The Ice Breaker [COMPLETED]

Bởi keizaki56

56.9K 1.3K 403

Follow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If... Xem Thêm

The Ice Breaker (On-Going)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
SP

Chapter 1

5.3K 70 18
Bởi keizaki56

 ( Ilyza Crischelle Ellaine Lim aka "ICE" ) --------------------------------->

--Amber Liu--

A/N : I know , I've casted her in Mr . Otaku . Pero wala kasi akong ibang mahanap na suitable sa role ng heroine ko here . So sya ulit . Hindi naman nakakasawa mukha nyan e . Diga ? LOL . . . Pagbigyan ako . I really like her . So , yeah . . . ^_^

Hinigop ko ang tumutulong laway na di ko napansing tumutulo na pala . Antok na antok kasi ako sa kaka-movie marathon kagabi , nakatulog tuloy ako dito .

"Eww ." bulong ng katabi ko .

Napangiti ako . Ang sama ng tingin sa akin ng blonde-hair na babaeng ito ah . Nakasakay ako sa pampasaherong jeep sa may North Edsa . Male-late na ko sa trabaho ko . Ang traffic na naman kasi . Lunes na lunes e , nakakabadtrip .

Dahil late na rin naman talaga ako , itinuloy ko na lang ang pagtulog .

Halos hindi pa ako nakaka-ilang minutong tulog , may sumiko bigla sa tagiliran ko .

"Aray ! Naknampuchupuchu !" malakas na singhal ko kay blondie na sigurado akong syang sumiko sa akin .

"Pwede ayusin mo yung upo mo , kuya ? Kasi may ibang pasahero o !" sabi nito na nanlalaki pa ang mga mata .

-_- Kuya daw . Mukha talaga akong lalake . Haay .

Ang ganda sana , kaya lang mukang kinulang ng femininity . Masyadong maangas magsalita .

"Onanga !" sabi ko na lang habang umiisod at umuupo ng mas maayos . Lecheng babae to . Sinisira araw ko . Tapos blonde pa yung buhok . Feeling stateside ! Kaloka . . . Pero in fairness bagay naman sa kanya .

After about 50million years , nakarating rin ako sa workplace ko . Nasabon ako ng husto ng boss ko . Late na naman daw ako . Kasi naman , 8 ang start ng work , 9 na ako dumating .

"Talagang nagawa mo pang pumasok ha ?" sabi ni Sir Greg , boss ko .

Napakamot ako sa ulo . "Sir , traffic po ."

"Don't give me that bullshit ! Gasgas na ang excuse na yan , Ice !" sigaw nito .

Napatigil ang lahat ng co-workers ko habang pinapagalitan ako ng halimaw kong boss . Nakakapanting ng tenga mga sinasabe ng nilalang na ito e !

"Sir , tunay naman kasi . Heavy talaga ang traffic sa North Edsa ." paliwanag ko .

"Leche ! E di umalis ka ng maaga ng hindi ka abutan ng traffic !"

"Sir , kahit pa um--"

"You know what ? Pinapainit mo lalo ang ulo ko e ! Maigi pa , huwag ka muna pumasok ngayon . Lumayas ka muna sa harapan ko at naiirita ako sayo . Take the day off . Shooo !" sabi nito sabay talikod .

Naiwan akong nakanganga . As in mouth hanging agape . I mean , WTH is wrong with that guy ? After kong magising ng maaga , maipit sa traffic , tumulo ang laway at maimbierna sa katabing blondie , papalayasin nya ako ? ? ? Nasaan naman ang credit sa effort ko ? ? ? Nakakapamura naman eh !  ! !

Nilapitan ako ni Kuya Baste , ang natatanging tagapagtanggol ng mga naaapi . LOL angkorni . Deh , tunay lagi ko kakampi to . Ambait-bait nya , sana lang wag muna syang kunin ng maykapal . Sa kanya lang ako hindi allergic .

"Dude , ok ka lang ?" tanong nito ng makalapit .

"Tae ka . Oo e, ok na ok nga ako e ." sabi ko habang inaayos ang bag ko . Makauwi na nga lang at makatulog !

"Tamo to !" sabay kutos sa akin . "Bahala ka nga jan ." akmang aalis na ito ng pigilan ko .

"Kuya Baste naman . . . Joke lang ! Galit agad e ! "

"Arte-arte mo kasi e !"

"Kaya nga sorry na ." sabi ko . "Teka , natapos mo na ba yung pinapagawa ni Sir sayo ? Diba deadline nun ngayon ?"

Biglang nanlaki ang mga mata nito .

"Pakshet ! Naknamp*cha naman ! Nakalimutan ko !" sabi nito habang dali-daling binubuksan ang laptop .

"Goodluck ." sabi ko na lang habang nagc-cram ito sa gagawin .

Graphic artists kami sa maliit na kompanyang ito .  Pero hindi yun ang major na work ko . Ang tunay kong trabaho ay ang gumawa ng komiks . Comic Strip Artist ako . Pero hindi kagaya ng Pilipino komiks na nakikita natin . Yung ginagawa namin dito ay kagaya ng Japanese mangas . Gusto kasi ni Sir Greg na umuso din ang Philipine komiks gaya ng sa mga Hapones .

Lumabas na ako sa building . leche talaga , nasayang lang lahat ng effort ko . Pati pamasahe ko papunta dito . Bwisit talaga !

Habang naglalakad , biglang bumuhos ang ulan . Pag minamalas ka nga naman . Anak ng baby grasshoppers ! Wala akong dalang payong e ! Kanina ang init init e , tindi ng sikat ng araw tapos ngayon uulan bigla ? Tae talaga .

Tumigil muna ako at sumilong sa waiting shed na malapit . Ipinagpag ko ang mejo nabasa kong pantalon . Umupo ako . Ang lakas pa rin ng ulan . Bigla akong gininaw . Tsk . Inabot ko ang bag ko at kinuha sa secret pocket ang pakete ng Marlboro Lights at ang lighter ko . Nakalma ako sa paghithit ng yosi ko . Hindi naman ako smoker talaga . Nags-smoke lang ako pag masama ang mood ko .

Maya maya may dumating na lalaking nakasuot ng long-sleeves na tinupi ang manggas sa parteng siko at may dalang briefcase na brown . Nakasalamin ito at mejo nagulo na ang buhok . Ehem . Ampogi . HAHA .

Isinuklay nito ang kamay sa basang buhok . Nakatitig lang ako sa ginagawa nya ng bigla itong lumingon sa direksyon ko . Tumango ito at bahagyang ngumiti .

Lumapit ito sa upuan ng shed at tumabi sa akin .

Iniabot ko naman ang pakete ng yosi ko sa kanya . Baka kako gusto .

Umiling ito . "Salamat na lang ." sabi nito .

Nagkibit balikat lang ako at tuloy na naghintay sa pagtila ng ulan .

"Tol , matanong ko lang . Anong oras na ?" biglang sabi ng lalaki . "Naiwan ko relo ko e ."

Tol daw . Tsk , kala ko pa man din babae ang tingin nito sain kanina .

Tiningnan ko ang wristwatch ko .

"9:30" sagot ko .

"Shit late na ako . Salamat ."

"Pumapasok ka pa ?" di ko mapigilang hindi magtanong . Kasi masyado na syang matured tingnan . Hindi na sya papasang college student , lalo namang highschool .

"A . Hindi . Nagtuturo ako jan sa U.P ." 

Napanganga naman ako . Ooh . Sya na . Yabang ng dating ng leche ! Hmp .

Maya-maya pa , humupa na ang ulan .  Pero umaambon pa rin . Pinitik ko ang yosi ko sa gilid ng shed at tumayo na . Itinaas ko ang hood ng suot kong polo shirt . 

"Pare , yung yosi mo itapon mo sa basurahan . Ayan lang sa gilid o ." kasabi-sabi ni mr .poging pakialamero . 

Nagpanting tenga ko . Leche to , nakakairita . Napakapakelamero . Lumingon ako sa kanya at ngumiti .

"E di ikaw . Ikaw nakaisip e ." at binirahan ko ng layas . Hindi ko na tiningnan pa ang naging reaction ng mukha nya . Namulsa na lang ako at pasipul-sipol na lumakad hanggang sa sakayan .

* * *

Instead na umuwi , napagisipan kong dumaan muna sa SM . Makabili na rin ng payong . Sira na rin naman kasi yung sakin . Naglalakad-lakad ako . Window shopping ba . Wala pa sahod e . So wala pa ko pera ngayon . HAHA . 

May nakita akong sobrang cute na bullcap na naka-display sa isang shop . Mahilig ako sa mga bullcaps e . Siguro maitatanong mo , tibo ba ako ? Lesbian ? Eeeennng ! Nope . Babaeng babae ako . Pero nasanay lang ako na ganito manamit dahil lumaki akong kasama ang tiyahin ko na lesbian . Kaya yan , naimpluwensyahan ako . HEHE .

Pumasok ako sa loob ng shop at kinuha sa display rack yun bullcap . Tinitigan ko ang price tag . Naknampuchupuchu . Ang pagkakamahal naman !

"Tsk . Mahal !" bulong ko . 

Yung totoo , kaya ko naman bumili ng ganito ka-mahal na accessory . Mejo malaki naman ang sahod ko sa trabaho saka wala akong sinusustentuhang pamilya , matipid lang sadya ako . Patay na kasi ang nanay ko . Wala akong kapatid kasi anak ako sa pagkadalaga . Ang tatay ko naman na Taiwanese ay nilayasan ang nanay ko after nya mabuntis . Kaya ng mamatay ang nanay ko nung 3 years old ako , si "Tito" Bogs (Tita Belinda) na ang nag alaga sakin . 

Ipinatong ko ulit ang bullcap sa rack nito . 

Lumabas na ako ng shop na iyon at naglakad lakad ulit . Maya-maya pa , may narinig akong pamilyar na boses . 

"Omygod Ice !" 

Napangiwi ako . Sabi na kilala ko ang boses na iyon . Boses ni Milcah , ang babaeng nakilala ko sa bar noon na inakalang lalaki ako at harap-harapang nakikipag-flirt sakin .

"Ice ! Uyy namiss kita !" sabi nito paglapit sabay hug sakin . Nagtinginan ang ibang mga dumadaan . Wala e , ang sexy kasi nito . Mejo hipon nga lang . Peace . ^_^

"Ehem . Milcah , diba sabi ko sayo , BABAE ako ?" paalala ko sa kanya .

Nagpout ito . "Wala naman akong pakealam e !" tapos hinila nito ang kamay ko  . "Kain tayo !"

Pinigil ko sya . "Milcah , busy ako e . Hehe ."

"Naman ! Isang date lang di mo pa ko mapagbigyan !" hinila ulit nito ang kamay ko .

Date ? Napatawa naman ako dun . Kasi tuwing nakainom ako , dine-date ko kahit sinong mapagtrip-an ko . Babae , Bakla , Tomboy , LALAKE . Kaya ayaw ko ng nalalasing . Kasi pati lalaki pinapatulan ko . Haay . 

"Tara na kasi Ice !" sabi ulit ni Milcah . Nagtitinginan na talaga ang mga tao sa amin kasi grabe makalingkis tong babaeng to ! Kakainis .

"Pare , pagbigyan mo na ! Sayang naman ang chance , chicks na chicks o !" sabi ng isang estambay na kanina pa kami pinapanood .

Ngumiwi ako . Tsk . This is so wrong !

"Milcah , pwede ba ? Nakakahiya . Kanina ka pa . Hindi nga pwede e ! Ang kulit mo naman !" sabi ko sa kanya na mejo mataas ang boses .

Nangilid ang luha ni Milcah . Siguro napahiya sya sa biglang pagsigaw ko . Kainis e . Ang kulit .

Akmang sasampalin ako nito pero tinapik ko ang braso nito ng marahas . Tuluyan ng umiyak ito . Eskandalo na . Agaw atensyon na tong babaeng to . Bwiset .

Biglang may lumapit na tao at hinila ang kamay ni Milcah , sabay bigay ng panyo dito . Uyy gentleman ang hinayupak .

Pag lingon nito sakin , nagulat ako dahil sya yung lalaking propesor na nakasama kong tumamay sa shed kanina . Halatang nagulat din ito pero mabilis na nakabawi .

"Pare , lampas ka na masyado . Umiiyak na o . Ang walang modo mo naman . Respeto naman sa babae !" sabi nito sakin .

Imbes na mainis , napatawa pa ako .

"Lakas mo pa makatawa ah !" sabi nito . Umiiyak pa rin si Milcah at nakasandig sa dibdib nito .

"Pwede ba , Prof , wag kang makealam ?" sabi ko habang nakangiti ng malapad .

"Makikialam na ako dahil pinapaiyak mo ang isang babae ! Anong klaseng lalaki ka ?" sabi nito , lalong naaagaw ang atensyon ng ibang tao .

Ngumiti ako . "Sino ba nagsabing lalaki ako ?"

Naguluhan ito base sa expression ng mukha . "Ha ?"

"Babae ako . Hindi ako LALAKI . Sige , bahala ka na jan . Salamat sa pagsalo sa basura ko ." tapos tumalikod na ako . Ang sama ng tingin ng mga tao sa kin . E ano ? Pakelam ko ?

* * *

Pag dating ko sa 7th floor ng Zinnia Towers , ang condo unit na hanggang ngayon ay binabayaran ko pa rin (leche napakamahal) , nakita ko na may lumi-lipat sa kabilang pinto . Sosyal ata nakatira dito a , mukang mapera , ang gaganda ng mga gamit na ipinapasok ng mga lalaking may kargang kung ano ano .

Pumasok na ako sa loob ng unit ko at umupo sa couch . Hinubad ko ang sneakers ko at inihagis sa likod ng pinto . Napansin ko na ang dumi-dumi na naman ng unit ko . Leche , ang tamad ko talaga maglinis . Kakahiya pag dinalaw ako ni Tito Bogs . Malinis kasi sa bahay yun e .

E kaya lang tinatamad pa talaga ako maglinis kaya sa week-end ko na lang sisimulan .

Tinanggal ko ang suot na backpack at inihagis sa kung saan . Ipinatong ko ang paa ko sa center table . Inaantok ako . Napatingin ako sa relo . Alas dos pa lang . napaka unproductive at napaka panget ng araw ko . Una , naboljakan ako ni boss . Pangalawa , binuwisit ako ni Milcah . Pangatlo , naimbierna ako sa lalaking professor na iyon . 

"Makatulog na nga lang ." sabi ko sa sarili ko . 

Kaya lang , wala pang ilang minuto na kakapikit pa lang , napamulat ako sa lakas ng blast ng sound . Napatalon ako .

Tae ! San galing yun ? Tinitigan ko ang player ko , naka off naman . Lumapit ako sa pinto . Dun galing .

Lumabas ako . Definitely , sa katapat na unit galing ito . Tae ! Ang ingay ! I pounded the door nonstop .

Bumukas ito bigla . May sumilip na tao . Nagulat ako sa nakita .

Si blondie ito ah ! Yung katabi ko kanina sa jeep na nakakita sa pagtulo ng laway ko ? ? ?

Nakakunot ang noo nito . 

"Ano ?" sagot nito .

"Miss , pwede pakihinaan ang music mo ? Tumalsik eardrums ko e !" sabi ko .

Tumingin ito sa sakin ng masama .

"MISS ? Excuse me lang , pero LALAKI ako ." sabi nito .

And i was like , O.O . . .

 * * *

:)) 1st chap , so far , so good . . . :))

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

23.3K 330 13
When life gives you its worst, anong gagawin mo? TRIGGER WARNING: This story might trigger those readers with depression. READ AT YOUR OWN RISK. [UNE...
56.1K 911 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
21.8K 1.2K 19
This is a collection of short stories that randomly floating in my mind. It's either I heard a story and wrote it, read the plot somewhere else and g...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞