ang hawak na plastic cup laman ang medyo marami-raming pera na nalikom niya.

Pagkalapit niya ay inakbayan niya ako at hinatak pabalik sa tagpuan namin. Nandun na rin si Jhax na halatadong naiinip na sa paghihintay. Pati si Jhax ay lumaki ang mata nang makita nito ang madungis na si Rhino.

"Grabe?" bulalas ni Jhax.

"Paano ba yan mukhang ako na ang panalo?" pagyayabang ni Rhino. "Four fifty nalimos ko." patawa-tawa si Rhino.

"Sige ikaw na. Piso lang ang nalimos ko. Ikaw Port?" baling ni Jhax sa akin. Umiling ako.

"Mukhang nagkaroon tayo ng magulang na kaibigan." komento ulit ni Jhax.

"Akin na ang mga pera niyo!" tumawa ulit si Rhino.

Hinintay muna naming maghugas ng mukha si Rhino bago kami nagsimulang naglakad pauwi nang tumigil kami sa bilihan ng palamig at mani.

"Magmemeryenda mag-isa ang unggoy." bulong ni Jhax sa akin.

"Tatlong palamig po tsaka tatlong kropek at tatlo ring mani." order ni Rhino. Nagkatinginan kami ni Jhax nang marinig namin na tigtatlo ang inorder ni Rhino.

"Heto oh!" nakangiting paisa-isang inabot ni Rhino sa amin ang tig-isa naming palamig, mani at kropek. "Kulang kasi yung pera ko panlibre sa inyo kaya kailangan ko pang dumilihensya."

Tahimik na pinagmasdan ni Jhax si Rhino.

"Bakit tahimik ka?" tanong ni Rhino.

Tumalikod lang si Jhax ngunit rinig na rinig ko ang bulong niya sa kanyang sarili.

"Mabuti rin pala ang unggoy na ito."

Napangiti na rin ako at natuwa rin sa taglay na kabutihan ni Rhino.

Simula noon ay hindi na masyadong nagrereklamo si Jhax at unti-unti ring napalagay ang loob niya kay Rhino.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...