The Ice Breaker [COMPLETED]

Bởi keizaki56

56.9K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... Xem Thêm

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
SP

Chapter 2

2.4K 48 4
Bởi keizaki56

Professor Royce Mercado ------------------------->

Song Joong Ki

* * *

"LALAKI KA ? ! ? ! ? ! ?" di ko mapigilang maisigaw . Di bale , ok lang sumigaw , maingay naman kasi ang lakas nga ng music nya .

Kumunot ang noo nito . "Oo , Kuya Tulo-laway . LALAKI ako . Bakit , nagandahan ka sakin no ? Kala mo chicks ako ? Tsk ." sabi nito na nakangiti ng nakakaloko .

Nagsmirk ako . Akala ko talaga babae sya . Lokong to , at tinawag pa akong kuya . Maresbakan nga .

"Kuya ? Excuse me lang ano ? Pero BABAE ako ." sabi ko na nakangiti .

Sya naman ay lalong kumunot ang noo . "Saang banda ? HAHAHAHAHHA"

Tae ! Sarap pektusan nito ah ! Napasimangot ako . Oo nga at lagi ako napapagkamalang lalaki . Pero sya din naman e ! Mukha syang babae ! Kung maka tawa to ! 

"O e di ikaw din ! Saang banda ! ? ! ? !" sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na mafeel ang eardrums ko . Baka nga tumalsik na talaga ito . 

Hindi naman natinag ang pagkakangiti nito . Imbes ay niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan ng unit nito at tumalikod . Nakita kong ini-off nito ang player . Haay salamat .

Ang gulo pa ng unit nito dahil nagkalat ang mga gamit . Bumalik ito sa pintuan at humarap sa akin . Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa . 

"Oo nga , babae ka nga . Pero dahil muka kang lalaki , KUYA pa rin ang itatawag ko sayo ." Sabi nito sabay kindat . 

"Ano !" sabi ko na nanlalaki ang mga mata .

"Bye !" at isinarado na nito ang pintuan .

Naiwan akong nakatunganga sa labas ng unit nito . What a weird day ! Bumalik na lang ako sa unit ko . 

* * *

Mayabang akong nakangiti kay Sir Greg . Bah . Ang aga ko kaya dumating ngayon . Quarter to 8 pa lang , nasa cubicle ko na ako at ginagawa ang naiwan kong trabaho kahapon . At ang nakakatawa  , mas nauna pa akong dumating sa kanya . Buti na lang laging maaga dumating si Miss Cherry , yung secretary nya , kaya maaga pa lang ay bukas na ito .

"Hi Sir ! Good Morning !" mayabang kong bati kay Sir Greg .

Lumapit naman ito sa akin at ngumiti ng nakakatakot .

"My Office . NOW ." 

Napalunok ako ng mahigpit . Tumalikod na ito at naglakad papunta sa office nito . Tumayo ako at tumingin kay Kuya Baste na nakatingin din sa akin . Parang sinasabi ng mukha nito , "Hala ka !"

Mabigat ang paa ko na sumunod sa office ni Sir Greg . Tae naman , ang aga kong dumating , pero bakit parang galit pa rin si Sir ? Pinag iinitan ata ako ng lalaking ito e .

"Sit ." sabi ni Sir Greg habang inaayos ang mga gamit na nasa desk nito .

Umupo ako at naghintay na magsalita sya .

"Ice , I need a new , fresher story na gagawin mong komiks . Kailangan kakaiba . Kailangan , out of this world . I'll give you 3 months to finish 1 volume ."

Napanganga ako . ANO DAW ? ? ? 3 months lang to finish 1 volume ? Ni wala pa nga akong storyline ! 

"E , Sir ? Parang ang dali naman po ata ng 3 months . Pwede po ba haba-habaan nyo ? Kasi mag iisip pa po ako ng bagong concept . Ayaw nyo po ba ng ginagawa kong comics ngayon ? Half-way na po ako e . Saka --"

"Ice . Gusto ko , BAGO . Either you work on it or hahanap ako ng iba who will ." sabi nitong may pagbabanta .

Napatango na lang ako . "Ok Sir . 3 months it is ."

* * *     Nandito ako ngayon sa U.P . Kanina pa akong paikot-ikot at nagtatanong sa mga estudyante ng idea ng gusto nilang concept ng comic or anime . At nakakatuwa dahil marami naman ang nag suggest sa akin lalo na ng malaman nilang comic artist ako .    

Nasa ilalim ako ng shade ng isang puno . Ni-rereview ko ang mga ideas ng mga students na na-interview ko . So far , magaganda naman . Kaya lang , mejo predictable at mejo common na ang mga suggestions nila .   

  "Kuya ? Anong ginagawa mo dito ? Don't tell  me , sinusundan mo ako ?"    

Hindi ko sinagot ang pang aasar ni BlondieBoy kapitbahay na papalapit sa kinauupuan ko . Dito pala pumapasok to ? Hmmm . . . Smartypants . . .     Umupo ito sa tabi ko .

"Kuya !" sigaw nito sa tenga ko .  

  "Ano !" sigaw ko rin sa kanya . Nakangiti naman ito ng malapad .    

"Kuya , ano yan ?" turo nito sa notebook na hawak ko . "Saka bakit andito ka ? Pumapasok ka pa ?"    

"Hindi . Wala ka ng pakelam . Alis , alis !" sabi ko na naiinis . Ano bang nilalang to ? Parang kabute kung makasulpot !    

"Chester !"     

Lumingon si Blondie sa kaliwa nito . Chester pala pangalan nito .    

"Shit !" tapos kumaripas na ng takbo si Blondie . Saan pupunta yun ?    

"Excuse me ."      Lumingon ako sa tumawag kay Chester-blonde . Oh . It's the professor from yesterday .     Nagulat din ito ng makita ako .    

"You ." sabi nito sabay turo sakin .     

"Me ." sabi ko naman sabay turo sa sarili ko .    

Nalukot ang mukha nito at mukhang nainis . Ngumiti naman ako . Hmmp .     Tumayo na ako sa kinauupuan at akmang aalis . Pero nagsalita ulit ito .    

"Uhm , gusto ko lang mag apologize for what happened yesterday sa mall . I didn't know . Sorry kung na-offend kita ." sabi nito .    

Napatigil ako sa sinabi nito . Seryoso , nagsosorry sya ? ? ? Oooh . . .     

Lumingon ako sa kanya . Nakita ko ang suot nyang I.D. Kinuha ko iyon at tiningnan ang pangalan . "Prof. Royce Mercado . Journalism Department ."    

"Hmm , Prof Royce , galing ah . Journalism . Nice ." sabi ko at binitawan ang ID nito . "Gotta go ." sumaludo ako sa kanya at tumalikod na .   

  "Wait , i said i'm sorry ." sabi nito .    

Lumingon ulit ako . "Well , i don't care ." Kumunot ang noo nito bago ako tuluyang umalis .   

  * * *            

“Ice , office . NOW .”

Ayan . Dumale na naman si Sir Greg . Ano na naman kaya ang trip nito ? Kahapon , bigla-biglang mag uutos na gumawa ng bagong comic story . Ano naman kaya ngayon ? Haaay . Tumayo ako at lulugo-lugong pumasok sa lion’s den .

“Sir ?” sabi ko habang kinakamot ang kilay ko . Kinakabahan na naman ako sa sasabihin nito ah .

“Sit .” pagkasabi nito noon ay biglang kumatok si Miss Cherry at dumungaw ang mukha nito sa pintuan ng office ni Sir Greg .

“Sir , nandito nap o si Mr . Mercado .”

Tumango naman si Sir Greg . “Papasukin mo na .”

Napalingon ako sa pintuan . Sino daw ?

At biglang pumasok ang isang tao na hindi ko inaasahang makikita ko na naman . Si Professor Keberluu from U.P ! WTFH ! Ano ginagawa nito dito ? ? ?

Mukha ding nagulat ito ng Makita akong nakatunganga sa harap nya .

“Royce ! Pare , musta ? Upo ka .” nakangiting sabi ni Sir Greg .

Ngumiti naman si “Royce Pare” at umupo opposite of me . Nagsmirk ako ng tumingin sya sakin .

“Ok naman ako . Kuya Greg , sya ba yung tinutukoy mo ?” sabi nito habang nakaturo sakin .

Loko to ah ! “Makaturo ka , wagas na wagas ha !” di ko napigilang sabihin .

“Ice !” nanlilisik ang mga matang sabi ni Sir Greg . Bigla naman akong natahimik .

“Sorry Sir .” bulong ko . Tumingin ako sa ibang direksyon dahil nakatitig sa akin ang lalaking propesor na ito . Linsyak , ano ba trip neto ?

“Anyway , oo , Royce . Sya nga ang sinasabi ko sayo . I know , grabe ang pabor na hinihingi ko sayo pero wala naman kasi akong ibang kakilala na kasing galing mo e.”

Ngumiti naman si kumag sa praises na ipinaparating ni Sir Greg sa kanya . Magaling saan daw ? At saka ano bang meron saken at parang ako yata topic ng usapan nila ?

Tumango tango ito at tumingin ulit sakin . Napalunok naman ako sa way ng pagkakatitig nito sakin . >.<

“Royce , meet Ilyza Lim , your student . Ice , meet prof Royce , your tutor .” sabi ni Sir Greg na ikinalaglag naman ng panga ko . ANSABE ? ? ? TUTOR ? ? ? NG ALIN ? ? ?

“Sir ? Tutor ? Tutor ko saan ?” mejo kinakabahan kong tanong .

Nagsalubong ang kilay ni Boss . Patay .

“Ice , diba ang comics natin dito ay English ? Kasi ang goal ko ay mapublish ito at umuso sa ibang bansa like the U.S and U.K . remember ?”

“Uhuh . Tapos ?” mejo naguguluhan kong tanong . Hindi ko mawari kung saan patungo ang usapan namin ni Sir Greg .

Napapikit ito . “Ice , your English grammar sucks . Hindi ko nga alam paano ka nakapasa ng basic grammar noong elementary ka .”

Napanganga na naman ako . Grabe makapanlait tong isang to ah ! Ganun ba ako kabulok sa English ?

“E Sir , hindi naman ako humingi ng tutor e . Saka isa pa , dagdag pa to sa babayaran ko . Magkano ba ang lesson nito per hour ?” tanong ko .

Humalukipkip si Sir Greg . “Akon a ang bahala sa expenses . Gusto ko kasi maging perfect ang first comicstory na gagawin nating international . Kaya I’m giving my all . Ehurm . Ikaw ang the best sa drawing at storyline . Problema mo lang talaga ang english grammar mo . Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan .”

Napanganga na naman ako . Seryoso ?

“Ehurm . So , when can we start ?” sabat ni Prof at ngumiti sa akin . “Ice huh ? Nice name .”

Nagsmirk lang ulit ako . Siyet na buhay . Pag minamalas ka nga naman oh .

***

Iniisip ko ang mga sinabi ni Sir Greg  habang hinahalo ko ang instant noodles na syang hapunan ko today . Grabe . Napagod ng husto ang brain cells ko habang kausap ko kanina si Prof Keberluu . Napag usapan naming ang details ng magiging tutor sched ko . Napagkasunduan naming gawing MWF , 4 to 5:30 pm . Next week kami magsstart ng lessons . Nakakaloka , di ko man lang inimagine na sae dad kong 23 years old ay magkakaroon pa rin ako ng tutor sa English grammar ! Hmph .

Isinalin ko ang mainit na noodles sa bowl at kumuha ako ng kutsara . Umupo ako sa couch at in-open ko ang TV . Inilipat ko sa animax . Kelangan ko ng inspirasyon sa hitsura ng mga magiging characters ko sa comics na gagawin ko . Kakasawa na kasi ang mga hitsura ng dati kong characters e .

May naisip na akong storyline . Hindi ko pa lang naiisulat kasi tinatamad pa ako . Saka wala pa akong maisip na ending . Start pa lang ang meron ako . Kelangan ko talaga ng ispiration sa ugali at hitsura ng male character na gagawin ko . Yung female character kasi , nagdecide ako na i-pattern sa sarili ko . Kasi halos pareho kami ng ugali ng heroine .

Naubos ko na ang noodles ko at may 20 minutes na akong nakatitig sa TV screen pero wala pa ring napasok na matino sa utak ko . >.< Concentrate , Ice ! 3 months lang ang ibinigay na palugit ni Sir Greg ! Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili ko na mag focus . Relax . Relax . Relax . Rel—

“KUYAAAAA ! HELLPPPP !”

Napamulat ako . Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na may isang ulo na blonde ang buhok ang nakakapit sa braso ko at nakasiksik sa kilikili ko ang mukha .

“Hoy !” itinulak ko si Chester pero hindi man lang ito natinag sa pagkakakapit sa akin .

“HOY ! ! !” sigaw ko habang pinipilit tanggalin ang mahigpit na kapit sa akin .

“KUYAAA , HELLPPP . Maawa ka sakin !” sabi nito habang nagpa-puppy dog eyes pa sa akin . Lecheng ito .

“Anong problema mo !” singhal ko sa kanya .

“Tsk ! Hari talaga ng laway .” bulong nito habang pinupunasan ang mukha .

Hindi ko pinansin ang snarky remark nya . Bwiset na ito . Tinawag pa akong Hari ng laway .

“Ano nga !” sabi ko .

Nagpout si Chester at kumapit ulit  ng mahigpit sa akin . Feeling ko nawala na ang blood circulation ko sa higpit e .

“Kasi kuya , may GIANT SPIDER sa cupboard ko e .”

Nanlaki ang butas ng ilong ko . ANO DAW ? GIANT SPIDER ? ? ?

“Naknampuchupuchu , gagamba lang takot  ka ? ? ?” sabi ko na parang hindi makapaniwala .

Kumamot ito sa ulo . “Hehe . Sabi na , matapang ka kuya . Lika na , i-smash mo na si Spiderman kasi hindi ako makapagluto ng dinner e . Nasa ibabaw sya ng lata ng corned beef ko .”

Spiderman ? Anak ng chili peppers , may nickname pa talaga ha ?

“Eh bakit ako ? Takot ka dun ? Ang laki-laki mong tao takot ka sa gagamba ? Walanju ka namang bata ka .”

Suminghot singhot ito . “Noodles ?”

Bigla itong kumawala sa pagkakakapit sa akin at wala sabi-sabing dumiretso sa kitchen ko .

“Hoy !” hinabol ko sya dahil ang bilis nyang nawala .

Pag dating ko , hindi ako halos makapaniwala sa nakikita . Nasa ibabaw sya ng stove at nakacrouch habang hinihigop ang natirang noodles sa kaldero ko .

“Hoy ! Bumaba ka nga jan !” sigaw ko at hinila ko ang tenga nya .

“Aaaaaah ! Araaaay !” reklamo nito at tumalon sa pagkakaupo galing sa stove .

“Walangya kang bat aka , sisirain mob a ang stove ko , ha ? Bakit ka umakyat dun ? Umuwi ka na nga ! Peste ka , sakit mo sa ulo !” sabi ko habang hila-hila ko ang tenga nya at kinakaladkad ko sya palabas ng unit ko .

“Kuya naman e ! May GIANT SPIDERMAN nga dun e !” sabi nito .

“Wala akong pakealam !” singhal ko at hinila ang seradura ng pintuan pero iniharang nito ang paa nito .

“Kuya pleassseeee ? Maaatim mo bang mamatay ang friendly kapitbahay mo sa takot dahil hindi mo sya tinulungang mapuksa si Spiderman ? ? ?”

Napatitig ako sa mukha nya na napakainosente tingnan . Mula sa buhok nyang blonde , sa mga mata nyang medyo chinky , sa maliit pero matangos nyang ilong , hanggang sa pouty at mapupula nyang labi . Para syang anime character na lumabas mula sa TV .

Napangiti ako sa idea na pumasok sa utak ko .

“Ok , papayag akong “puksain” natin si “spiderman”.” Sabi ko .

Ngumiti ito ng malapad . “Talaga kuya ?”

Tumango ako . “Sa isang kundisyon .”

***

 :)

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
207K 1.4K 200
Listen to your favorite song while reading with this Song Lyrics
32.3K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
15.6K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...