MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

268K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
TRUST ISSUE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

A FRESH START

6.5K 233 24
By ajldlkbv20

CHAPTER 24



Ano ba! Tulong naman dyan oh. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buong araw na akong nakahiga dito sa kama ko. Nauubos ang lakas ko kakaiyak at kakaisip sa sitwasyon ko ngayon. Nagsisimula palang akong turuan ang sarili ko na pigilan ang nararamdaman ko para kay Althea, tapos bigla pang magpaparamdam ulit si Lauren? Teka lang naman. Isa-isa, please. Mahina ang kalaban.

Hindi madaling magmove-on. Hindi madaling pigilan ang nararamdaman. Pero sana nga kasi, madali nalang eh. Para hindi na ako namomroblema ngayon. Paano ba maging isang kaibigan lang sa taong mahal na mahal mo? Paano mo sasabihan ang sarili mo na tama na, kahit gustong-gusto mo paring ituloy? May part sakin na pinipilit na wag nang subukan pa ulit, but there's also a part of me that wants to try even harder. Na baka kaya ko paring iparealize kay Althea na pwede kami. It's not like nagbago na kagad ung nararamdaman namin para sa isa't isa. Nung isang araw lang nangyari ung pag-uusap namin. At nakita ko rin kahapon ang pagkalungkot ng kanyang mga mata nung sabihin ni Andrea kung kanino galing ang delivery. Hindi rin naman nakaligtas sakin ang kahalong galit ng lungkot na un.

Oo, siguro nga wala siyang karapatan na magalit sa pagpaparamdam bigla ni Lauren dahil siya ang nagdecide na itigil ang kung ano man ang meron samin. Pero parehas lang namin hindi ineexpect ang nangyari kahapon. And speaking of that...

Kinuha ko ang card na kasama ng delivery sa ibabaw ng bedside table para basahin ulit ito. Honestly, I've read this handwritten letter too many times. At hindi ko rin alam kung bakit paulit-ulit ko 'tong binabasa; kahit pa ginamit ni Lauren ang nickname niya sakin nung college na madalas kong kainisan noon.





Hi Jadeski!

               You're probably wondering why I suddenly reach out to you again. I know this is like out of nowhere... but I assure you na wala naman akong balak manggulo or what. I just really wanna talk. Naalala mo pa ung mga panahong bumibili tayo ng cake na 'to? Laging ang sarap ng kwentuhan natin nun diba? Not that I want us to suddenly become that close again, but I hope we can work on being friends just like before. Recently lang completely nagsink-in sakin na you were really my very bestfriend. Ikukwento ko sayo ang lahat, pero sana pumayag ka na magkita tayo.

               Here's my number – (09--------). Text mo ako kung kailan ka pwede. Free naman ako anytime. No pressure, Jade. Hihintayin ko ang text mo kahit gaano pa katagal abutin. Kahit next year pa. Haha. Basta makipagkita ka lang sakin if you're okay with it. I'm not forcing you to meet me if you're uncomfortable, but I can promise you that I just really wanna talk and hangout like old times.

               See you soon, Jade. Hopefully. Take care and... I miss you.

                                                                                                                                    Lauren






Those last 3 words.




Honestly, hindi naman ako namomroblema dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nakapagdesisyon na ako actually na makikipagkita ako sa kanya. I mean... why not, right? Hindi ko naman siya iniiwasan. I no longer have feelings for her. If she wants to just chill and talk, then I'll give her that. Ano ba namang masama dun?

Pero bakit kasi ganito ang nararamdaman ko? Bakit kahit wala pa naman akong ginagawa, nakokonsensiya na ako sa balak ko? Itinigil na namin ung samin ni Althea eh. Pero bakit pakiramdam ko... I'm cheating on her? Siya parin ang iniisip ko hanggang ngayon.

Okay, just hear me out. Gusto kong makipagkaibigan ulit kay Lauren. I really do. I'm ready to let her in my life again, because I'm sure that I don't want anything else besides friendship. Hindi magiging complicated ang mga bagay samin ngayon. But the thing is... I don't know how to deal with stuff right now because I feel so broken from what happened between me and Althea. Gustong-gusto ko nang alisin siya sa isip ko, kasi pakiramdam ko pagod na pagod na ako.

Tingin niyo ba masyado ko na namang sinagad ang sarili ko? Naibigay ko na naman ba ang lahat ng natitira sakin sa taong mahal ko? Kung oo... eh ano ba dapat ang ginawa ko? Hindi ba dapat ganun kapag nagmahal ka? Ung kahit anong mangyari, sisiguraduhin mong hindi kulang ang naibibigay mo sa kanya? Ung hindi mo na maiisip kung tama o mali pa. Basta para sa taong mahal mo, go lang. Kaysa magsisi ka sa huli na hindi mo naibigay ang lahat ng kaya mo.

ANO BA!! Ayoko na. Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. For now... I'll just deal with something else. I need a break from Althea. Maybe if I spend some time with someone else, I'd be able to actually start moving on. Bahala na kung magkaroon ng pagsisisi sa dulo. I need to take my chances. Kahit ano naman kasing gawin ko, mahihirapan ako. Ayos din talaga ang mundo eh no? Walang ibang choice. Laging talo ang bagsak ko.





After several hours of staying in bed, I decided to finally get up at around lunch time. Umupo lang ako sa sofa ng living area ng unit ko. Wala akong gana kumain, so I just took my phone to finally send Lauren a message. Medyo matagal kong pinag-isipan ang sasabihin ko sa kanya dahil ilang buwan narin ung huling pag-uusap namin. I made sure that my text message would be plain and simple. Ung tipong parang walang nangyaring kung ano man samin dati. I even called her by her first ever college nickname; ung tawag namin sa kanya tuwing inaasar namin siya. Gantihan lang. Haha.




*JADE*
Hi Renren! Haha. Jade 'to. Got your delivery yesterday. Salamat nga pala. Sobrang namiss ko ung cake na un. Swear! Naaalala mo parin palang favorite ko un? Haha. Anyway, just wanna let you know that I'm free today and tomorrow. So... ikaw na bahala kung kailan tayo magkikita. Okay naman ako kahit kailan.



Nanood nalang muna ako ng TV habang naghihintay sa reply niya. But I was honestly expecting it would take her several minutes, pero halos wala pang dalawang minuto ay tumunog na ang telepono ko. Kinuha ko ulit ito para tignan ang natanggap kong text.




*LAUREN*
Uyy! Gumanti siya sa nickname ko oh. Hahaha. You're welcome. Mahirap makalimutan ung favorite mo na un. Halos araw-araw ka ba namang nagke-crave dun noon. Haha. Glad to know you're free today. Tamang-tama, may gusto akong i-try na bagong resto. Ano, tara? Dun tayo magdinner mamaya? Gusto mo bang sunduin kita or magkita nalang tayo dun?

*JADE*
Wow naman. Haha. Oh sige, game ako dyan. Mga what time? Magkita nalang tayo dun. Just text me the address and the other directions I need to take.

*LAUREN*
Sure thing, Jadeski. Haha. Kita tayo before dinner time, para mas mahaba ang kwentuhan. We need to catch up yo! Haha. Say... around 5pm?

*JADE*
Okay, 5pm then. See you, Renren. Haha. Text-text nalang later.

*LAUREN*
See you later, Jade. Can't wait. Ingat ka.



Hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako sa sofa dahil sa sakit ng ulo ko at sobrang pagod ng mga mata ko kakaiyak kanina. Halos isang oras din bago ako nagising. I checked my phone once again and I saw that I have an unread text message. It was sent just around 15 minutes ago. Nagulat naman ako nung makita ko kung kanino galing ito, at parang nastress ulit ako.




*ALTHEA*
Hindi ka pa kumakain ng breakfast at lunch no? Anong oras na oh. Kumain ka na. Wag pabayaan ang sarili, please.




How does she even know I haven't had breakfast and lunch yet? At tsaka, ano na naman 'to? Bakit meron na namang ganito? Sabi niya stop na diba? Ang labo talaga nito!

Nagreply ako hindi para magalit sa kanya or what, pero para lang hindi niya isiping gusto ko siyang iwasan.



*JADE*
Paano mo naman nalaman na hindi pa ako kumakain?

*ALTHEA*
I know you, Jade. Lagi kang nagoonline kapag kumakain ka. Kaya nga kita madalas pagalitan noon diba? Eh hindi pa kita nakitang online ngayong araw. Kaya tingin ko, hindi ka pa kumakain. Tama ba ako?




Ang lupet rin nito eh no? Pati un, napapansin niya? Hayy Althea, mas pinapalabo mo lang ang sitwasyon natin ngayon.




*JADE*
Yeah. Late na akong nagising eh.




I had to lie. Para hindi na siya magtanong ng kung ano-ano pa.




*ALTHEA*
Kumain ka na. Nalipasan ka na ng gutom. Mamaya sasakit na naman yang sikmura mo nyan.




She knows me too well. But I have to stop this conversation now. Baka kasi kung saan pa 'to mapunta. Lalo na't hindi maayos ang pakiramdam ko ngayon.




*JADE*
Okay, Althea.




Binitawan ko muna ang telepono ko, para mapakalma ko ang sarili ko. It took me several minutes to get up and head to the kitchen. Kahit wala akong gana ay pinilit ko paring kumain para lang makainom ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Ayoko rin kasing manatiling ganito ang pakiramdam ko mamaya kapag nagkita kami ni Lauren.



//



4:30pm


I was already on my way to our meeting place. Hindi ganung kalayuan sa condo ko ang address na ibinigay ni Lauren. She offered na magcoffee muna kami sa shop na malapit lang sa resto na gusto niyang kainan mamaya.

After less than 15 minutes ay nakatanggap ako ng text galing sa kanya na nagsasabing nandun na siya sa coffee shop. Malapit narin naman ako kaya hindi na ako nagreply.

Ipaparada ko palang ang sasakyan ko, nakita ko na si Lauren na nakatayo sa may entrance ng coffee shop.




Hindi parin siya nagbabago. Napakaganda parin niya. Ung ganda na tipong kahit sino ay mapapatitig talaga. She still looks so angelic. Kapag nakita at nakilala mo siya, kahit hindi mo man gustuhin... mararamdaman mo na parang kailangan mo siyang bantayan at alagaan bawat segundo. That's how pure she looks. Isa siguro un sa mga rason kung bakit hindi ko siya maiwan noon.




"JADE!!!" Halos nakasigaw niyang bati sakin nung makita niya akong papalapit sa kanya. Agad naman niya akong niyakap na medyo ikinagulat ko. But I hugged her back immediately.

"Long time, Jadeski." Asar na tawag niya.

"I know, Renren." Balik ko sa kanya na may kasamang mahinang suntok sa braso niya. Parehas kaming natawa.

"Tara na sa loob. Kailangan na nating magkwentuhan para maging updated tayo sa buhay ng isa't isa." Aya niya at pumasok naman kami kagad sa loob ng coffee shop.

I was honestly expecting that things will be awkward at first. Matagal na nung huling magkita kami ni Lauren. Hindi ko alam kung paano sisimulan ng normal ang pag-uusap namin, pero nagulat nalang ako na halos parang walang nagbago samin. Our conversation went so natural. Pero wala pa naman kaming seryosong topic dahil ang pinagusapan palang namin ay ang aming trabaho. Parang mabilis na lumipas ang oras at hindi namin namalayang malapit nang mag-alas otso; kaya pumunta kami kagad nun sa resto na sinasabi niyang gusto niyang subukan.



...



SA RESTO


Marami kaming inorder ni Lauren na pagkain. Hindi kasi kami makapagdecide kung ano talaga ang gusto namin. Everything looked so tasty. So, we just decided to order all the food we wanna try at maghahati nalang kami. Yup, that's how we roll. Hahaha.

"Alam mo Jade, nakakamiss ka talaga. Wala kasi akong nakakausap na katulad mo eh. Ung sobrang gets kagad ako kahit hindi pa man ako nagkukwento. O siguro, sadyang kilala mo lang kasi ako." Nakatawa niyang panimula habang hinihintay namin ang order namin.

"Hindi. Sadyang masarap lang talaga akong kasama, kaya nakakamiss ako." Banat ko naman at natawa kaming pareho.

"Biglang humangin dito ah." Biro niya.

Tumawa nalang ulit ako dahil hindi naman ako seryoso sa sinabi ko.

"Pero sabagay, tama ka naman. Masarap kang kasama. Ewan ko ba kung paano ko nakayang makasurvive na wala ka." Dagdag niya na hindi ko malaman kung seryoso siya o ano, dahil nakangiti siya at napapailing.

"Eh ikaw eh. Ginusto mo un eh." Tawa ko nalang. Dinaan ko sa biro ang usapan dahil ayoko nang gawing big deal ang nangyari samin. Ayoko naring balikan pa un. It's already part of my past.

"Jade..." Bigla namang naging seryoso ang tono ng kausap ko at tumitig ito sakin. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago niya itinuloy ang sasabihin niya.

"I'm sorry." Malungkot na patuloy niya na ikinagulat ko naman.

"For what?"

"For everything. Sorry dahil nang-iwan ako sa ere. Sorry kung natakot ako noon na maging malinaw ang lahat satin. Like I said, I'm not here because I want something else from you. Gusto ko lang humingi ng tawad dahil hindi ko nasuklian ung mga ginawa mo para sakin dati. Tama nga ung sinasabi nila, na malalaman mo lang na mahalaga ang isang bagay kapag wala na 'to sayo. And lately ko lang narealize na ibang klase ka pala talagang kaibigan. Anyone would be so lucky to have you in their life. Kahit bilang isang kaibigan lang. And I'm sorry that I took advantage of that w--" Pagtatapat ni Lauren. Pinigilan ko na itong ituloy ang sinasabi dahil ayokong idiin niya masyado ang sarili.

"Lauren–" Hindi ko rin kagad naituloy ang sasabihin ko dahil biglang dumating ang order naming mga pagkain. Hinintay ko munang i-serve ang lahat at umalis ang waiter bago ko tignan ulit si Lauren.

"Lauren, ano ka ba. Past na un. Wag mo nang isipin un. Sabi mo nga diba, let's work on being friends again? You don't have to blame yourself for anything. Things were just so complicated and messed up that time. Naiintindihan ko naman un." I explained to make her a bit less worried.

"Lahat talaga naiintindihan mo eh no?" Banat nito na nagpatawa naman saming dalawa.

"You're really a great friend, Jade. Walang halong biro. Kaya gusto ko ulit na maging okay tayo. I just realized na iba talaga kapag may tao sa buhay mo na nandyan lagi kahit wala kang gawin. Ung tipong effortless ung friendship. Ikaw lang ang nakakakilala sakin ng sobra, and I want to be that kind of friend to you too. Gusto ko rin na matakbuhan mo ako everytime you need someone to talk to." Seryosong sabi nito. I saw nothing but honestly in her eyes, and I was really thankful for that.

"Then we'll work on that." I immediately responded.

"Pwede naman eh. Let's start fresh. Kalimutan na natin ung mga nangyari noon. Wag mo naring isipin na kailangan mong bumawi sakin or what. Walang bawian na kailangang maganap. Think of this as a new friendship. Back to zero tayo. Okay ba un?" Dagdag kong alok sa kanya.



I'm happy with where this conversation is going. I've never thought I'd need this. Masyado ko kasing binalewala ang nangyari samin dati na hindi ko naisip na mas okay pala kapag may maayos na pag-uusap. Ung may kasunduan talaga.



Ngumiti siya sakin bago sumagot.

"Okay na okay, Jade. I just needed to tell you all that. Ayoko kasi ung parang wala tayong closure sa kung ano man ung mga nangyari satin dati. Mas maganda ung magsisimula ulit tayo na napakawalan na ung bigat sa kalooban, diba? So... we're good? Friends?" She said as she offered her hand. A typical validation of a friendship start.

I shook her hand and gave her a smile before answering.



"Friends."





You're wondering why was I fine with it? Why did I agree immediately? Dahil alam ko na friendship lang talaga ang gusto naming dalawa. Nung nasa coffee shop palang kami, kinakapa ko na kung may bahid ba ng ibang intensyon ang pakikipagkita ni Lauren sakin... pero ni isang beses ay wala akong naramdamang ganun mula sa kanya.

Kung gusto niya ulit na makipagkaibigan, then why not? Mas gusto ko un kaysa habang buhay kaming hindi mag-usap. Bakit ko ipagkakait sa kanya un kung parehas naman namin itong gusto? Bakit ko pipigilan na maging parte ulit ng buhay ko ang isang taong wala namang masamang intensyon? We're on the same page, so... what could go wrong?

Come to think of it... hindi naman namin niloko ang isa't isa noon. Yes, she was confused with her feelings, but she never lied to me. Masakit man para sakin ung mga desisyon niya noon... at least, she was honest. Hindi niya ako pinaasa. Sadyang ako lang ung hindi makatanggap nun noon.




"Uyy Jadeski, kumain ka na kaya. Mauubos ko na 'tong masarap na nachos oh!" Natatawang sabi ni Lauren sakin, and that interrupted my thoughts.

Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya dahil nawala talaga sa loob ko na magsimulang kumain; at hindi ito dahil sa wala akong gana.




SHIT! Ngayon palang mainis na kayo sakin. Dahil pati ako, naiinis sa sarili ko. Naiirita ako sa rason ko. Alam niyo kung bakit nawala sa loob ko? Alam niyo kung bakit nakalimutan kong kumain kagad? I realized that I was unconsiously... waiting. Naghihintay ako na may magsubo sakin ng pagkain. Hindi ko namalayang nasanay na pala akong sinusubuan ako. Kita niyo na kung gaano ako na-baby? Automatic na sa katawan ko na nag-aabang nalang.




Bigla akong napapikit at napatakip ng mukha nang maalala ko kung sino ang nagsanay sakin na maging spoiled. You know her, people. You know her very well.

Parang bigla rin nagbago ang timpla ng mood ko. Napailing ako ng bahagya pero agad ko naring sinimulan ang pagkain ng mga order namin. Mukha namang napansin ito ni Lauren kaya napatanong siya.

"Jade, okay ka lang?" She had a worried look on her face.

Tumango lang ako dahil pakiramdam ko makakahalata siya kapag nagsalita ako. But I guess she wasn't contented with it because she kept staring. Alam kong naghihintay siya ng sagot, kaya sinubukan ko nalang na pakalmahin saglit ang sarili ko para maayos akong makapagsalita. I took a deep breath.

"Wala 'to. May naalala lang ako." I plainly said. It wasn't a lie.

"Sus. Wala daw." Pilit niya.

"Wala nga po. Next time ko nalang sabihin." Tanggi ko ulit.

"Wala, tapos next time na sasabihin? Labo. Lakas din ng tama mo minsan Jade eh." She tried to lighten up the mood as she joked. Natawa naman kami pareho.

"Alam mo, Ren... ituloy nalang natin ang kwentuhan." Iwas ko sa topic namin.

"Eh kung ikinukwento mo na kasi yan eh, edi sana tuloy-tuloy na ung pag-uusap natin diba?" Asar niya ulit.

"Eh kasi nga po, ayokong pag-usapan un. Ma-se-stress lang ulit ako. Ang pag-usapan nalang natin ay ung hindi mo pagsipot nung last reunion ng barkada." Balik kong asar sa kanya.

"Girl, nagso-soul searching ako nun. Ano ka ba." Banat niya.

"LUL! Wag ako Lauren ha. Wag ako. Please lang." Biro ko na nagpatawa naman ng malakas sa kanya.

"Grabe ka na sakin, Jade. Sige, ganyan ka eh." Biro din niya.




You see how natural a friendship works? Ang bilis maging normal. Effortless on both sides. Hindi tulad pagdating sa mga relationship and all those love crap... kahit anong effort mo minsan, talo ka parin. Ibinigay mo na nga ang lahat, pero parang may hinahanap paring iba. Kaya minsan, mas masarap talaga kapag friends lang eh.




Napuno ng biruan at kulitan ang dinner namin ni Lauren. She talked about her family nung kinamusta ko ung mga nakababata niyang kapatid na naging malapit sakin noon. Other than that, pinag-usapan lang namin ang iba naming kabarkada dahil wala na nga siyang update sa mga ito. Ilang beses niyang sinubukan na pagkwentuhin ako tungkol sa lovelife ko, pero hindi ako bumigay kahit anong pilit niya.




Masaya ako sa naging pagkikita naming dalawa. Para akong nabunutan ng tinik na hindi ko alam na nakatusok pala. And I'm actually excited to build a new friendship with her. I'm glad that I get to keep her in my life now; hindi man bilang kung ano ang gusto ko noon na maging label niya, at least we have something better this time. We're meant to be friends, not anything more than that. And you know what... I've never been this relieved and happy to accept a fact.




Inabot kami ng halos alas-onse sa resto. Buti nalang ay late itong nagsasara.

"So pano Jade... next time ulit?" Panimula niya bago kami maghiwalay sa parking area.

"Oo ba. Kailangan kong bumawi ng libre no! Ang daya mo eh. Dapat hati tayo kanina." Kunwaring pagtatampo ko.

"Ano ka ba. Ako nag-aya ng dinner na 'to, dapat lang na treat ko no! Pambawi ko lang rin sayo. Dami ko ng utang eh." Natatawang sagot niya.

Magpapaalam na sana ako sa kanya pero hindi ko naman ito natuloy dahil biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, at nagulat naman ako nung makita ko ang pangalan ni Batchi. Nagpaalam ako kay Lauren kung pwede kong sagutin lang saglit ang tawag dahil baka emergency ito. Tumango naman kagad siya. So, sinagot ko ang tawag pero nanatili lang ako sa pwesto ko.




JADE: Hello Batch? Bakit ka napatawag?

BATCHI: Jade, nasaan ka?



Natataranta ang tono nito.



JADE: Uhmm... nasa labas. Kasama ko friend ko. Why?

BATCHI: Hindi mo kasama si Tsong?

JADE: Hindi, Batch. Bakit? Anong meron?

BATCHI: Shit.

JADE: Uyy Batch, bakit? Anong nangyayari?



Bigla rin tuloy akong kinabahan.



BATCHI: Kasi Jade, tumawag si Althea sakin kani-kanina lang. Umiiyak. Tapos kung ano-anong kadramahan ang pinagsasabi. Eh hindi ko naman magets. Parang sabi niya, iiwan na daw siya para sa iba? Ang labo eh, swear. Pinapakalma ko siya, pero hindi naman ako makasingit dahil iyak nga ng iyak. Lasing ata eh. Ano bang meron kay Tsong, Jade?




Okay na ang gabi ko eh. Masaya na eh, bakit may pahabol pang ganitong ganap? Ano bang gustong mangyari ni Althea?! Pagkatapos niyang magdesisyon na itigil na ung samin, biglang ganito? Parang ako na naman tuloy ang may kasalanan. Ako na naman ung nakasakit sa kanya, ganun?




JADE: Hindi niya ba nabanggit kung nasaan siya?

BATCHI: Hindi. Nandito ako ngayon sa unit niya, pero hindi ko alam kung nandito siya. Walang nagbubukas ng pinto. Sinusubukan ko rin siyang tawagan, eh hindi naman sinasagot. Hindi rin nagrereply sa text.

JADE: Okay, wait lang Batch.




Inilayo ko muna sa tenga ko ang telepono para magpaalam na kay Lauren. Mabilis rin niya akong pinaalis dahil ramdam na niyang may emergency ako. I just told her that I'll text her tomorrow. Pagkatapos ko siyang pasalamatan ay nagmadali na ako papunta sa kotse ko at kinausap ko na ulit si Batchi.




JADE: Hello Batch. Dyan ka lang muna. Titignan ko kung nasa office siya. Baka sa rooftop un pumunta. Itetext kita kagad kapag nandun siya. Text mo rin ako kapag bigla siyang dumating dyan.

BATCHI: Okay Jade, sige. Ingat ka.





Mabilis ko namang pinaandar ang sasakyan papuntang office building. Pagkadating ko dun ay hindi ko naman nakita ang sasakyan ni Althea dun. Hindi rin bukas ang building. Bigla ko namang narealize na malabo siyang pumunta dito dahil alam niyang dito ko siya unang pupuntahan. It's too obvious. Inisip ko kung saan pa siya pwedeng pumunta, pero wala akong maisip.

Tinawagan ko na kagad si Batchi at sabi ko sa kanya ay magkita muna kami sa condo ko.


I'm not gonna lie... I'm damn worried about Althea. Hindi ko alam kung lasing talaga siya o ano, pero wala kasi siyang kasama. Baka kung ano mangyari dun. Buti sana kung nasa maayos na pag-iisip siya ngayon.





.....





"TSONG!!!" Biglang sigaw ni Batchi habang nasa hallway pa kami papunta sa condo ko. Hindi ko kagad napansin si Althea na nakaupo at nakasandal sa pintuan ng unit ko dahil nakatutok ako sa pagtext sana sa kanya.

Nakapatong ang kanyang mga braso sa tuhod niya at nakasubsob ang mukha sa kanyang braso. Dahan-dahan siyang lumingon nung marinig ang sigaw ng kaibigan. Tatakbo sana si Batchi papunta sa pwesto niya pero mabilis ko naman itong pinigilan.

"Batch, let me deal with her. Please. Umuwi ka na muna." Pakiusap ko sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya saming dalawa ni Althea. Pumayag naman siya kahit alam kong sobrang nag-aalala siya sa kaibigan. I just promised her that I would text her later.



Dahan-dahan kong nilapitan si Althea. Nakatitig lang sakin ang namamaga niyang mga mata na halatang kanina pa ito umiiyak. Pagkalapit ko sa kanya ay nalaman kong lasing nga siya dahil amoy alak ito.

"Tumayo ka dyan, Althea." Mariin kong utos na mabilis naman niyang sinunod.

Binuksan ko ang pinto ng unit ko para sa loob kami mag-usap. Nanatili naman itong tahimik pagpasok. Tumuloy ako papuntang kwarto ko para kuhaan siya ng damit.


"Magbihis ka. Hindi ka uuwi ngayon, Althea. Not when you're like that." Seryoso kong sabi pagkatapos kong iabot ang mga damit pampalit niya. Sumunod kagad siya dahil alam niyang galit ako.



Nagmamatigas ako dahil gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya. Paano kung may nangyaring masama sa kanya?




Hinayaan ko munang magshower si Althea para mahimasmasan siya ng konti. Naghanda naman ako ng coffee para sa kanya habang nasa CR pa siya. She'll need it when we talk.

Pagkalabas niya ay umupo siya malapit sa kinauupuan ko sa living area. Iniabot ko sa kanya ang coffee at agad naman niya itong kinuha. We stayed silent for a few minutes. Alam kong hinihintay niya lang akong magsalita.

"What were you thinking, Althea?!" I asked without looking at her. Nanatili siyang tahimik.

"Siraulo ka ba?! Paano kung may nangyari sayo? Sana nagpasama ka man lang kahit kay Batchi. Ano bang pumasok dyan sa utak mo? Ha?!" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Hindi ulit siya umimik.

"Althea, magsalita ka dyan kung ayaw mong mapikon ako sayo." Banta ko.

"Nagkita na kayo ni Lauren?" Mahina niyang tanong na naging rason naman para mapalingon ako sa kanya. Napayuko siya bigla na parang nahiya sa sinabi.

"Oo, magkasama kami kanina. May problema ba dun?" Mahinahon kong sagot.

"Althea, sabihin mo nga sakin ang totoo. Un ba ang rason kung bakit ka nagpakalasing kanina?" I asked.

Hindi ulit siya umimik. I'll take that as a yes then.

"Bakit, ano bang iniisip mo? Na nakipaglandian ako sa kanya? Ganun na ba ang tingin mo sakin, Althea?" Naiirita kong tanong. Umiling siya.

"Then what?! Magsalita ka. Sabihin mo sakin."

I waited for her to answer but she still remained silent. I knew I needed to do the talking.

"Ano bang gusto mong marinig? Na hindi kita ipinagpalit o ipagpapalit? Na ikaw parin ang mahal ko? Un ba? Langya naman, Althea. Anong akala mo sakin... instant magmove-on? Isang araw lang, iba na kagad ang mahal? Well guess what Althea... sayang ung paglalasing at pag-iyak mo, dahil wala ka naman kailangang dramahan. Gusto mong malaman kung nagdate kami? Yes, we did, but it was only a friendly date. Wala ka dun kanina, kaya hindi mo alam kung gaano lang kasimple ung pagkikita namin. We gave each other closure, okay? Un lang. We just wanted to be friends again."



Hindi ko alam kung bakit parang kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Kung tutuusin, wala na siyang karapatang magalit o magselos dahil ginusto niyang itigil ang sa amin.



"Sure ka na friendship lang ang gusto niya?" Her voice was so weak that I almost didn't catch it.

"Sa ngayon, oo. Ewan ko bukas. Look... I get it, Althea. You don't trust her; and I'm not asking you to. Kung ayaw mo, then don't. Pero sana man lang sakin, magtiwala ka. Hindi ako tulad ng iniisip mo." Mahinahon ko namang sagot at natahimik ulit siya.



I need to be honest with her. I need to make her face reality and its possibilities. Gusto kong matanggap niya kung sakaling may magbago samin ni Lauren. So I need to tell her now.



"Pero Althea... diba sabi mo sakin I deserve the same love that I could give? So, what if Lauren can give me that? Oo, hindi maganda ung past namin. Pero what if this time, she can love me the way that I deserve? Ayaw mo ba nun, you don't have to worry about me anymore? Baka kaya niyang ibigay ung hindi mo kayang ibigay." Pagpaparealize ko sa kanya.



I don't want her to think na may mangyayari samin ni Lauren dahil sigurado naman akong hanggang magkaibigan nalang talaga kami. But I want her to let me go. I want her to let me do things na hindi ko kailangang makunsensiya sa huli nang dahil nasasaktan ko siya.



"Anyone but her, Jade. Please." Sagot niya. Napatingin naman ako sa kanya at tinanong ko kung bakit. Tinitigan niya muna ako bago siya nagsalita ulit.

"Kasi minsan mo na siyang minahal, at minsan ka narin niyang sinaktan." Paliwanag niya.

"What makes you two different then?" I unconsciously whispered but I think she heard me.

Tumayo siya bigla para pumunta sa harapan ko at lumuhod. She wrapped her arms around my waist but kept a bit of space between our bodies. We stared at each other's eyes for a moment.





"She loved you... but I'm still in love with you. That's what makes us different."





Before I could even process what she said, her lips were already on mine. And I mentally cursed myself for kissing back immediately. The kiss was too gentle. It was as if we were doing it for the first time. But she stopped after a couple of seconds to look into my eyes once again. Her dark expressive ones were silently giving me a choice if we should continue this or not.




Call me stupid... call me weak... but I know for sure that if you were in my position, you'd choose the same; because that's how we are when it comes to the person we love. We forget everything else.




Without a second thought, I held the back of her head and started kissing her again.






























Update na muna bago ako pumasok ng school. Hahaha. Uyy guys, wag kayong magalit masyado kay Althea. Parehas naman silang weak pagdating sa isa't isa. Haha. Chill lang tayo. ✌️

Salamat sa inyo mga boss! Pati din po sa mga nagbabasa at nagtitiwala sa kwento na 'to. Salamat. Promise pagbubutihin ko na maging mas maganda pa ung story.

Have a good day people. Happy monthsary satin! ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

250K 9.7K 37
Rastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
214K 10.7K 40
How can you hate and love a person at the same time?
116K 4.4K 21
Pagmamahalan na hindi sagabal ang Edad at Kasarian Pagmamahalan nga bang matatawag o Tawag lang ng laman. -Remembering Mrs. Lewis-
110K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.