CHAPTER 5: SUICIDE
Xandra's POV
Isang lingo na ang nakalipas pagkatapos ng libing ni Kuya Mike.
Papunta na kami ngayon sa ospital kung nasaan si Khylle. Tumawag kasi kanina ung kapatid niya. Gising na daw si Khylle.
"Tita, saan po tayo pupunta?" tanong ni Andrea na nakakandong sa akin. Pagkatapos din ng libing ni Kuya Mike, kami muna ang nag aalaga kay Andrea. Sa condo ko siya natutulog. Minsan naman doon siya kay Prince.
"Sa ospital baby. Kay tita Khylle mo." - ako
Tinignan ko si Kian na nagdadrive sa tabi ko habang nakangiti. Para kaming isang pamilya. Kulang na lang tawagin kaming mama at papa ni Andrea.
"Si mama po? Hindi po ba natin siya pupuntahan?" - Andrea
Biglang lumungkot ung mukha ni Andrea.
"Hindi baby. Nasa malayong lugar kasi ang mama mo." - ako
"Saan po? Bakit niya po ako iniwan? Hindi niya po ba ako love?" - Andrea
Malapit na tumulo ang luha ni Andrea. Tinignan ko si Kian nang bigla niyang ihinto ung sasakyan. Nasa ospital na pala kami.
"Mahal ka ng mama mo. Bawal kasi bata doon. Kaya dito ka muna sa amin. Ayaw mo ba kaming kasama? *pout*" - ako
"Gusto po. Pero namimiss ko na po si mama." - Andrea
Grabe! Bakit ganito? Pakiramdam ko hindi three years old ung kausap ko. -__-
"Nandito na tayo baby." - ako
Bumaba na kami ng sasakyan. Pagdating namin sa ospital nandoon na ang iba. Kami na lang pala ang hinihintay.
"Tito Volt!!" tawag ni Andrea kay Voltaire. Gusto gusto kasi siya ni Andrea. Hindi ko alam kung bakit. Lagi naman nakapoker face si Voltaire, pero gusto pa rin sa kanya ni Andrea. Binuhat siya ni Voltaire.
"Hi Khylle! Buti nagising ka na. Maghahanap na sana kami ng prinsepe para humalik sayo." biro ko.
"Loka! Ginawa mo naman akong sleeping beauty. May dala ka bang pagkain diyan?" - Khylle
"Mukha ka talagang pagkain. Kakakain mo lang... tapos maghahanap ka nanaman ng pagkain." - Allen
"Paki mo ba? Gutom ako eh! Ikaw kaya matulog ng ilang lingo?" - Khylle
"Hep! Hep! Hep! Bago pa kayo magsigawan... ipapaalala ko lang sa inyo. Nasa ospital tayo. Bawal maingay dito. Kung ayaw niyong palabasin tayo ng hindi oras." - Zyrille
Nanahimik naman sila.
"Si Aira?" - Khylle
Nagkatinginan kami bigla. After kasi nung libing hindi na namin nakakausap si Aira. Pumapasok naman siya paminsan minsan, pero bigla bigla na lang nawawala.
"Wag niyong sabihin na... hindi man lang niya ako dinalaw dito?" - Khylle
"Dumadalaw siya dito." - Brylle
"Si Aira? Dumadalaw dito? Bakit hindi man lang namin siya nakikita?" - Zyrille
"Oo, may babae dito na madalas pumunta. Mag isa lang siya kapag dumadalaw. Hindi niyo talaga siya masasalubong. Madalas kasi gabi na siya pumupunta." - Brylle
"Buti naman naisipan niyang dalawin ako. Kung hindi... sapak ang aabutin niya sa akin." - Khylle
Tinignan ko si Zyrille. Sa aming lahat siya pinakanagtatampo kay Aira. Siguro dahil na rin sa mas matagal na niyang kilala ito.
******************************
Ria's POV
Napahilot na lang ako sa sintido ko. Isang lingo ko na hinahap ung bwisit na BAL na un at ung pumatay kay Kuya Mike. Pero hanggang ngayon... wala pa rin akong lead. Sinubukan ko na din itrack ung number ng tumawag sa akin, pero hindi na din ito active.
Kinuha ko ung phone ko at binasa ung nagtext sa akin.
----------------------------
From: Brylle
Gising na si Ate Khylle.
---------------------------
Napatayo ako nung mabasa ko un. Aalis na sana ako para puntahan siya nang may bagong nagtext sa akin.
-----------------------------
From: Patrick
Nawawala daw si Ate Alexa. Alam mo ba kung nasaan siya?
---------------------------
Pagkatapos ko itong mabasa... sakto naman tumawag ung mama ni Alexa.
"Hello po." - ako
[Iha, kasama mo ba si Queen? Wala kasi dito sa bahay.] - tita
"Hindi po." - ako
Narinig ko na lang ang pag iyak niya.
[Jusko! Nasaan na ba ang batang un? May alam ka ba na pwede niyang puntahan?] - Tita
Napaisip naman ako sa tanong niya.
"Wala po. Pero wag po kayong mag alala. Tutulong po ako sa paghahanap." - ako
[Salamat iha! Pakitawagan na lang ako kung nakita muna siya.] - Tita
"Sige po." - ako
Pagkababa ng tawag niya agad kong kinuha ung susi ng sasakyan ko at patakbong lumabas ng condo ko.
Saan ko naman hahanapin si Alexa?
Una kong pinuntahan ung Star cemetery, pero wala akong nakitang Alexa doon. Sabagay! Masyado malayo ang manila sa Batangas. -___-
Nagdrive na lang papuntang Batangas.
****************************
Alexa's POV
*tok.tok.tok*
"Anak kain na! Ilang araw ka ng hindi lumalabas diyan." - mama
Hindi ako sumagot. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto ko. Pumasok mula doon si mama. Tinignan ko lang siya habang papalapit sa akin. Nakaupo lang ako sa sahig kasama ang mga nagkalat na gamit ko sa pagtawag ng mga ispirito.
"Hindi ka nanaman kumain." sabi ni mama habang kinukuha ung dinala niyang pagkain kaninang umaga.
Tumingin siya sa akin at doon ko lang nakita ang lumuluha niyang mata. Bakas sa mukha niya ang pinaghalong lungkot at pag aalala.
"Queen anak, hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Nag aalala na kami ng papa mo." - Mama
".........." - ako
"Anak, nandito lang kami." - mama
Niyakap niya ako.
Unti unting tumulo ang luha ko.
Tumayo na siya at pinunasan ung luha niya. Yumuko naman ako para hindi niya makita ang mukha ko.
"Sana kumain ka na ngayon." sabi niya bago lumabas ng pinto. Pagkasara ng pinto, tumayo no ako at kinuha ung itim kong jacket. Nagsulat ako isang note.
Ma, Pa, kung nababasa niyo ito, siguro wala na ako. Sorry kung pinag aalala ko kayo. Mahal na mahal ko po kayo. Ayaw ko po na nakikita ko kayong nahihirapan ng dahil sa akin. Kaya naman naisipan ko na lang na gawin ito. Hindi ko po kaya na wala si Kith. Hindi ko po kaya. Gusto ko siyang makita at makasama ulit. Ito na lang naisip kong paraan para mangyari un.
- Queen
Nilagay ko ito sa tabi ng pagkaing iniwan ni Mama. Sumilip ako sa pintuan para masigurado na walang tao. Nang masigurado ko un, mabilis akong lumabas ng bahay. Sinuot ko ung hood ng jacket ko.
Yumuko ako para walang makakilala sa akin. Lakad lang ako ng lakad.
*MEOW*
Napatingin ako sa tabi ko, kung saan sumasabay sa akin sa paglalakad ung pusa na inuwi ko.
Tuloy lang ako sa paglalakad. Pumunta ako sa lugar kung saan una kong nakilala si Kith. Walang iba kundi sa isang lumang bahay dito sa batangas.
*flashback*
"Pssst."
Tumingin ako sa paligid nang may marinig akong sumisitsit.
"Pssst."
Binilisan ko ung lakad ko hanggang sa mapunta ako sa lumang bahay. May nakita akong isang batang babae na kasing edad ko lang. Kumakaway ito sa akin habang nakangiti.
"Bata, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko.
"Laro tayo. Taguan! Ikaw taya." - batang babae
Tumakbo ito bigla papasok sa lumang bahay.
"Sandali lang bata!" - ako
Susundan ko na sana siya nang biglang may humawak sa akin.
"Delikado diyan." sabi ng isang batang lalaki. Tinignan ko siya ng may pagtataka.
"Sabi nila kapag daw pumasok ka diyan sa loob... hindi ka na makakalabas." - lalaking bata
"Huh? Bakit?" - ako
"Hindi ko alam eh." - lalaki
Nagkamot pa siya ng ulo.
"Paano ung bata kanina? Pumasok siya sa loob?" - ako
"Huh? Sinong bata?" - siya
"May nakita akong batang babae kanina." - ako
Nanlaki bigla ang mata niya..
"Wala naman ako nakitang bata diyan. Kanina pa kaya kita sinusundan." - siya
Nagulat ako sa sinabi niya. Napatakip siya ng bibig niya.
"Sinusundan mo ko?" - ako
Tumango naman siya at saka nagpeace sign.
"Ako ung sumisitsit sayo." - siya
"Bakit?" - ako
"Gusto ko sana makipagkaibigan sayo. Lagi kasi kitang nakikita na nag iisa kapag napapadaan ako sa bahay niyo. Ako nga pala si Kith. Ikaw?" - siya
Naluha ako sa sinabi niya. Siya kasi ang kauna unahang nagsabi na gusto akong maging kaibigan.
"Hala! Bakit ka umiiyak? Sorry. May nasabi ba akong masama?" - Kith
Umiling naman ako.
"Alexa... Alexa ang pangalan ko." - ako
"Alexa, pwedeng magtanong?" - Kith
"Ano yun?" - ako
"Bakit ganyan suot mo?" - Kith
Napatingin ako sa suot ko. Itim ito na dress ito na may puting kwelyo. Tapos ribbon na black. Katulad ng mga damit na makikitang suot ng manika.
"Bakit? Pangit ba?" - ako
"Hindi naman. Ang weird lang kasi. Pero ang cute mo sa suot mo. Para kang manika." - Kith
Nag init bigla ang mukha ko sa sinabi niya. Cute daw ako?
"Salamat." - ako
Yumuko ako dahil sa hiya.
*End Of Flashback*
Simula nun... lagi na niya ako pinunpuntahan sa bahay para yayain makipaglaro. Pinakilala niya din ako sa mga kaibigan niya. At isa na doon si Ria.
Pinunasan ko ang tumulong luha ko. At naglakad palapit sa lumang bahay. Tulad dati may nakita akong batang babae na kumakaway. Pero hindi tulad noon na akala ko totoo siya. Alam ko na isa lamang siya ispirito na hindi matahimik.
"Laro tayo. Taguan! Ikaw taya." - batang babae
Tumakbo siya papasok sa loob ng lumang bahay. Naglakad ako palapit sa lumang bahay.
Magpapakita kaya siya sa akin, para pigilan ako tulad ng dati?
Pinikit ko ang mata ko at saka huminga ng malalim. Dahan dahan ako naglakad palapit sa pintuan ng lumang bahay.
"Sandali lang." pagkarinig ko ng salitang un... biglang humangin ng malakas na para bang may bagyo.
Napapikit ako ng mata.
Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari basta naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin.
*BLLAAAGGGHHH*
*******************************
Ria's POV
Mabilis akong nagdrive papunta sa Batangas. Kanina pa ako kinakabahan. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.
*Ring.ring.ring*
Napaapak ako bigla sa preno nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino. Hindi nakasave ung number niya. Sinagot ko ito agad.
"Hello?" - ako
[Nasa ****** ospital ang kaibigan mo. Room 212 *toot.toot.toot*] sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.
Kunot noo ko tinignan ung phone ko ng babaan ako bigla. Agad akong pumunta sa ospital na sinabi ng tumawag. Kahit na hindi niya sinabi kung sino ung nasa ospital... at kahit na hindi ko din kilala ung tumawag.
Malakas ang kutob ko na si Alexa ung tinutukoy niya.
Mabilis akong nakarating sa ospital. Buti na lang nasa Batangas na ako nang tumawag siya.
Pumunta ako sa room 212.
"ALEXA!" - ako
Napatakbo ako palapit sa kanya. Hinila ko siya palayo sa bintana kung saan nakapatong ung isang paa niya.
"Ano bang ginagawa mo? 4th floor ito. May balak ka ba magpakamatay?" - ako
"Gusto ko na mamatay. Hayaan mo na ako." pilit siya nagpupumiglas sa akin. Nabitawan ko naman siya. Humarang ako agad sa bintana bago pa siya makalapit doon.
"No! Hindi ako makakapayag na gawin mo yan." - ako
"Tumabi ka diyan." - Alexa
Pilit niya akong tinutulak pero hindi ako nagpatalo sa kanya.
"Ria, tumabi ka diyan. Hayaan mo na akong mamatay. Gusto ko na siya makita." - Alexa
Lumuhod siya sa harap ko habang hawak hawak ung isang kamay ko.
"Ito na lang ang naisip kong paraan para mangyari un." umiiyak na sabi niya.
"Sa tingin mo ba... matutuwa si Kuya Mike kapag ginawa mo yun? Ha?! Ano sa tingin mo ang dahilan niya kung bakit hindi siya nagpapakita sayo?" - ako
Iyak lang siya ng iyak.
"Gusto ni kuya Mike na makapag move on ka na. Kung patuloy mo siya makikita kahit na wala na siya. Lalo ka lang mahihirapan." - ako
Umupo ako para maging katapat siya.
"Gusto niya na maging masaya ka, kahit na wala na siya. Ganyan ka niya kamahal. Ayaw niya na sa kanya lang umikot ang mundo mo. Alexa, nandito pa kami. Nandyan pa ang pamilya mo." - ako
Tinignan niya ako at bakas sa mukha niya ang gulat. Hinawakan niya ako sa pisngi.
"Umiiyak ka." - Alexa
Natauhan ako sa sinabi niya. Napatayo ako bigla. Pinusan ko ung luha ko.
"Kakausapin ko lang ung doktor kung pwede ka na lumabas." - ako
Nagmadali akong lumabas ng room niya. May nakita akong nurse.
"Nurse, pwede bang pakibantayan saglit ung kaibigan ko sa loob? Baka kasi kung anong gawin niya. Kakausapin ko lang ung doktor na tumingin sa kanya." - ako
"Sige po ma'am." - nurse
"Salamat. *smile*" - ako
*****************************
Alexa's POV
Pagkalabas ni Ria, bumalik na ako sa kama.
Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
"Umiyak ba siya dahil sa akin?" - ako
Napatingin ako sa pinto nang pumasok ang isang nurse.
"Good Evening Maam. Pinapabantayan ka sa akin ng kaibigan mo." - Nurse
Tinanguan ko naman siya.
Itutuloy...