My Probinsyana Girl (Publishe...

By pajibar

3.1M 41.9K 5.6K

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP. Available on d... More

To be published under LIB
Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 1)
CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 2)
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
THIRTY
Author's Note
My Probinsyana Girl FanFic by TimeHopper (One-Shot)

EPILOGUE

73.1K 1.5K 977
By pajibar

7 years later...

Huminga ng malalim si Summer bago lumabas sa kotseng sinasakyan nito. Haaaay. Pagkalabas niya sa kotse, una niyang naramdaman ang pagdampi ng hangin sa kanyang mga pisngi. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

Tumingala siya at dun niya nakita ang dating university dito sa Maynila kung saan siya nag-aral dati. Ang tagal niyang hindi nakapunta dito. Kahit papaano, namiss niya rin ito.

Pumasok siya sa loob at dahan-dahan na naglakad. May mga estudyante at teachers na nakakakilala sa kanya at binabati siya, kaya naman ngini-ngitian nalang sila ni Summer.

Habang naglalakad siya, biglang bumalik lahat ng mga memories niya dito. Lahat ng nangyari. Lahat ng masasaya at malulungkot na nangyari sakanya nung college pa siya, naalala niya ulit.

Tumingin si Summer sa palgid. Ang dami nang nagbago. Sa loob ng pitong taon, sobrang dami nang nangyari dito. Yung mga puno na madalas nilang tambayan dito, pinutol na. Pakiramdam niya tuloy, natapon na rin lahat ng memories.

Pero teka, baka naman nagtataka kayo kung anong nangyari sakin sa loob ng pitong taon—

Ah, sandali. May tumatawag kay Summer. Grabe, bastusan lang?

"Hello?"

"Nasaan ka ngayon? Gusto mo ba sunduin kita?" tanong ng lalaking nasa kabilang linya.

"Ha? Wag na. Mag t-taxi nalang ako. Pahinga ka nalang muna dyan."

"Sigurado ka ha?"

"Oo na."

"Sige, sige. Basta mag-iingat ka ha? Papakasalan pa kita uy."

Nag-blush bigla si Summer. Nako! Buti na lang at hindi niya kaharap ngayon ang kausap niya! "Landi mo talaga!"

"Mahal mo pa rin naman! Hahaha sige, bye. Love you!"

"Oo na, sige na," ibinaba ni Summer ang telepono at napangiti ng wala sa oras.

Ayy, ano ba ulit yung pinag-uusapan natin kanina? Ah! Kung ano yung nangyari kay Summer sa loob ng pitong taon.

Pero bago muna yun, yung tumawag sakanya ngayon lang, kung iniisip niyong si Clyde 'yun, nagkakamali kayo.

Pagkatapos ng break up nila ni Clyde, oo, umasa si Summer na baka magkabalikan pa sila. Umasa siya na baka magbago ang isip ni Clyde at puntahan ulit si Summer nung araw na iniwan siya nito para habulin si Lian. Pero nagkamali siya.

Naabutan ni Clyde si Lian at nakapag-desisyon silang dalawa na magkaroon ng Long Distance Relationship. Nasa France si Lian at nasa Pilipinas naman si Clyde. Oo, naging sila nga. Nung makapagtapos na si Lian ng college dun, bumalik ulit siya dito at nagsama na sila.

Happy Ending noh? Buti pa sila.

Habang si Summer naman, na-realize na talagang wala na silang pag-asa ni Clyde, kaya naman sinubukan niyang mag-move on. Aminado naman siyang nung umpisa, ay sobrang hirap.

Kasi naman, si Clyde yung unang taong minahal niya. Siya yung taong nagpaligaya kay Summer. Kaya naman ang hirap niyang mabura sa isip at puso niya nun.

Araw-araw, iiyak si Summer ng walang rason. Pero ang totoo niyan, naalala niya si Clyde at yung sakit na binigay niya sa kanya nun. Hindi rin siya makakain ng maayos. Madalas na siyang mag-cutting. At dumating pa nga sa punto na halos bumagsak na siya sa mga grades niya dahil walang-wala na siya sa sarili niya. He left her misrable.

Pero nagulat nalang si Summer kasi, gumising nalang siya isang araw na wala na ang sakit na nararamdaman niya sa puso niya. Yung araw na nakalimutan niya na si Clyde. Yung araw na ngumiti na ulit siya.

Kahit siya rin ay hindi alam kung paano nangyari 'yun. Pero ang alam lang ni Summer, tinulungan siya ni God na ma-overcome lahat ng sakit na nararamdaman niya.

And in that very moment, she started a new life. A new beginning. A second chance to turn everything upsidown. Oo, binago niya lahat.

Nag-aral si Summer ng mabuti at binawi lahat ng mababa niyang grades, naging top student pa nga siya eh. Mas naging palaayos din siya sa sarili niya. Inayos niya lahat ng pwedeng ayusin sa sarili niya. Mas naging active na rin si Summer sa clubs/organizations sa school nila. Mas naging busy nga siya nun, pero natuwa siya kasi mas nagkaroon siya ng time na makipag-interact at maki-halubilo sa mga schoolmates niya. Marami siyang naging kaibigan.

Marami rin namang nag-attempt na manligaw kay Summer. Pero, sadyang wala pa talaga sa isip niya nun ang pumasok sa panibagong relasyon. Hindi pa kasi siya ready. At oo, medyo natakot nga siya kasi baka masaktan ulit siya tulad sa nangyari sa kanila ni Clyde.

Pero good thing na friends pa rin sila ni Clyde. Siguro nga hindi na sila ganun ka-close tulad ng dati pero atleast nag-Hi or Hello naman sila sa isa't-isa noh.

At ayun nga, nung maka-graduate na siya, nakapag-decide si Summer na pumunta sa ibang bansa at mag-trabaho. Sa Canada, to be exact.

Syempre nung pumunta siya dun, medyo hindi na siya inosente dahil mas marami na ang alam niya, kumpara naman nung pumunta siya dito sa Maynila. Sobrang wala siyang alam.

Doon, nakapag-tabaho siya ng maayos, lagi siyang napo-promote, tumataas ang sweldo niya, naging boss siya sa isang malaking kumpanya, at hanggang sa naging manager na rin si Summer, sa wakas.

Nagtayo ng sariling business si Summer at good thing, na patok ito sa mga tao. Hanggang sa naging successful ito, at nagkaroon na rin ng iba't-ibang branches sa iba't-ibang bansa. Ang galing no? Sa maiksing panahong yun, ang dami niyang blessings na natanggap.

Pero ang isa sa pinaka-importanteng bagay na natanggap ni Summer nun ay si Andrew. Si Andrew ay isa ring business man na nakilala ni Summer dun sa Canada. Pero hindi siya Canadian ha, Pinoy din siya. Dun lang talaga siya nagta-trabaho.

At tama, si Andrew nga yung kausap ni Summer kanina sa telepono.

Nagkakilala sila ni Andrew kasi na-wrong send siya ng text nun kay Summer. Ang hindi nila alam, nang dahil sa wrong send na 'yun, magtatagpo ang landas nila, at makikilala ni Summer ang kanyang sariling Mr. Right.

Kasi ngayon, siya na ang finacé ni Summer. Nagbakasyon lang sila saglit dito sa Pilipinas pero pagkatapos lang ng ilang buwan, babalik ulit sila sa Canada, at magpapakasal.

Astig ba? Totoo nga yata yung sinsabi nilang, "Kapag may umalis, may darating."

Nung nawala si Clyde, akala ni Summer ay hindi niya na kaya pang mabuhay. Pero nagkakamali siya. Sobrang nagkamali siya. Kasi nung nawala si Clyde, sunod-sunod yung mga blessings na natanggap niya. She's having a happy life, at kuntento na siya doon.

Pero thankful pa rin si Summer na nakilala niya si Clyde. Kasi kung ia-analyze mo talaga ang bawat isang nangyari sa buhay niya, si Clyde pa rin ang pinaka naging dahilan kung bakit nandito si Summer. Kung hindi niya siguro ito nakilala, malamang hindi siya magiging ganito ngayon.

Si Gabby at Autumn? Ayun. Magiging parents na sila. Buntis kasi si Autumn ngayon eh. And it's a baby boy!

Naglakad-lakad ulit si Summer at ayun, may nakita siya puno. Eto nalang yata yung nag-iisang puno dito sa buong campus. Sana naman wag na nilang putulin. Napapikit si Summer dahil sa sobrang sarap ng hangin. Haaaay. Nakakamiss talaga 'tong Pilipinas.

"Summer?"

Bigla siyang napadilat nang marinig siyang may nagsabi ng pangalan niya. Lumingon siya kaagad at dun niya nakita ang isang lalaking nakatayo sa harapan niya.

"C-Clyde?" kung hindi nga siya nagkakamali, si Clyde nga talaga yata 'tong nasa harapan niya ngayon. Yung korte ng mukha, mata at ilong, alam niyang si Mokong nga talaga 'to.

"Haha oo, ako nga." lumapit siya kay Summer at tinabihan ito. "Long time no see ah?"

"Oo nga eh."

Nung mga panahong yun, naramdaman ni Summer ang pagbilis ng tibok ng mga puso niya. Ito ang sanhi ng tinatawag nga nilang First Love.

"'Bat ka pala nandito?" tanong ni Summer.

"Syempre pinuntahan kita." ngumiti si Clyde sa kanya.

"Eh? Paano mo naman nalaman na nandito ako, sige nga?" pabirong tanong ni Summer.

"Sus, ang isa sa pinakasikat na business woman dito sa Pilipinas ay ikaw Summer. Kaya wag kang magtataka kung hindi ko makikita sa dyaryo yang pangalan mo at ang mga balita tungkol sayo." pinitik ni Clyde ang noo ni Summer.

Eto nanaman, nararamdaman niya nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi pwede 'to, Summer. Hindi pwede. May fiancé ka na! Wag ka na lumandi!

"Eh 'bat mo naman ako hahanapin? Ikaw ha, namiss mo ako masyado!" natatawa at pabiro ulit na sabi ni Summer.

"As a matter of fact, yes." hindi niya ine-expect yung sagot na 'yun. Ang akala niya ay sasagutin siya nito ng, 'Utut mu! Baka ikaw dyan nakamiss sakin!' o kaya naman, 'Ikaw? Mamimiss ko? Tch!'. Iba pa rin talaga ang pakiramdam pag kasama mo yung first love mo.

"Hm," inabot ni Clyde kay Summer ang isang envelope.

"Ano 'to?"

"Wedding Invitation." nakangiti niyang sagot. "Invited ka sa kasal namin ni Lian."

Kilala ni Summer ang sarili niya. At alam niyang deep down inside, nasaktan siya. Hindi niya alam kung bakit. Ikaw rin naman Summer diba, ikakasal na rin? So bakit ka masasaktan kung ikakasal na rin si Clyde? Tsk, alam na. Haha joke.

"A-ah, ganun ba..."

"Yup! Punta ka ha!"

Pinilit niyang tumawa, "Sige sige. Ica-cancel ko lahat ng schedules ko para maka-attend ako." Ngumiti si Clyde at pagkatapos nun ay nagpaalam na rin, tinatawag na raw kasi siya ni Lian.

Siguro nga, kahit anong mangyari, sa kanya parin ang bagsak ni Clyde. At kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkasama sila, wala na tayong magagawa.

Tinignan ni Summer si Clyde habang papalayong naglalakad sa kanya.Ganitong view rin ang nakita niya nung araw na iniwan siya nito. Nakita niyang papalayo ang mahal niya...

Napa-isip siya. Siguro nga kung wala si Lian, sila na ang magkakatuluyan ni Clyde. Siguro magiging masaya sila.Pero tulad nga ng sinabi niya kanina, wala eh.

Nung nakita niya ulit si Clyde, parang ayaw niya pa siyang i-let go. Kaso kailangan. Ganito nga talaga siguro ang epekto ng first love.

Ngumiti nalang si Summer. Okay na siguro yung ganito. Eto siguro yung plan ni God. Wala tayong magagawa. Tsaka kahit na ganun, masaya at kuntento na siya kay Andrew.

Nagsimula na siyang maglakad papalabas sa main gate ng campus nang biglang may bumusinang sasakyan, na para bang nagtatawag sa kanya kaya naman lumingon si Summer kaagad. Napangiti nalang siya bigla nang makita niya ang isang lalaking nakasandal sa isang pulang sasakyan.

"Andrew!" tawag ni Summer. Ngumiti ito sa kanya. Naiinis si Summer kapag nakikita niya ang ngiting iyon ni Andrew. Ang killer smile niyang 'yun kasi ang kahinaan niya.

"Stop doing that." sabi ni Summer.

"Doing what?"

"That thing with your smile!" Oo, ganyan talaga pag nasanay sa ibang bansa. Bongga na mag-English. Grabe talaga 'tong probinsyana natin!

"Sus, wag ka nga. Dahil dyan sa ngiting yan, na-inlove ka sakin." Hinampas ni Summer yung braso niya. Dati batok, ngayon naman, hampas. Yung totoo? Sadistang girlfriend 'to!

"Halika na nga!"

"Ano muna yan?" tinuro niya yung envelope ng hawak na hawak ni Summer.

"Ah, Wedding Invitation."

"Sinong ikakasal?"

"Yung....kaibigan ko. Uhh...special friend?

"Ahh. Sige, punta tayo!" ngumiti ng parang bata si Andrew. "Tapos sa kasal natin, i-invite din natin sila." Hindi nalang siya pinansin ni Summer. Sus, kunwari pa 'yun, kinikilig naman.

Haaay. Siguro naman Happy Ending 'to diba? Hindi nga lang 'to yung ine-expect ng karamihan satin. Pero atleast masya pa rin tayo di'ba? At masaya rin sila sa kung anong nangyari sa kanila.

Siya si Summer, isang probinsyanang nagsumikap para maabot ang kanyang mga pangarap. Kahit walang naniwala sa kanya noon, sinuportahan niya ang sarili niya at ngayon, isang matagumpay na business woman na.

Dumaan siya sa maraming pagsubok sa buhay at lahat yun ay hindi naging madali. Minsan, gusto niya nang mag-give up. Pero lagi niyang naalala na nandyan si God para tulungan siya.

Naniniwala siyang ng lahat ng problema at may solusyon. Pero kung sa tingin mo ay walang solusyon, edi wag mo nang problemahin!

Papasok na sana si Summer sa loob ng kotse pero bago yun, tinignan niya ulit yung school nila.

"Salamat sa lahat ng memories." Sabi niya sa isip niya.

Siya si Summer, nagmahal siya, minahal, at nagmamahal. Nakilala niya ang lalaking nagbago sa buong buhay niya nang nagsimula na siyang magkipag-sapalaran dito sa syudad—at yun si Clyde.

Minahal niya ito ng sobra, sobra para isipin niyang siya na. Pero nagkakamali pala siya, hindi pa pala. Pero laking pasasalamat niya talaga na nakilala niya si Clyde. Dahil naging tulay din siya para makilala ni Summer ang totoong Mr. Right niya.

Moral lesson?

Minsan, sa buhay natin, nakakaranas tayo ng mga pagsubok. Tandaan niyo, lahat ng paghihirap ay may katapusan di'ba? Kung hindi pa rin masulusyunan, isa lang ang ibig-sabihin niyan—hindi pa ito ang katapusan. Wag lang kayong mawawalan ng pag-asa sa pag-abot ng pangarap niyo. Wag niyong intindihin yung sinasabi ng iba, dahil sa huli, magiging worth it ang lahat ng pagod niyo.

Minsan rin, madalas ay mga bagay na magiging sagabal—I mean, hindi naman sagabal pero, "distraction," katulad nalang kapag tayo ay nag-umpisa nang makaranas ng sinasabi nga nilang "pag-ibig." Madalas, dahil sa sobrang pagmamahal natin sa kanila ay iisipin nating siya na nga yun, pero hindi pa pala.

I know that this is mainstream, pero totoo ang sinasabi nilang bata ka pa masyado. Marami ka pang makikilala, marami ka pang matutununan. Kung matututo ka lang maghintay, makukuha mo ang gusto mo.

Para kay Summer? Si Clyde, akala niya, siya na talaga. Pero hindi pa pala.

Siguro siya lang yung ginawang way ni God para makilala niya si Andrew, or maybe pinahiram siya sa kanya ni God para maging inspiration ni Summer.

Naging distraction nga siya sa pag-abot ni Summer sa mga pangarap niya. Nang iwan siya nito, akala ni Summer ay katapusan niya na. Parang gusto niya nang mag-give up. Akala niya, wala na siyang kwenta.

Pero bumangon ulit siya, at nagising sa katotohanan. Binago niya ang lahat.

Plot twist?

May nakilala pa siyang mas higit pa kay Clyde. Mas minahal siya ng mabuti, at mas mamahalin niya rin. Bumilis man ang tibok ng puso niya kapag nandyan si Clyde, wala pa ring makakapagbago ng fact na si Andrew pa rin ang mahal niya. Naging worth it nga ang lahat.

Happy Ending?

Well, masaya naman si Summer, masaya si Clyde, masaya si Lian, masaya si Gabby. Then I think masaya na rin ang ending? Hindi nga lang nagkatuluyan ang Kutsara't Tinidor.

Maraming nangyari dahil lang sa pagpunta ni Summer sa syudad. Sa totoo lang, buong buhay niya na rin yata ang nagbago eh, at 'yun ang pinaka hindi niya makakalimutan sa storyang ito. Handa siyang ibahagi ito at i-kwento ito sa iba, at magbigay-inspirasyon sa kanila.

Siya si Summer, at sa isang iglap, nabago ang kanyang buong buhay.




The End.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 6.7K 7
Arrange Marriage #1 Skyler Takagi is a half filipino/half japanese guy, Jenny Ahbighael Lee's childhood friend and ultimate crush. Skyler Takagi is t...
430 89 20
An intrapersonal dialogue communication between me and myself. Just thoughts. Own monologue conversation with oneself.
72.3K 2.2K 59
Siya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in pre...
1.8M 44.4K 95
This is my first story I hope you'll like it