Her Last Days (COMPLETED)

By Princess_Jenpaumevi

77.2K 2.2K 163

"Life asked death, why do people love me, but hate you? Death responded, because you are a beautiful lie and... More

Prologue
Day 1
Day 3
Day 4
Day 5
Day 6
Day 7
Day 8
Day 9
Day 10
Day 11
Day 12
Day 13
Day 14
Day 15
Day 16
Day 17
Day 18
Day 19
Day 20
Day 21
Day 22
Day 23
Day 24
Day 25
Day 26
Day 27
Day 28
Day 29
Her Last Days

Day 2

2.3K 72 4
By Princess_Jenpaumevi

"Are you pregnant?"

Pakiramdam ko mas dumoble ang pagkahilo ko nang marinig ang sinabi ng dati kong asawa. Pero bago pa ako makasagot dito ay muli na naman akong nasuka at sa pagkakataon na ito ay naramdaman ko ang unti-unting pagsakit ng ulo ko.

"Mommy are you okay?"

Huminga ko nang malalim at pinigilan ang sarili kong masuka ulit. Nilingon ko si Sera na bakas ang pag-aalala sa maganda nitong mukha.

Nagpasalamat naman ako nang unti-unting humupa ang sakit ng ulo ko.

"I'm fine Sera, just a little bit sick." saad ko at nilingon ang dati kong asawa. "But to answer your Dads' nonsen-- I mean your Dads' question. I. am. not. pregnant."

Kapag sumusuka buntis na? Hindi ba pwedeng may tumor lang sa utak at may time limit na ang life?

"I'll get you some medicine Mom. I suppose dahil sa migraine mo na naman 'yan." ani Sera at nagmamadaling lumabas ng banyo.

Habang ako naman ay dumiretso sa sink at inayos ang aking sarili. Nakatalikod ako kay Seth ngunit nakikita ko ito mula sa repleksyon sa salamin.

"Hindi ka ba talaga buntis?"

Huminga ako nang malalim at nakakuyom ang kamaong hinarap ko si Seth.

"Are you out of your mind?! Saan ba pumasok ang ideyang 'yan huh Seth? And did you really have to ask me if I am pregnant in front of Sera?" Nanginginig ang boses kong saad ngunit hindi dahil sa naiiyak ako kung hindi dahil sa nanggigil ako dito.

"Why are you so mad? Anong masama sa tanong ko?" anito na tila inosente.

Masama lalo pa at sa loob nang matagal na panahon...Nanatili akong walang karelasyon.. You were my first and unfortunately my last. Kung alam ko lang pala na may deadline na ako 'e di sana nag-boyfriend man lang ako... Nang hindi isang diborsyada lang ang naging status ko...

"Wala. Walang masama sa sinabi mo. And I'm not mad. Anyway, don't worry. Naka-pills ako so it's impossible na mabuntis ako." Nakangiti kong saad.

Nawala ang ngisi sa labi ni Seth at matiim akong pinagmasdan.

If you really knew me Seth, you would figure out that I'm lying...

"Good to hear that. At least hindi ko na kailangang mag-alala pa sa magiging reaksyon ni Sera." Aniya at hindi ko alam kung bakit tila may kumurot sa puso ko.

Hindi na ako muling nagsalita at mabuti naman at lumabas na rin ito.

Dali-dali kong isinara at inilock ang pinto pagkatapos ay muli kong binuksan ang faucet at hinilamusan ang mukha ko.

I knew it, you don't know me anymore Seth... and I guess hindi na rin kita kilala pa...

••••

"Inaway ka ba ni Daddy?" Napahinto ako sa pagsuklay sa buhok ng anak ko nang marinig ko ang sinabi nito.

"Of course not, anak. Bakit mo naman tinanong 'yan?"

"Then bakit may basag na baso sa office ni Daddy?" malungkot nitong saad.

Hindi naman ako nakapagsalita sa tanong nito at nanghihinang napaupo ako sa gilid ng kama nito.

"Come here sweetie."

Inihiga ko ang ulo ng anak ko sa kandungan at marahang hinaplos ang buhok nito.

"Hindi ako inaway ng Daddy mo. Alam mo namang may pagka-amazona si Mommy di ba? Kaya ako ang umaway kay Daddy mo."

Tiningala siya nito. "Then bakit mo siya inaway?"

"Sinabihan niya kasi kong tumaba eh." Ngumuso ako at ilang sandali lang ay natawa si Sera.

Tumigil ito sa pagtawa at hinaplos ang pisngi ko."I don't believe you Mommy but if you really don't want to talk about it. It's fine. After all, I'm happy because you're here with me. I love you Mommy..."

"I love you too, sweetie. Always remember that."

Kung maibabalik ang panahon pipiliin ko pa rin na maikasal kay Seth kahit na naging failed ang marriage namin.

Dahil kay Sera. Siya ang pinakamagandang regalo sa akin.

Hinalikan ko ang noo ni Sera na nag-uumpisa nang pumikit ang mata.

"Mommy, pwede bang dumito ka na lang at huwag nang umalis?" pagkasabi noon ay tuluyan na itong nakatulog.

Gusto kong manatili sa tabi mo Sera. Ayokong iwan ka. Gusto ko pang makita ang pagdadalaga mo. Gusto pa kitang makitang ikasal. Ang maalagaan ang mga apo ko sa 'yo. But I'm sorry sweetie... Mommy can't do it.

I'm not scared to death. I'm scared of leaving my daughter.

Kumibot ang mukha ng anak ko nang pumatak ang luha ko rito. Pinunasan ko ang pisngi nito at tinangkang buhatin ito para maihiga nang maayos sa kama nito pero sa laki ng anak ko muntik pa akong matumba. Iniisip ko pa kung gigisingin ko si Sera nang binuhat ito ni Seth na hindi ko namalayang pumasok sa kuwarto ng anak namin.

Tumayo ako at pinagmasdan si Seth na masuyong iniaayos ang pagkakahiga ni Sera makaraan ay hinalikan niya ito sa noo.

Seth is a good father. I will be gone soon but I'm sure that Seth will be there for our daughter... That's right Rykki...Stop worrying, hindi niya papabayaan ang anak ninyo.

"Masyado ng gabi para bumiyahe ka pa. Magpahatid ka na sa driver." malamig ang boses nitong saad sa akin. Nilagpasan ako nito at lumabas ng kuwarto ni Sera.

Nang matauhan sa sinabi nito ay nagmamadali ko itong sinundan. "I already told you na gusto kong makasama si Sera!"

Tumigil ito sa paglalakad at matalim ang matang pinagmasdan ako. "And I also told you na hindi puwede! It's a no Rykki! Hindi ka puwedeng tumira dito!"

Bakit dahil ba maraming magagalit?

Gusto kong sabihin pero alam ko na masasaktan lang ako sa isasagot nito.

"Tatlong buwan na lang Seth bago ang graduation ni Sera, kakaunting panahon lang ang hinihingi ko! Limang taon mo na siyang kasama! Pagbigyan mo naman ako!"

Umiling si Seth. "Desisyon ng korte yun Rykki. Don't you think may dahilan kung bakit ganon?" nang-uuyam nitong saad.

Kumuyom ang kamao ko dahil alam ko kung anong ibig nitong sabihin. Pinapamukha na naman nito sa kanya na wala siyang kakayahan. That she is not capable of taking care of their daughter. Gusto kong sabihin na ang estado lang sa buhay namin ang naging batayan ng korte. Dahil ako-- ako ang laging kasama ni Sera habang lumalaki ito. Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko rito habang siya ay subsob sa trabaho at pambababae niya.

Pero ayoko nang makipagtalo pa. Kasi pagod na ako. Pagod na pagod na.

Huminga ako nang malalim at nakikiusap ang matang pinagmasdan ko si Seth. "Please Seth, I just want to be with her. Hayaan mong tumira ko dito. I'll stay invisible to you. Hindi mo ko makikita. W-wala ring makakaalam na rito ko nakatira. Please Seth. This will be the last favor na hihingin ko sa 'yo."

"Bakit ngayon pa? Forget it. Call me whatever you want but I'm sorry I can't--"

"Daddy!"

Napahinto si Seth sa pagsasalita at maging ako ay nagulat nang maramdaman ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Sera na ni hindi namin namalayan na lumabas sa kuwarto nito.

"Why can't you let my Mommy stay in here?! You are so cruel!" umiiyak at galit nitong saad kay Seth.

"Serafina watch what you're saying!" sigaw ni Seth na mas lalong nagpaiyak kay Sera.

"Sera stop talking like that to your Dad!" saway ko kay Sera. Umiiyak pa rin ito habang pahigpit nang pahigpit ang yakap sa akin. Tila natatakot na umalis ako.

"I'm coming with you,Mommy. If Dad won't let y-you stay. Sasama ko sa 'yo!"

"Serafina! Go back to your room!"

"Sera listen to your Dad..."

Humihikbing humiwalay sa akin si Sera at naglakad patungo kay Seth. "Dad, I promise. I'll behave. I'll do everything you want me to do. I'll do well in my studies. You want me to be a Valedictorian right? I'll make it happen. J-just please let Mommy stay with us...Please Dad. I'm s-sorry for being bad. I'll change Daddy..."

Lumambot ang ekspresyon ni Seth at niyakap nito si Sera. "Stop crying, cupcake. Fine. Your Mommy can stay here." pagkasabi niya sa huling linya ay sinamaan niya ako ng tingin.

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 87 24
Vasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, s...
5.9K 307 52
Jakarius Velarde (Jaks)
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
28.9K 1K 56
• C O M P L E T E D • Sebastian Series #2 2nd Generation Si Amethyst Chandelle D. Gomez ay ang tipong babaeng hindi nag aaral ng mabuti, adik sa...